bc

Love and Conquer

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
gangster
bxg
kicking
city
like
intro-logo
Blurb

I want to write a story with a planned plot and I want to write 1500+ words per day. I want to learn more about writing and I would be very happy to improve my writing skills. It is also my goal to reach more readers.

chap-preview
Free preview
Week 1 How to Create an Initial Outline
Step1: Main Ideas 1.       Isang tanyag at mabait na abogado ang nalagay ang buhay sa panganib dahil sa paglaban niya sa kurapsyon at katiwaliaan. Nadamay ang kanyang anak sa banta sa kanyang buhay. Isang araw, nangyari ang kinakatakutan niya. Napatay ang abogado ngunit nakaligtas ang anak niyang babae. Ang anak niyang babae ang may hawak ng mga ebidensya ngunit pansamantalang nawala ang ala-ala nito. 2.       Ang nagligtas sa anak na babae ng abogado ay isang binata na mula sa grupo ng mga hitman na pumatay sa abogado. Ang lalaking ito ang anak ng tunay na nagtatag ng grupo. Itinatag ang grupo para sa mabuting mga bagay ngunit ng aksidenteng mamatay ang nagtatag nito ay napasakamay ito ng isang sakim na tao. Mula noon ay tumanggap na ng masasamang trabaho ang grupo. Nais ng lalaking ito na baguhin at ibalik sa dati ang grupong binuo ng ama niya. Step 2: Draw the Plot Mga tanong: 1.       Bakit kailangang pataying si Don Harold at ang kanyang anak na si Anastasia?                 Si Don Harold ay kilala sa paglaban sa kurapsyon at katiwalian. Maging ang malalaking mga tao at mga opisyal ng gobyerno ay binabangga niya. Tinanggap niya ang posisyon para sa isang bagong tatag na ahensya. Ahensyang pupuksa at lilitis sa mga corrupt officials. Alam ng mga tiwaling opisyal na tapat si Harold at malaking banta sa kanila kaya pinagpasyahang ipapatay siya. Si Anastasia ang maaaring may hawak ng ilan sa mga ebidensya at siya ang tanging pinagkakatiwalaan ni Don Harold pagdating sa trabaho.   2.       Sino ang nagpapatay sa kanila?               Si Senator Edgar Aguirre, ang best friend ni Don Harold. Palihim kung kumilos si Senator Aguirre kaya naman hindi halata na isa siya tiwaling opisyal na may kinalaman sa droga at pagpatay. At isa sa mga maididiin kung sakiling makaka-upo sa pwesto si Don Harold. Kasabwat niya sa plano si Jonas ang inampon ni Don Harold. Gusto niyang masolo ang kayamanan ng mga De Vera. 3.       Bakit gusto ni Lucas na pigilan ang dati niyang grupong Vindicta?               Binuo ng ama ni Lucas na si Arthur ang Vindicta para sa mga mahihirap, naaapi at para sa mga hindi makakamit ng hustisya. Ngunit ng mamatay ito at mapasakamay ng sakim na si Toreno ay naging grupo na ito ng mga kriminal. Gusto ni Lucas na ibalik ang grupo sa dati para sa karangalan ng pangalan ng kanyang ama. 4.       Bakit niya tinulungan si Anastasia?               Nang marinig ni Lucas kay Toreno na ang target ay ang mag-amang De Vera ay agad siyang bumuo ng plano sa kanyang isipan. Kaibigan ng ama niya si Don Harold at Anastasia naman ang una niyang pag-ibig. Inihabilin sa kanya ng kanyang ama ang mag-ama bago ito mamatay. 5.       Sino ang pumatay sa ama ni Lucas?                 Si Toreno ang kanang-kamay nito. Pinatay si Arthur para makuha ni Toreno ang posisyon ng pagiging leader ng grupo. Pinalabas niya na aksidente ang lahat. Step 3: Scenes, Other Charactes and Timeline  Scene 1: Sa mansyon nila Anastasia.                 Nagulat si Anastasia nang biglang pumasok ang kanyang ama sa kwarto niya dala ang isang malaking maleta. Mabilis itong nag-impake ng mga damit niya. Hindi maintindihan ni Anastasia ang nangyayari. Sunod-sunod ang tanong niya sa ama ngunit hindi ito sumagot. Balisa lang ito at abala sa ginagawa. Hanggang sa sumigaw siya na hindi siya sasama sa ama kung hindi ito magpapaliwanag.                 Mayaman, matalino, matulungin at tapat na abogado si Don Harold, ang ama ni Anastasia. Dahil dito ay madalas silang nakakatanggap ng mga death threats. At nang tanggapin niya ang posisyon ng pagiging direktor ng BIAC (Bureau of Investigation Against Corruption), ay lalong dumami ang pagtatanka sa buhay nila at mas naging mapanganib. Ipinaliwanag ni Don Harold sa dalagang anak ang nangyayari at maaaring mangyari. Nagulat si Anastasia sa mga narinig. Matapos noon ay ipinagkatiwala sa kanya ng ama ang isang flash drive na naglalaman ng mga dokumento may kinalaman sa mga magnanakaw na mga opisyal at mga kriminal na pinoprotektahan ng mga ito. Sinabi rin ni Don Harold na maski siya ay hindi pa nakikita ang nilalaman ng flash drive. Sunod na iniabot kay Anastasia ang isang cellphone. Mahigpit na ibinilin sa kanya ng ama niya na tawagan ang numerong naroon sa oras na mangailangan siya. Lalong nakadama ng pag-aalala si Anastasia pero tinanggap niya ang mga iniabot ng ama at ipinasok ang mga ‘yon sa bulsa ng pantalon. At kahit puno ng takot ay mabilis siyang nag-impake ng mga gamit niya.   Scene 2: Sa headquarters nila Lucas.                 Nag-aayos na ng mga gagamiting mga baril ang mga hitmen nang dumating sa Lucas sa headquarters nila. Hindi na niya mapigilan ang galit lalo na at patuloy pa rin sa mga ilegal na gawain ang grupong itinatag ng kanyang yumaong ama. Isang grupong itinatag upang tumulong sa mga nangagailangan at naaapi. Nagbago lang ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Bata pa siya noon at hindi pa handa para pangunahan ang grupo kaya naman ibinigay ang posisiyon sa kaibigan ng kanyang ama na hindi nagtagal ay lumabas ang tunay na kulay. Naging mainit ang usapan ng dalawa. Nagkaroon ng sumbatan at bulyawan. Nagkabantaan ang dalawa at lalong nagningas ang galit ni David nang malaman ang ang target ay si Don Harold ang isa sa mga tumulong sa ama niya noon. Pumalag si David ngunit mabilis siyang nabugbog at ipinatapon sa labas ng headquarters kasama ng limang tauhang tapat sa kanya. Pero hindi iyon ang pipigil sa kanya na iligtas ang kaibigang tumulong sa kanila noon.     Scene 3: Ang pagtakas.                 Nakaalis na ng mansyon sina Anastasia at Don Harold. Magkaiba ang ginamit nilang sasakyan at mayroon silang tig-apat na body guards sa bawat sasakyan. Iba pa ang dalawang van na puno rin ng mga tauhan, isa sa unahan at isa na nakasunod sa kanila. Dederetso sila sa airport at tatakas papunta sana sa Switzerland. Nang biglang sumabog ang sasakyang nasa unahan nila. Napahinto ang lahat ng sasakyan at sunod-sunod na putok ng mga baril ang narinig sa paligid. Kasunod noon ay ang pagsabog ng sasakyan ni Don Harold. Tumilapon pataas ang sasakyan sa lakas ng pagsabog. Napasigaw si Anastasia sa nakita at dahil sa pag-aalala sa ama. Sunod niyang nakita ang mga lalaking naka-itim na lumabas mula sa gilid ng kalsada at ang ilan ay galing sa mga sasakyang kararating lang. Nataranta siya. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan ngunit sakto namang sumabog ang sasakyang sinakyan niya. Tumilapon siya sa gilid ng kalsada. Sugatan dahil tumama ng malakas ang ulo niya sa isang malaking bato. Sunod-sunod sumabog ang mga sasakyan hanggang sa biglang tumahimik ang paligid. Mga yabag na lang ng mga bota ang naririnig ni Anastasia at tila sinisigurado ng mga hitman na walang nakaligtas ni isa sa kanila. Tila mawawalan na ng malay si Anastasia pero pilit niyang iginapang ang sarili para magtago pero kulang na ang lakas niya at papalapit na ang mga lalaki sa kanya. Hanggang isang malakas na paghila ang naramdaman ni Anastasia. Gusto niyang sumigaw dahil sa takot pero wala na siyang lakas para doon. Hanggang sa makita niya ang isang mahitsurang lalaki na tumakip sa bibig niya at nakayakap sa kanya habang nakatago sa isang malaking bato. Hindi niya kilala ang lalaki pero hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang kapatanatagan sa mga bisig nito. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Muling nakarinig ng putukan si Anastasia ngunit pagkatapos noon ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. At pagkagising niya ay wala na siyang ibang maalala bukod sa pangalan niya.                  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

Dangerous Spy

read
299.5K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook