Story By Jab Morales
author-avatar

Jab Morales

ABOUTquote
I am a new aspiring writer from the Philippines. I want to use my writing to give entertainment and also to influence others in a good way. When I am not writing, I\'m watching some TV series. When I am not watching TV, I play mobile games. When I am bored, I write my thoughts.
bc
Tyrant Four: Humanity's Last Hope
Updated at Feb 27, 2022, 06:14
?3rd Place? Rise from the Ashes: King from Nobody Entry Si Juan Domingo IV o Boss Four para sa kanyang mga nasasakupan, ay ang boss ng tanyag na Dragonica Family, ang pinakamakapangyarihang Mafia Family sa bansa. Kilala siya sa buong lupain bilang isang malupit, matapang at walang kinakatakutan na lider at dahil doon ay binansagan siya ng kanyang mga kalaban na Tyrant Four. Dahil sa malungkot at madilim na nakaraan ay wala siyang pinagkakatiwalaan bukod sa kanyang sarili at sa kanyang nakababatang kapatid na isinumpa niyang poprotektahan kahit anong mangyari. Nang dahil sa inggit, galit at pagnanasa sa kapangyarihan ay dinakip si Four ng mga kalaban. Binugbog siya at pinagbantaang patayin. Ngunit nang mga oras na mamamatay na siya ay naganap ang isang kakaibang pagsababog. Isang pagsabog na yumanig sa kalupaan at ang mismong kumitil sa kanyang buhay. Sigurado siyang namatay siya sa pagsabog. Pero sa hindi malamang kadahilanan, ay muli siyang nagising. Nagising siya ng walang sugat o galos man lang. At ang pinakanakakapagtaka, ay wala siyang maalala bukod sa pangalan niya at sa nakakatakot na pagsabog na 'yon. Isang madilim, mausok at sirang mundo ang tumambad sa kanya paglabas niya. Halos walang gusali ang natirang nakatayo. Isang mundo na tila, wala ng buhay pang natitira. Hanggang sa biglang may umatake sa kanya. Isang malaki, mabuhok, may mahahaba at matatalim na mga ngipin at kuko na nilalang. At dito na niya napagtantanto na ang mundong kinagisnan niya ay tuluyan ng nagwakas.
like
bc
Tutor of the High School Playboy
Updated at Dec 21, 2021, 19:29
Yugto Writing Contest- All the Young Entry Isang mabuting anak at matalinong estudyante si Rosalyn Carpio. Lumaki siya sa isang simpleng pamilya at payak na pamumuhay. At sa edad na labing-pitong taong gulang ay naisipan na niyang tumulong sa kanyang mga magulan at mag-ipon para sa kolehiyo. Naisip niyang magtrabaho bilang isang private tutor. Pero hindi niya inakala na ang pinakakinaiinisan niyang tao, ang magiging una niyang estudyante. Si Ethan Chris Monteverde. Si Ethan Chris Monteverde ay ang tagapagmana ng pinakamalaking Tech Comanpany sa bansa. Matangkad, gwapo at talentado. Magaling siya sa sports, sining at musika, pero mabababa ang lahat ng kanyang mga marka sa eskwela. Marami ng naging tutor si Ethan, pero dahil sa pagiging arogante nito ay walang tumagal ni isa. Isa pa, kilala ang binata bilang isang playboy sa kanilang eskwelahan. Pero nang dahil sa biglang pagdating ni Rosalyn sa buhay niya, ay biglang nagbago ang pananaw niya sa mga bagay-bagay at kasabay noon ay pagkakaroon niya ng espesyal na nararamdaman para sa tutor niya. Pero hindi magiging ganoon kadali ang lahat. Lalo na sa pagpasok ng kapatid niyang si Evo sa eksena. At sa pagdating ng dalaga na nakatakdang ikasal sa kanya sa hinaharap na si Anastasia. Idagdag pa sa problema ang masama niyang reputasyon sa mga mata ni Rosalyn. Ano ang mangyayari sa nararamdaman ni Ethan para kay Rosalyn? Magagawa ba talaga ni Rosalyn na baguhin si Ethan? Paano nila lalasapin ang sarap ng unang pag-ibig at paano nila haharapin ang sakit ng unang pagkabigo sa mga buhay nila?
like
bc
The Four-Petaled Flower
Updated at Nov 27, 2021, 21:00
Gaano mo kakilala ang asawa mo? Ang taong pinakamamahal mo? Paano kung may sekreto pala siyang itinatago sa iyo? Isang madilim na nakaraan na hindi mo inaakalang mayroon siya. Magbabago ba ang pagtingin mo sa kanya? Mawawala ba ang pag-ibig o mananaig ito kahit anong mangyari? Paano kung ang sekretong iyon ay maglagay sa buhay mo sa panganib? Ano ang gagawin mo kung malaman mong may apat na katauhan ang asawa mo? Isang bagong kaso ng sunod-sunod na p*****n ang hawak ng sikat na pulis at detective na si Marco Perez. At gagawin niya ang lahat matigil lang ito at maibalik ang kapayapaan sa kanilang siyudad. Pero habang lumalalim ang imbestigasyon niya at ng mga kasama niya ay may mga matutukalasan siya. Tungkol sa pinagsimulan ng p*****n at sa sekretong itinatago ng kanyang pinakamamahal na asawa. Ano ang gagawin ni Marco? Paano kung dumating sa punto na mawala na ang pundasyon ng pagsasama nilang mag-asawa? Paano kung lahat ng ebidensya, ang itinuturo ay ang kanyang asawa?
like
bc
Will It Last?
Updated at Aug 29, 2021, 20:00
Buong akala ni Marie ay katapusan na niya nang bumagsak ang sinasakyang eroplano papuntang Taiwan. Akala niya, ay hindi na niya makikita pa ang pinakamamahal na pamilya. Ngunit matapos ang nakakatakot na pangyayari ay nagising siya sa isang walang katao-taong isla. Nakadama siya ng takot at hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa makita niya ang isang katawan na palutang-lutang sa dalampasigan. At kahit natatakot, ay pinuntahan niya ito at sinubukang i-revive. At sa kabutihang palad ay nagising ito. Kahit nagpapasalamat dahil may makakasama ay hindi siya masaya. Ang lalaking iyon kasi ang nakaaway niya sa airport bago siya umalis ng bansa— si Eric. Si Eric Von Perez ay isang seryoso at aroganteng binata. Malamig siya sa mga babae at ang tingin niya sa mga ito ay mukhang pera. Siya ang tagapagmana ng pinakamalaking group of companies sa bansa pero kahit parang nasa kanya na ang lahat ng bagay ay hindi siya masaya. At ang dahilan kung bakit siya pupunta ng Taiwan ay para tapusin na ang kalungkutan at galit na kanyang nadarama, at ang buhay niya. Pero ang pananaw niya sa buhay ay binago ng masayahin at positibong si Marie. At sa tagal ng inilagi nila sa isla ay hindi namalayan ng binata na nahulog na ang loob niya sa dalaga. Hanggang sa dumating ang isang bagyo. Nagkasakit si Marie at nalagay sa alangin ang kanyang buhay. Mabuti na lang at na-rescue sila ng mga kaibigan ni Eric na walang sawang naghanap sa kanya. Ngunit ang pagbalik nila sa Maynila ay naging balakid sa kanilang namumuong pagmamahalan. Ayaw ng matapobre at makasariling ina ni Eric kay Marie at muling nanghihimasok sa buhay nila Eric at Marie ang mga taong nanakit sa kanila ng husto. Patuloy silang pipigilan ng tadhana at ng malayong agwat ng katayuan nila sa buhay. Mananaig kaya ang pag-ibig nila sa isa't-isa? At kung oo, hanggang kailan naman kaya?
like
bc
Love and Conquer
Updated at Aug 6, 2021, 05:11
I want to write a story with a planned plot and I want to write 1500+ words per day. I want to learn more about writing and I would be very happy to improve my writing skills. It is also my goal to reach more readers.
like
bc
A Love to Last Forever
Updated at Mar 30, 2021, 19:00
Napakalaki ng hinanakit ni Al kay Alicia nang umalis ito ng walang paalam noong mga bata pa sila. Pakiramdam niya ay hindi pinahalagahan ng kababata ang pinagsamahan nila. Pero hindi lang 'yon ang dahilan. Dahil ang totoo, ay nahulog na ang loob niya rito at masakit para sa kanya ang biglaan nitong paglisan. Nag-iwan lamang ito ng isang liham, na naglalaman ng pangakong muli silang magkikita sa hinaharap. Umasa si Al sa pangakong iyon. Umasa siya na isang araw ay babalik muli ang kababata, at maipagpapatuloy nila ang naudlot na pag-iibigan. Lumipas ang mga taon, at si Alicia ay naging isang tanyag na mang-aawit sa buong daigdig at si Al, ay lumaki kasama ang kanyang mga magulang sa kanila ng koprahan. Langit at lupa ang agwat nilang dalawa pero hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Al na makikita muli ang pinakamamahal na kababata. Hanggang sa nangyari na ang hindi niya inaasahan. Isang araw, sa dalampasigan kung saan madalas na naglalagi si Al ay may napansin silang lumulutang-lutang. At nang nilapitan nila ito, ay nalaman nilang ito si Alicia. Ngunit nang magising ito, ay wala itong maalala. Bagama’t gano’n ang kalagayan ay natuwa si Al. Inalagaan niya ang pinakamamahal. At ang pagmamahal niya para kay Alicia ang naging susi para unti-unting bumalik ang ala-ala nito. Pero ang akala ni Al na magiging happy ending ay simula pa lang ng pagsubok sa pag-iibigan nilang dalawa ni Alicia. Ipinahanap si Alicia ng kanyang makasirili at ambisyosang madrasta. At ang ambisyon at mga kagustuhan nito ang siyang pipigil sa kanilang pagmamahalan. Pero bukod doon, ang pinakamahirap nilang kalaban ay ang oras. Dahil si Alicia ay may espesyal na uri ng sakit. Isang espesyal na kaso ng Alzheimer’s disease. Paano malalagpasan nila Al at Alicia ang lahat ng balakid sa kanilang harapan? Paano mananaig ang pag-ibig nila sa isa’t-isa habang patuloy na kinakain ng sakit si Alicia? Paano nila tutuparin ang pangako sa isa’t isa na magmamahalan, hanggang sa dulo ng walang hanggan? Magpapatuloy pa ba ang pag-iibigan kahit tuluyan ng lumisan ang isa?
like