Hindi sapat ang kasal upang habang buhay kang mamahalin ng isang tao.
Hindi sapat ang salitang "Mahal kita" upang magiging kampante ka, na ikaw lamang ang babae sa buhay niya.
Ang sabi nga nila, walang permanenteng bagay sa mundo. Sa isang segundo ay maaaring magbago ang mga bagay na akala mo ay pag-aari mo na.Hindi sa lahat ng oras ay masaya ka. Hindi sa lahat ng panahon ay mahal ka. Darating ang panahon na kahit ano'ng pilit mong ayusin ay mawawasak at masasaktan ka pa rin hanggang sa wala ka nang magagawa kundi ang maging matapang.
Magiging matatag ka pa ba kung ang taong pinaghuhugutan mo ng lakas ay hindi ka na mahal?
Magiging matapang ka pa ba kung harap-harapan niyang pipirmahan ang annulment papers ninyo?
Magiging masaya ka pa ba kung ang taong pinili mong makasama ay mas masaya sa piling ng iba?
Hindi madali ang lahat.
Hindi madali ang maging---THE UNLOVED WIFE.