bc

The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan (Completed)

book_age16+
624
FOLLOW
4.6K
READ
revenge
love-triangle
family
playboy
inspirational
drama
betrayal
first love
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ansel McClennan had been called shark, villain, and ruthless in the business industry, but for Yalena, he was just a fish. Ilang ulit na siyang ipinahiya ng maangas na abogada. Ilang ulit din nitong tinapakan ang kanyang pride. Si Yalena lang ang nag-iisang babae na hindi niya makuha-kuha, lalo na at abot hanggang langit ang galit nito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan.

Pero sa kabila niyon, tinamaan pa rin ang makulit na puso ni Ansel para kay Yalena. Niligawan niya ang dalaga. Ibinigay niya ang lahat ng kayang ibigay, pero napakarami nitong kondisyon; mga kondisyong kinatatakutan niya. Experts say to kiss the rose, the thorns will make you bleed. But was he willing to bleed... just for a single rose?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PROLOGUE   Alzheimer’s disease, it is something that everyone would desperately try to get away from… but not me. Nang malaman kong may ganoong uri ako ng karamdaman, natuwa pa ako. Dahil alam kong magagamit ko iyon para makatakas at para makalimutan ang lahat. Gagaan pa kahit paano ang loob ko kapag dumating ang panahon na hindi ko na magagawang makapagsulat sa aklat na ito. I will no longer need an outlet to release the pain. Gustong-gusto ko nang makalimot dahil habang nakakaalala pa ako, paulit-ulit ko siyang babalikan. Dahil iyon ang parating iuutos ng puso ko at paulit-ulit ko ring mararanasan ang kamatayan.       It’s a slow death watching Carla fall apart because of me. Subalit makasarili ako. Watching the one you love fall for someone else hurts. Watching her be happy with someone else hurts even more. Subalit walang anumang salita na maglalarawan sa sakit na mararamdaman mo sa oras na makita mong nasasaktan ang ipinangangalandakan mong pinakamamahal mo nang dahil sa kagagawan mo.       I’m sick of dying every single day. Gusto kong kalimutan na sinaktan ko si Carla, na sinira ko hindi lang ang pamilya niya kundi pati na ang pamilya ng iba. Gusto kong kalimutan na ako ang dahilan kung bakit nawalan ng mga magulang ang mga batang iyon. I wanted to forget that I am more than a sinner, that I am a liar, a traitor, a thief, and a murderer. Gusto kong kalimutan ang kwento ng buhay ko para kapag dumating ang araw na nagkaharap kaming muli ng mga anak ko, magagawa ko kahit paanong salubungin ang kanilang mga mata kahit nangangahulugan iyon na wala na akong maaalala. Sa buong buhay ko, dalawang ulit pa lang akong naging masaya. Una ay nang makita ko si Carla sa kauna-unahang pagkakataon. Pangalawa ay nang maging ama ako nina Ansel, Alano, at Austin. The rest of my life is filled with tragedy, with memories that I’m too hurt and too embarrassed to remember.       Alam ko na isang araw ay malaki ang posibilidad na mabasa ito ng isa sa mga anak ko. Nakiusap ako kay Alexandra na itago ang lahat ng mga diaries ko mula pa noon hanggang sa mga sandaling ito. For a man who had been called an ass, a villain, a terminator, and a cruel businessman, who would have thought I’d have diaries? Ipinalagay ko ang mga ito sa library. Umaasa ako na isang araw ay maaantig ang kuryosidad ng mga anak ko para mabuklat ang mga ito, para mahantad ang mga bagay na kailanman ay hindi ko magagawang aminin sa personal. I want them to be the ones to give justice to Clarice and the twins, justice that I am never capable of giving.       Alam kong masisira ang pagtingin sa akin ng mga anak ko kapag nabasa nila ang mga ito. Hindi ako maghahangad ng kapatawaran, kahit ang kapatawaran nina Maggy, Yalena, at Clarice. Wala akong karapatang maghangad matapos ang lahat. Dalangin ko lang na sana ay matuto sila mula sa aking mga naging pagkakamali, na kapag nagmahal sila at ginusto ng minamahal nilang lumaya, palayain nila. As the song goes, she’s yours if she stays. That’s what it feels like to love a woman.       Hindi ako nagmahal nang tama. Hindi ako nagmahal nang nararapat kaya wala ako sa posisyon para mag-ambag ng mga payo ukol sa pag-ibig. But I do have a lot to say about pain and regrets. And things get even more painful and regretful if they are involved with the ones we love.                                                                                                                                                                  Benedict   Napahugot nang malalim na hininga si Alano matapos mabasa ang huling pahina ng isa sa mga journals ng ama. Mahigit isang taon na ang lumipas mula nang matuklasan niya ang katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ng kanyang ama. Pero sariwang-sariwa pa rin ang frustration at sakit sa puso niya na parang kahapon lang nabasa ang journal na iyon. Nalipat ang atensiyon niya sa nakababatang kapatid na si Austin nang kunin nito mula sa kanya ang hawak na journal. Katulad ng iba pang journals ay inilagay din nito iyon sa traveling bag. Kumunot ang noo niya. “Ano’ng gagawin mo sa mga ‘yan, Austin?”       “May ilang mga entries sa journals na para kina Clarice, Maggy, at Yalena,” ani Austin. “At kailangan nilang mabasa ang mga ‘yon. I think that was Benedict’s selfish way of asking forgiveness.” Bahagyang humina ang boses nito. “But the old man is right, Al. Totoong wala siyang karapatang humingi ng kapatawaran. He doesn’t deserve it, not in this lifetime, at least.” Mayamaya ay ipinilig nito ang ulo at pilit binago ang takbo ng usapan. “Tumawag pala si Yalena kay Maggy noong isang araw. Darating daw bukas si Yalena at sa bahay na muna tutuloy. Maggy told her to have a heart.”       Napatango-tango si Alano. Alam niyang tungkol sa magiging paghihiganti ni Yalena ang tinutukoy ng kapatid, paghihiganti na ngayon ay nakasentro para kay Ansel. “And what did Yalena say?”       “That she didn’t have her heart anymore. Benedict took it away.”       Kahit paano ay nakaramdam ng amusement si Alano nang makita ang pagdaan ng pangamba sa mga mata ni Austin. “`Wag mong sabihing nag-aalala ka para kay Kuya Ansel? Come on, brother. Kasintuso siya ni Benedict. Kontrabida ang tingin sa kanya ng lahat sa business society. Others even call him shark. I’m sure he can handle this situation better than us.”       “Hindi lang naman ako para kay Kuya Ansel nag-aalala. Kundi pati na rin sa ating dalawa, lalo na sa ‘kin. De Laras’ are tough. Kay Maggy pa nga lang ay nahihirapan na ako. Siguradong lalo na kay Yalena. Haven’t you heard about that criminal lawyer? Mala-dragon daw ‘yon sa loob ng korte. She got the second highest rank in the bar exam. Matinik na abogada. Wala pa siyang naipapatalong kaso sa mga hinawakan niya.” Bumuntong-hininga si Austin. “Besides, let’s not underestimate the power of women. Siguradong pagdaraanan din ni Kuya Ansel ang mga pinagdaanan natin. He may be a shark, but Yalena, as a well-known dragon, will throw fire at him right before he could catch her.”       “Hmm…” Napasulyap si Alano sa gawi ng library kung saan nakasabit ang family portrait nila. Tumutok ang mga mata niya kay Ansel, ang panganay nilang kapatid. “So it’s a dragon versus shark. Base sa mga sinabi mo, parang gusto ko nang maawa para sa pating ng pamilya natin.” Muli siyang napangiti. “But brother, sharks may be predictable. But the number of their attacks isn’t.” Kinindatan niya ang kapatid. “I’ve read that somewhere.”     CHAPTER ONE   “BUONG-BUO ka kung magmahal. At handa kang ialay ang lahat para sa iisang tao hanggang nabubuhay ka. Sa laro ng mundong ito ay ilang beses kang matatalo bago ka magtatagumpay. Nakikita kong mabuti kang tao, ineng. Anuman ang mangyari sa hinaharap ay huwag mong aalisin sa puso mo ang kakayahan nitong magpatawad. Iyan ang isa sa mga susi patungo sa tagumpay.” Ayaw man ni Yalena ay hindi niya pa rin maiwasang hindi isipin ang mahabang sinabing iyon ng isang matandang babae na humarang sa kanya at nag-alok ng mga paninda nitong kandila sa entrance ng sementeryo. May libre daw siyang hula mula rito sa oras na bumili siya. Dahil mapilit ito at parang balak pa siyang sundan hanggang sa puntod ng kanyang mga magulang ay wala na siyang nagawa kundi ang bumili kahit pa wala siyang interes na makinig sa hula. Pero matapos niyang iabot ang kanyang bayad ay mabilis na hinawakan ng matanda ang kanyang palad at nagsalita ng mga bagay na ayaw niyang marinig… Lalo na at tungkol iyon sa pag-ibig na dahilan kung bakit pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya sa mundo nang mga sandaling iyon.       Ibinaba ni Yalena ang hawak na mga bulaklak at naupo sa pagitan ng magkatabing puntod ng kanyang mga magulang. Sunod-sunod na napahugot siya nang malalalim na hininga nang maalala ang naging pag-uusap nila ng matalik na kaibigang si Clarice sa skype noong nagdaang gabi.        Mariing naipikit niya ang mga mata nang ang sumunod na naalala ay ang lumuluhang anyo nito.       “I’m so sorry. Hindi ko sinasadya, Yana. But I fell in love with Alano in the process. Mabuti siyang tao. Naiiba siya kay Benedict. At mahal niya rin ako. The annulment you’re saying…” Napailing si Clarice. “I don’t even want to think about it. Yana, naiiba ang mga anak ni Benedict. Kahit si Austin ay mabuting tao rin. Sa pagbabalik mo bukas sa Pilipinas, unawain mo rin sana ang sitwasyon ni Maggy. Nagmamahalan sila ni Austin. She’s six weeks pregnant. I’m so sorry, Yana.” tumulo ang mga luha nito nang sandaling matulala si Yalena sa mga narinig. “Binilinan ako ni Maggy na huwag na munang sabihin sa `yo. Alam naming magagalit ka. Hindi ka namin iniiwan sa ere, maniwala ka. It’s just that—”       “It’s just that love is more important than justice. Is that what you’re trying to tell me, Clarice?” mahinang sinabi ni Yalena nang sa wakas ay makabawi. Hindi nakapagsalita si Clarice. Yumuko na lang ito.       Mapait siyang napangiti. Itinigil niya na ang pakikipag-usap sa kaibigan. Isinara niya na ang kanyang laptop.       Sa muling pagdilat ni Yalena ay napahawak siya sa kanyang dibdib sa pag-atake ng pinaghalong sama ng loob at sakit. “Sa loob ng labing-anim na taon, itinago namin sa mga puso namin ang sakit na dala nang pagkawala n’yo. Bawat segundo noon ay pinuno namin ng pagpaplano kung paano makakamit ang hustisya. Pero isang pana lang ni kupido ay nasira ang lahat, Mom and Dad. Isang pana lang, naiwan akong nag-iisa sa ere,” bulong niya habang nakatitig sa lapida ng ama.       “Wala naman sanang masama sa pagmamahal. Pero bakit kailangang sa dalawang McClennan pa? Napakahaba ng labing-anim na taon. Gusto kong isiping napagod lang sila na makaramdam ng sakit. Pero sino ba ang hindi?” Gumaralgal ang boses ni Yalena. “Napapagod na rin naman ako, Dad. Ayoko nga lang na sumuko kaagad. Dahil ang galit sa puso ko na lang ang dahilan kung bakit nabubuhay ako.”     Ipinagpaliban ni Yalena ang lahat ng mga transactions sa Los Angeles at nagpasyang bumalik sa Pilipinas nang makaramdam siya ng pagdududa lalo na nang malaman niya na bumalik din sa bansa si Maggy at muling sumama kay Austin. Hindi niya ma-contact nitong mga nakaraang linggo ang kakambal na mas bata lang sa kanya nang ilang minuto. Noong nagdaang araw lang ito nakapag-return call sa kanya at kinumusta siya pero hindi maikakailang umiiwas ito na mapahaba ang kanilang usapan. Kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at inamin sa kapatid ang kanyang pagbabalik.       Nag-iba na ang pakiramdam ni Yalena nang ipadala sa kanya ni Maggy tatlong linggo na ang nakararaan sa pamamagitan ng sidekick nitong si Radha ang mga dokumento na nagsasabing inilipat na nito sa ilalim ng pangalan niya ang lahat ng shares na ibinigay rito ng asawang si Austin sa McClennan Corporation. Kalakip niyon ay ang maikling note ng kakambal na nagsasaad ng paghingi nito ng kapatawaran at pag-atras sa kanilang misyon. Nakumpirma ang kanyang pagdududa nang makausap niya si Clarice noong nagdaang gabi.       Noon na lang nakausap ni Yalena ang kaibigan dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Una ay ang muling pagbabalik niya kay Lester sa kulungan, ang lalaki ang dating live-in partner ni Radha. Kinasuhan nila ito at ipinakulong nila ng kakambal dahil sa pagtutulak ng droga, pang-aabuso, at p*******t kay Radha. Nang makalaya si Lester ay hinanap nito sa Pilipinas ang kakambal niya na muntik nang mapahamak nang banggain nito ang kotseng kinalululanan ni Maggy. Matapos niyon ay nagpunta siya sa Los Angeles para asikasuhin ang pagtatayo roon ng branch ng YCM o Yalena, Clarice, and Maggy Hotel and Resorts, iyon ang negosyong binuo nila ni Clarice at Maggy mahigit dalawang taon na ang nakararaan.       Nang magpunta si Yalena sa Los Angeles, ang buong akala niya ay nasa Nevada pa si Maggy at personal na pinamamahalaan ang main branch nila roon. Iyon pala ay tulad ni Clarice ay tatlong beses kada isang buwan na lang ito nagpupunta sa branch nila roon. Ang plano niya ay magtagal pa nang ilang linggo sa Los Angeles para imbestigahan na rin ang tao sa likod ng mga death threats na natatanggap niya na parang sinadya siyang sundan mula sa Nevada.       Siyam na araw na ang nakararaan nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki—ayon sa kanyang kapit-bahay—ang kanyang apartment. Mabuti na lang at nagkataong nasa resort na ipinatatayo niya siya noong araw na iyon. Ini-report niya na sa pulis ang insidente pero wala pa rin silang idea kung sino ang mga gumawa niyon sa apartment niya dahil nakatakip umano ang mukha ng mga lalaking iyon.       Alam ni Yalena na marami ang may gustong burahin siya sa mundo sa dami ng mga nabangga niya noon mula sa mga kasong hinawakan niya. Pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makita ang kalagayan ng kakambal kaysa ang patuloy na mag-imbestiga samantalang napakabagal nang pag-usad ng kaso. Kaya matapos niyang ihabilin sa kanyang staff ang pagtatayo ng branch nila roon ay sumunod na siya sa Pilipinas tutal ay naka-leave rin naman siya ng anim na buwan sa law firm na pinapasukan.       Ilang beses na rin siyang nakatanggap ng mga pagbabanta noon. Pero ang pamamaril sa kanyang apartment ay ibang usapan na dahil noon ay ang takutin lang siya ang pakay ng sinuman. Kahit pa masama ang loob niya sa paglilihim ng kapatid na ngayon ay lampas dalawang buwan nang naninirahan sa Pilipinas ay gusto niya pa ring masiguro kung maayos ang pagbubuntis nito. Dahil sa kabila ng lahat ay ito na lang ang nag-iisa niyang kaanak sa mundo.       Sa kasalukuyan, hindi alam ni Yalena kung ano ang eksaktong gagawin. Gumuho ang konkreto na sanang plano nang matuklasan niya ang kinahinatnan ng mga misyon nina Maggy at Clarice.       Pero sa isang bagay siya nakasisiguro. Hindi niya na isusugal pa ang sarili para makuha si Ansel at para matunton si Benedict. Nakapasok na sa pamilya ng mga McClennan sina Clarice at Maggy, ang koneksiyon ng dalawa na lang ang gagamitin niyang tulay papunta sa kanyang target.       Higit pa sa shares ang kailangan niya. Higit pa sa kayamanan ng mga McClennan ang hangad niya. Walang dudang gusto niya pa ring mabawi ang kompanyang pinagsumikapang itayo noon ng mga ama nila ni Clarice. Pero higit pa roon ay gusto niyang makuha si Benedict.       Hindi niya alam kung paano pero siya ang tatapos sa kanilang misyon anuman ang maging kahantungan niyon. That’s the only way she could move on. Dahil literal na huminto na ang oras para sa kanya simula nang namatay ang kanyang mga magulang. She was still in nineteen-ninety-nine. After she finds a way to attain justice, she aims to start living in the present.       Inilabas ni Yalena ang lighter mula sa kanyang shoulder bag. Sinindihan niya ang mga kandila. Muli ay naglaro sa kanyang isipan ang mga sinabi ng matanda. Mayamaya ay ipinilig niya ang ulo. Paano magiging posible iyon? Paano niya magagawang magmahal nang buo kung basag ang kanyang pagkatao?       “Till next time, Mom and Dad.” Tumayo na si Yalena at umalis ng sementeryo. Hindi na niya nakita pa ang matandang babae sa kanyang paglabas. Agad na pinara niya ang nagdaang taxi. Shoulder bag na lang ang kanyang dala dahil nauna nang ipinahatid noong nagdaang araw ang kanyang mga maleta sa mansiyon ng mga McClennan.       Pasakay na siya sa taxi nang mamataan ang ilang mga nakaitim na kalalakihan na nakatayo hindi kalayuan sa guard house ng sementeryo. Pare-parehong nakasumbrero ang mga ito at tulad niya ay nakasuot ng dark glasses. Apat ang mga iyon.       Mabilis na sumakay si Yalena sa taxi. Nang maisara ang pinto niyon ay sumilip siya sa bintana. Nakita niyang mabilis ding sumakay ang kalalakihan sa isang itim na sasakyan. s**t!       Ikatlong Lunes na ng buwan ng Oktubre kaya may mga mangilan-ngilan nang tao sa loob ng sementeryo kaya hindi siya nasundan sa loob ng mga kalalakihang iyon na malakas ang kutob niyang siya ang pakay.       Hindi pa kahit kailan sumablay ang kutob ni Yalena. Malaki ang pagpapasalamat niyang may ilan ding mga sasakyan nang mga sandaling iyon sa kalsada. Sinabi niya sa driver ang address ng kakambal. Pero mayamaya ay nagbago ang kanyang isip. Kung ipadederetso niya sa mansiyon ng mag-asawang Austin at Maggy ang taxi ay malaki ang posibilidad na pati na rin si Maggy ay madamay sa komplikadong sitwasyong kinasusuungan niya. At hindi iyon pwede lalo na at buntis ito. Hindi rin siya makagagawa nang tamang mga hakbang laban kay Benedict kung may mga aali-aligid sa bahay ng kakambal na pansamantalang tutuluyan niya.       Hindi niya pa kabisado ang Maynila dahil ngayon na lang siya muling nakatapak doon. Apat na lugar lang sa Pilipinas ang kabisado niya. Ang bahay ni Clarice, ang mansiyon ng mga McClennan kung saan niya sinundo noon si Maggy, ang sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang mga magulang at ang opisina ng McClennan Corporation.       Napasulyap siya sa kanyang wristwatch. Halos isang oras pa ang biyahe bago makarating sa McClennan Corporation pero doon niya na ipinaderetso ang taxi.       Dehado siya. Wala siyang dalang baril. Kinabukasan pa ihahatid sa kanya ni Radha ang rehistrado nang baril niya, iyon ang huling gagawin nito bago tuluyang magretiro mula sa pagiging tauhan nila ng kapatid. Kahit may nalalaman siya tungkol sa self-defense ay wala pa rin siyang laban kompara sa mga armas na nasisiguro niyang hawak ng kalalakihang sumusunod sa kanya.       Ayaw mang aminin ni Yalena ay kakailanganin niya ang security na siguradong mayroon ang napangasawa ng kakambal. Kakailanganin niya ng escort para makita si Maggy. Damn it.       Nang huminto ang taxi sa mismong tapat ng McClennan Corporation ay huminto rin ang itim na sasakyan ilang metro ang layo sa taxi na sinakyan niya. Kumuyom ang kanyang mga kamay.       “SHE DIDN’T mention her name, Sir. She just said that she’s an important person.” Unti-unting sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi ni Ansel nang maalala ang mga sinabing iyon sa kanya ng lalaking staff niya sa reception area nang tumawag iyon sa kanyang opisina at ipinaalam ang tungkol sa isang estranghera na hinahanap daw ang kanyang mga kapatid. Pero kasalukuyang nasa Taipei si Alano para sa isang conference habang hindi naman pumasok si Austin sa araw na iyon para samahan na magpa-check up ang buntis nitong asawa.       Sa ibang pagkakataon ay wala siyang pakialam kung sinuman ang maghanap sa kanyang mga kapatid pero naantig ang kanyang curiosity sa sinabi ng kanyang staff. Hindi nakaligtas sa kanyang matalas na pandinig ang pinaghalong amusement at paghanga sa boses nito patungkol sa estranghera.       Ayon sa receptionist ay sinabi na nito sa estranghera na wala ang kanyang mga kapatid pero iginiit pa rin daw na tawagan ng kanyang staff si Austin. Hindi pumayag si Ansel dahil alam niyang wala rin namang mangyayari kung sakali. Kabisado niya na ang ugali ng bunsong kapatid. Kahit pa siya mismo ang tumawag kay Austin para ipaalam dito na binobomba ng mga terorista ang kanilang opisina ay hindi pa rin ito magmamadaling pumunta roon para sumaklolo.       Ipagpapalit ni Austin ang lahat mabantayan lang sa bawat panahon ang asawa nito. Habang hindi pa natatapos ang ipinapatayo ni Austin na bahay para dito at kay Maggy ay sa iisang bahay pa sila nakatira. Hindi maganda ang pakiramdam ni Maggy nang umagang iyon na siguro ay dala ng pagbubuntis. Kitang-kita ni Ansel ang pinaghalong pag-aalala at pagkatuliro ni Austin na agad nagdeklarang hindi na muna papasok.       Napailing siya sa naisip. Iyon ang dahilan kung bakit nakapagdesisyon siyang siya na lang ang haharap sa importanteng bisita ng mga kapatid.       Nang makalabas ng elevator ay dumeretso si Ansel sa receiving area. Nahuli niya pa ang tatlong mga receptionist na nagkataong puro mga lalaki na nakapangalumbaba habang nakatuon ang mga mata sa isang partikular na direksiyon. Sinundan ng mga mata niya ang direksiyong tinitingnan ng mga ito.       Nakita ni Ansel ang isang nakaupong babae sa couch na inilaan para sa mga bisita. Nakaitim itong bestida na sleeveless. Dahil nakade-kuwatro nang upo ay lumilis ang bestidang suot nito. Nahantad sa kanyang mga mata ang kalahati ng makikinis at mahahabang biyas nito. Napalunok siya.       Malaporselana ang kutis ng estranghera. Dahil sa itim na kasuotan ay lalong kuminang ang kaputian nito. Alon-alon ang mamula-mulang buhok na hanggang baywang ang haba. Hindi gaanong makita ni Ansel ang mukha ng babae dahil nakasuot ito ng sunglasses pero kapansin-pansin ang maganda at matangos na ilong at ang malarosas nitong mga labi. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito.       Hindi pa man siya nakakalapit nang husto ay nalanghap niya na ang mabining pabango ng babae. Oh, man. Marahan siyang tumikhim para agawin ang atensiyon nito.       Isinara ng estranghera ang magazine na binabasa. Ibinalik iyon sa center table sa harap nito at mayamaya ay nag-angat ng mukha paharap sa kanya. Inalis nito ang suot na sunglasses. Hindi alam ni Ansel kung ano ang naunang tumigil, kung ang oras ba o ang pagtibok ng puso niya. The woman was an enchantress. She had deep, dark Latin eyes with long curled lashes. Nakaawang pa rin ang bibig niya nang tumayo ang estranghera.       “I’m Yalena de Lara. I need to see Maggy. But I’m in trouble right now. May mga sumusunod sa akin kaya dito na muna ako dumeretso.”       Sa nakalipas na mga taon ay kung saan-saang bansa na napadpad si Ansel. Marami na siyang naggagandahang babae na nakadaupang-palad. He dated some of those girls while most of them ended up in his bed. Naiiba siya sa mga kapatid. Matino si Austin simula’t sapol, tuluyan namang nagretiro sa pagiging babaero si Alano habang siya ay hindi kahit kailan sumubok na pumasok sa isang relasyon.       Gusto ni Ansel ang uri ng buhay na meron siya lalo na ang kalayaang tinatamasa niya. Gusto niya ang idea na anumang oras ay pwede niyang makuha ang sinumang babaeng gugustuhin niya dahil hindi siya nakatali sa iisa lang. He hated being owned; he hated being possessed by any woman because that would limit his choices. Pero nang mga sandaling iyon ay parang gusto magbago ng kanyang isip.       Wala pa siyang nakikilalang babae na ganoon kalakas ang epekto sa kanya. Everything about the woman was beautiful, enigmatic, and sexy. Kahit na ang paraan nito ng pagsasalita, ang paggalaw ng mga labi, ang pagtitig sa kanya pati na ang paraan ng pagtayo na para bang kaya nitong paikutin ang mundo sa palad nito… lahat ng iyon ay kaaya-ayang pagmasdan.       Sandali pang natigilan si Ansel nang malakas na pumitik sa harap niya ang estranghera. “You’re… saying something?” disoriented niyang tanong.       Nagsalubong ang mga kilay ng estranghera. Namula ang mga pisngi nito. Tumaas-baba rin ang dibdib na parang pinipigil ang galit. Nakaramdam pa si Ansel ng pagkaaliw nang makita ang paniningkit ng mga mata ng babae.       How come I didn’t get to meet this woman before? Bakit hindi man lang siya ipinakilala sa akin nina Alano at Austin?       “I said I’m Yalena de Lara and I need to see Maggy,” parang nagpapaliwanag sa isang bata na sinabi ng estranghera. “But I’m in trouble. May mga sumusunod sa akin kaya dito na muna ako dumeretso.”       “Yalena de Lara.” Kumunot ang noo ni Ansel. Muli ay pinagmasdan niya ang estranghera. Kasintaas ito ni Maggy. Sa tantiya niya ay hindi rin nalalayo ang edad nito sa hipag niya. Parehong alon-alon ang buhok ng mga ito. Naalala niyang may nabanggit sa kanya noon ang hipag nang minsang tanungin niya tungkol sa pamilya nito. Parehong patay na ang mga magulang ni Maggy pero meron pa umano itong kapatid na babae.       Maggy said she had a fraternal twin. At abogada raw ang kakambal nitong iyon. Naalala ni Ansel ang mga naabutang maleta noong nagdaang araw sa kanilang mansiyon. Ayon sa kanyang hipag ay magbabakasyon sa kanila ang kakambal nito. Kuminang ang kanyang mga mata sa naisip. “You’re Maggy’s twin sister?”       Para bang naiinip na napabuga ng hangin ang nagpakilalang Yalena. “No, I’m her twin brother.”       Naglaho ang ngiti ni Ansel. “Look, Yalena—”       “Look, Mister, if you don’t want to get a stupid answer, then don’t ask a stupid question. And don’t you dare call me ‘Yalena’ again unless you’re a family member.”        Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay nasorpresa si Ansel. “But Austin is my brother so technically—”       “Hind ko pa kayang sikmurain ang kapatid mo para sa kakambal ko. So technically, I don’t consider you or Austin a family member. It is ‘Attorney de Lara’ for you and your brothers.”       So the enchantress has an attitude. Wala pang babaeng sumopla kay Ansel sa buong buhay niya. Nasanay siyang lahat ay tumatango lang sa bawat kagustuhan niya. Pero parang patuloy na pinatutunayan ni Yalena na kakaiba ito.       Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Muli siyang napalunok. Kung hindi lang nagkataong kakambal ni Maggy si Yalena ay walang dudang parurusahan niya ang huli dahil sa kapangahasan nito. At sisimulan niya ang parusang iyon sa mga mapang-akit na labi nito. Bago pa maglakbay ang kanyang isipan sa kung saan ay itinuon niya na ang atensiyon sa mga mata ng abogada.       “Kung hindi mo pa pala natatanggap si Austin para sa kakambal mo, bakit mo siya hinahanap ngayon? Ano’ng kailangan mo, Attorney?”       “I need your minions to get to my sister.”       Kumunot ang kanyang noo. “My what?”       “Your security guards. I told you, I’m in trouble.”       Nang manatiling nakakunot ang noo ni Ansel ay parang napipilitan lang na dinugtungan ng dalaga ang mga sinabi nito.       “May mga nakabangga ako sa korte. And those people want me dead. Ang akala ko ay natakasan ko na sila sa Los Angeles. Pero nasundan nila ako hanggang dito. Hindi ko kabisado ang pasikot-sikot sa lugar na ito. At kailangan ko na munang mailigaw ang mga humahabol sa akin bago ako dumeretso kina Maggy. Hindi ko matawagan si Maggy dahil ayokong mag-alala siya. That’s why I was looking for Austin—which was obviously against my will. Hindi ko alam na hindi pala siya pumasok.”       Hindi na nagdalawang-isip na dinukot ni Ansel ang kanyang cell phone mula sa bulsa ng pantalon at tinawagan ang kanyang secretary habang nanatiling nakatitig kay Yalena na matapang namang sinalubong ang kanyang mga mata. “Cancel all my appointments for today, Jasmine. I need to attend to a very important person right now,” aniya bago muling ibinulsa ang cell phone. Mabuti na lang pala at hindi niya inalis ang susi ng kotse sa bulsa ng kanyang coat.       “Ako na ang maghahatid sa `yo sa mansiyon, Attorney. Don’t worry; I can protect you better than the minions you were talking about.” Kinindatan niya si Yalena. “Bukod pa roon ay kabisado ko ang pasikot-sikot dito. Madali natin silang maililigaw.” Inilahad niya ang palad sa babae. “Ako nga pala si Ansel McClennan, ang—”       “I’m not interested,” ani Yalena at dinampot na ang shoulder bag nito sa couch. “Pakihatid na ako kaagad.” Muli nitong isinuot ang sunglasses at nauna na sa paglabas.       Natigilan si Ansel. Matalim ang mga matang sinulyapan niya ang kanyang mga staff na narinig niyang nagtatawanan sa reception desk. Agad namang tumahimik ang mga ito. Naiiling na sinundan niya si Yalena. Sa loob lang ng ilang minuto ay ilang ulit na nitong tinapakan ang pride niya. Ni hindi man lang nito binigyang-atensiyon ang kanyang anyo hindi tulad ng ibang mga babae.       Is she even a woman? Hindi kaya… lesbian itong si Yalena?       Pero agad niya ring binura ang naisip nang pagmasdan ang makipot na baywang ng dalaga at ang mga nakahantad na braso at hita. Kung dalhin nito ang sarili ay parang hindi ito isang abogada kundi isang modelo… isang napakagandang modelo na mala-dragon ang pagkatao dahil para ito parating nakahandang manakmal o `di kaya ay magbuga ng apoy. Mukhang wala naman sa anyo nito ang mangangailangan ng tulong nino man. Pero nang mga sandaling iyon ay ipinangako ni Ansel sa sariling walang kahit na sino ang makakapanakit ni dulo ng daliri ng dragon na ito.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

Payment of Debt

read
90.0K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
64.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
705.2K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
394.1K
bc

Tamed to Be Yours

read
386.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook