bc

THE MAN WHO OWNED ME

book_age18+
78
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
city
enimies to lovers
substitute
like
intro-logo
Blurb

Napilitang maging substitute bride si Kierra on behalf of her stepsister Celine, kapalit ng pera na kailangan sa pagpapagamot ng kanyang kapatid. She married Damien Harrison sa kabila ng hindi magandang mga bagay na naririnig nito sa pagkatao ng lalaki. Wala rin naman siyang pagpipilian, dahil kailangan niyang unahin ang buhay ng kanyang Kapatid. Kaya pikit mata na lamang niyang isinubo, ang sarili sa pag aasawa! Sa kabila ng pagiging walang experience niya sa pakikipagrelasyon. Sa edad na bente ay hindi pa niya nararanasan ang magkanobyo o makaramdam ng pag ibig sa lalaki, ngunit ngayon ay  bigla siyang haharap sa buhay may asawa! Anong buhay kaya ang kahaharapin ni Kierra sa lalaking nagtatago sa isang maskara at nakatali sa wheelchair? Paano niya ito pakikisamahan kung ito mismo ang lumalayo at naglalagay ng pader sa pagitan nila. Na dahilan para mapalapit  siya sa kapatid nitong si Damon. Paano tatakasan ni Kierra ang dalawang lalaki na parehong nagpapabaliw sa kanyang sistema? Paano niya sasayawan ang apoy ng pagnanasa na unti unting tumutupok sa kanyang inosenting isipan?Ano nga ba ang sikretong itinatago ng lalaking pinakasalan niya? Paano niya maiiwasan ang kapatid nitong nagmistulang knight in shining armor niya na parang kabuteng sumusulpot sa tuwing nalalagay siya sa kapahamakan?Samahan po natin si kierra Monreal sa nakakabaliw niyang kwento ng pag ibig!

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Beg
"Tay! Ngayon lang ako humingi ng tulong sa inyo! Pakiusap… pangako! Ito ang magiging una't huling paglapit ko sa inyo!" Pakiusap ni Sierra sa ama. "God! Raphael! Ang kapal talaga ng mukha ng anak mo sa labas! Pumunta talaga siya dito para lang sabihin na bayaran mo ang bill ng kanyang ina sa hospital!" Naghehesterikal na sabat ni Salve sa asawa, na ama ni Kierra. "Tay! Babayaran ko din po kayo! Pangako ko po! Bayaran nyo lang po muna ang bill ni nanay sa ospital para matuloy na ang operasyon niya!" Naiiyak na pakiusap ng dalaga na halos lumuhod na ito sa paanan ng kanyang ama. Ngunit ang maldita nitong asawa ay ayaw pa rin magpaawat. Tumayo ito at lumapit kay Kierra, pagkuway ay walang pasabing hinila ang mahabang buhok ng dalaga. Napahiyaw naman sa sakit ang babae habang hawak ang kamay ng madrasta upang mabawi ang buhok nito. "Salve! Tama na yan!" Saway ni Raphael bakas sa mukha nito ang pagkalito kung sino ang kakampihan sa dalawa. Ngunit dahil takot ito sa kanyang asawa ay wala ring magawa upang patigilin ito. "Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala kang makukuha kahit sentimo sa amin! Mamatay man yang nanay mo wala akong pakialam!" Galit na sigaw nito habang kinakaladkad si Kierra palabas ng malaking bahay. Pagkatapos ay walang pasabi niyang binitiwan ang dalaga dahilan para matumba ito. Mabuti na lang at mabilis na naitukod ni Kierra ang kanyang dalawang palad kaya hindi tuluyang napangudngod ang magandang mukha nito sa semento. She look so helpless, wala siyang magawa kundi tanggapin na lang ang pagmamaltratong ginagawa sa kanya ng asawa ng kanyang ama. Kaya ganon na lang ang bilin ng kanyang ina na kahit anong mangyari ay huwag itong lalapit sa kanyang ama. Puno ng luha ang kanyang magandang mukha dahil sa walang tigil na pagtangis, sobra ang nararamdaman niyang pagkahabag sa sarili. Sa isip ni Sierra ay kung hindi lamang para sa kanyang ina ay hindi siya magpapakababa ng ganito! Lumaki siyang walang ama sa kanyang tabi, bagamat kilala niya ito ngunit hindi naman siya kinilalang anak. Isa lamang siyang kahihiyan para rito, kaya mas pinili na lamang nilang mag ina na manahimik. Tanging ang nanay na lamang niya ang nag iisang taong nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya. Kaya gagawin niya ang kahit na ano, madugtungan lamang ang buhay ng kanyang ina! "Tay! Ni minsan hindi po ako humingi sa inyo ng kahit ano! Ngayon lang po! Tulungan nyo ni nanay!" Pagmamakaawa pa rin ni Sierra, halos gumapang na ito palapit sa paanan ng ama. Wala siyang ibang malalapitan kundi ang ama lamang niya! Dahil ito lang ang may kakayahan. Tuluyan na niyang tinanggal ang natitira pa niyang pride sa sarili at lumuhod sa paanan ng kanyang ama habang patuloy pa rin sa pag agos ang kanyang luha. Hindi na lamang niya binigyan ng pansin ang nanggagalaiting mukha ng kanyang madrasta na nakatingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito, kulang na lang ay maging taong lobo ito at lapain siya ng buhay. Bakas ang galit at matinding pagkapoot nito, sa hindi malamang dahilan ni Kierra. Samantalang sila nga ang iniwan ng kanyang ama at mas pinili sila! "Parang awa nyo na po! Babayaran ko po kayo! Gumaling lang po si nanay! Tay…" "Kierra, tama na-" "Oh my god! What is this?" Hindi na natapos pa ang sasabihin ng kanyang ama ng biglang sumulpot ang kapatid ni Kierra sa ama na si Celine. "What the hell is your bastard daughter doing here daddy!" Maarteng tanong ulit nito na tiningnan pa si kierra na animoy isang nakakadiring bagay. "She, asking money to your daddy ihja!" Gigil na sabat ni Salve. "What? Oh my god! Ang kapal din naman ng mukha mo noh! Wag mong sabihin na bibigyan nyo ng pera ang babaing yan daddy! Samantalang kahapon hindi nyo ako binigyan ng pambili ko ng bag dahil ayaw kong pakasalan ang matandang hukluban na yun!" Pagmamaktol na sabi nito, ngunit bigla ring natigilan ng biglang may pumasok sa isip ng babae. "Wait! You need money right?" Nakangising tanong nito kay Kierra, ngunit hindi nalamang sumagot ang dalaga at inayos nalang ang sarili at unti unting tumayo. Dama niya na wala naman siyang mapapala sa kanyang ama. "We give you money!" Pagkuway ay sabi ni Celine, na ikinagulat ng lahat. "Celine!" Pasigaw na saway ni Salve na nanlalaki pa ang matang tumingin sa anak. Hindi naman makapaniwalang napatingin si Kierra sa kapatid, waring inaarok kung gaano katotoo ang sinasabi nito. But knowing her sister, never itong nagkaroon ng simpatiya sa kanya, dahil magkapareho lang sila ng ugali ng kanyang ina! "T-talaga?" Nagdududa man si Kierra ay pilit pa rin siyang umasa. "Yeah! Magkano ba ang kailangan mo?" Nakangiting tugon nito, ngunit mababakas ang pagkukunwari sa mukha niya. "Five hundred thousand!" Sagot ni keirra, kahit sa isip niya ay baka niloloko lamang siya ng kanyang kapatid ay pilit pa rin siyang umaasa na sana ay hindi lang siya pinapaasa nito "Okay then! You will get your money, after you marry Damien Harrison, on my behalf!" Nakangising sabi ni Celine. Hindi makapaniwalang napatingin si Kierra sa kapatid! Kilala niya ang lalaking tinutukoy nito! Si Damien Harrison! Isa siya sa pinakamayamang businessman sa buong mundo! Ngunit sa kabila ng pagiging kilalang businessman nito ay wala pang nakakakita sa kanyang tunay na mukha because he is always wearing mask at nakasakay sa electronic wheelchair nito. Maging ang edad ng lalaki ay wala ring nakakaalam dahil pati ang boses niya ay ginamitan nito ng voice changer device. Kaya kumalat ang balita na isa itong matanda na may pangit na mukha. Marami ang nagtataka kung bakit hindi niya magawang maipakita sa mga tao ang tunay nitong itsura. Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Salve na nagpabalik ng kanyang diwa. Ngising aso ito habang pumapalakpak pa ang mga kamay. "Your really smart baby!" Masayang baling nito sa anak. "Celine is right Raphael! Isa pa, si Kierra naman ang unang anak mo sa malanding babaeng yun! Kaya dapat lang na siya ang ipakasal mo sa matandang Damien na yan!" Sang ayon ni Salve. "Don't let that man ruin the life of your Celine! Raphael! Let kierra marry that man!" Patuloy na kumbinsi nito sa ama ni kierra. Bakas ang pagkalito sa mukha ni Raphael habang nagpalipat lipat ang tingin sa dalawang anak na babae. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kierra bago humarap sa kanyang ama. "Hindi nyo na po kailangang pumili tay! Pumapayag na ako! Pumapayag na akong pakasalan si Damien Harrison!" Nangangamba man sa magiging buhay niya sa piling ni Damien ay wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang unahin ang kaligtasan ng kanyang ina. "That's great! I will call Mr. Harrison now to finally settled the wedding!" Masayang sabi ni Salve habang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. "Yes! Finally! I'm free!" Masaya ring saad ni Celine habang hawak pa kunwari ang dibdib nito. Pagkuway ay walang pasabi siyang tinalikuran. Ni hindi man lang nito nagawang magpaalam o magpasalamat sa kapatid. Ganon din ang ginawa ng kanyang ama, wala itong imik na naglakad papasok sa loob ng bahay. Naiwan namang hindi makapaniwala si kierra. Sa isang iglap ay bigla na lang siyang ikakasal sa lalaking hindi niya mahal! Ni wala siyang idea sa itsura o ugali nito! Nanghihina man ang tuhod ay pinilit niyang maglakad palapit sa malaking gate. Ngunit bago pa man siya makalabas ay narinig niya ang pagtawag ng kanyang ama. "Kierra!" Agad na napalingon si kierra sa kanyang ama na ngayon ay kasalukuyang naglalakad palapit sa kanya. Hindi pa katandaan ang ama ng dalaga, dahil nasa mid fifties lang ang edad ng ama ni Kierra. Makikita pa rin ang pagiging maalaga nito sa katawan, dahil bakas pa rin sa mukha nito ang taglay na karisma at gandang lalaki. "Take this, maybe sapat na muna yang paunang pambayad para ituloy nila ang operasyon sa nanay mo! Then you will get the full p*****t after the wedding." Walang emosyon na sabi ni Raphael habang inaabot ang checke. Nabuhayan si kierra sa narinig, atleast ngayon ay sigurado siyang mabubuhay ang kanyang ina! "Salamat tay!" Naluluhang sabi ni kierra habang kinukuha ang kapirasong papel na inaabot ng kanyang ama. "Just make sure na tutupad ka sa napag usapan kierra! Or else, alam mo ang kayang gawin ni Salve!" Seryosong sabi nito. "Opo-" hindi na nito pinatapos pang magsalita si kierra at agad na siyang tinalikuran ng kanyang ama. Naiwan namang nakatulala si Kierra, nakakapang lambot na sarili pa niyang ama ang naglagay sa kanya sa isang mahirap na sitwasyon! Siguro ay ito na talaga ang kapalaran niya, simula pagkabata ay sanay na siyang maghirap at magsikap upang mabuhay. Mahirap lang ang kanyang ina kaya hindi ito ang pinakasalan ng kanyang ama, kahit alam nito na ipinagbubuntis na siya noon ng kanyang ina. Wala itong nakuha na kahit anong suporta sa kanyang ama hanggang sa lumaki ito. Dahil para sa kanila ay isa lang silang dungis sa magandang pangalan ng mga Collin. Ngayon, ay kinilala nga niya itong anak ngunit dahil lang sa isang kasunduan. At upang ipangbayad sa malaking pagkakautang nila kay Damien Harrison.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I have 8 mates

read
338.3K
bc

Dominating the Dominatrix

read
47.4K
bc

Love Beyond Numbers

read
3.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
427.5K
bc

My Legendary Alpha Mate

read
86.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
497.5K
bc

The Clawless Luna Wants Rejection

read
1.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook