Isabella had been living every woman’s dream. She was beautiful, rich, influential, and she had a perfect husband. At least, that was what she thought, until she caught her husband cheating on her one day. Sa isang iglap ay gumuho ang inaakala niyang perpektong mundo. Worse, she was captured by a bunch of mysterious men who introduced themselves as ‘Vampires’, saying that she was significant in the Vampire world and that they would release her only if she agrees to team up with them against Claude McNiall, her very own best friend whom they called “The Prince of all the Night Creatures.”
Isabella wouldn’t have believed all that until Claude came to her rescue and manhandled all the men by himself. That was when she discovered that the best friend she knew was only a fraction of the real Claude McNiall. Sa bagong mundong kinasusuungan, ang lalaki ang tumulong sa kanya para bumangon. Tinulungan din ni Claude ang puso niyang maghilom hanggang sa unti-unting nahulog ang loob niya sa lalaki. She could feel that he was in love with her, too, but he had so many secrets that separate the two of them. Could they still be each other’s end game once she finds out all of those secrets?
Captain Sabina Ortega woke up one day and found herself in Morven, a world she never thought existed. She was called in someone else’s name while surrounded with unfamiliar people who seemed to be so immersed in their role as villains in her life. Worse, she found out that she was engaged to be married to the very man whom people in Morven feared the most. That was Aldis Salvatierra, the tyrant Emperor who was known for his hunger in bloodshed.
And it all happened just because she agreed to help a stranger who looked like her. Now, she was forced to live as Catherine Peiris, the illegitimate child of a Count. In a world filled with power game and with people who wanted to get rid of her, her only way of surviving was becoming the Empress.
That's why she would do whatever it takes to become the Empress. Even if it means taming the tyrant Emperor.
Kung kailan nagsisimula na si Aliyah na buuin ang sarili pagkatapos ng matinding pagkabigong dinanas kay Brennan ay saka naman muling bumalik sa buhay niya ang lalaki. Sa isang iglap ay nataranta na naman ang puso niya.
"Allow me to give you the things I was too selfish to give you before, Aliyah. Allow me to give you... all of me."
Napalunok si Aliyah. After everything he put her through, can she dare believe the love in his eyes? Lalo na kung nararamdaman niyang unti-unti na namang nahuhulog ang loob niya sa lalaki?
Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay dinukot at binihag niya ang pinakamamahal nitong fiancée na si Gianna at dinala sa kanyang pribadong isla. Pero sa araw-araw na nakakasama niya ang dalaga ay siya rin ang nahuhulog sa sariling bitag. He fell in love along the way with Gianna.
Sa panibagong laban nilang iyon ng kanyang kakambal, masiguro pa kaya ni Caleb ang kanyang pagkapanalo?
Hindi makalimutan ni Katerina ang mga sinabi ni Brett sa kanya thirteen years ago. Ang mga salitang iyon ang naging daan para maging positibo ang tingin niya sa mundo. Ang lalaki at ang nagawa nito ang naging inspirasyon niya para mabago ang kanyang kapalaran at maging successful siya sa buhay. Sinabi niya sa kanyang sarili na mahahanap niyang muli si Brett para mapasalamatan at mabayaran ang utang na loob niya rito sa naging kabutihan nito.
And fate must be really good to Katerina. Nagkita sila uli ni Brett. Pero ibang-iba na ang Brett na nakilala niya noon sa ngayon. Nang dahil sa mapapait na karanasang napagdaanan ng binata sa paglipas ng panahon, naging napakaimposible na ng ugali nito at tila galit sa mundo. He carried upon himself this ogre façade na gusto niyang tibagin. Kaya gumawa ng paraan si Katerina-inilapit niya ang sarili kay Brett para maibalik ito sa dati. Dahil sa pagkakataong ito, siya naman ang sasagip sa lalaking agad na natutuhan niyang mahalin.
Ginusto ni Trixie na pansamantalang makatakas mula sa magulong mundo ng pagmomodelo kaya bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon. Pero malayo sa peace of mind na inaasahan ang sumalubong sa kanya nang isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang si Alaric Montero. Iginiit pa ng lalaki na fiancé niya ito.
Trixie felt like the whole world was spinning right in front of her eyes. Natagpuan na lang niya ang sariling nakakompromiso ang isang buwan na bakasyon niya kasama ang pinakaarogante at pinakaimposibleng lalaking nakilala niya.
Pero sa mga araw na kasama niya si Alaric, naranasan niya ang maging masaya. Sa tulong nito, unti-unting nanumbalik ang sigla ni Trixie at nagawa niyang makaahon mula sa kalungkutan. Pero sa huli, kailangan niyang bitawan si Alaric dahil set-up lang pala ang lahat. She was a victim of misidentity...
Nasangkot sa isang vehicular accident si Cammi na ikinasawi ng kanyang ama at ikinabulag niya. Pakiramdam ni Cammi, lahat ng pag-asa at gana niyang mabuhay, namatay na rin.
Hanggang sa isang estranghero ang dumating sa buhay niya: si Jarren na inupahan daw ng kanyang best friend para maging PA niya.
Tinuruan siya ni Jarren na bumangon at muling pahalagahan ang buhay gaano man kahirap iyon gawin. Tinulungan siya nitong makakita ng liwanag sa gitna ng dilim. Pero higit pa roon ang itinuro nito sa kanya. Tinuruan din ni Jarren ang kanyang puso na makaramdam ng isang emosyon na hindi niya akalaing mararamdaman sa uri ng sitwasyong kinasusuungan. He taught her how to fall in love... with him. And that wasn't so hard.
Pero masusubok ang lalim ng pagmamahal niya kay Jarren nang sa pagbabalik ng kanyang paningin ay natuklasan niyang may kinalaman pala ito sa pagkamatay ng kanyang ama at pagkabulag niya...
Ansel McClennan had been called shark, villain, and ruthless in the business industry, but for Yalena, he was just a fish. Ilang ulit na siyang ipinahiya ng maangas na abogada. Ilang ulit din nitong tinapakan ang kanyang pride. Si Yalena lang ang nag-iisang babae na hindi niya makuha-kuha, lalo na at abot hanggang langit ang galit nito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan.
Pero sa kabila niyon, tinamaan pa rin ang makulit na puso ni Ansel para kay Yalena. Niligawan niya ang dalaga. Ibinigay niya ang lahat ng kayang ibigay, pero napakarami nitong kondisyon; mga kondisyong kinatatakutan niya. Experts say to kiss the rose, the thorns will make you bleed. But was he willing to bleed... just for a single rose?
Nagising na lang isang araw si Maggy na walang kahit anong maalala tungkol sa kanyang sarili. Her world was on the verge of collapsing right before her when she saw a blue-eyed handsome man enter her hospital room. Nang mga sandaling iyon ay naramdaman niyang kakaiba ang lalaki. Nagpakilala itong si Austin McClennan. Kinupkop siya ng lalaki. She held on to his every word. She believed in him with all her heart which had fallen for him along the way.
Dahil sa pagmamahal ni Maggy kay Austin ay pumayag siyang magpakasal dito. Kasal na sila nang ma-realize niyang isang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa. Dahil sa pagbabalik ng kanyang alaala ay nagising siya sa katotohanang mortal na kaaway niya ang ama ni Austin at ang asawa ang sentro ng paghihiganti na matagal na niyang pinlano.
Ano ang uunahin ni Maggy? Ang pag-ibig o ang hustisya na labing-anim na taon nang ipinagkait sa kanyang pamilya?
Isa sa mga pinakamalalang bagay na pwedeng gawin ng isang desperadong tao na na-best friend zoned: Ang sumigaw ng "Itigil ang kasal!" sa mismong araw ng kasal ng best friend niya. Iyon ang ginawa ni Alexis na alam niyang habang-buhay na pagsisisihan pero ginawa niya pa rin dahil sa pagmamahal.
Kaya ang resulta: Lumalagapak na friendship over.
Sinira ni Alexis ang pinapangarap na kasal ni Diana, his world, his life, his best friend, his heart and soul all rolled into one. Ngayong hindi natuloy ang kasal, mapatunayan niya pa kaya ang sarili kung kontrabida na ang tingin ni Diana sa kanya? O tuluyan na siyang pakakawalan at paaalisin sa buhay nito?
Pero huwag naman sana...
Everybody thought Selena's life was perfect. Nasa kanya na kasi ang lahat: fame, power, beauty, and Adam-the man she had always loved since she was five. Pero hindi. Dahil ikakasal man sila ni Adam, arranged marriage lang iyon. Ni minsan, hindi niya naramdaman na mahalaga siya sa kanyang fiancé. Si Dean, ang executive assistant ni Adam ang parating to the rescue sa kanya at ang ipinapadala ng fiancé tuwing may date sila at busy ito sa trabaho.
Until one day, Selena fell in love with Dean. And she was happy. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagmahal siya at mahal din siya. It was supposed to be the start of their beautiful story. Pero kabaliktaran ang nangyari. Nobody approved of their love.
Nagpasya silang lumayo. Pero sa pagtakas nila, naaksidente si Selena at nagkaroon ng amnesia. Paggising niya ay hindi na nila maalala si Dean. All she could remember was her life before Dean came-happily engaged to Adam, her Prince Charming.
Dean didn't know just how long he could endure it. Hindi niya alam kung kakapit pa o bibitaw na.
Could they still have their once-upon-a-time moment?
"If love for you meant letting go, then I'm sorry. Because for me, it means holding on."
Jake was once the luckiest man in the world. May isang gaya kasi ng best friend niyang si Lea ang nagmahal sa kanya nang buong-buo at totoo sa kabila ng mga kakulangan niya. But he had been blinded and didn't know what love truly was until she was gone. Kaya para siyang pinangapusan ng hangin nang bigla na lang itong nawala sa buhay niya.
Years later and he met Lea again. Nagluluksa ang babae sa pagkamatay ng asawa nito. It was Jake's time to prove his love for her. So he stayed in the sideline and waited until she was ready to love again. Pero takot na ang puso ni Lea na pagkatiwalaan uli siya dahil nasaktan niya ang babae nang husto noon.
Can Jake ever make her love him again when loving him had broken her countless times before?
Clarice strived to be the best she can be, para sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay sapat na ang kanyang bala para mapabagsak si Benedict McClennan, ang lalaking sumira sa kanyang pamilya at nagkamkam ng kanilang yaman. Pero nawawala ito. At ang isa sa mga anak nitong si Alano ang susi para matagpuan niya si Benedict.
Clarice made Alano fall in love with her. It was supposed to be easy. Pero hindi. Dahil ibang-iba ang lalaki sa ama nitong kinasusuklaman niya nang husto. She couldn't make him fall for her without her falling for him as well. Paano na ang hustisyang labing-anim na taon na niyang ipinaglalaban? Will she ever have her mission accomplished?
"Truth or dare?" Nakangiting tanong ni Cassandra kay Jethro nang tumapat sa dating boyfriend ang nguso ng boteng ipinaikot niya.
"Dare."
Muli siyang ngumiti. "Sige, inuutusan kita. Mahalin mo 'ko uli." Nang matahimik ang mga kasamahan ay sinikap ni Cassandra na tumawa. "Pwede bang 'truth' na lang? Wala na kasi akong ibang maisip na ipagawa sa 'yo... maliban sa ang mahalin ako."
"Fine," parang napipilitan na lang na sagot ni Jethro. "Truth."
"Okay. If there's one thing that you want to tell me, what will it be?"
Tinitigan siya ni Jethro nang deretso sa mga mata. "Bakit bumalik ka pa?"
Natigilan si Cassandra. Paubos na ang tatlumpung araw na palugit sa kanya para makasama si Jethro. Pero mababawi niya pa kaya ito bago tuluyang angkinin ng iba kung sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya?
"Bukas na 'ko mag-iisip. Bukas na rin ako mag-aalala. I just wanna love you tonight. I just wanna live tonight."
Nang muling makita ni Christmas si Throne sa isang hindi sinasadyang pagkakataon ay sobra-sobra ang saya ni Christmas dahil napukaw niya ang atensiyon ng binata. Si Throne ang tanging lalaking pinangarap niya kaya nang yayain siya nitong magpakasal ay agad siyang pumayag.
Pero sa isa ring hindi sinasadyang pagkakataon ay nalaman ni Christmas na palabas lang pala ni Throne ang lahat, na hindi talaga siya mahal ng binata. Dahil ang pakay nito ay ang pasakitan siya para makabawi sa atrasong hindi naman siya ang gumawa.
"I just wanted to feel his love for the meantime. Because everything was real for me from the very beginning... no matter how fake they were for him."
Martir na kung martir pero hihintayin ni Christmas si Throne kahit alam niyang walang plano ang lalaki na siputin siya sa araw ng kanilang kasal.
Chryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya.
Si Calix naman ang humabol-habol sa kanya pero dead-ma na siya sa muling panliligaw nito. Pagod na siya. Pero para namang pinapaikot siya ng tadhana. Circumstances made her closer to him again making her fall for him all over again. Until one day, she found herself agreeing to the last wish on his list. Minahal niyang muli si Calix at binigyan ng panibagong pagkakataon.
But will that one thousand eight hundred and twenty-fifth chance be worth it?
Holly used to be a huge fan of fairy tales. But when her Prince Charming Aleron Williams suddenly turned into a frog on their wedding day, everything had changed.
Bigla na lang naglaho si Aleron sa mismong araw ng kanilang kasal. Ginamit lang pala siya ng lalaki para paghigantihan sa inaakalang malaking kasalanan niya rito. The fairy tale that she thought she would have, nawala sa isang iglap.
Since then, Holly had lost faith in happy endings. Pero kung kailan unti-unti na siyang nakakabangon, saka naman parang nananadya ang tadhana at pinabalik si Aleron sa buhay niya. Humihingi ito ng pangalawang pagkakataon at nangako ng mga bagay na pinangarap lang ni Holly na marinig mula rito.
Could a scarred heart like hers be able to believe that their story could have not just a good new beginning but a happy ending as well?