Hot Uncle Series #1 : Uncle Oxford ( SOLD TO THE HOTTEST BILLIONAIRE ALIVE)Updated at Feb 18, 2025, 05:43
"Isang dosenang brief ko na ang nawawala! Sino ba kasi yang magnanakaw ng brief dito sa probinsya? Birthday ko pa naman ngayon pero itong brief na loslos ang garter ang suot ko!" Galit niyang sambit sa kanyang mga alipores.
Oo,kaarawan pa naman niya ngayong araw at luluwas siya sa Manila upang doon makipag dinner sa mga kaibigan niyang sina Samara,Tanya,Jelai,Hope, at syempre kasama sa dinner ang buong angkan ng mga Geller.
"Master, hindi po talaga namin alam kung saan po napupunta ang mga brief ninyo." sagot sa kanya ng katiwala niyang si Bekang.
"Impossible! Walang ibang taong nakakapasok sa farm natin kundi tayo tayo lang,Bekang! "inis niyang sambit rito .Imagine? A Multi Billionaire, a Geller, and the hottest bachelor alive ay loslos na garter ng brief ang suot ?
Gusto niyang tampalin ang kanyang sarili.Halos lingoo linggo ay may bagong set siya ng mga brief eh, how come it just suddenly disappear?
"Bekang , tanungin mo nga ang kambal .Baka silang dalawa ang kumukuha ng brief ko, " utos niya sa katulong .
Sina Francis at Franco lang naman ang kasama niya sa mansion niyang ito sa probinsya.Ito ang unang business niya, ang mga maisan at manggahan.Napapalibutan ng manggahan ang farm niya at sa may dulo naman ng lupain niya ay puro hybrid na sweet corn ang tanim.
Palaging bumibisita ang mga kaibigan niya rito sa probinsya lalo na kapag anihan na ng mangga at mais.Present rin talaga ang mga ito kapag pista at sa susunod na buwan nga ay bibisita na naman ang mga pasaway niyang mga kaibigan rito sa kanyang farm.
Ang dami niyang naging kaibigan bukod sa mga pamangkin niyang mga Geller.Ang pinaka naging kaclose niya ay si Samara Bright na naging asawa ng pamangkin niyang si France Geller, Mister Chen, Hope,Tanya,Cathlea , Michaela at syempre ang lahat ng mga pinsan niyang mga Geller .Siya yata ang favorite uncle ng mga pamangkin niya.May isa rin siyang malapit na kailangan na si Belyn Koh na nagtatrabaho na ngayon sa Manila.
"Master,nahanap ko na po ang isa sa mga nawawala mong brief. Nasa dirty kitchen ginawang pot holder at pamunas yata ng kung sino." sambit kaagad ni Bekang habang dala-dala nito ang kanyang brief na nangingitim sa uling.
"P*nyemas! `Wala na ba talagang ibang mga pamunas at pati brief kong branded pinatitripan ng mga tao rito? Sa tuwing uuwi ako sa probinsya, ganito na lang palagi!Kung hindi tandang ,brief ko ang nawawala sa sampayan.
"Sorry po Master, pagtiyagan n'yo na lang po muna yang nag-iisang brief n'yo! Kung ayaw n'yo po eh manghihiram ako kay Lolo Tasyo!"
"Alam mo Bekang, gusto mo bang mawalang ng trabaho? Papasuotin mo pa sa akin ang brief ng Lolo mong isang dekada nang Patay! Hala sige ihanda mo na ang mga gamit ko para maaga tayong aalis patungong Maynila!" utos niya rito.
Palagi niyang kasa-kasama si Bekang kahit na saang lupalop siya ng mundo pumupunta.
Apo ito ng dating trabahar ng farm niya na si Lola Tasyo.Ulilang lubos na ito kaya kinupkop niya si Bekang upang maging personal assistant niya.Masunurin at mabait naman ito pero may pagka tanga lang din .Hindi niya lamang itong nagagawang palitan dahil talagang pinagkakatiwalaan niya ito simulat sapul.