bc

The Four-Petaled Flower

book_age18+
469
FOLLOW
1.5K
READ
dark
drama
tragedy
serious
straight
bold
brilliant
witty
detective
crime
like
intro-logo
Blurb

Gaano mo kakilala ang asawa mo? Ang taong pinakamamahal mo? Paano kung may sekreto pala siyang itinatago sa iyo? Isang madilim na nakaraan na hindi mo inaakalang mayroon siya. Magbabago ba ang pagtingin mo sa kanya? Mawawala ba ang pag-ibig o mananaig ito kahit anong mangyari? Paano kung ang sekretong iyon ay maglagay sa buhay mo sa panganib? Ano ang gagawin mo kung malaman mong may apat na katauhan ang asawa mo?

Isang bagong kaso ng sunod-sunod na p*****n ang hawak ng sikat na pulis at detective na si Marco Perez. At gagawin niya ang lahat matigil lang ito at maibalik ang kapayapaan sa kanilang siyudad. Pero habang lumalalim ang imbestigasyon niya at ng mga kasama niya ay may mga matutukalasan siya. Tungkol sa pinagsimulan ng p*****n at sa sekretong itinatago ng kanyang pinakamamahal na asawa.

Ano ang gagawin ni Marco? Paano kung dumating sa punto na mawala na ang pundasyon ng pagsasama nilang mag-asawa? Paano kung lahat ng ebidensya, ang itinuturo ay ang kanyang asawa?

chap-preview
Free preview
Chapter I
Alas-kwatro ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula sa headquarters. Isang tawag na kahit sino sa opisina ay wala gustong makatanggap. May nakita na naman kasing bangkay ng isang babae sa isang bahagi ng ilog ng Arkhenham. Ito na ang pangatlong bangkay na nakita sa loob ng tatlong linggo. Ang naunang dalawa ay pareho ang ikinamatay. Isang malinis na tarak ng mahabang kutsilyo sa dibdib. At parehong kinalbo ang mga biktima, na sa paniniwala ko ay ginawang souvenir ng killer. Nakakakilabot. Nakakatakot dahil ang ganitong uri ng p*****n ay naganap na labing-pitong taon na ang nakalilipas. Pareho ang paraan ng pagpatay, pero gusto ko pa ring makasigurado. Kung ang natagpuang bangkay ay kagaya ng dalawang nauna, siguradong isa na itong serial killing case. At hindi iyon magandang balita para sa aming lahat. Hindi na bago sa mga tao ang balitang ito tungkol sa siyudad ng Arkhenham. Dahil sa mga nakalipas na mga dekada, napakarami ng ulat ng krimen at serial killing ang naitala sa lugar na ito. Binansagan itong crime capital ng bansa noon na naging dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng lungsod. Naaalala ko noon, noong pinadala sa lugar na ito lahat ng mahuhusay na pulis mahuli lang ang isang mailap na psycopath. Pero nag-iba ang lahat nang matapos iyon, nang tumahimik na ay sumabay na sa pag-unlad ang maliit ng lungsod na ito sa bandang ibaba ng kalakhang Maynila. Pagkarating ko sa lugar kung saan nakita ang bangkay ay agad akong hinarang ng media. Para silang mga bubuyog. Sunod-sunod ang mga tanong nila at wala akong maintindihan ni isa. Nakakasilaw din ang liwanag mula sa kanilang mga camera. Napakarami ring mga usisero sa kalsada na nakikisabay sa mga reporter. Nagbubulungan kung ano na naman ang nangyayari sa lugar nila. Gusto kong umiwas, pero alam ko ang nararamdaman nila. Alam kong natatakot sila at gusto lang nilang masagot ang ilang mga tanong. Bakit nangyayari uli ang mga ito at sino ang gumagawa nito. “Inspector Perez, ano pong masasabi ninyo na isinisisi sa mabagal ng imbestigasyon ng mga pulis ang sunod-sunod na patayang ito dito sa Arkhanham?” tanong ng isang babaeng reporter na madalas makita sa telebisyon. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa ngayon. Inayos ko ang sumbrerong suot para matakpan ng bahagya ang mga mata ko. Hindi ko sila masisisi. Karapatan nilang sisihin sa pulisya ang kaguluhang ito. Dahil hindi namin nagagawa ang dapat naming gawin at nabibigo namin ang mga mahihinang taong umaasa sa amin. “Sumagot naman po kayo,” sabat ng isa namang lalaking reporter na sumingit mula sa likuran. “Kayo po ang pinakamagaling na pulis at detective hindi lang dito sa lugar ninyo kundi sa buong bansa. Imposibleng wala pa kayong hint kung sino ang gumagawa nito!” Lalong lumakas ang boses ng mga reporters matapos ang tanong na iyon. Pinakamagaling, hindi. Ginagawa ko lang ang makakaya ko para gawin ang trabaho ko. “Pasensya na. Pero ayaw ko munang mag-salita sa ngayon. At isa pa, itong ginagawa ninyo ay nakakapagpabagal din sa trabaho ng mga pulis. Kaya pakiusap, umalis muna kayo sa harapan ko.” Pero tila walang narinig ang makukulit na mga reporters. Mabuti na lang at nagdatingan na ang ilang mga patrol police at itinaboy ang mga nang-uusisa. Hindi iyon naging madali dahil tinalo pa ng nga reporters ang mga nag-rarally sa Buendia sa tigas ng ulo. Mabilis akong dumeretso sa mismong lugar kung saan nakaratay ang bangkay. At sumikip ang dibdib ko nang makita ang walang buhay at kinalbo na babae na may tarak ng kutsilyo sa dibdib. Malamang na hinihintay na ang babaeng ito ng pamilya niya. At alam na alam ko ang pakiramdam ng makatanggap ng tawag na nagsasabing patay na ang kapamilya mo. Nakakagulat iyon, at pagkatapos noon ay guguho ang mundo mo.  Ito na ang kinakatakutan namin. Dahil dito, ma-idedeklara na itong serial killing at siguradong uulanin na kami ng batikos mula sa itaas. Pero ang totoo, wala akong paki-alam doon. Ang alam lang nila ay ang mag-utos pero hindi nila naiintindihan ang mga nasa ibaba nila. Hindi nila alam ang hirap ng trabaho dito sa labas. Mabilis kong dinukot mula sa bulsa ng suot kong jacket ang mga latex gloves at habang isinusuot ko iyon ay may isang pamilyar na lalaki ang lumapit sa akin. “Perez! Wala kang pinagbago! Tatlong taon na tayong hindi nagkita pero parang ang bata mo pa rin! At suot mo pa rin ‘yan itim na sumbrero na ‘yan,” bati ng isang may edad ng lalaki na kulay abo na ang mga buhok. “Chief Ross! Akala ko po nasa America kayo?” “Umuwi muna ako para ayusin ang ilang mga bagay,” sagot niya sabay upo sa tapat ng bangkay. “Kumusta ang kasong ito?” “Walang ebidensya, Chief.” “Huwag mo na akong tawaging Chief! Matagal na akong retiro!” natatawa ngunit malakas niyang sabi. “So paano na ‘to? Kung hindi mo malalaman kung sino ang gumagawa nito, siguradong dadami ang mga magiging biktima niya.” Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni Chief Ross. Alam kong iyon ang mangyayari kung hindi namin bibilisan ang imbestigasyon. Pero napakalinis magtrabaho ng killer na ito. Ayaw ko man siyang purihin pero napakagaling ng paggawa niya ng krimen. Walang CCTV cameras sa mga pinagtapunan niya ng mga bangkay at walang kahit anong ebidensya ang iniiwan niya. Isa itong malaking misteryo sa ngayon. “Ilang taon ka na, Perez?” biglang tanong sa akin ng dati kong hepe. “32. Bakit po?” “Noong ka-edad mo ako, namatay ang mag-ina ko ng dahil sa isang kasong mali ang pagkakahawak ko. Mabuti na lang at naiwan sa akin si Elisa. Ayaw kong matulad ka sa akin. Kaya mag-iingat ka. Dahil kung sinumang gumagawa nito ay siguradong hindi biro,” sagot ni Chief Ross habang nakaturo sa hawakan ng kutsilyong nakatarak sa bangkay. “Chief.” “Gusto ko lang na hindi matulad ang estudyante ko sa akin,” patuloy niya. “Ikaw ang pinakamagaling, pinakamapagtitiwalaan, at pinakamatapang na pulis na kilala ko. Tapusin mo ang kasong ito at magbakasyon kayo sa amin sa Amerika,” sabi niya sabay tayo. “Hihintayin ko kayo ng pamilya mo. Pilitin mo na rin si Elisa na sumama.” Hahabol pa sana ako ng sagot pero matapos noon ay iniwan ako ni Chief Ross. Ni hindi na niya hinintay na magpaalam ako sa kanya. Lumakad lang siya papalayo at pinagmasdan ko siya hanggang sa hindi ko na siya makita sa gitna ng nagkukumpulang mga tao. Unti-unti nang sumisikat ang araw at nagiging maliwanag na ang paligid. Lalong dumami ang mga tao sa paligid namin. Kaya minabuti ko ng bilisan ang ginagawa. Tinignan ko lahat ng anggulo at hindi ako maaaring magkamali. Siguradong biktima ito ng isang serial killer. Walang bakas na doon sa lugar na iyon pinatay ang biktima. Nakakabilib talaga na kahit isang tulo ng dugo ay walang makita sa paligid. Sigurado rin akong hindi dito pinatay ang biktima. Siguradong may isang lugar dito sa Arkhenham kung saan dinadala ng killer ang mga biktima niya at doon pinapatay. At kailangan naming malaman kung saan iyon. Huhubarin ko na sana ang suot kong mga gloves nang may mapansin ako sa ilalim ng braso ng biktima. Dahan-dahan kong iniangat ang braso at sa ilalim ay nakita ko ang isang maliit na bulaklak. Kulay lila ito na may apat na petals. Nakapagtataka, dahil walang puno o halaman sa paligid dito ang namumulaklak ng ganito. Agad akong kumuha ng plastik at isinilid doon ang bulaklak, pagkatapos ay naglakad-lakad. Pero wala talagang puno o halaman na may ganoong bulaklak. Marahil, galing iyon kung saan mismo pinatay ang biktima. “Sir Marc!” nakarinig ako ng isang malakas at pamilyar na boses. Si Gunner ang partner ko. Inutusan ko siyang imbestigahan ang mga kutsilyong ginamit sa pagpatay sa unang dalawang biktima. Magkapareho kasi ng hitsura ang mga iyon. “Anong balita?” salubong ko sa kanya. “Confirmed, sir! Magkaparehong magkapareho ang dalawang kutsilyong ginamit sa mga biktima. Ang kailangan ko na lang malaman ay kung saan ito nabibili o ginagawa. Sa tingin ko kasi, custom made ang mga kutsilyo.” “Paano mo nasabi?” “May maliliit na initials ang nakaukit sa handle ng mga kutsilyo. C.G. Nag-search ako ng mga brand ng mga kutsilyo pero walang C.G. Kaya sa tingin ko initial ito ng gumawa o nagpagawa ng kutsilyo,” sagot ni Gunner. “Ganoon ba? Sige. Simulan mo ngayong hanapin kung saan ang mga pagawaan ng mga ganyang kutsilyo. Maaari tayong makakuha ng hint d’yan.” “Yes, sir!” masiglang sagot ni Gunner sabay takbo para simulan ang trabaho. Tatlong taon ko ng kasama si Gunner. Halos araw-araw kaming magkasama. Parang mas madalas ko pa nga ata siyang kasama kaysa sa asawa at anak ko. Marami na kaming kasong nilutas ng magkasama. Nakita ko pati ang pagbabago ng katawan niya. Mula sa pagiging patpatin hanggang sa pagiging parang bouncer. Bagay naman iyon sa tangkad niya at sa kulay niyang kayumanggi. Conrad Alcantara ang tunay na pangalan ni Gunner. Mas bata lang siya sa akin ng isang taon at tinawag siyang Gunner dahil sa husay niya sa paggamit ng iba’t-ibang uri ng baril. Isang beses naparangalan pa siya nang dahil sa pagliligtas sa isang batang hostage gamit lang ang isang kalibre 45. Pero magmula ng maging partner niya ako ay hindi na siya nakagamit pa ng baril. Dahil iyon sa ayaw kong makakakita at makakarinig ng putok ng baril. Oo, kakaiba para sa isang pulis pero hindi ko talaga kayang gumamit ng baril. Bumabalik kasi lahat sa ala-ala ko ang pagpatay sa ama ko. Na nangyaring lahat sa harapan ko. Iniutos ko sa mga kasama ko na dalhin na ang bangkay sa forensic department para mas maimbestigahan pa. Kahit na alam ko naman na ang magiging resulta noon. Iniutos ko na rin na kilalanin na ang biktima at ipagbigay alam na sa mga kamag-anak ng biktima ang sinapit nito. Pero bago ako umalis ay may tumawag ng pansin ko sa kabilang parte ng ilog. Dahan-dahan akong lumingon pero hindi ko derektang itinuon ang mga mata ko sa dereksyon kung saan may nakita akong gumalaw. At tama ang kutob ko. May taong nagmamasid mula roon. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Natatakpan ang ilong at bibig niya ng itim na face mask at nakasuot siya ng itim na sumbrero na humaharang naman sa mga mata niya. Hindi rin siya madaling makita dahil sa itim na damit na suot niya. At sa wari ko ay hindi niya alam na nakita ko na siya. Dahan-dahan akong lumakad papalayo ngunit umikot ako sa parte ng ilog kung saan hindi niya ako matatanaw. Mabuti na lang at may parte doon na mabato at hindi abot ng tubig. Mabilis akong nakarating sa kabila at naroon pa rin siya at nagmamasid. Malakas ang kutob ko. May kinalaman o may nalalaman ang taong ito sa mga nangyayari. Habang papalapit ako sa kanya ay napansin kong hindi siya ganoon katangkad at hindi rin malaki ang pangagatawan niya. Malaki pa nga ang damit niyang suot sa kanya. Malapit na ako nang biglang may tumunog sa inaapakan ko. Napatingin sa akin ang kahina-hinalang tao. Nagtagpo ang mga mata namin. “Sandali!” sigaw ko sa kanya pero mabilis siyang tumakbo papalayo papasok sa masukal na mga halaman at maliliit na puno. Sinundan ko siya pero hindi ko na siya makita. Pero nararamdaman kong may nagmamasid sa akin. Madilim pa sa parteng iyon ng ilog kaya hindi ko maaaninag ng maayos ang paligid. “Kung sino ka man! Sinisiguro ko sa’yo na mahuhuli kita!” Matapos noon ay nakarinig ako ng kaluskos. Mabilis kong sinundan ang tunog pero wala akong inabutan kundi ang mga gumagalaw na sanga at mga dahon. “Maghintay ka lang. Maghintay ka lang!” Pabalik na sana ako nang may mapansin ako sa isang sangang naroon. May nakasabit na kapirasong kulay itim na tela at may bahid ng dugo. Tinignan ko iyon ng maigi at sigurado akong bago lang ang dugong naroon. Maaaring sumabit dito ang taong iyon habang tumatakbo. Agad kong isinuot ang gloves ko at isinilid ang tela at ang piraso ng sanga na may dugo sa plastik, Sigurado ako. Ito na ang simula. Hahabulin kita kahit saan. Kagaya ng ginawa ko na sa maraming kriminal. Ako mismo ang maglalagay ng posas sa mga kamay mo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook