bc

The Fall of Thorns 2: Austin McClennan (Completed)

book_age16+
710
FOLLOW
5.4K
READ
billionaire
revenge
family
second chance
inspirational
drama
betrayal
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Nagising na lang isang araw si Maggy na walang kahit anong maalala tungkol sa kanyang sarili. Her world was on the verge of collapsing right before her when she saw a blue-eyed handsome man enter her hospital room. Nang mga sandaling iyon ay naramdaman niyang kakaiba ang lalaki. Nagpakilala itong si Austin McClennan. Kinupkop siya ng lalaki. She held on to his every word. She believed in him with all her heart which had fallen for him along the way.

Dahil sa pagmamahal ni Maggy kay Austin ay pumayag siyang magpakasal dito. Kasal na sila nang ma-realize niyang isang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa. Dahil sa pagbabalik ng kanyang alaala ay nagising siya sa katotohanang mortal na kaaway niya ang ama ni Austin at ang asawa ang sentro ng paghihiganti na matagal na niyang pinlano.

Ano ang uunahin ni Maggy? Ang pag-ibig o ang hustisya na labing-anim na taon nang ipinagkait sa kanyang pamilya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PROLOGUE   Nevada, USA   “I, LEVI, choose you, Denise, to be my wife. In front of our friends and family, I promise to love and cherish you through every obstacle that may come into our path.”       Maggy tried hard to suppress her tears. Isang selebrasyon ang ipinunta niya sa simbahan at ipinangako niya sa sariling hindi siya iiyak. Pero parang hiniwa ang puso niya nang makita ang pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi ni Levi habang titig na titig sa ngayon ay asawa na nitong si Denise. Sa kanya lang dati nakalaan ang ngiting iyon at ang nakikitang kislap sa mga mata nito, para sa kanya dati iyon.       Talagang hindi siya dapat umiyak. Dahil ginusto niya ang mga nangyari. Hinayaan niyang makawala si Levi kapalit ng kanyang misyon.       Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi. Dapat ay nagpapahinga na siya sa isang hotel nang mga sandaling iyon dahil ilang oras na lang ay nakatakda na ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Pero sa halip ay naroroon siya para saksihan ang pagpapalitan ng mga pangako ng mga ikakasal sa isa’t isa. Gusto niyang sa huling pagkakataon ay makita ang dating boyfriend at kumbinsihin ang sarili na tama ang ginawa niyang pagpapalaya rito.       Levi had finally found his match.       At base sa nakikita ni Maggy na pagmamahal na nakarehistro sa mga mata ng bride, alam niyang tama ang kanyang naging desisyon. Nagmamahalan ang mga ikinakasal. Iyon naman dapat ang mahalaga. Nang makitang isinusuot na ni Levi ang singsing sa daliri ni Denise ay mabilis at walang ingay na tumalikod na siya at lumabas ng simbahan. Dumeretso siya sa nakaparadang kotse ng matalik na kaibigang si Clarice na kasalukuyang nananatili ng ilang araw sa Nevada nang mga sandaling iyon kasama ang halos tatlong linggo pa lang na asawa nitong si Alano. Nasa business conference ang huli kaya nasamahan siya ni Clarice nang araw na iyon.       “I can’t believe you actually let someone steal your man,” napapailing na bungad ni Clarice nang makasakay na si Maggy sa kotseng nirentahan ng kaibigan.       Muling nanikip ang dibdib niya. “Mas marami pang importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pag-ibig, Clarice. You damn well know that. Hangga’t hindi natin napababagsak si Benedict McClennan, hindi ako kahit kailan matatahimik.”       Nang paandarin na ni Clarice ang kotse, sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nilingon ni Maggy ang simbahan. Mayamaya ay sumandal siya sa kinauupuan at mariing ipinikit ang mga mata. Pumasok sa isipan niya ang nakitang ngiti sa mga labi ni Levi habang nakatitig sa bride nito. She breathed painfully. Sa kanyang pag-alis, babaunin niya sa puso ang ngiti nitong iyon.       “Then why on Earth did you have to watch your ex-boyfriend’s wedding?”       “Para matuldukan ko na ang lahat ng namagitan sa amin. I had to pine for the last time.” Mapait na ngumiti si Maggy. “Perhaps I would have a shot of the strongest liquor once I get back to Manila. Pero hanggang doon na lang ‘yon dahil misyon muna bago ang lahat. Ikaw…” Dumilat siya at binalingan ang kaibigan. “Hindi mo pa ba nakukuha ang shares sa kompanya nila? Wala ka pa bang napipirmahang kahit na anong dokumento? Wala ka pa bang nalalaman tungkol kay Benedict? Kailan ba matatapos ang kasal-kasalan n’yo ni Alano? Goodness, Clarice,” naipilig niya ang ulo. “Just the thought of you married to the man makes me want to puke.”       Nag-iwas ng mga mata si Clarice at itinuon na lang ang buong atensiyon sa pagmamaneho.       Kumunot ang noo ni Maggy nang mapansing biglang natensiyon ang kaibigan. “May problema ba?”       “W-wala naman. Hindi ko pa nakikita si Benedict. At wala pa rin akong napipirmahang kahit na anong dokumento. Pero bigyan n’yo pa ako ng oras at sinisiguro kong makakakuha na rin ako ng impormasyon.”       “Good. But better hurry, all right? Para makawala ka na kay Alano.” Mayamaya ay marahas na bumuntong-hininga si Maggy. Hindi na sana sila makokompromiso pa sa mga anak ni Benedict kung hindi lang sumablay ang karma sa gawain nito. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay tumindi ang galit sa puso niya.       Gagawin niya ang lahat makaganti lang sa taong nagpapatay sa mga magulang nila ng kakambal. Hindi siya titigil hangga’t hindi nasisingil si Benedict. Sisiguruhin niyang magbabayad ito nang malaki sa kasalanan sa kanya.       Kaya Austin, humanda ka. Your father took me to hell over and over again for the past years. And I swear, I’d take you there as well.       Naikuyom ni Maggy ang mga kamay. Hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat kung ginawa lang ng karma nang maayos ang trabaho nito.       You are one lucky bastard, Benedict. Karma seems to be on a sick leave for the past years. Pero `wag kang mag-alala. Dahil sa pagbabalik ko, sisiguruhin kong ako ang magiging karma mo.         CHAPTER ONE   “AUSTIN is heading out alone, Ma’am. From the looks of it, mukhang tinanggihan niya ang sorpresang mga babae para sa kanya ng kapatid niya.”       Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa mga labi ni Maggy. “Come on, Radha. A nerd will always be a nerd. Katulad nga ng ipinasa mo sa ‘king research tungkol sa kanya, mas gugustuhin niya pang tumambay sa library o kaya sa opisina niya kaysa sa bar. Or maybe…” Binuksan niya ang bote ng alak na baon niya sa loob ng kanyang kotse at nagpahid niyon sa kanyang damit. Nakapatong ang kanyang cell phone sa dashboard at naka-loudspeaker iyon kaya naririnig pa rin nila ni Radha nang malinaw ang mga sasabihin ng isa’t isa. “Austin had sensed a better surprise coming along his way tonight.”       Sinilip ni Maggy ang sarili sa rearview mirror at bahagyang ginulo ang buhok pero siniguro na kaakit-akit pa rin ang magiging dating niya. Naghahalo ang kanyang pabango at ang mamahaling amoy ng alak sa kanyang katawan pero binalewala niya iyon.       Sacrifices, no matter how big or small they were, always served as a way towards success. Isa iyon sa napakaraming bagay na natutunan niya sa nakaraang mga taon.       Nang makontento na sa anyo ay nagpaalam na siya kay Radha. “As always, thank you for the information, Radha. I’ll just call you again.”      Pinindot na niya ang End call button sa cell phone at inilagay iyon sa kanyang purse. Dalawang araw pa lang simula nang makabalik siya sa Pilipinas matapos ang halos labing-anim na taon pero sinimulan niya na kaagad ang kanyang misyon. Ayaw niya nang mag-aksaya pa ng oras. Trese anyos pa lang siya ay hinihintay niya na ang pagkakataong iyon.       Bago natulog noong nakaraang gabi ay pinag-aralan na ni Maggy ang lahat ng impormasyon tungkol sa bunsong anak ni Benedict kaya hindi nakaligtas sa kanyang ika-tatlumpung kaarawan nito sa araw na iyon. The credit goes to Radha, Maggy’s ever loyal employee, for the complete researches about Austin McClennan.       Malaki ang utang-na-loob ni Radha kay Maggy. Sa Nevada sila unang nagkakilala halos dalawang taon na ang nakararaan. Nagmamaneho siya noon pauwi sa kanyang condo unit nang bigla itong humarang sa dinaraanan niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagkita sila. Sira-sira ang suot nito noong gabing iyon.       “Please help me!” nanginginig ang boses na sinabi ng babae nang umikot ito papunta sa driver’s seat kasabay ng malakas at sunod-sunod na pagkatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Puno ng luha ang mga mata nito habang nagkulay-ube naman ang ilalim ng kaliwang mata tanda ng papagaling na black eye. May bakas din ng dugo sa mga labi nito. “M-my boyfriend is going to kill me!”       For the past years, Maggy had refused to care. Maliban sa nag-iisang kapatid at kay Clarice ay wala na siyang pakialam pa sa ibang mga tao sa paligid niya. Pinatigas na ng kawalan ng hustisya sa kamatayan ng kanyang mga magulang ang puso niya. Pero naiiba ang gabing iyon. Sa liwanag na nagmumula sa poste ay nakita niya ang pagkislap ng luha sa mga mata ng babae. There was a mixture of agony and helplessness in the woman’s eyes, mga emosyon na hanggang ngayon ay parati pa ring nakikita ni Maggy tuwing tinitingnan niya ang sarili sa salamin.       Walang gaanong nagdaraan sa bahaging iyon ng kalsada kaya hindi siya nakakaabala sa ibang sasakyan. Nang makita niya ang paparating na matangkad na lalaki na papunta sa direksiyon nila ay mabilis na binuksan niya ang pinto sa passenger seat. “Get in.”       Pinatuloy ni Maggy ang nagpakilalang Radha sa condo unit niya. Doon niya napag-alamang sinasaktan pala ang beinte-otso anyos na Fil-Am na si Radha ng live-in partner nito mula umano nang mawalan ang babae ng trabaho sa pinapasukang restaurant mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas nang araw na iyon.       Sinagad na ni Maggy ang minsang pagtulong dahil naranasan niya na noon kung paano ang walang awang abusuhin ng iba sa pamamagitan ni Benedict McClennan. Hiningi niya ang tulong ng kapatid na ilang segundo lang ang tanda sa kanya. Abogada ang kakambal na si Yalena pero hindi sila magkamukha. They were fraternal twins.       Si Yalena ang female version ng kanilang Filipino-Spanish na ama. Si Maggy naman ay minana ang mga pisikal na katangian mula sa kanyang Mexican na ina na natuto lang managalog mula nang makilala ang kanyang ama. Mestiza si Yalena samantalang morena naman siya. Noong mga bata pa sila ay may mga nagsabing hindi raw palalamang ang ganda nila sa isa’t isa.       Dahil may sapat na ebidensiya ay naipakulong nila ang live-in partner ni Radha na napag-alaman nilang lulong pala sa sugal at droga. Simula niyon, pakiramdam ni Radha ay utang na nito ang buhay kay Maggy, nangako itong gagawin ang lahat makabawi lang sa kanya. Inalok niya itong magtrabaho sa kanya bilang researcher tungkol sa ilang mga empleyado niya pati na sa mga nakukuha nilang investor sa YCM o Yalena, Clarice and Maggy Hotel and Resorts na tinanggap naman ng babae.       Halos isang taon na ang nakararaan nang i-assign ni Maggy si Radha sa Pilipinas. Noong panahong iyon ay kilala na ang pinamamahalaan niyang hotel at resorts na pagmamay-ari nila. Pakiramdam nila ay sapat na ang mga nabuong koneksiyon at husto na ang mga narating nila para pabagsakin si Benedict kaya pinagkalap niya si Radha ng impormasyon tungkol sa pamilya McClennan.       Solid ang mga nakuha ni Radha na detalye tungkol sa mga anak ni Benedict pero wala itong nakuha na kahit na ano mula mismo sa mortal nilang kaaway. Katulad ng dalawang private investigators na nauna nang inupahan nila nina Clarice ay nabigo rin si Radha pero patuloy pa rin ito sa pananatili sa Pilipinas hangga’t hindi pa nila natatapos nina Clarice at Yalena ang kani-kanilang mga misyon dahil magagamit pa nila ang babae tungkol sa pagsasagawa ng kanilang mga plano.       Siniguro ni Maggy na hindi malulugi sa kanya si Radha dahil malaki ang ibinabayad niya rito. Nang dumating siya sa Pilipinas ay nakahanda na ang lahat, tulad nang inutos niya ritong gawin noon kay Clarice. Nakahanda na ang condo unit na pansamantala niyang tutuluyan pati na ang gagamitin niyang kotse. Radha was an effective employee. May mga pagkakataong hindi niya na ito kailangang utusan pa.       Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, mag-aalas-nuwebe na ng gabi. Ilang sandali pa ay bumaba na siya sa kanyang kotse na ilang sasakyan lang ang pagitan mula sa nakaparadang kotse ni Austin. Nang makita ni Maggy ang papalabas na si Austin mula sa bar ay naghanda na siya.       Umakto siyang lasing na sinalubong ang binata at sadyang binangga dahilan para matapunan ng alak ang damit nito. Pagkatapos ay nananadya ring binitiwan niya ang hawak na bote. Nagkapira-piraso iyon sa sementadong daanan.       “Oh, sorry,” sinabi ni Maggy. Happy birthday, McClennan. I do hope you and Benedict have fewer birthdays to come.       Nag-angat si Maggy ng mukha paharap kay Austin. Big mistake. Nahuli niyang titig na titig sa kanya ang binata. Sa liwanag na dulot ng poste malapit sa kanila ay nakita niya ang pinaghalong pagkamangha at paghanga sa mga mata nito, mga matang sa malas ay nakuha mula kay Benedict.       Sa loob ng ilang sandali ay gusto niyang sakluban ng tela ang mukha ng binata nang rumagasa ang galit sa dibdib niya. Dahil gaano man kagwapo ang lalaking kaharap ay hindi pa rin niyon maiaalis ang katotohanang kamukhang-kamukha ito ng lalaking sumira sa buhay niya.       Humigpit ang pagkakahawak ni Maggy sa kanyang purse. Bigla ay naalala niya ang tinalikurang si Levi para lang maisakatuparan ang kanyang plano. Naglaro rin sa isip niya ang mga magulang at ang ginawang pagnakaw ni Benedict sa kayamanan ng kanyang pamilya. Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. Walang sali-salitang nasampal niya ang nabiglang binata.       Nang matauhan ay sandaling umawang ang bibig niya, mayamaya ay nagmamadaling hinawakan niya ang pisngi ng binata.      “I’m really sorry,” hindi bukal sa loob na sinabi ni Maggy. Mabilis siyang umisip ng palusot. “I thought you were my ex, you looked a lot like the man who hurt me. Pain just… rushed into the surface.”       “It’s all right,” sa wakas ay sagot ni Austin. “It wasn’t everyday that I’d get a slap for my birthday, anyway.” Mayamaya ay para bang nakakaunawang ngumiti ang binata. “Hindi ka dapat naglalasing nang mag-isa. Kung naghiwalay man kayo ng boyfriend mo, hayaan mo na `yon. Siya ang nawalan at hindi ikaw. Because even with your drunk state, you are still no doubt, the loveliest woman I have ever seen in my life. At hindi ako marunong magsinungaling.”     “R-REALLY? Kung gano’n, bakit siya nagpakasal sa iba?” namumungay ang mga matang tanong ng estranghera kay Austin. Napalunok siya. The woman was beyond lovely, drunk and all that. Taglay nito ang pinakamagandang mukha na nakita niya sa buong buhay niya. Bumagay rito ang morenang kutis, lalong nakadagdag iyon sa angking pang-akit nito. Her features looked Mexican.       Ginintuan ang mga mata ng estranghera gaya ng kulay nito. Para bang may taglay na hipnotismo ang mga matang iyon na humihila at lumulunod sa kanya. Kahit bahagyang namumungay na epekto siguro ng alak sa sistema nito ay hindi maikakailang matalino ang may-ari ng mga matang iyon. Sa kabila ng kalasingan ay may kislap pa rin iyon ng pagiging intelihente na para bang napakarami na nitong nalalaman tungkol sa mundo. Kay hahaba ng pilik ng dalaga. Ang ilong naman ay tamang-tama lang ang tangos sa mukha nito. Dark brown ang mahaba at alon-along buhok. And her lips were rosy and full.        “I don’t know,” sagot ni Austin. “Perhaps because you’re meant for me?” wala sa loob na tanong niya.       Nahigit niya ang hininga nang para bang inaantok na tumawa ang babae. Even her laughter sounded sexy in his ears. Masarap iyon sa pandinig.       “You’re funny,” anito bago mukhang nakatulog nang nag-landing sa dibdib niya.       Mabilis namang pumaikot ang braso ni Austin sa makipot na baywang ng babae. Dahil sa kakaunti lang na distansiya nila ay langhap na langhap niya ang alak sa katawan nito pero lutang pa rin ang natural na bango na nagpapagising sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Humahalimuyak din sa bango ang buhok nito na saglit na nakapagpaalala sa kanya tungkol sa mga tanim na bulaklak ng kanyang ina sa Olongapo.       What am I going to do with you, woman? Napabuntong-hininga si Austin. Maingat na binuhat niya ang dalaga at isinakay sa passenger seat ng kanyang kotse. Binalikan niya ang nahulog sa daanang purse nito at pinakialaman, nagbabaka-sakaling may matatagpuan doon na identification card ng dalaga para malaman niya kung saan ito ihahatid. Pero walang anumang ID doon. May cell phone sa loob pero may password naman.       Great, just great. Napailing si Austin. Bukod sa cell phone at ilang lilibuhin ay wala nang nakalagay pa sa purse ng dalaga.       Bumalik na lang siya sa kanyang kotse at sumakay na rin doon. Napatitig siya sa dalagang katabi. Pilit na binalewala niya ang pagbilis ng t***k ng puso na kanina pa nararamdaman mula nang unang beses na magtama ang kanilang mga mata. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagkaroon siya ng pasahero at isa pang lasing na babae. It was also the first time that he ever felt strange emotions towards someone.       “Your ex was one lucky man. Nagpapakalasing ka nang ganyan para lang sa kanya,” mayamaya ay mahinang naibulong ni Austin. Ilang sandali pa ay frustrated na napahawak siya sa kanyang noo. Paano pala kung hindi siya ang unang nasalubong ng dalaga? Baka kung ano na ang nagawa rito ng kung sinong lalaki. Baka pinagsamantalahan na ang kalasingan nito. The thought bothered him. “Geez, woman. You shouldn’t be doing this. Ipapahamak mo ang sarili mo sa ginagawa mo.”       Bahagyang gumalaw ang tulog pa ring dalaga sa kinauupuan nito dahilan para lumilis ang kulay-kremang bestida nito na hanggang kalahati lang ng mga hita ang haba. He breathed sharply upon the beautiful sight. He suddenly had this intense desire to run his hands over those long and shapely legs. Damn it.       Muling napahawak si Austin sa kanyang noo. “Ano ba `tong nangyayari sa akin? I just turned thirty and I suddenly became a p*****t? Stop your dirty thoughts, Austin,” parang nasisiraang pagkausap niya sa sarili. “The woman is drunk, for Pete’s sake.”   Marahas siyang huminga pagkatapos ay hinubad ang suot na coat at ipinaibabaw sa nakalantad na mga hita ng estranghera. Bahagya niya ring nilakasan ang buga ng aircon dahil para bang biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Binuksan niya ang unang dalawang butones ng kanyang long sleeves polo. Hindi pa siya naapektuhan nang ganoon katindi ng isang babae. Napapailing na iminaniobra niya na ang sasakyan. It was his birthday and all he ever got was a drunken woman in his car.       Wala talagang balak si Austin na magpunta sa bar nang gabing iyon. Mas gugustuhin niya pa ang umidlip o kaya ay ang manood ng Nat-Geo sa kanyang kwarto kaysa ang mag-aksaya ng oras sa isang bar, gaano man iyon ka-exclusive. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit napagkakamalan siyang nerd ng dalawang nakatatandang kapatid. But barhopping was not really his thing.       Mas gugustuhin niya ring tumambay na lang sa kanyang opisina at pag-aralan ang mga dokumento roon. He could not take getting drunk together with a bunch of wild people. Besides, loud places bore him the most. Iyon din ang rason kung bakit tinanggihan niya ang enggrandeng selebrasyon na ibibigay sana sa kanya ng ina at mga kapatid sa araw na iyon.       Nang umagang iyon ay binisita na lang ni Austin ang mga magulang sa Olongapo pagkatapos ay dumeretso na siya sa opisina at inabala ang sarili sa pagtatrabaho. Ang orihinal na plano niya ay mag-overtime tulad nang nakaugalian na pero hindi pumayag ang kanyang mga kapatid.       Kahit pa hindi na nagpupunta ang bagong kasal na Kuya Alano niya sa bar ay naihanda na daw nito ang sorpresa para sa kanya sa pagdating niya roon. Pumayag na lang siya para tumigil na ito pero ang totoong plano niya ay sa bahay na ang deretso pag-uwi.       Pero mukhang hindi nakumbinsi ni Austin ang panganay na si Ansel dahil sumunod pa talaga ito sa kanya sa bar sakay ng sariling kotse. Kaya pinagbigyan na lang niya ang mga kapatid at nagpasyang dumaan doon saglit. Tulad nga ng inaasahan ay babae ang sorpresa ng mga ito sa kanya. Sumunod sa kanya si Ansel hanggang sa loob ng bar. Itinuro nito ang mesa umanong nakalaan na para sa kanilang dalawa. Agad na sumalubong sa kanya ang dalawang babae roon. According to Ansel, the two were among the best women from a high class escort service. Mayroon ding isang babaeng sumalubong sa kuya niya.       Nang magsimulang maglumikot ang kamay ng isang babae sa katawan ni Austin habang ang isa naman ay binulungan na siyang umakyat sa kwarto sa itaas ng bar ay mabilis ring pinigil niya ang dalawa. Inabutan niya pareho ng malaking tip ang mga ito at para bang hinahabol ng kung anong umalis na palayo sa lugar na iyon sa kabila ng pagtawag sa kanya ng kapatid.       Aminado si Austin na malayo siya sa pagiging santo. A couple of times, he had done it with the women he had met before. There were all one-night stands, as others called it. Pero mabibilang iyon sa daliri na hindi nagtagal ay tinigilan niya na rin. What happened back then may have satisfied his physical needs but he was still empty inside.       Pero kakaiba ang nararamdaman niya sa estrangherang katabi. Ni hindi niya iyon maipaliwanag.       Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya pinagsisihang nagpunta sa bar dahil naging daan iyon para makilala niya ang dalaga. Pero aaminin niyang sandaling natulala siya sa lakas ng naging pagsampal nito sa kanya kanina. Ito ang kauna-unahang babaeng gumawa niyon sa kanya. Aminado rin siyang hindi na komportable ang pakiramdam niya dahil sa amoy ng alak na kumapit sa katawan niya mula nang matapunan siya ng dalaga.        But despite the discomfort, he was… still on a light mood. It must be because of the woman’s touch. Hanggang ngayon ay para bang nararamdaman niya pa rin ang mainit at malambot na palad ng dalaga sa kanyang pisngi.       Ayaw ni Austin sa mga babaeng naglalasing pero kakaiba ang estranghera. Dahil sa kabila ng kalasingan ay agad pa rin nitong nakuha ang interes niya.       He wanted to know what it would be like if the woman was sober.       Hindi niya maintindihan pero nang sandaling magtagpo ang mga mata nila ng estranghera, may pakiramdam siyang iyon na ang simula ng pagbabago ng buhay niya.      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.3K
bc

BROKEN(MONTEMAYOR SERIES1)

read
310.1K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

For the Love of Hannah (Hating Mr. Right)

read
182.8K
bc

Game of Pleasure: Triv Sauler

read
672.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook