bc

Tutor of the High School Playboy

book_age12+
25
FOLLOW
1K
READ
playboy
goodgirl
student
heir/heiress
bxg
lighthearted
highschool
first love
school
classmates
like
intro-logo
Blurb

Yugto Writing Contest- All the Young Entry

Isang mabuting anak at matalinong estudyante si Rosalyn Carpio. Lumaki siya sa isang simpleng pamilya at payak na pamumuhay. At sa edad na labing-pitong taong gulang ay naisipan na niyang tumulong sa kanyang mga magulan at mag-ipon para sa kolehiyo. Naisip niyang magtrabaho bilang isang private tutor. Pero hindi niya inakala na ang pinakakinaiinisan niyang tao, ang magiging una niyang estudyante. Si Ethan Chris Monteverde.

Si Ethan Chris Monteverde ay ang tagapagmana ng pinakamalaking Tech Comanpany sa bansa. Matangkad, gwapo at talentado. Magaling siya sa sports, sining at musika, pero mabababa ang lahat ng kanyang mga marka sa eskwela. Marami ng naging tutor si Ethan, pero dahil sa pagiging arogante nito ay walang tumagal ni isa. Isa pa, kilala ang binata bilang isang playboy sa kanilang eskwelahan. Pero nang dahil sa biglang pagdating ni Rosalyn sa buhay niya, ay biglang nagbago ang pananaw niya sa mga bagay-bagay at kasabay noon ay pagkakaroon niya ng espesyal na nararamdaman para sa tutor niya.

Pero hindi magiging ganoon kadali ang lahat. Lalo na sa pagpasok ng kapatid niyang si Evo sa eksena. At sa pagdating ng dalaga na nakatakdang ikasal sa kanya sa hinaharap na si Anastasia. Idagdag pa sa problema ang masama niyang reputasyon sa mga mata ni Rosalyn.

Ano ang mangyayari sa nararamdaman ni Ethan para kay Rosalyn? Magagawa ba talaga ni Rosalyn na baguhin si Ethan? Paano nila lalasapin ang sarap ng unang pag-ibig at paano nila haharapin ang sakit ng unang pagkabigo sa mga buhay nila?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Rosalyn Tag-araw ng taong 2007. Nagising ako sa malakas na sigaw ni Nanay. Agad akong bumangon para pakinggan kung ano na naman ang pinag-aawayan nila ni Tatay. At kagaya ng naiisip ko, babae na naman. Mabait, masipag, at mabuting ama naman si Tatay. Pero ‘yon nga lang, minsan na kasing nahuli ni Nanay si Tatay na may kasamang ibang babae. Bata pa lang ako no’n at wala pa akong naiintindihan, ngunit hindi ko makakalimutan kung paano umiyak ng isang buong araw si Nanay at kung paano niya pinagbabato sa labas ng bahay namin ang mga gamit ni Tatay. Pero, hindi nagtagal, nagkabalikan din sila, at nabuo muli ang munti naming pamilya. Kahit na, naging madalas ang kanilang pag-aaway. Kaya ako, kapag nag-asawa ako, hinding-hindi ako papatol sa gwapo. Lahat kasi ng mga ‘yan babaero! Oo, gwapo si Tatay! Parang lamang lang ng kaunting paligo sa kanya ‘yong bida sa Agimat. Lalong lumakas ang sigaw ni Nanay at may narinig na akong mga kalabog at tila nagliliparang mga gamit. Kaya naman isinuot ko na ang aking salamin at dali-dali akong bumaba. “O! Ano na naman ‘yan?! Ang aga-aga naman po ng lambingan ninyo?!” sabi ko sabay pagitna sa kanilang dalawa. “Tumabi ka d’yan, Rosalyn! Kakastiguhin ko ng tambo ‘yang tatay mo!” “Pag-usapan ho, natin ito! Nakakahiya sa mga kapit-bahay!” Huminga ng malakas si Nanay at pagkatapos ay galit na galit niyang idinuro ang dulo ng hawakan ng walis tambo sa mukha ni Tatay. “Ito kasing mgaling mong tatay! Pinabibili ko lang ng pandesal. Aba! Nakapang-chicks kaagad!” Tinignan ko si Tatay. Nakayuko lang siya habang nakadikit sa dingding namin na parang isang takot na bata. “Tay, totoo ba ‘yon?” “Pambihira naman,” malumanay niyang sabi sabay kamot ng ulo. “Nagtatanong lang naman ‘yong babae ng direksyon papuntang munisipyo. Aba, siyempre sinagot ko! Anong mali doon?” Lalong nagngitngit sa galit si Nanay at kinailangan ko ng gumamit ng kaunting lakas para hindi niya masaktan si Tatay. “Aba at napakasinungaling mo ‘no?! Bakit? Pulis ka ba para pagtanungan? Barangay tanod?! Tapos may pabulong-bulong pa sa ‘yo ‘yong babae! Sige! Sige! Ipaliwananag mo! Kulang na lang halikan ka! Tapos tuwang-tuwa ka pa!” “Hindi…” mabilis ngunit mahinahon na depensa ni tatay. “Paos kasi ‘yong babae. Hirap magsalita kaya inilapit niya iyong mukha niya sa akin! Para marinig ko iyong tanong niya.” “Ay talaga namang! Magaling ka talagang mag-tahi ng kwento! Huling-huli ka na, lulusot ka pa rin! Halika dito at puputulin ko na ‘yang kapiranggot mong kaligayahan nang matigil ka na sa kakababae mo!” Gustong kong matawa sa sinabing iyon ni Nanay. Pero baka ako naman ang pagdeskitahan niya ng galit niya. Dahan-dahan ko na lang itinulak si Nanay at pinaupo sa upuan. Kinuha ko ang isang lumang pamaypay at ipinaypay ko sa kanya. Hay, hindi ko alam ang gagawin para patigilin ang dalawang ito. Talo pa ang aso’t pusa! “Sorry na, mahal,” mahinang sabi ni tatay. “Pero iyon ang totoo, nagtanong lang ng dereksyon ‘yong babae. Tsaka. Sinasabi ko naman sa’yo lagi na hindi na ako nambababae! Ikaw lang sapat na! Mahal na mahal kita, eh!” Medyo kinilabutan ako sa sinabing iyon ni Tatay. Kung sa pelikula ko iyon napanood at si John Lloyd ang nagsabi, siguradong kikiligin ako. Ang kaso, iba, eh. Iba ang dating. Tapos ‘yong ekspresyon pa ng mukha. Parang… Ah! Basta! “Ikaw naman kasi! Alam mo namang ayaw ko ng ganyan! Ginagawa mo pa rin! Nakakapanginig ka ng laman!” gigil na sabi ni Nanay. “Sorry na…” “Sorry, sorry… basta tandaan mo ang usapan natin noon! Sa oras na maulit ang pambababae mo… puputulin ko ‘yang nasa pagitan ng mga hita mo at ipapakain ko kay Blackie!” sigaw ni Nanay na agad namang sinagot ng tahol ng alaga naming aso. Naramdaman ko ang takot sa reaksyon ni tatay. Gusto ko uling tumawa, pero natatakot akong masampal at mabatukan. Pero at least, okay na uli sila at natapos na ang bangayan. Hindi naman na ito bago sa akin. Hindi lilipas ang isang linggo na hindi nagwawala si nanay ng dahil sa babae. May madikit nga lang kay tatay na babae ay agad ng nag-rereact itong si nanay. Hindi ko naman siya masisisi, at hindi rin naman siya masisi ni tatay dahil kasalanan din naman niya. Kaya naman, inis na inis ako sa mga babaero. Hindi ako galit kay Tatay, dahil alam ko namang nagbago na siya. Pero sa iba, talagang kumukulo ang dugo ko! Matapos ang eksenang iyon ay dumeretso si Nanay sa kusina na apat na hakbang lang naman mula sa sala namin na sakto lang ang apat na monobloc. Kumuha siya doon ng mga tasa at nagtimpla ng kape. Si Tatay naman ay nag-handa na para makapag-tinda sa palengke. At ako, ito. Ako ang nagpupulot ng mga ikinalat ni Nanay kahit wala naman akong kinalaman dito. Dating janitor si Tatay sa eskwelahan na pinapasukan ko, subalit nang matanggap niya ang pabuya niya nang dahil isang kabayanihang ginawa, ay minabuti na lamang niyang gamitin iyon at ang ilang naipon para magtinda ng isda. Oo, bayani ang tatay ko. Dahil iniligtas niya ang isang estudyante na nagtangkang kunin ang sariling buhay. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pero para sa akin, hindi ko magagawa ang gano’n. Mahirap man ang buhay at ang pag-aaral, ay lalaban ako. Hanggang sa maging okay ang lahat. Pero siyempre, iba-iba naman ang mga tao. Hay, naku. “Bakit pala napakaaga mong nagising, Rosalyn?” tanong ni Nanay sabay lapag ng tasa ng kape sa harapan ko. “Paano naman ho ako hindi magigising. Naunahan pa po ng sigaw ninyo ‘yong mga tandang sa pagtilaok.” “Ipagpasensya mo na! At kasalanan naman ng tatay mo!” sabi ni Nanay sabay silip kay Tatay na nag-aayos ng sinturon. Hindi na ako sumagot pa at baka mabaling na naman sa tatay ko ang inis ni nanay. Ang mabuti pa ay gamitin ko na lang ang pagkakataong ito para sabihin sa kanila ang plano ko ngayong bakasyon. “Ah, Nay, Tay… may sasabihin sana ako.” “Bakit ‘nak? May problema ba?” agad na tanong ni Tatay. “Ma-may nangliligaw na ba sa’yo?” “Tay…” “Baka naman may boyfried na! Naku ka, Rosalyn, ha?!” may pang-iintriga na tanong ni Nanay. “Buntis ka ba ‘nak?” muling singit ni Tatay. “Ano ba?!” Nagulat silang dalawa sa pagsigaw ko. “Makinig muna po kasi kayo!” Umupo si Tatay at sinimulan na niyang haluin ang kanyang kape. Si Nanay naman ay sumandal na lang at inihanda ang sarili sa pakikinig. “O, sige. Ano ba ‘yon?” Huminga ako ng malalim at saka ako nagsalita. “Gusto ko po kasing maghanap ng trabaho. Summer job po kung baga.” Nagkatinginan silang dalawa. Sa umpisa pa lang ay alam ko ng hindi kaagad nila ako papayagan. Masyadong protective sila Nanay at Tatay. Ang totoo niyan, second year high school na ako, sinusundo pa rin ako ni Tatay. Hindi ko naman ikinakahiya iyon, ang totoo ay natutuwa ako dahil, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Kaya lang, naisip kong kaya ko na naman at panahon na rin siguro para malaman nila na lumalaki na at dalaga na ang anak nila. Seventeen years old na ako at malapit na akong magtapos ng high school. Pero kung nakapasok sana kaagad akong ng Grade 1 noon, college na siguro ako sa pasukan. “Narinig ko kasi kayo noong nakaraan. Nag-uusap kayong dalawa tungkol sa mga bayarin dito sa bahay. Gusto ko sanang makatulong sa inyo. Kahit makapag-ipon man lang ako ng pera para sa pasukan. At sa… kolehiyo. “Responsibilidad namin iyon, ‘nak,” marahang sabi ni Tatay habang nakangiti. “Tsaka kasya pa naman ang kinikita namin sa palengke sa araw-araw na gastusin. Kaya mas maganda kung magpapahinga ka na lang at mag-aaral.” Alam kong hindi iyon totoo. Narinig ko na dalawang buwan na ang bill ng kuryente na hindi namin nababayaran. Oo, sakto noon ang kinikita nila sa pagtitinda. Pero magmula nang magkasakit si Nanay sa puso, naging mas mahirap ang buhay namin. Kailangan kasi niya ng mga gamot at may kamahalan ang mga iyon. “Sige, anong trabaho naman ang papasukin mo kung sakali?” tanong ni Nanay na pagkatapos ay tumingin kay Tatay na parang kinukumbinsi ito na makinig muna sa akin. “Private Tutor po, sa mga bata. Kahit maliit lang ang ibayad nila sa akin. Gusto ko po talagang magturo. Tsaka, maipapakita ko naman ang mga grades ko sa school, bilang patunay na kaya ko pong maturo sa mga anak nila.” “Baka mahirapan ka.” “Gusto ko pa rin pong subukan. Please.” Muling nagkatiniginan ang mga magulang ko. At pagkatapos noon sabay silang ngumiti sa akin at sumagot ng oo. Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at napapayag ko sila. Pagkatapos noon ay masaya naming pinagsaluhan ang pandesal na binili ni Tatay at pinayuhan nila ako sa mga dapat kong gawin habang naghahanap ng trabaho. At sinabihan din nila ako na kung hindi ko kaya, ay pwede akong tumigil ano mang oras. Pero hindi ko iyon gagawin. Buo na ang loob ko! Magtatrabaho ako! Umalis na sila Nanay at Tatay. Inasikaso ko naman ang bahay at inayos ko ang pagkakaayos ng ilang mga gamit namin. Pinaliguan ko rin si Blackie at ipinaghanda ko na rin siya ng makakain niya ngayong umaga na kailangan niyang tipirin hanggang tanghali. At nang matapos ko na ang lahat, ay nagpatugtog ako ng mga kanta ng paborito kong banda na Linkin Park. Nakakainis lang dahil tumatalon na ang tugtog, puro gasgas na kasi ang cd dahil sa kahihiram ng mga pinsan ko na kapitbahay din namin. Kung tutuusin ay wala naman talagang magawa dito sa bahay bukod sa paglilinis at pagpapatugtog. Sira ang TV namin at tanging isang lumang DVD player at component lang ang mayroon. Mayroon din kaming lumang ref na ubod ng lakas sa kuryente, at puno ng mga stickers at mga souvenir na may magnet kahit hindi naman kami umaalis. Sa pagkakaalam ko nga ay galing ito sa Tita ko. Wala naman kasing pambili ng ganito noon. Hindi ko namalayan ang oras, Napasarap ang pag-head-bang at pagkanta ko. Ni hindi ko nga napansin na ubos na ni Blackie ang ibinigay kong pagkain sa kanya. “Oras na siguro para maghanap ng trabaho.” sabi ko sa sarili ko. Kaagad akong nagasikaso ng sarili. Umalis ako ng bahay at dumeretso ako sa isang computer shop para gumawa ng resumé. Pagkatapos noon ay ginamit ko ang natitirang oras para mag-hanap ng maaaring pag-applyan. “Number Four! Ten-minutes ka na lang! Mag-extend ka pa ba?” sigaw ng bantay ng shop na kulay itim na ang ilalim ng mga mata. “Hindi na po!” Ten minutes. Pero ang totoo, five minutes na lang ‘yon. Kaya naman tinapos ko na ang mga ginawa ko at ipina-print iyon. Pero bago ‘ko i-log out ang Friendster account ko ay may napansin ako nag-message sa akin. Dali-dali ko iyong tinignan dahil baka bigla na lang matapos ang oras ko at hindi ko ma-log out ang account ko. Uso pa naman ang hackers dito sa shop na ‘to! Tapos maglalagay ng testimonies kung kani-kanino! Naku! “Ethan Chris Monteverde?” Sino naman kaya ang tukmol na ‘to? Teka! Schoolmate ko ‘to! Nasa pareho kaming year ngayon! Siya ang kilabot na playboy sa school namin! Matangkad, maputi, magaling sa basketball, magaling kumanta at tumugtog ng gitara, at higit sa lahat, gwapo. Eksakto ang hugis ng panga niya at may hawig siyang artista na talagang tinitilian ng mga kababaihan. ‘Yon nga lang, marami raw siyang pinaiiyak na mga babae. Pero… Ano ‘to? Bakit naman siya magpapadala ng message sa akin? Babasahin ko na sana ng buo ang message niya nang biglang namatay na ang computer ko. Wala na akong pera na pang-extend at itinaboy na ako ng batang siga na parang kagigising pa lang dahil maglalaro na raw siya ng Vice City.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook