Prologue: Irish
Prologue
Irish
"Kuya! Sa tabi na lang po!" Halos pasigaw na sabi ko sa driver ng tricycle nang makita kong lumampas na ito sa apartment na tinutuluyan ko.
"Hays! Talaga naman si kuyang driver sinabi ko ng sa pulang gate lang eh! " Reklamo ko rito.
"Pasensiya na po ma'am! Napabilis po ang pagdrive ko!" Nahihiyang paumanhin pa nito, habang nagkakamot sa batok. Subok ko na ang matandang driver na ito. Mula ng lumipat kami dito ng aking nobyo ay siya na lagi ang sinasakyan ko. Bukod sa mapagkakatiwalaan ay mabait at maingat pang magmaneho. Malayo pa kasing lakarin papasok sa subdivision na tinitirhan namin.
"Ayos lang po yon, salamat po!" Nakangiting saad ko habang iniaabot ang isang daan na pamasahe ko.
"Naku, ma'am kakalabas ko lang po wala po akong maisusukli pa dito." Nahihiya pa ring sabi ng driver.
"Okay na po kuya, wag nyo na po suklian." Tugon ko.
"Naku! Sobra naman ito ineng!"
Matamis akong ngumiti sa kanya. Isa rin sa nagustuhan ko sa kanya na hindi ito abusadong driver.
"Kuya ayos lang po yun! Sige na po, salamat po sa paghatid!" Nakangiting saad ko.
"Salamat din po, ma'am ganda!" Nakangiti rin nitong tugon. Dala ang dalawang supot na may laman ng mga kailangan namin sa bahay ay naglakad na ako palapit sa gate.
Napangiti ako nang matanaw ko ang isang black Ducati Macchia Nera
sa loob ng bakuran namin. Nagmamadali ang mga hakbang kong pumasok ng gate.
"Ang aga naman niya ngayon!" Masayang sambit ko habang naglalakad papasok. Balak ko pa sana siyang surpresahin, at ipagluto ng paborito nitong ulam. Pero naunahan na pala niya akong umuwi.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang pagiging cold nito sa akin. Ngunit kahit anong gawin ko ay wala akong maisip maaring maging dahilan ng pagiging cold niya. Kapag tinanong ko naman siya kung anong problema ay laging wala ang sagot nito. Mahigit isang taon na ang relasyon namin ni Lennon at mag iisang taon na rin kaming nagsasama sa iisang bahay. Well hindi man maganda tingnan pero anong magagawa ko, mahal na mahal ko siya kaya wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. As long as we love each other yon ang mahalaga! Hindi naman sila ang magsasama, kundi kami!
Pareho kaming nag aaral pa lang sa college at isang taon na lang ay matatapos na kami pareho. I'm taking Mass Communication samantalang si Lennon naman ay BSC in culinary. Dahil mahilig itong magluto at thesame time ay hotel and restaurant ang family business nila. Siguro at napapagod lamang ito o naprepreasure lalo na at graduating na kami pareho. Hindi rin biro ang pagsabayin ang pag aaral at pagtratrabaho. Ito rin ang isang dahilan kung bakit ko siya minahal ng sobra dahil pinaglaban niya ako sa mga magulang niya, sa kabila ng pagtutol ng mga ito. Tumayo siya sa sarili niyang paa at pinatunayan na kaya namin panindigan ang relasyon namin at itaguyod ang pagsasama namin ng hindi umaasa sa pera ng kanyang pamilya.
Marahan kong pinihit ang siradura ng pinto, ngunit ganon na lang ang paninigas ng katawan ko nang makita ang nagkalat na mga saplot sa sala namin. May damit pangbabae, underwear at bra, na sigurado akong hindi ko pag aari.
"Oh! s**t! Lennon... s-sige pa..." narinig ko pang paungol na sabi ng babae. Napasapo na lamang ako sa sariling bibig at nanghihinang napaupo sa sahig.
"Ahhh... yes baby! That's it! Ahhh... more deeper please..." halos pasigaw ng sabi ng babae.
"Ohh... s**t! Your p'ssy is f'cking good!" Saad ng lalaki na kahit hindi ko silipin ay alam kong si Lennon yun.
mga walang hiya!
"Ahhh... ang lalim... Shiiit... I love it! Make it faster baby... ahhhh..."
Hindi ko na napigilan ang pag uunahan ng mga luha ko sa magkabilang mata.
"Lennon..." mahinang bangit ko sa pangalan nito.
Dinig na dinig ko pa ang bawat ungol at ingay nila, kasabay ng paglangitngit ng aming kama.
Sa bahay pa talaga namin nila ginawa ang kababuyang ito! At sa mismong kwarto at higaan pa namin!
Ano bang nagawa ko bakit niya ako ginaganito? Pwede naman niyang sabihin kung anong problema niya. O kung nagkulang ba ako?
Dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman, ni minsan hindi ko pinagkait sa kanya ang katawan ko! Binigay ko lahat ng meron ako!
Ni wala na akong itinira para sa sarili ko!
Minahal ko siya ng sobra at bawat plano at pangarap ko kasama siya!
Nasaan na ang mga pangako niya na hindi niya ako sasaktan at paiiyakin. He said that he rather choose to kill himself rather than to see me hurting!
Pero ngayon halos mamatay ako sa sobrang sakit ng pinaramdam niya sa akin. Dama ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa galit ngunit wala akong lakas para tumayo at sugurin sila. Hindi ko alam kong dapat pa ba o hayaan ko na lamang sila at magpakalayo layo na lang. Impit na lamang akong napaiyak habang nakasubsob sa aking mga palad. nagmistulang isang talon ang aking luha na hindi naubos sa pag agos, wari bang may sariling balon na hindi natutuyuan.
Paano na ako? Saan ako magsisimula? Makakaya ko bang iwanan siya at magsimula na lang ng mag isa?
Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang masaktan dahil sa pagmamahal! Ang sabi ni inay noon ay piliin kong mabuti ang lalaking mamahalin ko at makakasama habang buhay. Dahil maraming lalaki ang mapaglaro sa pag ibig. Akala ko noon ay natagpuan ko na ang lalaking nais ko para sa sarili ko. Ang lalaking inakala kong iba sa lahat!
Napaangat ako ng mukha ng marinig ang pagbukas ng pinto. Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha ay nakita ko pa rin ang reaksyon ng mukha ni Lennon.
Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito ng makita ako, I saw guilt ngunit saglit lang at napalitan ito ng matalim na titig.
"Hon are you sure na ihahatid mo ako sa bahay? Pwede naman ako magtaxi." Malanding sabi pa ng babaeng kasama nito. Wari bang walang pakialam sa paligid at para bang hindi ako nakikita.
"No! Ihahatid kita!" Mariing sagot ni Lennon na lalong nagpadagdag sa sakit na nararamdaman ko.
"L-Lennon!" Luhaang tawag ko sa kanyang pangalan. Ngunit para itong walang narinig at hindi man lang ako binalingan.
"Mauna ka na sa labas, wait me there!" Baling nito sa kasamang babae. Matamis na ngumiti ang babae at mabilis na humalik sa labi ng aking nobyo. Para namang walang ibang nakikita ang dalawa na nagpalitan pa ng mapusok na halik sa isat isa. Samantalang ako ay hindi makakilos dahil sa sari saring emosyon na pumupuno sa aking dibdib. Nang magsawa ang dalawa ay malanding naglakad ang babaeng kasama nito palapit sa pinto.
Nang tuluyang makalabas ang kasama nitong babae ay tsaka lang niya ako binalingan.
"fixed your things! Ayoko ng maabutan ka pa paguwi ko!" Matigas na sabi nito sa akin bago naglakad palabas ng bahay.
Naiwan naman akong tulala na hindi makapaniwala sa mga nangyayari? Gulong gulo ang isip ko bakit bigla na lang naging ganon ang pakikitungo sa akin ni Lennon.
Kilala ko ang babaeng kasama niya, Si Carla, ang ex girlfriend niya na girlfriend ng buong campus. Anak ito ng kilalang politiko at malapit na kaibigan ng mga magulang ni Lennon. Kaya ito ang gusto nila para sa binata ngunit matagal na niyang tinapos ang relasyon nilang dalawa bago pa man kami magkaroon ng relasyon ni Lennon.
Ngunit hindi ko alam bakit bigla na lang siya umeksena sa amin ngayon! Nagmamadali akong tumayo at sinundan sila sa labas.
"Lennon! Ano ba! Bakit mo ba ginagawa ito?" Luhaang tanong ko.
Halos sabay pa silang tumingin sa gawi ko, may paguuyam na ngumiti ang babae sa akin.
"Poor girl! Hindi mo talaga kilala ang lalaking sinamahan mo! I told you diba, binalaan na kita nung una pa lang! Si Lennon ang tipo na hindi nagtatagal sa isang babae!" Nakangising sabi ni Carla sa akin, nasa mukha nito ang saya at tagumpay.
"Lennon, Kung ano man ang problema please pag usapan naten to! Love please..." pakiusap ko sa kanya. Ngunit bakas sa mukha niya ang katigasan, pinaningkitan niya ako ng tingin na para bang diring diri siya sa akin.
"You heard it Irish! Were done!" Matigas na sabi nito. At tuluyan na akong tinalikuran. Nanghihina na lamang akong napaupo sa damuhan ng tuluyan na niyang pinaandar palayo ang motor nito. Patuloy lang ang pagluha ko habang tinatanaw siya palayo.
Sa ganito na lang ba matatapos ang lahat sa aming dalawa?
Nang makaipon ako ng lakas ay tsaka ako bumalik sa loob ng bahay at sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Dinala ko lang ang mga gamit na dala ko nong unang araw dumating ako sa bahay na ito at iniwan ang mga gamit na ibinigay niya sa akin.
Habang naglalakad palabas ng subdivision ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagagos ng mga luha ko. Kahit hindi ko na makita ang dinadaanan ko ay patuloy lang ako sa paglakad ng walang tiyak na patutunguhan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Ngunit isang tao ang pumasok sa aking isip...
Ang taong alam kong makakatulong sa akin. Pero pinilit ko pa rin na layuan siya para makaiwas sa eskandalo. Ayokong makagulo sa buhay niya ngunit higit ko siyang kailangan ngayon at wala na akong matatakbuhan maliban sa kanya.
kinuha ko ang aking cellphone at ilang saglit pa ay may humintong gray na Ford Everest, ito ang sasakyan na lagi nitong dinadala.
Hindi ko nanaman napigilan ang damdamin ko at agad ko siyang sinugod ng yakap. Sa dibdib niya ako walang sawang umiyak.
"Hush... honey, everything will be fine!" Pag aalo nito sa akin habang marahang hinahaplos ang aking likod. Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Kahit may edad na ay bakas pa rin sa mukha niya ang gandang lalaki.
"T-thank you po sa pagpunta, sorry po kung naabala ko pa kayo." Nahihiyang sabi ko habang nakasubsob pa rin sa malapad na dibdib nito.
"Anything for you baby!" Masuyong tugon nito. Pagkuway ay maingat niya akong inalalayan papasok ng sasakyan.
Mula sa araw na ito ay pag aaralan ko ng kalimutan ka Lennon! Kasabay ng pagbaon ko ng mga bagay na makapagpapaalala sayo! At kapag dumating ang araw na magkita tayong dalawa ay isa ka na lamang estranghero sa akin!
lihim na usal ko habang papalayo ang aming sinasakyan.
Gagamitin ko ang galit na ito para makapagpatuloy at makamit ang mga pangarap ko! I make it sure na hindi ako ang magiging talunan sa huli!