Chapter 1 & 2
NAIKUYOM ni Brennan ang mga kamay habang nakatitig sa dalawang bulto na naghahalikan di-kalayuan sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong uri ng sakit na para bang tumatagos sa kailaliman ng kanyang puso.
Gusto niyang hilahin si Aliyah, ang tanging babaeng nagpamalas sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig, palayo sa lalaking nakayakap rito, ang pinsan niyang si Jeric. But what right did he have?
“Jeric…” Naalala niyang minsan ay sinabi sa kanya ni Aliyah. “Jeric is different. Nalalaman niya ang nararamdaman ko kahit hindi ako nagsasalita. Nakikita niya ako kahit nagtatago ako. He could talk to my heart and he could see the real me.”
Damn it. The thought was enough to shatter him into pieces. Nag-init ang mga mata ni Brennan pero nanatili pa rin siya roon, umaasang imahinasyon niya lang ang nakikita, na pinaglalaruan lang siya ng kanyang mga mata. Pero nang ilang minuto pa ang lumipas ay kusa na siyang bumigay. Everything was freaking real… and reality was just too much to bear that he had to turn his back.
Mabibigat ang mga pang naglakad na si Brennan palabas ng bahay ni Aliyah. Nang makasakay na siya sa kanyang kotse ay naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. Pero tukso namang naglaro sa kanyang isipan ang maamong mukha ng dalaga. Muling umarangkada ang sakit sa kanyang sistema.
Hindi lubos-akalain ni Brennan na ang babaeng halos baguhin niya noon ang siyang papangarapin niya ngayon. At nanghihinayang siya… nang sobra-sobra dahil pinakawalan niya ang isang tulad ni Aliyah na hindi man lang niya kinilala nang husto. He did not know what he had until it slipped away.
Dumilat siya nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Napahugot siya ng malalim na hininga nang makitang si Cristine ang nasa kabilang linya, the woman he was supposed to marry.
“Honey, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko lately,” malambing na bungad ni Cristine. “May nangyari ba?”
“Nothing, I was just… busy,” napapagod na sagot ni Brennan. “I went to hell and back in just a matter of minutes.”
“What do you mean?” Nagtatakang tanong ni Cristine. Bumuntong-hininga ito nang hindi siya kumibo. “Tungkol nga pala sa kasal natin, nakaisip na ako ng magiging motif-“
Frustrated na ini-off ni Brennan ang kanyang cell phone. Parang masisiraan na naipikit niya nang mariin ang kanyang mga mata.Damn wedding! Nagtatagis ang mga bagang na dumilat siya pagkatapos ay sinuntok ang manibela.
God of all gods, if you’re listening, please, make this pain stop.
Chapter One
“BRENNAN, nakikinig ka ba?”
Mula sa pagkakatanaw sa kalangitan ay lumipat ang mga mata ni Brennan sa kanyang fiancée na si Cristine. Sumandal siya sa pasimano ng veranda ng tinutuluyang resort, saka nakapamulsang tinitigan ang babae. He had known Cristine for six years, at ayaw niyang isiping nagkamali siya nang mag-propose rito ng kasal noong nakaraang buwan.
Sa mga nakalipas na taon ay nasiguro ni Brennan sa sarili na si Cristine na ang babaeng handa niyang iharap sa dambana kaya hindi niya maintindihan kung bakit hungkag ang kanyang pakiramdam nang mga sandaling iyon.
He didn’t know why but the way she looked at him didn’t overwhelm him anymore. Lately, his heart had been driving him crazy. Kung kailan nag-propose na siya kay Cristine ay saka naman naging mapaghanap ang puso niya. These days, being with her felt like a routine. Pakiramdam niya ay nasa isang slow motion ang puso niya na sa bagal ng pagtibok ay hindi niya malaman kung maaabot niya pa ang finish line. Heck.
And then there was Brennan’s ex-girlfriend, Aliyah. Noong mga nakaraang linggo niya pa paulit-ulit na napapanaginipan ang dalaga. Si Aliyah ang babaeng nasaktan niya nang sobra noon. He took a deep breath. Siguro ay si Aliyah ang dahilan kung bakit nagkakaganoon siya dahil wala silang maayos na closure. When she left his office three years ago, he knew he had hurt her badly. Madalas ay napapanaginipan niya ang pagluha nito.
“Almost one week na tayo rito pero wala ka pa ring ginagawa para ma-meet ang parents ko. ‘Sabi mo mamamanhikan na kayo ng pamilya mo kaya nga tayo nandito sa Pilipinas, ‘di ba?”
Nahinto si Brennan sa pag-iisip nang marinig ang disappointment sa boses ng kanyang fiancée.
“Six months lang tayo dito sa bansa, Brennan. You said you wanted us to get married here. Pero ilang buwan lang ang preparation na meron tayo. At hindi ka pa nami-meet ng parents ko.”
He sighed. Sa Maryland sa Amerika talaga sila nakabase ni Cristine dahil naroon ang mga trabaho nila. Si Cristine ay bilang nurse habang siya naman ay pinamamahalaan ang pag-aaring hotels ng kanyang pamilya. Umuwi lang sila sa sariling bansa para magbakasyon at mamanhikan na rin sa pamilya ni Cristine sa Bataan na siyang hindi niya magawa-gawa.
Brennan’s family was just a call away. Alam niyang darating agad ang mga ito kapag nagsabi siya. Muli siyang bumuntong-hininga.
Nilapitan niya si Cristine at hinaplos ang mga pisngi nito. Kaagad na nawala ang pagkadismaya sa luntiang mga mata ng kanyang fiancée. How come those eyes didn’t seem to amaze him anymore? “Look, sweetie, mahaba pa naman ang panahon. I promise, one of these days, I’ll go ask for your hand formally. May inaasikaso pa kasi sa ngayon ang parents ko.” Nag-iwas si Brennan ng tingin kay Cristine. “Don’t you miss the country? Go out with your friends for a while. Take this time to have fun.”
“Fine. Aasahan ko ang mga sinabi mo, hmm? Mahal kita, Bren.”
Pinilit niyang ngumiti saka hinagkan si Cristine sa noo.Mahal rin kita, ‘yon ang alam ko. Pero bakit hindi ko na maramdaman sa puso ko?
Nagpaalam na si Cristine para makipagkita sa mga pinsan nito. Muling napasulyap si Brennan sa papalubog na araw. He had to see Aliyah now more than ever, hoping she would end his confusion and bring him back his peace of mind. Isa ito sa mga dahilan kung bakit bumalik siya sa bansa, para makita ito uli at pormal na makahingi ng tawad.
Nang makatanggap si Brennan ng text message mula sa pinsan niyang si Jeric ay napangiti siya, ang kauna-unahang genuine na pagngiti niya sa loob ng ilang araw.
Yeah, kilala ko nga si Aliyah Samonte. Drop by at my office tomorrow and let’s talk.
Dahil architect si Jeric ay umaasa siyang kilala nito si Aliyah. Nasisiguro niyang sa Manila rin nagtrabaho ang kanyang pinsan mula nang umalis ito sa Amerika. He winced. Iyon at ang pagiging architect lang ang mga bagay na alam niya tungkol kay Jeric bukod sa pangalan nito.
Aliyah, I know you would hate to see me again but heck, this is the only way I know.
“I DON’T get it, Tita Ali. Marami na kaming church na napuntahan ni Manong Gusting. I kept praying for the same thing. Pero bakit hindi matupad-tupad?”
Nahinto mula sa paglabas ng kwarto ng pamangkin si Aliyah pagkatapos marinig ang nagrereklamong boses nito. Bumalik ang kanyang mga mata sa labing-isang taong gulang na si Joshua na kasalukuyang naka-lotus position sa kama nito habang deretsong nakatitig sa kanya.
Naaaliw na ngumiti si Aliyah. “Bakit? Ano ba’ng pinagdarasal mo sa iba’t ibang simbahan at idinadamay mo pa si Manong Gusting?” tukoy niya sa driver ng school service nito. “Come on, sweetheart. ‘Wag ka ng magpahaging pa. Is it a new bike? Matataas naman ang mga grades mo. I can buy you one.”
“No.” Umiling si Joshua. “Simple lang naman ang gusto ko, Tita. I just want an Uncle. Pero…” Sumimangot ang gwapo nitong mukha. “May kumokontra po yata sa prayers ko.”
Naglaho ang ngiti ni Aliyah. May dalawang taon na rin sa pangangalaga niya ang bata. Isang taon pa lang siyang nakakabalik sa Pilipinas pagkatapos ng apat na taon niyang pagtatrabaho sa Amerika bilang architect nang sabay na naaksidente ang mga magulang ni Joshua. Nag-crash ang sinasakyang eroplano ng mga ito na papunta sanang Malaysia para sa second honeymoon.
Mabuti na lang at nang panahong iyon ay iniwan ng mga ito ang bata dahil kung nagkataong isinama sa biyahe si Joshua ay siguradong mag-isa na lang siya sa buhay ngayon. She shivered at the thought.
Ang ina ni Joshua na siyang ate ni Aliyah at nag-iisang kapatid ang nagtaguyod sa kanya para makapagtapos siya sa kolehiyo. Kahit walong taon lang ang tanda ng kapatid sa kanya ay sinikap pa rin nitong gampanan ang pagiging ama at ina sa kanya mula nang yumao ang kanilang mga magulang.
Their father was a soldier. Nasawi ito sa pakikipagbakbakan sa mga rebelled sa Zamboanga noong pitong taong gulang siya. Ang kanilang ina naman ay sumunod sa ama pagkalipas nang dalawang taon matapos atakihin sa puso. Joshua’s father on the other hand, was also an orphan.
Sa loob nang dalawang taon ay masaya at kuntento naman silang namuhay ng kanyang pamangkin. But lately, the kid was beginning to ask her things she could never provide. Nagsisimula na itong maghanap ng iba pa raw makakasama nila sa bahay. Hindi niya maiwasang hilingin sa mga ganoong pagkakataon na sana ay hindi siya ang mag-isang nagtataguyod kay Joshua, na sana ay hindi namayapa ang mga magulang nito.
“Two months na lang, family day na naman.”
Umupo si Aliyah sa kama ni Joshua at marahang hinaplos ang buhok nito. “Tulad ng dati, your Uncle Jeric and I can come with you. Hindi pa ba sapat sa ‘yo si Uncle Jeric mo?” tukoy niya sa best friend niyang may-ari ng architectural firm na pinapasukan.
“Bakit po? Kayo na ba?”
Napasinghap si Aliyah. “Joshua!”
“I want a constant buddy, Tita Ali.” Nakikiusap na tinitigan siya ni Joshua. “It’s always been you and me. Hindi ka po ba nalulungkot? Oo nga po at nandiyan si Uncle Jeric pero hindi naman palagi. Kung hindi lang naman po namatay si Daddy, hindi naman po ako maghahanap sa inyo.”
Frustrated na napatayo si Aliyah. Sa nakaraang mga linggo ay ang love life niya ang pinagdidiskitahan ng kanyang pamangkin na siguro ay impluwensiya na rin ng mga napapanood o napapansin nito tuwing lumalabas sila. Naiintindihan niya naman ang pamangkin. Joshua was growing really fast. There were some things that he could not confess to her.
“Am I not enough for you, Josh?” mahinang tanong ni Aliyah nang hindi na malaman ang isasagot.
“I love you, Tita Ali. You’re the best aunt in the world,” sa halip ay malambing na sagot ni Joshua. “Pero hindi ba pwedeng magka-boyfriend ka na para may makasama na tayo rito? My teacher said he was willing to apply for the position if it’s still vacant. Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya pero sa tingin ko, gusto niyang manligaw sa ‘yo.”
“I guess… I’ll just have to buy you a new bike.” Masuyong hinagkan ni Aliyah sa noo si Joshua. “Good night, sweetheart,” aniya at mabilis na umalis ng kwarto ng pamangkin.
Nang maisara ni Aliyah ang pinto ay sunod-sunod siyang humugot ng malalim na hininga para kontrolin ang pagsigid ng kirot sa kanyang puso. Kung sana ganoon lang kadali ang hinihiling ni Joshua ay pagbibigyan niya ito. But a boyfriend was too much. The last time she had one, it took all of her strength to find the will to move on when they broke up.
Aliyah had the tendency to give and love too much, that was her problem. Meanwhile, the men around her had the tendency to hurt her just as much, that was another problem.
“I’m so sorry, sweetheart,” namamasa ang mga matang naibulong ni Aliyah sa nakasarang pinto. “Noong huli kasing nagmahal si Tita Ali mo, halos hindi niya na makilala ang sarili niya pagkatapos. Kapag sumubok siya uli at nadapa uli, baka kahit ang isiping bumangon ay hindi niya na magawa.”
Chapter Two
“THAT’S the problem with you, Bren. You are so reckless with other people’s hearts,” napapailing na sinabi ni Jeric kay Brennan pagkatapos niyang ilahad sa pinsan ang dahilan kung bakit gusto niyang makita uli ang kanyang ex-girlfriend. “Hindi ka ba natatakot na baka isang araw, makarma ka?” Makahulugan itong ngumiti. “After all, life moves with a nasty twist.”
Kumunot ang noo ni Brennan. “Hindi pa ba karma ang tawag sa nangyayari sa ‘kin ngayon?”
Natatawang sumandal si Jeric sa swivel chair at pinaikot-ikot ang lapis nito sa mahogany table. “Masyado namang mababaw ang nangyayari sa ‘yo para tawaging karma, bro.”
Nadidismayang tinitigan niya ang pinsan. “You talk too much, Jeric. Tutulungan mo ba ako o hindi?”
He was never a patient man. Bukod doon, kahit kailan ay hindi niya naging kasundo ang lalaking prenteng nakaupo sa kanyang harap. Pinsan niya si Jeric sa mother side. Pareho silang nag-iisang anak kaya hindi maintindihan ng mga magulang nila kung bakit hindi sila naging malapit sa isa’t isa.
Kahit si Brennan ay hindi maintindihan kung bakit mainit ang dugo niya kay Jeric. Perhaps, it was because of the latter’s annoying grins and sarcastic remarks. Kung hindi nga lang mas naunang dumating ang text message nito noong nakaraang araw, siguro ay nag-hire na lang siya ng private investigator para hanapin si Aliyah. Sana ay wala siya sa office nito ngayon.
“Brennan Valmadrid, always the king of his own world.” Pumalatak si Jeric. “Minsan, subukan mo ring bumaba sa trono mo para makita mong hindi lahat ng tao, alagad mo,” dagdag nito bago kinuha mula sa bulsa ng suot na slacks ang cell phone at nag-dial. “Aliyah, on the way ka na ba?” Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Oh, nandito ka na? Good. I’ll see you here in my office then.”
Nang ibaba ni Jeric ang cell phone sa mesa ay amused na ngumiti pa ito. “Just a few more minutes, Bren, and you’ll be reunited with your ex-girlfriend again.”
Naikuyom ni Brennan ang mga kamay. Hell, kung hindi lang siya sinabihan ni Jeric na hindi ipakakausap sa kanya ang pinakaiingat-ingatan diumano nito na in-demand architect sa firm kung hindi niya aaminin ang totoo ay hinding-hindi siya mag-o-open up sa pinsan.
But he could have just lied, damn it. Bakit ba siya nagpadala sa pagkalitong nararamdaman niya? Of all people to confess to, why to Jeric Andrews?
Magsasalita pa sana si Brennan nang makarinig sila ng tatlong sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Ilang segundo pa ay pumasok ang isang babae. Nahigit niya ang hininga. Ilang taon man ang lumipas ay nakasisiguro siyang iyon ang babaeng hinahanap niya. But God… he could not believe his eyes.
Simpleng puting sando lang ang suot ni Aliyah na nagpatingkad sa morena at makinis nitong balat, hapit na pantalong maong na nagpalitaw sa mahahabang mga biyas at putik-putik na bota. She was so simple yet so mesmerizing. Nakalugay lang ang mahaba at light brown na buhok nito na kasing-kulay ng mga mata nito. He felt like he was seeing her for the first time. Her eyes were smiling. He suddenly felt like there was a huge lump in his throat.
Why did I even ask her to wear contact lenses before? Good Lord, she had the most beautiful eyes he had ever seen.
“Sorry, late ako.” Para bang nahihiya pang ngumiti si Aliyah, ngiting sapat na para bulabugin ang puso niya. “Galing pa kasi ako sa site sa Mandaluyong.”
Pasimpleng natapik ni Brennan ang kanyang dibdib para kalmahin ang pusong hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang t***k. Mabuti na lang at hindi pa siya napapansin ni Aliyah. Deretso lang itong nakatingin sa kanyang pinsan habang siya naman ay nasa gilid na bahagi ng opisina at nakaupo.
“It’s all right, Iyah.” Malakas na tumikhim si Jeric bago tumingin sa direksiyon niya. “Brennan, meet my gorgeous girlfriend, Aliyah Samonte. Most of our male architects fondly call her ‘the heartbreaker,’ sa dami ng mga nabasted niya.” Ngumiti pa ito. “So fasten your heart’s seat belt, cousin. Ayoko ng complications. Ang kay Brennan ay kay Brennan, ang kay Jeric ay kay Jeric. Maliban na lang kung magbibigayan tayo na siyempre ay malabong mangyari.” Tumawa ito. “Oops, just kidding.”
Pero hindi natawa si Brennan sa biro ni Jeric. Dahil habang pinagmamasdan niya ang unti-unting pagkabura ng ngiti sa mala-rosas na mga labi ni Aliyah ay dalawang bagay ang na-realize niya. Una, nagkamali siya dahil hindi nalutas ng pagkikita nila ang pagkalitong nararamdaman niya. Sa halip ay lalo pa nga siyang naguluhan sa kakaibang reaction ng puso niya. Pangalawa, hindi niya maintindihan kung bakit… hindi siya kampanteng pag-aari na ito ng iba.
What on earth is wrong with me?