bc

Seems Like Yesterday [Tagalog]

book_age16+
1.0K
FOLLOW
3.1K
READ
opposites attract
kickass heroine
student
stepbrother
drama
campus
disappearance
first love
faceslapping
addiction
like
intro-logo
Blurb

MALUNAY GIRL SERIES #1: Miurasel Batongca

Hindi mapigilan ni Miurasel Batongca ang mahulog sa kanyang step-brother na si Geronimo Narciso na anak ng bagong asawa ng kanyang ina. Mali man iyon sa mata ng karamihan ay minahal niya pa rin ito. Mute ito ng kanyang makilala nang dahil sa trauma na kanyang sinapit ngunit hindi nagtagal ay muli itong nagsalita sa tulong niya. After ng kasal ng kanilang mga magulang ay naiwan sila sa pangangalaga ng kanyang tiyahin upang mag-honeymoon sa ibang bansa. Nagbago doon ang lahat, mula sa pagiging marangya ay naghirap sila at naging katulong at alipin sa sariling tahanan. Naging sandalan nila ang bawat isa at nang dahil dito ay mas naging malapit pa.

Sa pagbabalik ng kanilang mga magulang ay paano nila ipapaliwanag ang relasyon nilang hindi lang pagiging magkapatid?

Hayaan kaya nila silang maging masaya o igiit nilang panindigan na magkapatid na sila?

chap-preview
Free preview
Prologue
Masayang umaawit ang mga pang-araw na ibon na nakadapo sa sanga ng mga basang siit at sanga ng nagtatayugang mga puno. Sa aking pandinig ay napakalungkot nila. Dagdagan pa ng tunog ng mga dahon na lumalangitngit sa bawat hinga ng hangin. Sadness and regrets crept on my dry lips. Nagbabadya na ang aking masaganang luha. Ang mga tuyong dahon ng puno ay walang tigil sa pagbagsak at pagkahulog sa lupa. Sa tubig ulang naipon ay tuluyan silang nababasa. Kakatapos pa lang ng isang malakas na buhos ng ulan. Ang katahimikan ng paligid ay patuloy na binabasag ng aking maingay na mga yapak ng paghakbang. Nanlalagkit ang pamilyar na palaging maputik na daanan. Walang sawang kumakagat ang talampakan ng aking suot na bota sa madulas na aspaltado ng kalsada. How long is it? It seemed like it was just yesterday. Tila kakalubog lang ng araw sa kabilang ibayo. Marami na ang mga nagbago sa pagdaan ng hindi ko na mabilang na mga taon. Sa mabilis na paglipas ng bawat minuto at oras. Sa pagpapalit ng umaga sa gabi, ng araw at ng buwan sa kalangitan, ng tag-init sa tag-ulan. Subalit, may mga bagay na magbago man ay nananatiling may bakas pa rin ng mga alaala nating lumipas na, sa nakaraan matatagpuan. “Bilisan mo na Miura, wala tayong dalang payong!” marahas na hila niya sa aking palad. Malawak akong ngumisi, nasisiyahan sa pabago-bagong panahon sa aming lugar. “Ano naman kung wala tayong dalang payong Kuya Geron?” tanong ko habang nangingiti, biyaya ito! “Pwede naman tayong kumuha ng dahon ng saging at gawin natin itong payong pansamantala. Ano sa tingin mo Kuya Geron?” Nagsimulang kusang bumagsak paibaba ang aking mapakla at mapait pa ‘ring mga luha. Walang humpay na niyakap niyakap nito ang aking malungkot at humihikbi nang mukha. Nararamdaman ko pa ang sakit, nadarama ko pa ang nakabukas na sugat sa aking dibdib. Nalalasahan ko pa ang mapait naming sinapit sa nagdaan at lumipas na naming kahapon. “Ayaw ko ng dahon ng saging Miura, nagma-mantsiya.” agad na reklamo niya. Pinag-krus ko ang aking dalawang bisig sa aking dibdib. Tinitigan siya sa kanyang mga mata. Aliw na aliw ako sa mga kaartehang ipinapakita niya. Gusto ko pang marinig ang ilang mga ka-inosentehan niya. Malinaw na malinaw pa ang bawat detalye nito sa aking lumalabo at lumalayo ng balintataw. “Mamili ka Kuya Geron, mababasa tayo ng ulan at magkakasakit o madu-dumihan ang ating suot na damit? Bilisan mo!” Ngumisi siya dahilan upang kumislap ang suot niyang mamahaling braces sa ngipin. Lumabas din ang kanyang nagtatagong malalim na mga biloy na nasa kanyang magkabilang pisngi. “I choose the last one.” Agad nagsalubong ang aking mga kilay. Porket hindi ako masyadong matalino sa ingles, i-english niya ang mga sinasabi niya sa akin? “Ano? Huwag mo nga akong inglesin diyan, alam mong hindi ko iyon naiintindihan!” Matapang siyang sumugod sa malakas na bagsak ng ulan. Hindi pinansin ang aking namumuong inis sa kanyang mga tinuran. Nagmamadali siyang pumutol ng dalawang dahon ng saging gamit ang aking gunting. “O ayan, masaya ka na?” Nakangisi ko iyong tinanggap. “Oo naman, basta kasama kita Kuya Geron.” ngiti kong ikinailing lamang niya habang natatawa, “Kaya dapat ay hindi mo ako iwan.” Mga salitang nanggaling mismo noon sa aking musmos na bibig, na ngayon ko lang nalaman at naramdaman ang katumbas nitong sakit. Tahimik kong itinupi ang aking dalang payong at dinukot sa bulsa ang aking maliit na panyo. Ipinunas ko iyon sa aking mukha na may mga bakas na naman ng aking dumaang mga luha. Imposible na hindi ako masaktan. Imposible na okay lang sa akin lahat dito. Imposible na hindi ko siya maalala at lalong imposible naman na tuluyan ko na siyang makalimutan. “Miura? Hija?” tanong sa akin ng isang pamilyar na tinig sa aming nakaraan. Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata at inayos ang aking bahagyang nagulong buhok. Ayokong maging mahina sa paningin ng lahat. “Aling Siruya hindi ka po tumatanda!” nakangiti kong baling sa kanya, bakas na ang kanyang pagtanda sa kulay ng kanyang buhok at sa kumukulubot niyang mukha. Ayoko lang iyon na ipamukha sa kanya. “Si Mang Timo po kumusta na?” asawa niya ang tinutukoy ko. Nakangiti siya sa aking tumango-tango. “Ayos lang ang Mang Timo mo, ayon at mas malakas pa sa alaga naming inahing kalabaw.” Isa siya sa naging saksi ng aking kabiguan sa aking nakaraan. Saksi siya sa pagmamalupit sa akin ng kapalaran at madamot na tadhana. “Ngayon nalang ulit kita nakita.” aniyang sinuri pang mabuti ang aking mukha, “Kumain ka na ba? Ibig kong sabihin, kumakain ka pa ba ha?” Paulit-ulit akong tumango sa kanya kahit na ang totoo ay hindi pa talaga ako kumakain. “Pumapayat ka hija.” Peke at walang humor akong patuloy na ngumiti sa kanya. Kaya ko pa itong ikubli. Walang imik niya akong niyakap pagkatapos na magtama ang nangungusap na mga mata naming dalawa. Mahigpit na mahigpit iyon. “Kumusta ka na?” Nagsimula akong mahinang humikbi kasabay ng pagganti ko sa mga munting yakap sa niya. Sa bawat araw at taon na dumadaan ay pinipilit ko naman ang sarili na maging agad maayos. “Hindi pa rin po ako okay, Aling Siruya.” tugon ko na dito na nagkaroon na ng tunog ang hikbi, “Kailanman, pakiramdam ko po ay hindi na ako magiging maayos pa. Hindi na mawawala pa ang kirot at sakit, hindi na maglalaho ang kirot na malalim na nakapunla sa aking dibdib.” “Sssh, kaya mo iyan hija.” bulong nito m na marahang hinagod-hagod ng palad ang aking likod, “Malakas ka at napakatatag, kaya mo ulit na malagpasan ang lahat ng mga ito ngayon.” Ang sugat na malalim kahit na unti-unti itong naghihilom, kapag muling nabuksan ay may sakit pa rin. Kahit tuyo na ang labas na anyo nito, mayroong kurot pa rin ng sakit dito oras na aksidenteng iyo iyong biglang nahawakan. Ang sabi nila ang sugat ng ating kahapon ay hinihilom sa pagdaan ng mga oras at taon. Ang sugat na gawa ng ating kapalaran kapag tinanggap mo na ay magiging maayos ka rin. Ngunit ang sugat na halos pumatay sa'yo, dumurog sa'yo, at isinumpa mo kailanman ay hindi na maglalaho at tuluyang maghihilom. “Kumain ka ng marami Miurasel,” saad ni Mang Timo habang dinadala sa aking harapan ang malaking mangkok ng nilugaw, “Sobrang laki na ng ipinayat mo ngayon kumpara noong huling punta mo sa lugar na ito, Miura.” Pinilit ako ni Aling Siruya na sumama sa kanya dito upang kumain kanina. Hindi siya tumigil hangga't hindi nakukuha ang kanyang nais. Noong una ay ayaw kong pumayag dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. At ayaw ko ‘ring balikan pa ang mga alaala namin sa kanilang kainan ng aking lihim na nagdaan. Ngunit nang dahil sa kanyang pamimilit, sa bandang huli ay pinili ako nitong sumama. “S-Salamat po, Mang Timo.” “Naku, walang anuman iyan, kumain ka hija.” si Aling Siruya na pilit na ngumingiti sa akin, “Pakabusog ka, ha? Kumain ka ng marami.” Marahan akong ngumiti bago tuluyang tumango sa kanyang tinuran sa harapan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
999.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

My Godfather My husband

read
271.3K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
430.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.5K
bc

A Night With My Professor

read
514.2K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook