Cristely was devastated nang sa loob ng 20 years na pagsasama nila ng kanyang asawang si Lucas, ay bigla na lamang itong humingi ng divorce. Kung kailan sila tumanda ay tsaka pa ito nakaisip na sirain ang kanilang pagsasama. They both 40 years old at parehong may magandang pangalan sa lipunan. Si Lucas bilang isang businessman habang si Cristely naman ay isang kilalang doktor. Kahit alam niya na wala namang magandang alaala ang kanilang pagsasama ay hindi pa rin maiwasan ni Cristely na makaramdam ng sakit at malungkot dahil sa pakiramdam niya ay nasayang lang ang mga taon niya na iginugol na kasama ito. Ni hindi sila biniyayaan ng anak dahil mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo nito sa kanya, para bang ang pakikipagsiping nito sa kanya ay isang obligasyon lamang. Ni hindi niya man lang naramdaman na naging mainit ito sa kanya. Alam niya na isa lamang arrange married ang kasal nila, at pareho silang walang pagtingin sa isat isa noong ikinasal sila. But she did everything to be a good wife to him at pinilit niyang magwork pa rin ang kanilang kasal. But Lucas throw it away now! Kaya upang maibsan ang nararamdamang kalungkutan dahil sa nangyari sa kanyang buhay ay nagpasya siyang pumunta sa bar at lunurin sa alak ang sarili. Nang sa gayon ay pansamantala niyang makalimutan ang lahat! But he didnt expect na makikita doon ang intern doktor niyang si Garrett Albano, na animoy pilipino version ni Tom Cruise. Hayag ang pagpapakita ng pagkagusto sa kanya ang batang doktor. Sakabila ng pagtataboy niya dito ay pilit pa rin niyang pinagsisiksikan ang sarili. Kaya nang gabing iyon ay hindi na rin niya nakontrol pa ang sarili at nakagawa siya ng isang kasalanan. She give in to Garrett who is 18 years younger than her! For the first time in her life ay naramdaman niya ang maging ganap na babae! Ang sambahin at paligayahin ng isang lalaki! Ngayon ay hindi na niya makontrol pa ang sarili at nagising na lamang siya na palihim na nakikipaglaro ng apoy sa binata. She had a scandalous affair with her intern doctor! Hanggang saan siya dadalhin ng lihim na pakikipagrelasyon dito? Paano kung may matuklasan siya sa lihim na pagkatao ng binata? Makakaya pa ba niyang ituloy ang skandalosong relasyon dito? Tuluyan ba niyang sisirain ang relasyon nila ng asawa niya kung bigla ay nagbago ang isip nito at muli ay sinusuyo siya upang magsimulang muli? Ano ang pipiliin ni Cristely ang pamilya o ang puso niya?
Masakit Malaman na Ang lalaking minahal mo ay may mahal pang iba bukod sa iyo. Ngunit mas nakakamatay Ang sakit na makita siya habang ikinakasal sa ibang babae.
Yung akala mo na sayo ay Hindi mo naman pala pag aari. Na Ang Mundo na binuo nyong dalawa ay Isa palang ilusyon lamang at kailanman ay Hindi na magiging makatotohanan!
Ngayon ay mag Isa na lamang Siya, walang malapitan at makakapitan…
Paano Niya haharapin Ang sakit?
Gayong Hindi Niya alam kung saan Siya magsisimula? Paano na Ang dalawang sanggol na nabuo sa kanyang sinapupunan? Kaya ba niyang manira ng relasyon para lang magkaroon ng buong pamilya Ang kanyang mga anak? Hanggang kailan siya magiging matatag sa pagharap ng mga pagsubok sa kanyang buhay?
Kung ikaw si Christine makakaya mo bang patawarin ang lalaking nanakit at dumurog sa puso at pagkatao mo?
Makakaya mo bang magmahal muli? O mas pipiliin mo na lang na maging bato ang puso mo? At mamuhay malayo sa lalaking dati mong minahal na higit sa sarili mo pero kinamumuhian mo?
Subaybayan at samahan po natin si Christine at Francis sa kanilang kwento ng pag ibig...
Makiiyak at magalit, masaktan at bumangon hanggang sa muling maghilom ang sugat na gawa ng kahapon. At matatag na harapin ang bukas na may ngiti sa labi.
Napilitang maging substitute bride si Kierra on behalf of her stepsister Celine, kapalit ng pera na kailangan sa pagpapagamot ng kanyang kapatid. She married Damien Harrison sa kabila ng hindi magandang mga bagay na naririnig nito sa pagkatao ng lalaki. Wala rin naman siyang pagpipilian, dahil kailangan niyang unahin ang buhay ng kanyang Kapatid. Kaya pikit mata na lamang niyang isinubo, ang sarili sa pag aasawa! Sa kabila ng pagiging walang experience niya sa pakikipagrelasyon. Sa edad na bente ay hindi pa niya nararanasan ang magkanobyo o makaramdam ng pag ibig sa lalaki, ngunit ngayon ay bigla siyang haharap sa buhay may asawa! Anong buhay kaya ang kahaharapin ni Kierra sa lalaking nagtatago sa isang maskara at nakatali sa wheelchair? Paano niya ito pakikisamahan kung ito mismo ang lumalayo at naglalagay ng pader sa pagitan nila. Na dahilan para mapalapit siya sa kapatid nitong si Damon. Paano tatakasan ni Kierra ang dalawang lalaki na parehong nagpapabaliw sa kanyang sistema? Paano niya sasayawan ang apoy ng pagnanasa na unti unting tumutupok sa kanyang inosenting isipan?Ano nga ba ang sikretong itinatago ng lalaking pinakasalan niya? Paano niya maiiwasan ang kapatid nitong nagmistulang knight in shining armor niya na parang kabuteng sumusulpot sa tuwing nalalagay siya sa kapahamakan?Samahan po natin si kierra Monreal sa nakakabaliw niyang kwento ng pag ibig!
Gwapo, mayaman at kilalang businessman, isa lang sa mga katangiang meron ang isang Samuel Montefalcon. Nasa kanya na lahat ng katangian that every woman desire to a man. Kaya halos lumuhod ang mga kababaihan sa kanyang paanan. Makuha lang ang atensiyon niya. He can easily get a woman with just one flick of his finger. Maliban sa isang babae, si Cassandra Delrio, ang bunsong kapatid ng bestfriend niyang si Francis.
Hanggang saan siya dadalhin ng lihim na paghahangad niya sa dalaga?
Kung abot langit ang pagtanggi nito sa kanya?
Magawa pa kaya siyang patawarin nito kapag nalaman ni Cassy ang pagkakamaling nagawa niya na inakala niya na siya lamang ang nakakaalam?
paano kung magbunga ito?
Makakaya kaya niyang makita ang mahal niya na mapunta sa ibang lalaki?
Hanggang saan ang kayang gawin ng isang Samuel Montefalcon sa ngalan ng pag ibig?
May lakas ba siya ng loob na ipagtapat at aminin ang katotohanan?
Samahan po natin si Samuel sa kanyang kwento ng pag ibig...
halina at kiligin, mainis at umiyak...
masaktan, magpatawad,
at magmahal muli...
Napilitang magpakasal si Analyn kay Jarred Davis upang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama. At maisalba ang ampunan na tanging alaala ng kanyang yumaong ina. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang kasunduan na inioffer nito sa kanya ang maging asawa nito upang makuha ang custody ng anak nito sa pagka binata. Alam niya na hindi magiging madali para sa dalaga ang lahat dahil bukod sa hindi maganda ang trato sa kanya ng asawa ay mababa pa ang tingin sa kanya ng kanyang biyenang babae. Makuha ng kanyang asawa ang custody ng bata at naging taga alaga rin siya ng anak nito. Ngunit bukod pala sa pagiging hired na asawa at yaya ay magiging taga pawi pa siya ng init ng katawan nito. Sa tuwing uuwi itong lasing at walang ibang bukang bibig kundi ang pangalan ng dating nobya! Alam niya sa simula na hindi siya kayang mahalin nito, dahil una pa lang ay sinabi na nitong hindi para sa kanya ang puso ng lalaki! Hanggang saan aabot ang pagtitiis ni Analyn para sa pamilya? Paano niya mapoprotektahan ang isang inosenteng buhay na nasa loob ng kanyang sinapupunan? Kung mismong ama nito ang may ayaw sa kanya, dahil sa simula pa lang ay binalaan na siya nitong hindi siya maaaring mabuntis! Paano niya itatago ang lahat? Alam niya na hindi niya ito maitatago habang buhay! Makakaya ba niyang maging kriminal ng sariling dugo at laman?
Magagawa mo pa kayang mahalin ang isang tao na nagawa kang saktan ng sobra? Makakaya mo pa bang bigyan siya ng pagkakataon at muling makasama? Kaya mo bang kalimutan ang lahat at magsimula ulit? Si Irish minsang naniwala na may forever at happy ending. Ngunit ang kanyang mala fairy tail na kwento ng pag ibig ay nauwi sa malabangungot na istorya. Maagang naulila ang dalaga sa ina ng magkasakit ito ng breast cancer. Dahil sa kakulangan ng financial ay hindi nila ito nagawang maipagamot sa mas maayos na hospital. Isang magsasaka lamang ang kanyang ama at sapat lang ang kinikita nito sa gastusin nila sa pang araw araw. Ngunit hindi nawalan ng pag asa si Irish na makakaahon sa kahirapan. Ipinangako niya sa kanyang ina na magtatapos siya ng pag aaral, anuman ang mangyari. Nagawa niyang makakuha ng scholarship sa isang kilalang unibersidad sa Manila. Doon ay sinubukan niya ang kanyang kapalaran, pinagsabay niya ang pagtatrabaho habang nag aaral. Ngunit lahat ng plano at pangarap niya sa buhay ay biglang nagbago ng makilala niya si Lennon Elorde. Isang happy go lucky na binata, dahil sa image nito ay pilit niyang iniwasan ang lalaki. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kahit anong iwas ang gawin niya ay bumabalik pa rin siya palapit sa binata. Sakabila ng langit at lupang agwat ng pamumuhay ni Irish at Lennon ay nagawa pa rin nilang pagpantayin ang pumapagitan sa buhay nila. But everything change nang mahuli niya si Lennon na may kasamang ibang babae sa kanilang kama. After that day ay isinumpa na ng dalaga ang pag ibig. Nag iba ang pananaw niya pagdating sa pakikipagrelasyon at pagmamahal. Ngunit kung kailan handa na niyang ibaon sa limot ang lahat ay tsaka naman muling pinagtagpo ang landas nila ng binata.
Do Lennon deserve a second chance? Makakaya ba niyang patawarin ito at kalimutan ang galit na inipon niya sa kanyang puso?
Galit na kinapitan niya ng maraming taon para makapag patuloy siya sa buhay at mag isang itaguyod ang isang buhay na tanging nag uugnay sa kanilang dalawa.
Will it be love, sweeter than the second time around?
Or it will be bitter just like ampalaya?
Sa Isang gabing pagkakamali ay nagbago Ang Buhay ni Vanessa. Nawala Ang lahat sa kanya. Career, magandang Buhay at pamilya. Pinili niyang talikuran Ang pagmomodelo at harapin Ang simpleng Buhay Kasama Ang bunga ng Isang gabing pagkakamali niya.
Ngunit sadyang mapaglaro Ang Tadhana nang muling pagtagpuin Ang kanilang landas ng lalaking ama ng kanyang anak. Na ngayon ay nagooffer sa kanya na ng Isang Gabi na makasama Siya, kapalit ng libreng paggamot nito sa kanyang anak!
Muli nanaman bang uulitin ni Vanny Ang nagawa niyang pagkakamali para maisalba Ang Buhay ng kanyang anak?
Anong kapalaran Ang naghihintay sa kanilang mag Ina sa kamay ng estrangherong ama ng kanyang anak?
Jim Will Vicente was just 19 ng mapabilang sa isang sikretong organisasyon. Ang Shadow Empire. Sapilitan silang dinala sa isang isla upang gawing bihasa sa pakikipaglaban at paghawak ng ibat ibang sandata. Nasa australia siya noon at kasalukuyang nag aaral ng medisina.
Ang layunin ng grupo na kinabibilangan niya ay ipaghiganti ang mga kliyente na lumalapit sa kanila sa mga nakakaalitan at may atraso sa mga ito. Na hindi nadadawit ang kanilang pangalan.
Ngunit hindi niya inaasahan na ang sumunod na misyon niya ay ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang babaeng naging dahilan kung bakit siya naging mapaglaro sa pag ibig. Si Gianna Bolivar ang unang babaeng minahal niya ngunit parang bula na lang na naglaho. Nang bumalik siya mula sa pagkakakidnap sa kanya ng organisasyon ay wala na ito at kahit anong gawin niyang paghahanap dito ay hindi niya matagpuan.
Nalaman niya na nasa pilipinas ang pamilya ni Gianna at isa na itong sikat na model. Hindi naging mahirap para sa kanya ang makalapit sa pamilya nito. Dahil isa ring kilalang Doktor ang ama nitong si Doctor Sebastian Bolivar. Which is siya talagang target ng kliyente ngunit ang gusto nito ay masira ang pamilya ng doktor at ang anak nitong panganay. Ngunit ang bitag pala na inilaan niya para sa dalaga ay siya pala ang unang mahuhulog dito. Hanggang isang araw ay nagising na lang siya na pinoprotektahan ang babaing dapat sana ay nakatakda niyang saktan. Dahil sa nabigo siya sa kanyang misyon ay nagpadala ng bagong agent ang kanyang superior para siyang magtuloy ng kanyang nabigong misyon.
Ngunit nagbago na ang misyon at ang buhay na ng babaing mahal niya ang nais ng kliyente. Hindi naging madali para sa kanya na kalabanin ang mga dating kakampi at kaibigan. Ngunit wala siyang ibang pagpipilian hindi niya maaring isuko ang buhay ng mahal niya. Kaya proprotektahan niya ito kahit ang maging kapalit ay sarili niyang buhay.
Bata pa lang si Katrina ay mulat na siya sa kahirapan. Lumaki siya sa probinsya kung saan pag aani ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao. Ngunit nang mamatay ang lolo niya dahil sa kidney failure ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Naghangad siya na mabago ang takbo buhay niya at ng pamilya niya. Sawa na siya maging mahirap at makuntento na lang kung anong meron sila. Katulad ng laging pangaral sa kanila ng kanyang yumaong lolo. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa lolo niya na namatay ito dahil sa kakapusan nila sa pera. Kaya pikit mata siyang sumama sa isang estranghera. Ang babaing nangako sa kanya ng kaginhawahan at tutulungan siyang makapangibang bansa. Ngunit ang lahat ng pangarap niya ay naglaho at unti unting gumuho. Dahil ang magandang buhay na akala niyang nag aantay sa kanya ay isa pa lang impyerno! May magandang buhay pa kayang nakalaan para sa isang parausang bulaklak na katulad ni Katrina? Hanggang kailan siya magiging matatag at makikipaglaban sa hamon ng buhay?
Tara na at samahan natin sa Katrina na lumaban? Umiyak?
Ngumiti at umasa?
Mabigo at masaktan?
Ngunit nanatili pa ring nakatayo!
Babagsak ngunit hindi susuko!
Kung isa ka ring tulad ni Katrina suportahan nyo po ang storya niya!