Chapter 1: Revenge -Vanessa
"His here! " Basa ko sa message na sinend ng kaibigan kong si Rizza. Nasa bar ito at kasama ang boyfriend niyang half Canadian at half Pinoy. Halos liparin ko na ang kahabaan ng Express Way marating ko lang ang lokasyon nito. Laking pasalamat ko na at walang gaanong traffic. s**t! ano na naman ba ito Allen? tanong ko sa isip.
Nang saglit na tumigil ang kotse ko dahil sa traffic lights ay mabilis akong nagtipa ng sagot sa message nito.
Me: I'm on my way
Rizza : bilisan mo bakla habang nakakapag pigil pa ako. Kanina pa nag iinit ang palad ko.
Naiiling na lamang ako habang inilalapag ang cellphone ko sa dashboard ng aking kotse. Hindi ko na pinagkaabalahan pang sagutin ang message nito, dahil malapit na rin naman ako sa kinaroroonan niya. Isang liko pa sa kanto ang ginawa ko, bago narating ang bar na kinaroroonan ng magnobyo, ang Trio Club.
Hindi ko na inayos pa ang pagpark ng kotse ko at nag mamadali na akong bumaba. Halos takbuhin ko na ang pagpasok sa loob ng bar.
Pagod ako! Dahil katatapos lang ng maghapong photo shoot ko sa Tagaytay. Ngunit lahat ng pagod ko biglang naglaho nang malaman kong nasa bar na 'to, ang walang hiyang boyfriend ko at kasama ang hitad na ex niya! Pagkapasok ko pa lang sa main entrance ay sumalubong agad sakin ang kakaibang titig ng mga kalalakihan na naroroon. Samantalang mga nakaismid naman ang mga babae at nagbubulungan pa. Well, hindi naman bago sakin ang mga reaksyon nila. Sanay na ako, at wala akong pakialam! I'm tired and sick sa mga taong walang ibang alam ang utak kundi kamanyakan at kalibugan. Hindi dahil ganito ang klase ng trabaho namin ay mababa na ang tingin ninyo sa amin.
We're a professional model, hindi kami basta lang nagpapakita ng katawan namin, it is called fashion...
My goodness! They really think that I'm really easy to get?
Yes! I admit, I look liberated when it comes sa pananamit, pananalita at pagkilos.
And because of that, kaya kung ano anong bagay na lamang ang binabato nila sa akin. At nalilink sa kung sino sinong celebrities, politiko, at businessman.
But sorry na lang sila!
Because I'm proud to say that my hymen is still intact!
Sabi nga sa kasabihan diba, don't judge the book by its cover.
Ngunit sa klase ng mundo na ginagalawan ko ay naglipana ang mga ganyang tao. Mapagbantay sa kilos ng iba, at mapanghusga na akala mo ay mga perpekto.
Na walang kadumi dumi sa katawan.
But I'm not the type of person na nakikipagsabayan sa kanila. If they don't like me, I don't like them either!
Taas noo akong naglakad papasok ng bar. Sa bungad pa lang ay natanaw ko na ang pwesto ni Rizza, pasimple nitong itinuro ang pwesto ng dalawa. Gigil kong naikuyom
ang magkabilang palad ko nang makita ang ayos ng dalawa.
Ang mga walang hiya!
Dama ko ang pag aakyat ng dugo ko sa aking ulo. Hindi ito ang unang beses na nahuli ko silang dalawa. Ilang beses na nga ba?
Hindi ko na mabilang. Ako lang itong si tanga na paulit ulit pa rin siyang pinapatawad.
Pero hanggang kelan?
Nakakapagod at nakakasawa na! Kaya simula sa gabing ito tutuldukan ko na ang katangahan. Hindi ko kailangan ang lalaking hindi kayang makuntento, kung anong kaya kong ibigay.
I don't deserve to be treated like this!
Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin. Dahil pareho silang abala sa isa't isa ay hindi na nila namalayan ang paglapit ko sa kanila.
Mga walang hiya! Ang kakapal ng mga mukha!
Hindi man lang mahiya na mag lampungan in public. Knowing na pareho silang kilalang celebrities, ni hindi man lang nila naisip na baka may kumuha ng picture o video sa kanila.
Ganyan sila kaproud sa kalandian nila. Mabilis kong nahablot ang mahabang buhok ni Miah. Siniguro kong mahigpit ang pagkakakapit ko dito na ipinulupot ko pa sa palad ko. Buong lakas ko itong hinila na naging dahilan para magkahiwalay ang katawan nila.
" Ahwww! Get off my hair!" Hiyaw ni Miah. Habang pilit inaalis ang kamay ko sa buhok niya. Ngunit mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok nito na lalong nagpahiyaw sa kanya. Wala siyang magawa dahil mas matangkad ako sa kanya. Maliit lang itong babae at hanggang balikat ko lang ang taas nito.
Ang lakas ng loob na kalabanin ako!
Pinihit ko ito paharap sa akin, na ikinalaki ng mata nito nang makilala ako.
"V- Vanessa..." namumutla nitong bangit sa pangalan ko.
"Hey! Vanny, stop that!" Saway naman ng walang hiya kong nobyo. Akma sana itong lalapit sa amin, ngunit naging maagap ang boyfriend ni Rizza at agad humarang sa daan nito.
"Nice one, honey! " Narinig kong sigaw ni Rizza sa kanyang nobyo.
Malaki ang katawan ng boyfriend nito kumpara kay Allen. Kaya nakita ko ang pagkatigil ng huli. Natanaw ko rin ang dalawang babaing nagmamadaling lumapit sa amin. Ngunit kaagad ring hinarangan ni Rizza, Nakapamewang itong humarap sa dalawa.
"Subukan n'yo pang humakbang ng isa pa, nang maranasan ng mga mukha n'yo ang maging panglinis ng sahig!"
Napapailing na lamang ako, knowing Rizza siya ang pinaka war freak sa aming magkakaibigan. During our college days ay ito ang nagsisilbing tagapagtanggol namin. Palibhasa maaga itong naulila sa magulang at tanging tiyahin lang nito ang kasama niya sa buhay. Kaya natoto itong maging matatag at ipagtanggol ang sarili. Madiskarte ito sa buhay, halos lahat ng raket ay gorabels ito basta marangal. Kaya Rizza raketera ang bansag namin sa kanya. Walang kimi at arte sa katawan, napaka transparent na tao.
Well! sa ilang taong magkasama kami sa isang bahay ay halos naadopt ko na rin ang ugali nito.
Isa na doon ang matutong lumaban kung kinakailangan.
"Go! Bakla sentensiyahan na yan! " Narinig ko pang sigaw nito. Tsaka ko naman binalingan si Miah, na ngayon ay mas lalong namutla ang pagmumukha. Ang lalakas gumawa ng kalokohan behind my back pero parang pinainom naman ng isang galong suka pag nahuli.
Mga bwisit!
"V-Vanny... I-I'm sorry!" Samo nito, na lalong ikinainit ng ulo ko.
"Wow! Sorry? Wala ng effect sa akin ang salitang yan! Dahil kagaya lang ng katawan mong nilaspag na ng boyfriend ko, gamit na gamit na ang salitang yan! " Sigaw ko rito.
"Kaya sorry, your face! " Dugtong ko pa.
Mabilis kong binitiwan ang buhok niya sabay pakawala ng magkasunod na sampal sa magkabilang pisngi nito. Bumagsak siya sa sahig na nauna ang mukha.
"Vanny!" Sigaw ni Allen nang akma kong lalapitan ulit si Miah. Ngunit nagmistulan lang akong bingi, Wala akong pakialam kung makakaagaw man ako ng atensyon. Pahablot kong hinawakan ang buhok niya at iniangat ang ulo nito kaya napadaing ito sa sakit.
Dahil mestisa ang kutis nito ay kitang kita ang pamumula ng magkabilang pisngi niya, at bakat ng mga daliri ko sa kamay. May sugat rin ang tagiliran ng labi niya. Hindi ko alam kung dahil sa pagkakasampal ko o pagkakasubsob nito sa semento. Ngunit wala akong makapang habag sa puso ko para sa kanya. Sa ngayon ay walang space sa akin ang salitang awa.
I'm not satisfied yet! Kung baga sa charge ng phone ay 30 percent palang ang nagagamit ko and I want to consumed my 100 percent!
Ngayong gabi ay gusto kong ibuhos lahat ng natitira kong energy sa katawan, bago ko tapusin ang katangahang ito!
I'll make it sure na hindi nila makakalimutan ang gabing ito! Nagkamali sila ng taong niloko at pinaglaruan!
Isang mabigat na sampal ang muli kong pinadapo sa pisngi nito.
Hanggang maging dalawa!...
Naging tatlo!...
At sunod-sunod, na hindi ko na mapigilan pa!...
Nagmistulan akong bingi sa mga daing niya at pakiusap nito...
Hanggang maramdaman ko na lang ang isang matigas na kamay na pumigil sa aking braso, kasabay ng mahinang bulong sa aking tenga.
"Bakla, tama na! Baka sa kulungan na ang bagsak mo n'yan! " Bigla akong natigilan, at bumalik ang katinuan.
"Damn!" Wala sa sariling mura ko nang makita ang kalagayan ni Miah. Wala na itong malay at puro dugo na buong mukha.
Wala sa sarili akong napatayo at bahagyang lumayo sa kinaroroonan nito. Agad naman siyang dinaluhan ng mga taong naroon at mabilis na itinakbo sa hospital.
Nakaramdam ako ng takot at pag alala.
I get out of control!
My God!
Paano kung napatay ko siya? litong tanong ko sa isip.
"I-Is she's still alive?" Namumutla kong tanong kay Rizza.
Nakangiti itong bumaling sa akin.
"Wag ka mag alala bakla, masamang damo yon, kaya buhay pa yon, I'm sure!" Sagot nito,
hays! Kahit kailan talaga alam niya kung paano ako pakalmahin.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Damn! mura ko sa isip
Ngunit hindi pa rin ako kumbinsido!
I need air! Sigaw ng utak ko.
I need to get out of here!
Pakiramdam ko ay nasasakal ako. Kaya malalaki ang hakbang kong tinungo ang daan palabas ng bar. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ni Rizza.
Lakad, takbo ang ginawa ko para makalayo sa lugar na yon. Bukas ko na haharapin ang magiging bunga ng nagawa ko!
Sa ngayon ay kailangan ko munang makalayo. Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Nang makaramdam ng pagod ay wala sa sarili akong napaupo sa gilid ng highway. Hinayaan kong ipahinga saglit ang pagod kong katawan. Hanggang magsimulang mag uunahan ang mga luha ko sa magkabilang mata. Lumabas ang emosyon na kanina ko pa pinipigilan, I let myself cry like a baby...
Ito ang emosyon na kanina ko pa pinipigilan dahil ayokong makita nila ang kahinaan ko...
Ngunit natigilan ako sa pag iyak nang may biglang tumigil na sasakyan sa aking harapan.
A sports car!
Ferrari Portofino!
Mayaman! Sigaw ng isip ko.
Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mukha, gamit ang mga palad Ko.
God! Ano na kaya ang itsura ko? Tanong ko sa sarili. Sabay nang pagbukas ng itaas na parte ng kotse nito ay tumambad sa akin ang gwapong mukha ng driver.
"Hop in! " Baritonong sabi nito.
"God! Ang gwapo!" Wala sa sariling sambit ko habang nakatulala sa mukha nito
Shuta! Ka talaga Vanny!
Kalma!