bc

Light and Joy (Completed)

book_age16+
665
FOLLOW
4.6K
READ
family
brave
drama
betrayal
first love
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Nasangkot sa isang vehicular accident si Cammi na ikinasawi ng kanyang ama at ikinabulag niya. Pakiramdam ni Cammi, lahat ng pag-asa at gana niyang mabuhay, namatay na rin.

Hanggang sa isang estranghero ang dumating sa buhay niya: si Jarren na inupahan daw ng kanyang best friend para maging PA niya.

Tinuruan siya ni Jarren na bumangon at muling pahalagahan ang buhay gaano man kahirap iyon gawin. Tinulungan siya nitong makakita ng liwanag sa gitna ng dilim. Pero higit pa roon ang itinuro nito sa kanya. Tinuruan din ni Jarren ang kanyang puso na makaramdam ng isang emosyon na hindi niya akalaing mararamdaman sa uri ng sitwasyong kinasusuungan. He taught her how to fall in love... with him. And that wasn't so hard.

Pero masusubok ang lalim ng pagmamahal niya kay Jarren nang sa pagbabalik ng kanyang paningin ay natuklasan niyang may kinalaman pala ito sa pagkamatay ng kanyang ama at pagkabulag niya...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Prologue "The celebration could have been more meaningful if only mom is with us." Mahinang wika ni Cammi bago lumapit sa kanyang ama na naabutan niyang nasa veranda nang mga sandaling iyon at muli ay nakatanaw na naman sa kalangitan. Nangingiting niyakap niya ito mula sa likod. "But thanks a lot for the party, Dad. I had so much fun." Katatapos lang ng engrandeng selebrasyon ng ikalabing walong taong kaarawan niya. Nag-uwian na ang mga bisita. "You always make me happy, Dad, and it's making me feel a little guilty. Gusto rin kitang mapasaya." Humigpit ang pagkakayapos ni Cammi sa kanyang butihing ama. "Magmahal ka ulit, Daddy. I will support you. You are still young. I'm sure that wherever Mom is right now, she will understand." Ginaya niya ang ama at tumingala rin sa langit. "Right, Mom?" Kinse anyos si Cammi nang bawian ng buhay ang kanyang ina dulot ng sakit nitong bone cancer. Solong anak lang siya kaya simula noon ay sila na lang ng ama niya ang magkasama sa malaking bahay nila. "Minsan lang darating ang tunay na pagmamahal sa buhay ng isang tao. At naniniwala akong dumating na iyon akin, sa amin ng Mommy mo." Magiliw na sagot ni Henry. Marahang tinapik-tapik nito ang mga kamay niyang nakayapos pa rin sa baywang nito. "And if it's true love, it was more than enough to last a lifetime even with the absence of someone. Saka bakit pa ako susubok maghanap? Sobra-sobra ka na para sa akin. You are my treasure, Cammi." Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Cammi. "I love you, Dad. You will always be my hero. Gusto ko kapag na-in love ako, sa katulad mo. Pero nag-iisa ka lang." Kumunot ang noo niya mayamaya. "Paano 'yan? Does that mean I will stay single for the rest of my life?" Malakas na natawa si Henry. "You really know how to boost my ego, sweetheart." Binaklas nito ang mga kamay ni Cammi na nakayapos rito. Hinila nito ang anak sa tabi nito pagkatapos ay inakbayan. "There is a hero inside every man. Pero hindi sila tulad ng mga nakita kong binabasa mo sa kwarto mo. You have to see right through them because sometimes, the best heroes are not clad in a knight's uniform. So you have to look beyond what your eyes can see and hear beyond what your ears can detect." Nagsalubong ang mga kilay ni Cammi. Lalong natawa si Henry. "’Wag kang magmadaling malaman ang mga bagay-bagay. One day, you will understand." Hinagkan siya nito sa ulo bago nito ibinalik ang tingin sa kalangitan. "Cammi is growing real fast, Carmina. Sa mga ganitong pagkakataon, nahihiling kong sana ay nandito ka." Bahagyang gumaralgal ang boses ng ama. "I missed you so much, honey." Cammi's heart went out for her father. "Daddy…" "You know, I always find the night magical, Cammi. Hindi hinayaan ng Diyos na tuluyang gawing madilim ang gabi. Dahil nagsabog siya ng mga bituin sa langit." Imbes ay tugon ni Henry. "When I met your Mother, that was how I felt. She was my light and joy in the darkest moments of my life." Namamasa ang mga matang inihilig na lang ni Cammi ang ulo sa balikat ng ama. Sinilip niya ang oras sa relo niya. Eksaktong alas-dose na ng gabi, hudyat ng pagtatapos ng birthday niya. Pero humabol pa siya ng kahilingan. Ipinagsalikop niya ang mga palad pagkatapos ay ipinikit ang mga mata at taimtim na nanalangin. "What are you doing?" Ngumiti si Cammi. "I made a wish, Daddy. I wish that you will find your light and joy again and I wish... I would find mine, too." "Be careful what you wish for, sweetheart. Baka mamaya, kasabay ng pagkahanap mo ng taong para sa 'yo ay pagkahanap ko rin sa Mommy mo." Nagbibirong ngumiti si Henry. "Alam mo namang ang Mommy mo lang ang light and joy ko." Pero hindi natawa si Cammy sa biro ng ama. Kumabog ang dibdib niya sa naramdaman biglang tensiyon. Naglaho ang ngiti niya. "That's not funny, Daddy."   Chapter One "HAPPY VALENTINE’S day, handsome." Masuyong sinabi ni Cammi sa kanyang ama bago isinuot sa bisig nito ang wristwatch na regalo niya para rito. Katatapos lang nilang mag-dinner sa isang sikat na French restaurant na paborito nito. "I love you." Taon-taon, sa tuwing darating ang araw ng mga puso ay sinisiguro ni Cammi na ang ama ang kasama niya sa pag-celebrate. Ayaw niyang magkaroon ito ng pagkakataon na magmukmok sa office nito at sa bahay nila kaya kahit pa naghihingalo na ang baterya ng katawan niya dahil dumeretso na siya sa restaurant pagkagaling sa Laguna dahil siya ang napag-utusan na mag-cover ng nangyaring sunog sa isang malaking factory ng mga sapatos roon ay hindi niya pa rin pinalampas ang nakasanayan nang date nila ng ama. Sa edad na beinte-singko ay natupad na ang isa sa mga pangarap ni Cammi, ang maging ganap na reporter. Iyon rin ang trabaho ng kanyang ina noon bago ito nag-decide na tumigil noong nagpakasal ito sa kanyang ama. Simula noon ay naging full-time housewife ito. Ang kanyang ama ang may-ari ng isa sa pinakamalaking Broadcasting Company sa bansa kung saan siya nagtatrabaho. Pero ginusto ni Cammi na may mapatunayan at umunlad gamit ang sariling mga paa at pakpak kaya hindi siya nag-alangan na magsimula sa mababang posisyon noon. For years, she shadowed every anchorman until she was able to cover different news on her own. Ilang beses na rin siyang inalok ng ama na manatili na lang sa opisina para makasiguro umano ito sa kaligtasan niya. Nakahanda itong bigyan siya ng sarili niyang program pero tumanggi siya. She wanted to be a main anchor in television news, there was no doubt about that, but she also wanted to acquire the position on her own. Bumuntong-hininga si Henry. "I do appreciate this but Cammi, you are not getting any younger. You should be out right now with a man your age and yet, you're here, stuck with your old man. Sarili mo naman ang isipin mo. Hindi puro ako." Ngumiti ito. "Kailan ba ako magkakaroon ng apo sa 'yo, anak? I can’t wait to see little versions of you playing around in our garden." Napailing si Cammi bago binuksan ang stereo sa loob ng kotse ng ama. Nag-taxi na lang siya papunta sa restaurant dahil plano niya talagang makiangkas sa huli. She was too tired to drive her own car. Pinihit-pihit niya ang button sa stereo hanggang sa wakas ay mahanap ang favorite station niya. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya nang marinig ang boses ng paboritong disk jockey. DJ Ren always had that soothing effect on her nerves which was exactly what she needed at a time like that. "Iyong apo, hindi ako sigurado, Dad. Pero iyong boyfriend," Lumawak ang ngiti ni Cammi nang maalala ang co-reporter na si Travis. Mahigit kalahating taon nang masugid na nanliligaw sa kanya ang binata. Naalala niya ang tambak na mga bulaklak na personal na ibinigay pa sa kanya ng binata sa opisina bago sila sumabak sa kani-kanilang assignment sa araw na iyon. Naalala niya rin ang mga pangangantiyaw na inabot mula sa mga kasamahan dahil doon. "Pwede ko na sigurong i-consider." Cammi knew in her heart that what she felt for Travis was not as strong as love. But she had grown to like him. Sa kabila ng mga nanligaw sa kanya ay tanging ang binata lang ang binigyan niya ng pag-asa. Siguro ay dahil nakikita niya rito ang ilang mga katangian ng kanyang ama. Travis was thoughtful and kind. He may be busy but that didn't prevent him from being devoted to his family... Exactly like her father. "Really?" Bumakas ang pagdududa sa anyo ng ama na ikinatawa niya. "Really." ulit ni Cammi sa sinabi ni Henry bago marahang pumikit at isinandal ang pagod na katawan sa passenger seat. "Kaya 'wag kang mali-late bukas ng gabi. May ipapakaliskis ako sa 'yo. Now go and drive, handsome. Tomorrow is going to be a long, long day for us." "You don't know how much that means to me, Cammi. Thank you." Ani Henry na para bang ginawan niya ng napakalaking pabor. "I really want you to have someone constant in your life. As much as possible, kung kaya mo, strive to be with someone. Dahil malungkot ang nag-iisa. Promise me that." "Daddy..." Pakiramdam ni Cammi ay may nagbara sa lalamunan niya nang maulinigang muli ang lungkot sa boses ng ama. "I know, forgive this emotional, old man." Natawa si Henry. "I just miss your mother, that's all. Magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita mamaya. And sweetheart?" "Yeah?" "I love you. Never ever forget that. Masaya akong napalaki kitang ganyan. Whatever happens, stay that way, alright?" Masuyong sinabi ni Henry bago nito iminaniobra na ang sasakyan. "Happy Valentine's Day." Napangiti na lang si Cammi. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na ang paggalaw ng kotse nila sa kahabaan ng kalsada. Sa loob ng ilang minuto ay tanging ang malamig na boses lang ng disk jockey ang umalingawngaw sa buong sasakyan. Mag-iisang taon na rin mula nang halos gabi-gabi ay pinakikinggan niya ito. Nahawa siya sa camera man na kasa-kasama niya na isa sa mga masugid na sumusubaybay rito. Naaaliw siya sa mga ipinapayo ng lalaki tungkol sa pag-ibig sa mga taong tumatawag rito. But above all, she admires him though she hasn’t seen him. Maybe it was because of the undeniable compassion in his gentle voice every time he speaks. His voice can comfort people’s souls. Kaya kahit na alas-nuwebe hanggang alas-dose na ng gabi nagsisimula ang program ni DJ Ren ay tinututukan niya pa rin ito. Sa tuwing naririnig niya ang boses ng lalaki, nawawala kahit paano ang pagod niya. "The messages in my f*******: inbox are driving me crazy. Parang puro love life ko ang pinupurtirya n’yo ngayong gabi." amused na natawa ang disk jockey. "But fine, since it's Valentines, I will indulge you, guys, with a couple of things about the woman I've been eyeing for ages now. Pero ngayon lang ‘to, okay? Kampante naman akong mag-share dahil wala naman sa ugali niya ang makikinig sa mga ganitong bagay. She's a very busy person." Muli itong natawa. "There's this woman I saw in front if the condominium building where I live in. She was covering a news then about an actor who happened to be involved with drugs. Nagkataon na sa iisang building kami nakatira ng actor na 'yon." Kumunot ang noo ni Cammi. "Noon ko lang siya nakita. Ang buhay ko pa noon, hindi tulad ng buhay ko ngayon. I was enchanted by her. Nakita ko ang determinasyon niya kahit mukha siyang nahihirapan na makakuha ng balita. Simula noon, lagi ko na siyang sinusubaybayan. I started calling her ‘Light’. Because that's just who she was. In her every news and in her every smile. She’s a light at the truth, a light amidst her dark news." Kumabog ang dibdib ni Cammi. May natatandaan siya na isang sikat na aktor na napag-alaman niyang lulong sa droga. Nakatira iyon sa isang prestihiyosong condominium unit sa Pasay. Marami silang mga reporter na nag-abang noon sa harap ng building ma-interview lang ang aktor. Mayamaya ay naipilig niya ang ulo nang ma-realize ang pagiging assuming. Imposible namang siya ang tinutukoy ng DJ. Ilan na ba ang aktor na napamalitang nalulong sa droga ngayon? Hindi na niya mabilang. Natawa siya. Paano niya naisip na posibleng siya ang tinutukoy ng lalaki sa radyo? "And yes, she's kinda out of my reach. At atin-atin lang ito." Marahang tumikhim ang disk jockey. "The woman I fondly call Light, her real name is... Cammi." Napaangat ang likod niya mula sa pagkakaupo. "Cammi!" Kumabog ang dibdib niya. Kasabay ng tuluyang pagdilat niya ay ang pagsigaw na iyon ng kanyang ama. Puno ng pinaghalong takot at tensiyon ang boses nito. Napasulyap siya rito. "Daddy, what’s wrong-" Bago niya pa man ganap na maunawaan kung ano ang nangyayari ay nayanig na siya sa waring pagbangga na iyon sa sasakyang kinalululanan nila ng ama. Terror ran through her. Tila bangungot ang sumunod na mga sandali. Naramdaman niyang umikot ang kanilang kotse bago iyon tumaob. Sa pinaghalong pagkahilo, takot at tila biglang pamamanhid ng katawan ay sinubukan niya pa ring dumilat at tangka sanang aabutin ang ama pero nang akala niya ay tapos na ang unos ay nakaramdam siya ng kung anong tumilamsik sa kanyang mga mata. Napahiyaw siya sa matinding hapding naramdaman pero walang boses na umalpas sa kanyang lalamunan. Para bang umurong maski ang boses niya. Cammi shut her eyes as the pain started to strike more and more every passing second. Dear God, I beg you... Save my dad. Naalala niya pang hiling niya bago siya nawalan ng malay. "DAD..." Sinisikap magpakahinahon na sinabi ni Jarren sa ama nang mabungaran niya itong nagkamalay na sa hospital room nito. Mapalad ito at mga galos lang ang natamo. Ayon sa mga pulis na nakausap niya na sumalubong sa kanya sa ospital na siyang mga nag-iimbestiga sa kaso ay nasawi umano ang matandang lalaki na nasa likod ng manibela na mula sa dalawang sasakyan na sangkot sa nangyaring aksidente. Ang isa pang kotse ay nagkataong ang ama niya ang nagmamaneho. Hindi na umano nakaabot sa ospital ang matandang lalaki sa dami ng dugong nawala rito at sa laki ng naging pinsala nito sa ulo habang sugatan naman at unconscious pa rin hanggang ngayon ang babaeng anak nito. Hindi na tumagos pa sa isipan ni Jarren ang iba pang mga sinabi ng pulis. Dumeretso na siya sa kwarto ng kanyang ama. "What... have you done?" Inamin sa kanya ng pulis na siyang tumawag sa kanya sa radio station para ipaalam ang aksidenteng kinasangkutan ng ama na may suspetsa na umano ang mga ito sa tao sa likod ng banggaang naganap. Nalanghap ng mga paramedics na siyang tumulong sa pag-alis sa sugatang ama sa sasakyan nito ang alak sa hininga nito. Nakumpirma ang hinala ng mga ito nang magpositibo sa alcohol breath test ang kanyang ama. Nanlalamig ang mga palad na iniangat ni Jarren ang namumutlang mukha ng ama. Ilang sandali lang itong tulalang nakatitig sa kanya. Samu't saring emosyon ang nabanaag niya sa mga mata nito. Naroon ang pagkabigo, pagsisisi, sakit at... matinding takot. Nakikiusap na tinitigan ito ni Jarren. "Aminin mo sa akin ang totoo, utang na loob." "H-hindi ko s-sinasadya." Lumuha si Eduardo. Gumalaw ang mga balikat nito. Ilang saglit pa ay nagkaroon ng tunog ang pag-iyak nito. Nanlamig ang buong katawan ni Jarren. Bumagsak ang mga balikat niya kasabay ng mga palad niya. In his heart, he was hoping to hear a different answer. Pero iba ang sagot na ibinigay ng ama. Tatatlong salita lang ang mga iyon pero kasabay ng pagtibay ng hinala niya ay ang pagguho ng mundo niya. "B-bakit mo nagawa ‘yon?" "Four hours... I waited for four hours for Beatrice to come home. Everything was set. For the first time, I cooked." Imbes ay animo wala sa sariling sagot ng ama. "There were flowers everywhere over a candle light dinner, just the way she wanted. Nag-hire rin ako ng pianist, anak. I also bought a ring because I wanted to propose again so we can get married again." Pumiyok ang boses nito kasabay ng pagpatak ng luha. "And then your mom called. Hindi raw siya makakarating. I said okay. And then Bryan called next." tukoy ng kanyang ama sa isa sa mga empleyado nito sa architectural firm na pag-aari nito. "Bagong lipat lang kasi sila sa isang village. Regalo niya iyong bahay sa asawa niya. He said he saw Beatrice there, sa mismong katabing bahay nila, may kasama daw na lalaki. Ayokong maniwala. Natakot akong maniwala. But still, I came to the address Bryan told me. “And then I saw this man. He was about your age." Pagak na natawa si Eduardo. "I approached him. Tinanong ko kung kanya iyong bahay. He proudly said yes. Binigay daw iyon ng sugar mommy niya. And then your mother came out." Halos pabulong na lang na dagdag nito. "The man pointed her. Iyon daw ang sugar mommy niya. She dumped our date for that bastard. I hit her boy and your mom immediately came to his rescue. I know I just had to leave though all I wanted was to shake the hell out of her. I had so many questions that I couldn’t voice out. I was worried that if I stay there longer, I might do something I might regret. I got drunk and... things happened." "That's it?" parang mauubusan ng lakas na naupo si Jarren sa isang stool sa tabi ng kama ng ama. "Yes." Garalgal na sinabi ni Eduardo. "Nakahanda akong makulong, anak. I was more than willing to surrender. Because after every thing that took place, I don't really know how to start living again." "Sa akala mo ba gano'n lang kadali ang lahat? Dad," Kulang na lang ay alugin ni Jarren ang ama. "Alam mo ba kung ano ang nangyari nang dahil sa 'yo? May isa kang ama na tinanggalan ng karapatang mabuhay! May isang anak kang tinanggalan ng karapatang makasama ang ama niya!" Nagsisikip ang dibdib na nilisan ni Jarren ang kwarto ng ama nang makita ang pagkagimbal nito. Ilang sandali pa ay narinig niya ang malakas na pagtangis nito. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay isa siyang kandilang nauupos. Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha nang tuluyan nang maisara ang pinto ng kwarto. Matagal nang niloloko ng ina ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kung bakit bumukod na siya ng tirahan. Hindi niya na nakayanan ang patuloy na pagpapakagago ng ama. Sinabihan niya na itong niloloko ito ni Beatrice pero hindi siya nito pinaniwalaan sa takot marahil nito na mawala ang asawa. Nasuntok pa siya nito dahil doon. Nang ma-realize ni Jarren na ano man ang gawin niya ay wala ring saysay, hinayaan niya na lang ito sa pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan nito. Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang magsimulang magbago si Beatrice. Mula sa simpleng maybahay ay naging palaayos ito. Madalas na rin ang naging paglabas-labas nito at ginagabi na kung umuwi. Noong panahong iyon ang buong akala nila ng ama ay nagliliwaliw lang ang ina dahil naiinip na ito sa kanilang bahay-tulad na rin ng paliwanag ni Beatrice noon sa kanila. Noong mga panahong iyon ay abala rin si Jarren sa pamamahala sa radio station na itinayo nila ng matalik na kaibigang si Gavin habang ang ama naman ay abala rin sa trabaho nito sa architectural firm na minana nito mismo sa ama nito. But Jarren's world turned upside down when exactly seven months after his mother's sudden unusual activities, he met the man responsible for those changes. Nahuli niya ito sa isang bar na pinuntahan nila ni Gavin kasama ng mga staff nila. They were about to celebrate then. Dahil pumatok sa masa ang station nila sa kabila ng hirap na dinanas nila na epekto ng ilang technical problems. Noong gabing iyon ay kitang-kita ni Jarren ang kanyang ina na may kahalikang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kanya. Halos kaladkarin niya noon ang ina palabas ng bar matapos niyang bigwasan ang lalaki nito. Muling bumalik ang kirot sa kanyang dibdib nang maalala ang naging komprontasyon nila noon ng ina. "Stop this, Jarren!" Paasik na sinabi ni Beatrice nang hubarin ni Jarren ang suot na jacket at pilit na inilagay sa mga balikat ng ina. "Ako pa rin ang Mama mo. Irespeto mo naman ako kahit paano-" "Respeto?" Manghang ulit ni Jarren. Nang alisin ni Beatrice ang jacket na ipinaibabaw niya sa mga balikat nito, pakiramdam niya ay inalis na rin nito ang koneksiyon na nag-uugnay sa kanila. Hinagis nito ang jacket niya. Nagtagis ang mga bagang niya nang pagmasdan ang itsura nito. Nakasuot ito ng hapit na hapit na pantalon at itim na sleeveless top na hapit rin sa balingkinitan pa ring katawan nito kaya nasisilip ang malaking bahagi ng dibdib nito. She was even wearing loopy earrings and red stilettos for heaven's sake. Sa loob ng ilang sandali ay ginusto niyang pagdudahan kung ito nga ba ang kanyang ina o pinaglalaruan lang siya ng kanyang mga mata. But no matter how he blinks, Beatrice remained in front of him with contempt all over her eyes. God... Where did his mother go? Simple lang ang kanyang ina, hindi ito mahilig sa kahit na anong kolorete. And she has this endearing smile that never fails to lift up his spirit. Every time he sees his mother, he couldn't help but feel proud that he was her son. Pero walang maramdaman si Jarren ni katiting na pagmamalaki nang mga sandaling iyon. Nakaramdam pa siya ng panliliit nang maalala ang pakikipaghalikan nito sa kung sinong lalaki. "Naririnig mo man lang ba ang sinasabi mo, Beatrice? Look at where you are and most of all, look at yourself, damn it!" He could not even call her mother now. Pagkatapos nang nasaksihan niya, hindi niya na masikmurang tawagin pa ito ng ganoon. "What on Earth happened to you?" Umigkas ang palad ni Beatrice sa pisngi ni Jarren. But how he wished she could have slapped him more to distract him from his growing pain. "Wala kang pakialam! Anak lang kita!" Nang talikuran si Jarren ng ina na akmang babalik sa bar ay sinubukan niya pa rin itong pigilan sa braso. Pilit na kinalma niya ang sarili. "Ano ba’ng problema? Ayusin natin. ‘Wag ganito. Let’s go home. Doon tayo mag-usap at-" "Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa inyo ng ama mo. Pagod na ko sa buhay na kasama kayo. The man inside, he made me realize what I was missing."  "Ano ba 'yang kulang na 'yan? Baka sakaling mapunan pa-" "Hindi na." Malamig na sagot ni Beatrice. "Papa will know this." "Of course. Siyempre, sasabihin mo sa kanya. But he seems too busy to care so it might take a while before he actually listens. Good luck on that." Ani Beatrice bago siya tinalikuran. At that very moment he knew, he had lost his mother. Nagpunta si Jarren sa pribadong kwarto kung saan inilipat ang babaeng unconscious pa rin umano nang mga sandaling iyon dulot ng nangyaring aksidente. Ayon sa natatandaan niyang report ng pulis ay naka-seat belt naman umano ang mag-ama. Pero ang matandang lalaki ang pinakanaapektuhan dahil sa natamo nitong pinsala sa ulo. Ilang ulit siyang nagbuga ng hangin bago lakas-loob na pinihit ang doorknob. Mapalad siya at noong mga panahong iyon ay walang ibang tao sa loob. Pero kaagad na kumabog ang dibdib niya nang makita ang pasyente na nakahiga sa kama. Kahit may benda ang mga mata nito at maraming sugat na natamo sa magkabilang braso ay pamilyar na pamilyar ang anyo nito sa kanya. Bukod doon, sa iisang tao lang siya nakakaramdam nang ganoon. Naaalarmang lumapit siya rito. Ang kutis nito, ang buhok, ang ilong, ang mga labi... "C-Cammi?" Agad na lumipad ang tingin ni Jarren sa direksyon ng pinto nang marinig niya ang pagbukas niyon. Pumasok ang isang nurse. Hindi makapaniwalang muli niyang sinulyapan ang pasyente bago ibinalik ang mga mata sa bagong dating. "Is she..." His breathing went rugged. "Is she r-really C-Cammi McNiall?" "Siya nga po, Sir. Iyong sikat na reporter." Nasapo ni Jarren ang noo. "W-what happened? Bakit nakabenda ang mga mata niya?" Sa isip ay may nabubuo na siyang sariling konklusyon pero ayaw iyong tanggapin ng puso niya. It can't be. Oh, God. It can't be! "Both of her corneas were damaged because of the accident, sir. The scars interfered with her vision." Damn it, Dad! Jarren's heart yelled. Why Cammi of all people? What have you done, Dad? "You mean she's... She's..." Naipilig ni Jarren ang ulo. He couldn’t say the words. Malungkot na tumango ang nurse. "Yes, Sir. She had lost her ability to see. Maliban na lang po kung magkakaroon siya ng eye donor." Sa ikalawang pagkakataon sa gabing iyon ay nayanig ang buong mundo niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
188.1K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
394.1K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

Stubborn Love

read
100.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
612.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook