Chapter 1- Kahirapan (SPG)
"Mmmmm Dave...uggggh!" ungol ko habang gumigiling sa ibabaw ng aking nobyo. Nakaupo ito sa isang de kahoy na upuan, samantalang ako ay nakapatong sa kandungan niya.
Iniikot ikot ko ang aking bewang habang siya naman ay niroromansa ang aking magkabilang dibdib. Salit-salitan niyang sinisipsip ang aking korona, na parang batang paslit na sobrang gutom. Hubod huba't kami parehas sa loob ng maliit na kwarto ni Dave.Dinig ko ang ingay ng bubong, lumalakas ang ulan ngunit mas lumalakas ang ungulan naming dalawa.
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi, hinalikan niya akong muli. Pinalakbay niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig, halos mapugto ang hininga ko sa kanyang ginagawa.
"Uhhhhmmm!" He moaned.Ramdam ko ang kanyang katas na pumutok sa aking loob.Napakagat labi ako, sa tuwing ipuputok niya sa loob ang kanyang katas ay tila nasa alapaap na'ko, napakasarap talaga.
Hindi nagtagal,pabilis ng pabilis ang aking paggiling. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na imasahe ang aking sariling dibdib. Malapit na, ramdam kong malapit na rin akong labasan.
"Uggghhh, ayan na Dave!" I moaned when I feel the liquids exploded from my v*gina.
Pagkatapos ang aming pagtatalik, humiga kami sa maliit niyang kama. Yakap namin ang isa't isa, ni hindi pa namin nagawang magbihis.
Second year college si Dave isang pampublikong unibersidad. Matalino ang nobyo ko kaya nakuha siyang scholar. Engeneering ang kinukuha nitong kurso.Parehas kaming lumaking salat sa buhay ni Dave ngunit pursigido itong makapagtapos sa kolehiyo. Alam kong kakayanin niya iyon.
Ako naman, tumigil na sa pag-aaral simula nang mamatay ang aking ina. Si Lydia Sanz, isang hamak na katulong lamang ang aking ina. Napakasakit para sa akin ang pagkamatay ni Mamang. Nagpakamatay ito matapos pagbintangan sa isang bagay na hindi naman niya magagawa. Ang amo nitong babae ay pinagbintangan si Mama na kabit ng asawa nito. Punagbintangan rin nilang nagnakaw si Mamang ng mga alahas at pera na nagkakahalagang dalawang milyong piso. Hindi na nakayanan ni Mamang ang depression kaya siguro naisip nitong kitilin nag sariling buhay.
Nang mamatay si Mamang, naospital naman ang Papang ko. Hanggang ngayon ay nasa General Public hospital pa ito, mabuti na lamang ay libre ang pangospital nito dahil nakakuha kami ng indigent certificate.
Disinueve anyos pa lamang ako ngunit ako na ang naging ama't ina sa dalawa kong kapatid. Si Nene, ang bunso sa amin ay Grade one pa lamang. Si Gail, ay graduating pupil na a grade 6.
Sa sitwasyon ko ngayon, pakiramdam ko ay pasan ko ang mundo. Kasalukuyang tumatanggap lamang ako ng labada sa aking mga kapitbahay ngayon. Minsan nga ay kulang pa pambigas at pambaon ng mga kapatid ko.Pero heto't lumalaban pa rin ako.
Tatlong buwan pa lamang patay si Mamang. Ang aking ama naman ay magdadalawang buwan na sa ospital.
Ba't pa ba siya isinilang na mahirap?
"Aiva, pasensya ka na... Dalawang daan lang ang maibibigay ko sa'yo ngayong linggo. Marami rin kasi akong projects sa school." Ani Dave habang iniaabot sa akin ang nakatuping tig-iisang daang piso.
Nagpapart-time job lang rin ito sa labas ng school nila na taga-photocopy ng mga libro ng mga estudyante.
Ngumiti ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi." Salamat, Dave... Malaking tulong na ito."
"Laban lang tayo, babe. Hayaan mo, kapag nakapagtapos na ako, aahon rin tayo sa hirap. Huwag ka lang sumuko ha? Ipangako mo sa akin, Aiva..." hinawakan nito ang kanyang magkabilang palad at masuyong hinalikan.
Magkaklase silang dalawa simula pa noong high-school. Naging silang ni Dave noong second year high school pa lamang sila.
" Mahal na mahal kita, " sambit nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"A-ako rin naman, mahal na mahal kita babe." sagot niya rito.
Saglit na nagsilapatan ang kanilang mga labi. Salat man sila sa salapi, ay masaya naman sila dahil nagmamahalan sila.
------
"Ate!!!" hiyaw ni Gail nang makita siyang papasok sa loob ng kanilang bahay. Barung-barong kung ilalarawan ang kanilang bahay.
Nang pumasok siya sa loob ay umiiyak si Nene ang bunso nila.
"Ate, g-gutom na ako!" patuloy pa rin itong umiiyak na hawak-hawak ang maliit na tiyan.
Kanina pinambili niya ng isang kilong bigas at limang pakete ng noodles ang ibinigay ni Dave. Ang sukli ay isasantabi niya para sa pamasahe nina Nene at Gail sa Lunes.Mabuti na lamang, bukas ay may labada na naman siya. Tatlong daan kada labada ang bayad sa kanya.
"Sandali lang, bunso ah. Magluluto na si Ate." sambit niya. Mabilis ang kanyang hakbang patungo sa kanilang maliit na kusina. Inayos niya ang mga panggatong at sinindihan ito. Naglagay siya ng dalawang basong bigas, hinugasan ito at saka isinaing. Nang maluto na ay ang noodles naman ang sinunod niya. Kahit na parang bahay daga ang kanilang tahanan ay malinis naman ito dahil marunong na rin maglinis at mag-ayos si Gail. Maaasahan na rin ito sa pagsasaing at paghuhugas ng mga pinagkainan.
"Ate, hindi pa ba uuwi si Tatay?" tanong ng kapatid niya.
"Hindi pa, Gail. Nasa ICU pa raw si tatay." sagot niya.
Ang Tiyahin nilang si Anti BiBi ang nagbabantay sa ama nila. Nakababatang kapatid ito ng kanilang ama at matandang dalaga ito kaya ito na ang nagriprisinta na magbantay sa ospital dahil siya ay naghahanap buhay para sa kanilang magkakapatid. Mabuti na lamang at napakabait ng kanilang Anti Bibi. Kada linggo ay inaabutan niya ito ng pera na sahod niya sa paglalaba para sa pagkain nito sa ospital.
Nang luto na ang kanin at noodles ay pinagsaluhan na nilang tatlo sa maliit nilang lamesa.
Hindi pa man nangangalahati ang kanyang kanin ay tumunog na ang kanyang cellphone. Bigay lamang sa kanya ni Dave ang keypad cellphone na iyon para mabilis raw siyang kontakin ng nobyo.
"Hello?" tanong niya dahil hindu nakarehistro ang numero sa cp niya.
"Aiva, si Aling Tela ito. Baka kako gusto mo ng trabaho. Naghahanap ng yaya ang anak ng amo ko, sayang naman malaki ang buwanang sahod."
"Magkano po Aling Tela?" hindi na siya nagtumpik-tumpik pa. 'Yun naman talaga ang puntirya niya sa trabaho, ang sweldo.
"Dies mil kada buwan pero stay in. Apat na taong bata ang aalagaan mo." anito.
Malaking halaga na ang Dose mil kada buwan kumpara sa kita niya sa paglalabada.
"Sige po, Aling Tela tatanggapin ko po. Kelan po ba mag-uumpisa?" tanong niya.
"Aba'y bukas na bukas rin!" anito.
"Okay po, maraming salamat Aling Tela at ako ang unang tinawagan mo."
"Hay wala 'yun. Gusto ko rin lang tumulong sa inyo!"
"Salamat po talaga." aniya.
"Ate, ano po' yon?" takang tanong ni Gail.
"Gail, may trabaho na ang ate. Pero... Stay-in raw kaya hindi ako makakauwi rito pero kakausapin ko si Aling Tessie na dito na muna titira sa atin para may magbabantay sa inyo."paliwanag niya sa kapatid.
" Sige po, Ate. "sagot nito.
Walking distance lang naman ang eskwelahan ng mga kapatid niya.
Makapagkatiwalaan naman si Aling Tessie.
Pagkatapos nilang kumain ay inihanda na niya ang kanyang mga gamit.
Kailangan niya ng pera at isang malaking oportunidad na nag trabahong iyon.
"Babe?" tanong ng kanyang nobyo. Nais niyang ipaalam rito ang kanyang desisyon.
Sinabi niya rito ang tungkol sa trabahong inalok ni Aling Tela at ang desisyon niya na tanggapin ang alok na iyon.
"B-Basta mag-ingat ka ha? Alam ko naman na kailangan mo talaga ng trabaho, kung mayaman lamang ako, hinding hindi ka magdudusa Aiva." anito.
"Salamat, Dave. Malaking tulong na talaga sa akin at lalong lalo na sa mga kapatid ko."
"Sige, basta alagaan mo rin ang sarili mo. I love you, muah."
"I love you, too Dave. Goodnight." nakangiting wika niya.