Chapter 1
San Diego, California
“BUDDY, don’t you think you are focusing so much on your past that you are actually missing your future?” Natigil sa akmang pagsasalin ng alak sa wine glass si Caleb nang marinig ang sinabing iyon ng pinakamatalik niyang kaibigang si Evan na kagaya niya ding Filipino-American.
Kasalukuyan silang nasa veranda ng mansion nito at pinagmamasdan ang mga batang nagkakasiyahan sa malawak na lawn dahil sa first birthday ng anak nitong si Jeremy.
Nagsisikip ang dibdib na naglihis si Caleb ng tingin nang makita niya ang tila kuntentong anyo ng asawa ni Evan habang karga ang nag-iisang anak ng mga ito. He could have had his own family now... He could have had a child of his own if only... He breathed painfully.
“Don’t start again, man.” Sagot niya nang makabawi. Mula kasi nang mag-asawa si Evan, naging madalas na ang pagrereto nito sa kanya sa iba’t ibang babae dahil gusto raw nitong makalimutan niya ang nakaraan at para maranasan niya rin daw ang sayang nararamdaman nito. He smiled bitterly upon the thought. If only Evan knew that his past was the only thing that was keeping him alive.
Magsasalita pa sana si Evan nang tumunog ang cell phone niya. Kumunot ang noo niya nang makita sa screen ang pangalan ng private investigator na inupahan niya sa Pilipinas.
“Siguraduhin mo lang na magandang balita ito, Rex.” Bungad niya pagkasagot sa tawag. “You know how much I hate to waste my time.”
“’Wag kayong mag-alala. Good news ‘to, Sir. Your brother is getting married.”
Sa kauna-unahang pagkakataon pagkalipas ng anim na taon, muling sumilay ang masayang ngiti sa kanyang mga labi. “Good news indeed, Rex. When is the wedding?”
“Next month, Sir. It seems like Alaric is in a rush. Halos apat na araw pa lang ang nakalilipas mula nang mag-propose siya kay Gianna, ang bride-to-be.” Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Caleb. “I will send the other information together with the woman’s pictures via mail, sir.”
“No need.” Napailing pang sagot ni Caleb. “Kabisado ko ang taste ng kakambal ko. I will know when it’s her.”
“Okay, Sir. But the woman is quite fair, just so you know.”
“Oh,” Kinuha niya ang bote ng alak sa tabi ng kaibigan at doon na mismo direktang uminom. “So it’s going to be Snow White and the Beast nuptial, huh? Interesting.” Natawa si Rex sa kabilang linya pagkatapos ay nagpaalam na.
“I don’t like that evil spark in your eyes, man.” salubong agad sa kanya agad ni Evan pagharap niya rito.
Nagkibit-balikat siya. “An eye for an eye, a bride for a bride. It’s revenge time, buddy.”
“So Alaric is finally getting married.” Pagkumpirma nito. “Ibig sabihin ba nito, babalik ka na sa Pilipinas?” Tumango siya. “At ano’ng plano mong gawin? Hurt his fiancée? Or torture her perhaps?”
“Oh, come on.” Ngumisi si Caleb. He could sense the heat slowly rushing into his veins. He was finally back in the game. “You know that I don’t hurt women as punishment. I kiss them instead.”
Chapter One
“MAY PROBLEMA AKO.”
Kumunot ang noo ni Gianna na mas kilala bilang DJ Gie sa kanyang program na pinamagatang, Ask Gie sa radio station na kanyang pinapasukan na nagsisimula ng alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng gabi.
Buong-buo ang boses ng lalaking sumagot sa kabilang linya. Ito ang ikatlo’t huling caller niya para sa gabing iyon, mga caller na gustong magbahagi ng problema ng mga ito sa buhay. Suwabeng pakinggan ang boses ng lalaki kaya hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang kalamigan na tila biglang nanuot sa kanyang sistema nang marinig ang boses nito.
Naipilig ni Gianna ang ulo sa naisip bago muling nagsalita. “Okay. Do you mind sharing your story first so I can help? Pero bago ang lahat, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”
“Well, others call me ‘Jerk’. Pero dahil ito ang unang beses na nagkausap tayo, you can call me by my real name. I’m Caleb.”
Napasinghap siya. “You let others call you ‘jerk’?”
“Yeah.” Parang balewalang sagot nito. “And I don’t mind because I really am.”
“Oh,” Tanging nasambit niya. Sa tatlong taon mahigit na nagtatrabaho si Gianna bilang disk jockey ay ngayon lang siya naka-encounter nang ganito kabrutal na kausap. At hindi maganda ang pakiramdam niya rito. Marahang tumikhim siya. “So, what’s your story, Caleb?”
“Well, kadarating ko lang mula sa California. And I’m here on a mission.”
“Mission, huh?” Nawi-weirduhan na ulit niya. “And what is that?”
“Malalaman mo rin.” Muling bumalik sa pagkakakunot ang noo ni Gianna. Bakit ba pakiramdam niya ay kilala siya ng caller? Pero bago niya pa man magawang magtanong ay mabilis na dinugtungan ni Caleb ang sinabi. “I’m a fan of yours. I will surely call again to let you know.”
There’s no need. That was what she wanted to say. But at the last minute, she changed her mind. She was on air. She could not afford to say such thing. “Talaga? Salamat-“
“You’re welcome.” putol nito sa sasabihin pa sana niya. “Now, back to my problem. You see, there is this woman who will be a collateral damage once I continue this mission I was talking about. At hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya sa mga pagbabagong darating sa buhay niya sa mga susunod na araw.”
“Well... you can start apologizing to her now.”
“That’s a good idea.” Mabilis na sagot ng lalaki. “Do you mind if I dedicate her a message?”
“Not really.”
“Okay. To Gianna,” Pakiramdam niya ay biglang nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok nang malaman na kapangalan niya pa pala ang sinasabi ni Caleb na magiging collateral damage sa misyon na tinutukoy nito. The man was really starting to sound... creepy.
“I don’t know if you are listening but I really hope you do. My apologies, sweetheart, but your life’s going to change from now on so be prepared for a roller coaster-kinda-ride. Hanggang sa susunod, DJ. Good night.”
Bago pa siya makapagsalita ay nawala na ang lalaki sa kabilang linya. Busy tone na ang sumunod na narinig niya.
Pinilit ni Gianna na tumawa para kalmahin ang sarili. “Another weird caller for tonight, I guess. Pero maraming salamat, Caleb sa pagbahagi ng iyong...” Sandaling hinanap niya pa sa isip ang tamang salita na idudugtong sa sinabi. “Misyon sa amin.”
“STRIKE ONE.” Ani Caleb bago unti-unting sumilay ang matagumpay na ngiti sa kanyang mga labi matapos mapakinggan ang kabuuan ng program ni Gianna sa radyo.
Kahit wala pa siyang idea sa itsura ng dalaga maging sa naging reaction kanina ay alam niyang nakapagdulot siya kahit paano ng kaba rito base sa panandaliang pananahimik nito habang kausap niya. He knew for a fact that disk jockeys do not get speechless unless they were caught off guard. And that was exactly what he tried to do earlier.
“I didn’t expect your voice to be that sweet, Snow White. But I like it.” Naibulong ni Caleb bago tuluyan nang ini-off ang stereo. Binalingan niya ang naka-folder na report sa kanya ng private investigator na inupahan niya kasabay nang muling pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.
TILA MAY MAINIT na mga kamay na humaplos sa puso ni Gianna habang pinagmamasdan ang tulog na tulog na anyo ng kanyang fiancé na si Alaric. Mula sa bukas na bintana ng kotse nito ay kitang-kita niya ang pagod na itsura nito habang nakayukyok sa manibela paharap sa kinatatayuan niya sa parking lot.
Pediatrician si Alaric at alam niyang abala rin ito sa trabaho nito kaya hangga’t maaari, ayaw niyang sinusundo pa siya pero mapilit ito. Palagi nitong iginigiit na delikado para sa kanya ang magbiyahe mag-isa lalo na at kulang tatlong linggo na lang ay ikakasal na sila kaya nangako siya ritong magli-leave na sa pagiging disk jockey bago matapos ang linggo. At Biyernes na ngayon.
Hahawakan niya sana ang mga pisngi ni Alaric nang dumilat ito. And once again, she was greeted by the most captivating emerald eyes she had ever seen.
“Gianna... I love you.” Para bang inaantok pang sinabi ng binata.
Sa isang iglap, nalimutan niya ang stress na idinulot ng huling caller niya nang gabing iyon. Matamis siyang ngumiti. “I know. And I love you, too.”
Saka lang para bang natauhan si Alaric. Mabilis na bumaba ito ng kotse at sinalubong siya. Nakarehistro na ang pag-aalala sa mukha nito nang lapitan siya. “I’m sorry. Kanina ka pa ba dyan? Hindi na ‘ko nakapasok sa loob. Inantok na kasi ako at-“
Hindi na nakapagpigil na tumingkayad si Gianna at inabot ang nasorpresang mga labi ni Alaric. Mula nang mamatay sa sakit sa puso mag-aapat na taon na ang nakararaan ang Mother Annita niya, ang madre na nagsilbing ina-inahan niya mula nang sanggol pa lang siya at iniwan basta na lang sa gate ng isang orphanage ay si Alaric pa lang ang nagpakita sa kanya nang ganoong klaseng pagtanggap at pagmamahal.
Nagkakila sila nito noong minsang magsagawa ang binata at ang mga kaibigan nitong doktor ng isang libreng check-up para sa mga bata sa orphanage. Unang kita niya pa lang rito ay hinangaan niya na dahil sa galing nitong makisama hindi lang sa mga matatandang staff roon kundi maging sa mga bata. Naging malapit sila sa isa’t isa dahil sa pareho nilang hangaring makatulong sa mga batang parang pamilya niya na rin. Halos naging linggo-linggo na ang pagbisita ni Alaric roon nang mag-isa na lang ito hanggang sa unti-unti ay nahulog ang loob niya rito kaya laking tuwa niya nang isang araw ay magtapat ito ng pagmamahal sa kanya na hindi niya na pinalampas pa.
Minahal siya ni Alaric kahit wala itong idea kung saan siya nagmula. He loved her even when he found her broken. He helped her survived her loss by simply being there for her. He had always been the perfect boyfriend for her. Kaya naman nang mag-propose ito halos isang linggo pa lang ang nakararaan ay buong puso niyang tinanggap. At nang ginusto nitong maikasal sila kaagad ay pumayag na rin siya tutal naman ay bente-sais na siya.
“Did you miss me that much?” Nanunuksong tanong nito nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi.
Tumango si Gianna. “Promise, babawi ako sa ’yo, Ric. Just bear with me until next week, alright?” Mula kasi nang mamatay ang mother Annita niya ay napilitan na siyang magdalawang trabaho para makatulong sa mga gastusin sa orphanage dahil nabawasan ang sponsors nila. Disk jockey siya sa gabi at Human Resource Manager sa isang hotel sa araw. At hanggang sa susunod na linggo pa ang trabaho niya roon.
Sumilay ang kuntentong ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang mga narating niya sa kabila ng pagiging ulila niya. Pinagsumikapan ng mother Annita niya kasama ang ilang pari ang pag-aaral niya hanggang high school kasama ng mga kagaya niyang ulila. Dahil sa tulong ng governor na noon ay sponsor nila sa ampunan ay nakakuha sila ng full scholarship sa kolehiyo. Sa kasamaang palad ay iilan lang sa kanila ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil ang iba ay maagang nagsipag-asawa.
“No problem.” Nahinto si Giana sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang malambing na sagot na iyon ng kanyang fiancé. Nakangiti ito na nagpalitaw ng dimples nito sa magkabilang pisngi. Inalalayan siya nito papasok sa kotse. “Dinaanan ko na nga pala kaninang umaga ang final draft ng wedding invitation natin. Alam ko kasing pagod ka na kaya nagkusa na ‘ko.”
“Nasabi ko na ba sa ’yo kung gaano ka kagwapo at kung gaano ako kaswerteng nasa buhay kita?” Natawa si Alaric pagkatapos ay inabot sa kanya ang kulay-rosas na sobre bago ito nagsimula nang magmaneho. Pinasadahan niya iyon ng tingin at akmang ibabalik na sa dashboard nang may mapansin siya. Puro mga kaibigan nila pareho sa kani-kanilang trabaho ang halos bumubuo sa bridal entourage. Uncle lang sa side ng ina nito ang darating.
Saka niya lang naalalang sa buong duration na magkasama sila ay bihirang magbanggit si Alaric ng tungkol sa pamilya nito. Ang alam niya lang ay namayapa na pareho ang mga magulang nito. Ang ina nito ay namatay sa panganganak at ang Spanish-American na ama nito sa isang plane crash noong bente anyos pa lang ito. That made it more than a decade now because he turned thirty-four months ago.
“May problema ba?” tanong ni Alaric nang mapansin ang pananahimik niya.
“Na-realize ko lang na bihira nating pag-usapan ang pamilya mo, Ric.”
“Because I don’t have any, Gianna. Well, I... used to have one but he’s on the other side of the world right now, too busy thinking the worst of me.”
Kumunot ang noo ni Gianna. Ngayon lang ito nagbanggit nang tungkol doon sa loob ng dalawang taon na magkarelasyon sila. “You mean the only family you have left treats you like an enemy?”
Hindi na umimik si Alaric pero mapanglaw na ang mga mata nito nang humarap siya rito. Bumuntong-hininga siya. “You can tell me about it whenever you’re ready, Ric. Handa naman akong maghintay.”
Nilingon siya nito at bahagyang ngumiti. “Salamat.”
“WHAT ARE YOU DOING HERE?”
Nang-uuyam na ngumiti si Caleb sa naibulalas ni Alaric matapos nitong makabawi sa ilang segundong pagkabigla nang madatnan siya nito nang umagang iyon na prenteng nakaupo sa sala sa bahay ng mga magulang nila.
“Where are your manners, brother? Mabuti pa ang mga katulong sa labas, sinabihan ako ng ‘welcome back’.” Imbes ay sagot niya at akmang lalapit rito para tapikin ito sa balikat pero umiwas ito.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Caleb. Bakit ka bumalik?”
Kumunot ang noo niya. “At bakit hindi? Last time I checked, this is also my house. Besides...” Pinagpag niya ang suot na leather jacket. “Would you rather prefer I went straight to Gianna’s apartment and pretend to be you?” Napangisi siya nang makita ang paniningkit ng mga mata ni Alaric. “Relax, Ric. Bumalik lang ako para sa kasal mo. I wouldn’t miss it for the world.”
“I don’t remember inviting you, Caleb.”
“Oh,” He feigned innocence. “And here I thought my invitation just got lost. You are hurting me, brother.”
Akmang magsasalita pa si Alaric nang gambalain sila ng katulong at sabihing may emergency call ito mula sa ospital. Ilang segundong tila alumpihit ito bago sa wakas ay sumunod sa katulong.
“I will get back on you later.” Nagbabanta ang boses na sinabi nito.
Nagkibit-balikat si Caleb. Balak niya sanang magpunta sandali sa kanyang dating kwarto nang marinig niyang bumukas ang pinto. Hindi pa man siya pumipihit paharap sa bagong dating ay naramdaman niya na ang malambot na katawan na bigla na lang yumapos sa kanyang baywang. Nalanghap niya rin ang mabining amoy ng babae.
“Surprise!” Malambing na sinabi nito. “I miss you, Ric.”
Nahulaan niyang ito si Gianna base na rin sa pamilyar na boses nito na walang ipinagkaiba ng makausap niya sa telepono. He grinned. Kinalas ni Caleb ang mga braso ng dalaga na nakayapos sa kanya at walang pagmamadali sa kilos na humarap rito para lang mabigla sa nabungaran. Sure, he was expecting a beautiful woman but he was not expecting a woman as beautiful as the one he was actually seeing right now. Rex was right, Gianna had such a flawless Snow White skin but he forgot to mention that she also had the face of a queen.
Damn you, Ric. Naislaoob ni Caleb. So all these time that I was in pain, you were with this girl enjoying heaven.
Sa naisip ay nagdilim ang kanyang anyo.
“May problema ba, Ric?”
“Wala naman, masaya lang akong nandito ka.” Mabilis na sagot ni Caleb. Bago pa man makuhang sumagot ni Gianna ay maagap na hinapit na niya ito sa makipot na baywang nito at hinagkan sa mga labi. He was taken aback, too, by the sweet sensation of her lips against his. This woman was full of surprises. And he loved surprises. Palihim siyang napangiti habang hinihintay ang pagbabalik ni Alaric.
Come on, brother. Where are you? It’s show time.
NANIBAGO ang pakiramdam ni Gianna nang bigla siyang siilin ng halik sa mga labi ni Alaric. Mapangahas iyon at tila... nagpaparusa. She knew Alaric’s kisses. It was always warm, tender, and light. Sa naisip ay bigla niyang naimulat ang mga mata. She was greeted by the dangerous glint in his eyes that made her quiver. It was the same green eyes she knew and yet, they looked completely different.
Wala sa sariling naitulak niya ang binata. “A-ano ba’ng nangyayari sa ’yo, Ric?”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Ano sa tingin mo?”
Kumunot ang noo ni Gianna. Saka niya lang tuluyang napagmasdan ang itsura nito. Nakasimpleng pantalong maong lang ang lalaki, brown na t-shirt na pinaibabawan ng itim na leather jacket at tinernuhan ng itim ding rubber shoes. But as far as she could remember, Alaric never wore rugged attires. He was always formal in his signature coat and slacks. Kung hindi naman ay naka-long sleeved ito pero slacks pa rin ang itiniterno roon, malayong-malayo sa itsura ng kaharap niya nang mga oras na iyon.
Maliban na lang kung... may kakambal ang fiancé niya na kamukhang-kamukha mismo nito. Pero imposible. Kung meron man, sana nalaman niya na noon pa. Pero paano niya maipapaliwanag ang mga pagkakaiba?
Pinilit ngumiti ni Giana para kalmahin ang sarili. “Ric, I don’t understand-“
“That’s understandable because I’m not Ric.” Umawang ang kanyang mga labi. “I’m Caleb, his twin brother. Finally, we’ve met, Snow white. Pagpasensyahan mo na nga lang kung masyado akong naging excited kaya nauna ang halik bago ang introduction-“
Napatili si Gianna nang mula sa kung saan ay bigla na lang dumating ang sa wakas ay nakilala niyang si Alaric at dinaluhong ang lalaki ng suntok.
ILANG SEGUNDONG tila natulos sa kinatatayuan si Gianna bago siya nakahuma at nakialam sa dalawang lalaking kasalukuyang abala sa pakikipagpambuno sa isa’t isa.
Nang akmang muling aangat ang kamao ni Alaric ay napasigaw na siya. “Ric, tama na, please!” Nabitin sa ere ang kamao nito. “Come on, you are not like that.”
Alanganin siyang lumapit sa kanyang fiancé at ibinaba ang kamay nito. Sa loob nang ilang taong nakasama niya si Alaric, ni minsan ay hindi niya ito nakitang nagalit. He had always been gentle and kind. And that was exactly what she liked the most about him.
Tuluyan nang binitiwan ng isang kamay ni Alaric ang jacket ng kakambal nito na para bang reflection lang nito kung haharap sa salamin. Maliban na lang sa maliwanag na pagkakaiba ng preference ng mga ito sa pananamit. Alaric was wearing the same navy blue long sleeved shirt that she gave him last Christmas which he paired with black slacks and his favorite leather shoes. Bukod sa kulay emerald na mga mata ng magkapatid, matalim ang kay Caleb habang nag-aalala naman ang kay Alaric, ay wala na halos ipinagkaiba ang dalawa. Maski ang morenong kulay, taas at tikas ay magkaparehong-magkapareho ang mga ito.
Marahas na pinahid ni Caleb ang tumulong dugo mula sa mga labi nito bago ito tumuwid ng tayo. Muli niyang naramdaman ang tensiyon sa katawan ni Alaric nang kumuyom ang mga kamay nito.
“Don’t look at me like that, brother. Your fiancée and I just kissed.” Akmang muling susugurin ni Alaric si Caleb nang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Oops, kalma lang. It was just a friendly kiss on the lips... right, Snow White?”
Napahugot si Gianna nang malalim na hininga. Kahit damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi ay pilit na inignora niya ang lalaki. Sa halip ay tumuon ang kanyang mga mata sa katabi.
“Hindi mo nabanggit sa ’kin na may kapatid ka, Ric.” Nagtitimping sinabi niya. “At kakambal pa nga kung tutuusin.”
“Talaga, Ric? Idini-deny mo na ‘ko ngayon? Ouch. That hurts, you know.”
“Will you please turn off that jerk mode of yours for a while and leave us alone? I need to talk to my fiancé and not to you.” Hindi na nakapagpigil na pambabara ni Gianna kay Caleb. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na nahalikan siya ng binata at nagpahalik siya rito kahit pa sabihing halos nakabawi na rin siya sa panununtok rito ng kanyang fiancé. Ngayon ay napagtagni-tagni niya na ang mga sinabi noon sa kanya ni Alaric.
Si Caleb marahil ang sinasabi nitong natitirang kapamilya na may galit rito at hindi niya maintindihan ang bagay na iyon. Dahil kung tutuusin ang dapat pa nga ay si Alaric ang magalit rito and not the other way around considering his nasty attitude. It was her first time to ever see Caleb but she knew she could not simply trust him. Every single thing about the man radiated danger.
Nagtaas ng mga kamay si Caleb bago ngumisi. “Sige na nga, mananahimik na muna ako.” Akmang tatalikod na ito nang tila may makalimutan dahil muli itong bumaling sa kapatid. “’Wag kang mag-alala, Ric, matalino si Snow White. She knew how to differentiate a great kiss from a lousy one. And when I say lousy, I’m referring to...” Nagkibit-balikat ito. “I don’t know... You?”
Alaric’s jaw clenched. “Save it, Caleb. If you want to fight, today is not the right time for that.”
“Sure. Mamaya na lang ulit, okay?” Muling ngumisi si Caleb bago tumingin sa kanya. “Bye for now, Snow White. I will see you again soon.” Kinindatan pa siya nito bago tumalikod at umakyat sa hagdan.
Napapagod na napaupo si Gianna sa sofa nang tuluyang mawala ang lalaki sa kanyang paningin.