bc

Will It Last?

book_age16+
918
FOLLOW
3.7K
READ
love-triangle
goodgirl
independent
brave
sweet
bxg
lighthearted
female lead
enimies to lovers
sisters
like
intro-logo
Blurb

Buong akala ni Marie ay katapusan na niya nang bumagsak ang sinasakyang eroplano papuntang Taiwan. Akala niya, ay hindi na niya makikita pa ang pinakamamahal na pamilya. Ngunit matapos ang nakakatakot na pangyayari ay nagising siya sa isang walang katao-taong isla. Nakadama siya ng takot at hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa makita niya ang isang katawan na palutang-lutang sa dalampasigan. At kahit natatakot, ay pinuntahan niya ito at sinubukang i-revive. At sa kabutihang palad ay nagising ito. Kahit nagpapasalamat dahil may makakasama ay hindi siya masaya. Ang lalaking iyon kasi ang nakaaway niya sa airport bago siya umalis ng bansa— si Eric.

Si Eric Von Perez ay isang seryoso at aroganteng binata. Malamig siya sa mga babae at ang tingin niya sa mga ito ay mukhang pera. Siya ang tagapagmana ng pinakamalaking group of companies sa bansa pero kahit parang nasa kanya na ang lahat ng bagay ay hindi siya masaya. At ang dahilan kung bakit siya pupunta ng Taiwan ay para tapusin na ang kalungkutan at galit na kanyang nadarama, at ang buhay niya.

Pero ang pananaw niya sa buhay ay binago ng masayahin at positibong si Marie. At sa tagal ng inilagi nila sa isla ay hindi namalayan ng binata na nahulog na ang loob niya sa dalaga. Hanggang sa dumating ang isang bagyo. Nagkasakit si Marie at nalagay sa alangin ang kanyang buhay. Mabuti na lang at na-rescue sila ng mga kaibigan ni Eric na walang sawang naghanap sa kanya.

Ngunit ang pagbalik nila sa Maynila ay naging balakid sa kanilang namumuong pagmamahalan. Ayaw ng matapobre at makasariling ina ni Eric kay Marie at muling nanghihimasok sa buhay nila Eric at Marie ang mga taong nanakit sa kanila ng husto. Patuloy silang pipigilan ng tadhana at ng malayong agwat ng katayuan nila sa buhay.

Mananaig kaya ang pag-ibig nila sa isa't-isa? At kung oo, hanggang kailan naman kaya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER I
Isang napakalakas na tunog ang gumising kay Marie. Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga at napakunoot ng noo habang pilit niyang idinidilat ang mga mata na medyo masakit pa at gusto pang matulog. Umupo siya sa gilid ng kama, kinapa-kapa ang naghuhuramintadong alarm clock at pinatay ito. Mga ilang minuto din ang ini-upo niya bago tuluyang tumayo para buksan ang bintana sa tabi ng hinihigaan. Tumingin siya sa labas. Madilim pa pero marami ng tao ang naglalakad at ang iba ay nagwawalis na ng harapan ng kanilang mga bahay. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at nag check ng mga mensahe at paalala. Kagaya ng madalas niyang ginagawa sa umaga. “Oh, no! Late na ‘ko!” malakas na sabi ni Marie nang makita ang isang paalala sa cellphone. Mabilis siyang kumaripas papuntang banyo at mabilis na naligo. Ngayon kasi ang naka-schedule niyang flight papuntang Taiwan para sa isang mahalagang business meeting. Nitong mga nakaraang araw kasi, madalas na siyang nakakalimot ng mga gawain dahil sa stress sa trabaho at sa bahay. Palagi na lang siyang ginagabi ng uwi dahil sa dami ng gawaing ipinapagawa sa kanya sa trabaho. Sabayan pa ng mga problema sa pinansyal, bahay at love life. Si Marie ang breadwinner ng pamilya. May maliit na negosyo ang ama niya pero hindi ito masyadong umuuwi sa kanila at kung magpadala man ay kulang din para sa gastusin nila sa bahay. Kaya naman maagang nagsimulang magbanat ng buto ang dalaga. Nag-working student siya hanggang makatapos ng pag-aaral. Pero hindi pa rin naging ganoon kadali ang buhay para kay Marie. Nahirapan siyang maghanap ng trabaho at sunod-sunod na dagok pa ang dumating sa pamilya niya. Kaya naman nang makita niya ang trabaho niya ngayon ay niyakap niya ito ng mahigpit at kahit na hirap na hirap na siya dahil sa bigat ng ginagawa ay hindi niya magawang iwan ito. Matapos maligo ay mabilis na ibinaba ni Marie ang mga gamit na dadalhin. Agad naman siyang tinulungan ng kapatid nang makita siyang nahihirapan at nabibigatan. “Ate, tuloy ka na ba talaga?” tanong ng kapatid ni Marie. Si Marco. Matangkad, moreno, may kapayatan ang katawan ngunit gwapo. Parang male version ni Marie at ang pinagkaiba lang ay ang height at kulay nila. May pagka-mestiza kasi si Marie. “Oo. Saglit lang naman ako d'on, Marco,” nakangiting sagot ni Marie sa kapatid. “Habang wala ako, ikaw muna mag-asikaso kina Mark at dito sa bahay. At 'wag ninyong kalimutang dalawin si Matthew, malulungkot 'yon sa ospital,” sabi ni Marie na dumeretso sa kusina para makapag-kape. “Walang problema, ate. Si papa lagi namang busy 'yon. Alam mo naman. Ako ng bahala kay Mark at Matthew. Kaso baka hanapin ka ng mga 'yon. Lalo na si Matthew,” may siglang sabi ni Marco. “Nag-usap na kami ni Matthew. Basta raw bilhan ko siya ng robot na gusto niya, okay lang. Oo nga pala! 'Wag mong kalimutang dalhin 'yong paborito niyang stuffed toy sa chemo session niya. Okay?” paalala ni Marie. Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Marie at napansin ‘yon ni Marco. Kaya naman nilapitan nito ang ate at tinapik-tapik ang balikat nito. “Huwag ka ng mag-alala, ate. Malalaki na kami. Okay?” nakangiting sabi ni Marco sa kapatid na sinagot naman ni Marie ng isa ring matamis na ngiti. Mabilis na nag-agahan si Marie habang tinitignan ang oras. At matapos kumain at maibilin muli ang lahat sa kapatid ay dumerestso na siya sa airport. Baon ang pag-aalala para sa maiiwang pamilya. Kinakabahan siya. Hindi naman mawawala 'yon dahil ito ang unang beses niyang bumiyahe papuntang ibang bansa at iwan ang pamilya niya. Dumating siya sa airport ng medyo mas maaga sa oras ng flight niya. Laking pasasalamat niya at hindi ganoon kabigat ang trapiko noong araw na iyon. Hindi rin kasi siya pwedeng ma-late dahil kung hindi ay katakot-takot na sermon ang aabutin niya mula sa boss niya. Kaya naman umupo muna siya. Ini-relax ang sarili at naghintay sa waiting area. At habang naghihintay sa oras ng kanyang flight ay biglang naagaw ng cellphone niya ang kanyang atensyon. “Hello,” sagot ni Marie. “Pambihira ka. Aalis ka pala ngayon?! Andito ako sa inyo!” sigaw ng matinis na boses ng babae sa kabilang linya. “Naku! Sorry, Jo!” sagot ni Marie. “Sorry kung hindi ko na nasabi sa'yo. Ako nga nakalimutan kong ngayon ang flight ko, eh. Buti na lang at nailagay ko sa reminders sa phone ko. Ang dami ko kasing ginagawa at iniisip ngayon.” “Hay naku! Trabaho at pamilya lang isipin mo. Kalimutan mo ‘yong iba! ‘Yong walang kwenta! Pero huwag mong isubsob ng husto ‘yang sarili mo sa pagtatrabaho at baka ikaw naman ang ma-ospital.” Hindi agad nakasagot si Marie sa sinabi ng kaibigan. Naisip niya tuloy na kaya siguro labis niyang isinusubsob ang sarili sa trabaho nitong mga nakaraan buwan ay dahil gusto niyang makalimot. Maka-move on sa isang masalimuot na relasyon. “Ah, Joan. Paki-alalayan na lang sila Marco, ha?” tanging naisagot ni Marie. “Okay, no problem with that. Ang problema ay si Gerone. He was looking for you last night.” Muling natigilan si Marie nang marinig ang pangalan ng lalaki. Para bang may kung anong mayroon sa pangalan na iyon na biglang nagpakulo ng dugo niya. “Looking for me?” malamig na sagot ni Marie.  “Oo. He said he's sorry at nagsisisi na daw siya sa ginawa niya. Magdamag niya ‘kong kinulit! Naku! Ang sabi ko, wala ka at hindi ko alam kung saan ka nagpunta. Wala akong balita sa’yo.” “What's wrong with that guy?!” may inis na sabi ni Marie. “Tingin ba niya ganon lang kadali kalimutan 'yung ginawa niya? Kahit anong pagmamakaawa niya, hindi na ako maniniwala sa kanya! Ah! Basta 'wag mo ibibigay 'yung new number ko ha?” iritableng dugtong ng dalaga. “Syempre naman! Ba't ko ibibigay sa isang makating lalaki 'yun ‘yung number mo. Hayop na 'yon,” sagot ni Joan sabay tawa ng malakas. “Oh, sige na Jo! Kailangan ko ng umalis at mag check-in,” paalam ni Marie nang marinig ang announcement tungkol sa flight niya. “Dadalhan na lang kita ng pasalubong, okay?” “Sure, bes. Ingat ka!” “Bye!” sabi ni Marie sa kaibigan bago tuluyang ibaba ang tawag. Agad na iniligay ni Marie ang cellphone sa bulsa ng jacket at hinila ang dalang bagahe para sa inspection. Puno ng tao ang airport at habang papunta si Marie sa pila ay biglang nag-ring muli ang cellphone niya. Sasagutin na niya sana ito nang biglang nabunggo siya ng isang lalaking mabilis ang takbo. At sa lakas ng pagkakabunggo sa kanya ay tumilapon ang cellphone niya at pareho silang napaupo sa sahig. “Ano ba?! Ba't ka ba paharang-harang d'yan sa daanan?!” galit na sabi ng lalaki habang papatayo at dinadampot ang tumalsik na backpack. “Excuse me?! Ikaw ang bumunggo sa akin! Tapos ikaw pa ang galit?!' pagalit na sagot ni Marie na tuluyan ng nag-init ang ulo dahil sa paraan ng pagsasalita ng lalaki. “Tignan mo! Nasira 'yung cellphone ko! Paano na 'yan?!” pasigaw na sabi ni Marie pagkatapos damputin ang cellphone na tumalsik. “It's not my fault. Ikaw ang nakaharang d'yan!” kunot noong sagot naman ng lalaki sa kanya. Tinitigan ni Marie ng masama ang lalaki at nagsimula na ding umakay ng atensyon ang sagutan nilang dalawa. “But, okay, I'll pay for it. Maswerte ka, I'm in a hurry!” malakas na sabi ng lalaki. “Here is the money. Baka mag-iskandalo ka pa dito,” pagkatapos ay bumunot ito ng pera mula sa pitaka at iniabot kay Marie. Pero hindi ito kinuha ng dalaga. Hindi naman kasi bayad o pera ang habol ni Marie sa lalaki. Ang gusto lang niya ay mag-sorry ito. Pero talagang may ugali ang lalaki. Nang hindi kinuha ni Marie ang pera ay ibinato nito ang pera sa harap ng dalaga sabay umalis. Tumawag lalo ito ng atensyon at nagtinginan ang mga tao sa kanila. Galit na dinampot ni Marie ang pera at hinabol ang lalaki. Hindi siya nagsalita pero kitang kita sa mukha niya ang galit at kahihiyan dahil sa ginawa ng lalaki. At nang maabutan niya ito agad niyang kinabig ang balikat nito at nang mapaharap ay agad niya itong sinuntok sa mukha. Natumba ang lalaki sa lakas ng suntok at lalong nagtinginan sa kanila ang lahat ng taong naroon. Ang iba ay naglabas pa ng mobile phones para mag-video. Kasunod din n'on ang pagdating ng mga gwardiya. “Gaano ka ba kayaman para maging ganyan kayabang?!” galit na sabi ni Marie sa napa-upong binata. “Hindi porket maganda ang kutis mo, maganda ang mga mata mo at matangkad ka ay pwede ka ng mambastos ng ganito! Oo, hindi ako mayaman pero sino ka para batuhin ako ng pera mo?!” galit na tanong ni Marie. “What's wrong with you?! Binayaran ka na, galit ka pa? 'Di ba yan naman ang gusto mo?!” sagot ng lalaki habang tumatayo at hinihimas ang panga. Pagkatapos ay inayos ang sombrerong suot ay bahagyang iniharang sa mga mata. “Ang gusto ko, mag sorry ka lang! Kaso sa ugali mo, feeling ko hindi ka marunong mag sorry! Kung anong ikina-gandang lalaki mo, ‘yon naman ang ikinasama ng ugali mo! Mayabang! Arogante!” balik ni Marie na ngayon ay inaawat na ng mga gwardiya. “Sorry?!” nakangising sabi ng lalaki. “Fine! I'm so sorry!” sarkastiko nitong sabi. “Ano?! Masaya ka na?! Maswerte ka, I'm in a hurry kung hindi kakasuhan pa kita!” sabi ng lalaki sabay talikod at alis habang hinihimas pa rin ang panga niyang tinamaan ng suntok ni dalaga. “I'll definitely remember this!” pahabol pa ng lalaki habang papalayo. Hindi na sumagot at humabol pa si Marie. Nahimasmasan siya nang makita ang mga tao na nagtipon na para manunuod at mag-video. Isa pa, ayaw din naman talaga niyang mag-iskandalo pa at nakakahiya. “Ma'am gusto niyo po bang habulin namin si sir? Para po maayos natin 'to?” tanong ng isang gwardiya. “Hindi na,” sagot ni Marie habang nakatingin sa likod ng papalayong lalaki. “Bumukas naman na 'tong phone ko. Arogante lang talaga 'yong mayabang na 'yon! Naku! Kung hindi lang nakakahiya!” gigil na sabi ni Marie. Mabilis na inayos ni Marie ang mga gamit at pumunta na sa pila. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata sandali.  Naiinis pa rin siya pero alam niyang walang mangyayari kung hindi siya kakalma. Matapos ang inspeksyon at lahat lahat, sa wakas ay papasakay na siya ng eroplano.  Hindi pa rin siya makapaniwala na may mga ganoong klase ng tao. Mga taong akala ay mabibili nila ang lahat. Hindi pa nga nakakaalis ay stressed na agad siya at tuwing naiisip niya 'yong lalaking nakabunggo sa kanya ay talagang kumukulo ang dugo niya. “Hayop talaga 'yong lalaki na 'yon. 'Wag lang talagang magku-krus ang landas namin uli!” sabi ni Marie habang hinahanap ang upuan niya. Pero mukhang pinaglalaruan nanaman siya ng pagkakataon. “O, shocks!” bulalas ni Marie nang makita niya ang upuan niya. “Tignan mo nga naman kapag minamalas ka!” sabi naman ng lalaki na makakatabi niya. Ang arogante at mayabang na lalaking nakabangga sa kaniya kanina. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.6K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.5K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.1K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.8K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.0K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook