Bata pa lang si Katrina ay mulat na siya sa kahirapan. Lumaki siya sa probinsya kung saan pag aani ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao. Ngunit nang mamatay ang lolo niya dahil sa kidney failure ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Naghangad siya na mabago ang takbo buhay niya at ng pamilya niya. Sawa na siya maging mahirap at makuntento na lang kung anong meron sila. Katulad ng laging pangaral sa kanila ng kanyang yumaong lolo. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa lolo niya na namatay ito dahil sa kakapusan nila sa pera. Kaya pikit mata siyang sumama sa isang estranghera. Ang babaing nangako sa kanya ng kaginhawahan at tutulungan siyang makapangibang bansa. Ngunit ang lahat ng pangarap niya ay naglaho at unti unting gumuho. Dahil ang magandang buhay na akala niyang nag aantay sa kanya ay isa pa lang impyerno! May magandang buhay pa kayang nakalaan para sa isang parausang bulaklak na katulad ni Katrina? Hanggang kailan siya magiging matatag at makikipaglaban sa hamon ng buhay?
Tara na at samahan natin sa Katrina na lumaban? Umiyak?
Ngumiti at umasa?
Mabigo at masaktan?
Ngunit nanatili pa ring nakatayo!
Babagsak ngunit hindi susuko!
Kung isa ka ring tulad ni Katrina suportahan nyo po ang storya niya!