BLURB
Ano ang gagawin mo kapag ang kababata mo ay ipinangako na gagawin kang girlfriend sa kanyang pagbabalik? Bumalik nga ito pero may nobya nang iba at nakatakda nang ikasal?
Sa edad na dose ay minahal na ni Eloisa M. Madrigal ang kababata niyang si Timothy Geller kahit na sampung taon ang tanda nito sa kanya. Noong umalis ito patungong Britain ay ipinangako ito na babalik kapag eighteen na sila at gagawin umano siyang girlfriend nito.
Bumalik naman ito noong disiotso anyos na siya ngunit may kasama itong ibang babae at nakatakda nang ikasal.
Ngunit para kay Eloisa ay hindi niya hahayaang masisira ang pangako ni Timothy dahil buong buhay niya ay hinintay niya ito at wala siyang naging boyfriend dahil umaasa siya sa pangako nito noon.
Dahil sa matinding dismaya ay pinikot niya ito at sinadya niyang hulihin sila ng mga magulang at nobya nito. Nagwagi nga siya dahil natupad ang pangarap niya na pakasalan siya ni Timothy.
Akala niya ay nagtagumpay na siya ngunit ibang buhay ang pinatikim ni Timothy sa kanya. Ginawa nitong impyerno ang buhay niya.
Labis mang nasasaktan ay hindi niya nagawang sisihin ang sarili niya dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa at nagdadalangtao na siya.
Ngunit ang sabi nga nila ay may hangganan rin ang lahat ng pagdurusa at ang pusong sugatan ay manghihilom rin dahil kung ano ang sakit na pinaparanas sa kanya ni Timothy ay pilit naman itong pinapawi ng kapatid nitong si Terrence Geller.
Tuluyan na nga ba niyang hahayaan na masaktan ang sarili sa piling ni Timothy?
O bibigyan niya ng pag-asa ang pusong wasak na muling magmahal?