Isang pagkakamali ang ginawa ni Lezzia Marie sa asawang si Gio na akala niya ay pinatawad na siya, dahil ang totoo ay kinamumuhian pa rin siya ng asawa kahit dalawang taon na ang nakaraan simula nang magkaroon sila ng secret affair ng matalik nitong kaibigan na si Franz.
Ginawa niya ang lahat para patawarin siya nito at ayusin ang pamilya nila pero isang araw ay ipinagtapat nito sa kanya na may nabuntis itong ibang babae at handa itong iwan siya at pananagutan si Appryl, ang secretarya nito.
Paano niya ipagpapatuloy ang buhay na wala si Gio? Gusto niyang lumaban pero hindi niya masisisi si Gio dahil siya ang unang nagkasala.
Paano nga ba niya gagamutin ang wasak na puso?
Hanggang kailan niya pagbabayaran ang pagkakasalang matagal na niyang pinagsisihan?