Chapter 1: Pagsuko - 3rd Pov
Naging sunod sunod ang pagtungga ni Cristely sa alak na nakahelera sa kanyang harapan. Pagkadating niya sa bar ay tatlong baso agad ng matapang na alak ang kanyang inorder. Gusto niyang magpakalasing ngayong gabi! She want feel wasted!
Because all her life, lagi na lang niyang ginagawa kung ano ang tama!
Ang makakabuti sa karamihan!
She always need to look perfect and be a good example to everyone!
Kahit labag na sa kagustuhan niya kahit hindi na siya masaya, she still need to pretend that she's perfectly happy!
Damn it! Sigaw ng isip niya.
She's f*****g tired na dayain pa ang sarili niya! Ngayong gabi ay palalayain niya ang kanyang sarili! From forty years living like hell!
Kahit ngayong gabi lang! Gusto niyang makalimot! Gusto niyang burahin pansamantala ang masalimuot niyang buhay!
Marahas niyang pinunasan ang kanyang pisngi ng may isang patak na luha nanaman ang naligaw sa kanyang mga mata. She doesn't want to cry anymore! Sawa na siyang umiyak! Sawa na siyang pagsisihan ang pagiging mahina niya! Kung sana ay naging matigas lang siya noon at ipinaglaban ang kalayaan niya, siguro ay hindi ganito kalungkot ang kanyang buhay! Napatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin na katapat lamang niya. Sino ba ang mag aakala na forty years old na siya. Well, swerte niya dahil isa siya sa biniyayaan ng baby face na mukha! Ni kahit sa katawan ay walang pinagbago! Syempre dahil hindi pa naman niya naranasan ang magkaroon ng anak! Bagay na matagal na niyang inaasam!
Sa twenty years na pagsasama nila ni Lucas ay hindi sila biniyayaan ng anak.
Nakakapagtaka ba? Well para kay Cristely ay hindi. Paano ba siya mabubuntis kung hindi naman siya sinisipingan ng kanyang asawa! Mapait siyang napangiti habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin! Mabibilang lang sa kamay niya na sumiping ito sa kanya. Mas gusto pa nitong matulog sa kanyang opisina kesa ang makatabi siya sa kama!
Ganon ba siya kapangit sa paningin nito? May hinanakit na tanong niya sa isip.
Isa yun sa nagpababa ng tingin niya sa sarili, dahil sa pangbabalewala ng kanyang asawa sa kanya. She tried everything to make herself stand out but he still cold like ice at the North Pole!
Nang tuluyang maubos ang alak sa kanyang harapan ay isang bote na ang inorder nito!
Grrr… talagang ayaw niyang mabitin ngayong gabi! Bahala na kung anong mangyayari sa kanya kinabukasan! Basta magpapakasaya muna siya ngayong gabi! sa isip nito.
Ilang tungga pa ng alak ay naramdaman na niya ang pang iinit ng kanyang buong katawan. Unti unti na rin nagugustuhan ng kanyang pandinig ang maharot na tugtugin na umuugong sa buong paligid. Na kanina lang ay naiirita siyang pakinggan but she have no choice dahil ginusto niyang pumunta sa ganitong lugar. Ito ang unang beses ni Cristely na pumunta Isang disco club. Noong una ay nag alinlangan pa siya dahil sa mga eksenang bumubgad sa kanya. Ngunit sa huli ay mas pinili na rin niyang magenjoy nalang. Ito Naman talaga Ang balak Niya una palang ang magkaroon ng kakaibang karanasan!
Hindi niya namamalayan na napapagalaw na rin ang kanyang ulo at sumasabay ang kanyang katawan sa bawat pag bit ng nakakaindak na musika.
Hindi pa siya nakatiis at naisipan pa niyang pumunta sa dance floor at nagsimulang sumabay sa mga nagsasayaw doon. Ang sarap ng pakiramdam ni Cristely!
Ngayon ay damang dama niya ang kanyang kalayaan! Na hindi na niya kailangang intindihin ang iniisip ng ibang tao!
Maya maya lang ay pinag uumpukan na siya ng mga kalalakihan. Lahat ay nakatingin sa kanya na puno ng paghanga. Bagay na hindi niya naranasan sa kanyang asawa! Mas lalo pa siyang ginanahan sa paggiling na ikinatuwa pa lalo ng mga lalaking nakapaikot sa kanya!
Ngunit laking gulat niya nang maramdaman ang pagkabig ng kung sino sa kanyang katawan. Dahil sa kabiglaan ay napasubsob siya sa malapad na dibdib nito. Matangkad ang lalaki, dahil sa taas niya na 5'5 ay hanggang balikat lang siya nito. But she was stiff nang maamoy ang pamilyar na pabango ng pangahas na lalaki. The scent that make her crazy everyday sa kanyang trabaho! Simula ng dumating ito sa ospital bilang kanyang intern doctor ay araw araw nitong binabaliw ang kanyang sistema!
Yes she's a doctor and has been working in BMC for 15 years!
Well, kaya naman niyang magpatayo ng sarili niyang ospital. But she doesn't want to! Malaki ang naging parte ng BMC sa puso niya dahil dito siya nagsimula. Naging malapit na kaibigan din niya ang may ari nito na si Doctor Sebastian Bolivar kaya hindi madaling iwan ang lugar kung saan marami siyang nabuong alaala.
"This woman is mine! So back off!" Malakas na sabi nito na ikinabigla ni Cristely!
Makaangkin wagas! Sigaw ng isip niya.
Grrr… that guy is really rude! Kaya araw araw na lang ay sumasakit ang ulo niya sa tuwing dumidikit sa kanya.
Hayagan ang pagpapakita nito ng pagkagusto kay Cristely sakabila ng alam nitong may asawang tao na ang doktora.
And foregodsake! His just 22 years old! Kahit sa panaginip ay hindi niya pinangarap na maging cougar!
Aware naman si Cristely na naglalaro lang ang lalaki! Kaya ginagawa niya ang lahat maiwasan lang ito! Naiinis siya dahil sa dami ng mga batang doktor sa BMC siya pa ang napili nitong paglaruan! Walang galang sa matanda! Hays!
Marami na siyang dinadalang problema at nadadagdagan pa ng isang kuneho! Sa isip ni Cristely.
"What the hell are you doing here doc? I didn't know na nagpupunta rin pala sa ganitong lugar ang mga kagaya mong sobrang seryoso sa buhay?" Bulong nito na lalong nagpainit sa kanyang pakiramdam.
Tinangka nitong itulak ang lalaki upang makalayo dito. Ngunit sa haba at lakas ng braso nito na nakapulupot sa kanyang bewang ay walang naging silbi ang pagtulak niya dito.
"Let me go, Albano!" Mariing sabi ni Cristely. Ngunit parang wala itong narinig mas kinabig pa siya palapit sa katawan nito.
"Just stay still Ely!" Bulong ulit nito sa kanyang tenga na ikinalaki ng mata ni Cristely dahil sa pangalang itinawag sa kanya ng lalaki. Tanging daddy lang niya ang tumatawag sa kanya ng ganoon at wala ng iba! Nagsimula itong marahang gumalaw na hindi rin maiwasang sumunod ng dalaga sa bawat paggiya nito sa katawan niya na para ba silang nagsasayaw sa isang malamyong tugtugin.
Crazy! Dahil rock ang tugtog pero para silang may sariling musika na naririnig dahil sa klase ng sayaw nila.
"You look so damn hot Ely! That I can't get my eyes off you! And I'm so jealous watching you from afar while dancing with those idiots!" Bulong ulit nito.
"Stop it Albano! Let me go! Or gusto mong bumagsak and you can't get your diploma!" Pananakot ni Cristely. Ngunit parang wala pa rin itong takot na hindi pa rin siya pinakawalan nito.
"Oh, come on Ely! I know you won't do that!"pang aasar pa rin nito. Mariin nalamang na napapikit ang babae habang pigil ang hininga dahil sa emosyon na pinipigilan niya.
"Try me Albano!" Pang hahamon niya dito na bahagya pa itong tiningala para ipakita sa lalaki na seryoso siya sa sinasabi. Na mariin ding sinalubong ng lalaki. At ang sumunod na ginawa nito ang hindi niya napaghandaan. Walang pasabing bumaba ang labi ng lalaki at walang paalam na inangkin ang kanyang labi. Puno ng pananabik ang bawat hagod ng labi nito. Ayaw mang aminin ni Cristely but she starting to like it! This is her first time na makaramdam ng ganito. Dahil sa tuwing hahalikan siya ng kanyang asawa noon ay dama niya na napipilitan lamang ito. Walang emosyon at pananabik siyang nararamdaman para bang isa lang itong obligasyon sa kanya na kailangan niyang gampanan. Ngayon niya naiisip kung paano niya nataggalan ng 20 years ang ganoong pagsasama. Kaya tama lang din siguro ang desisyon ni Lucas na makipag divorce sa kanya! Wala na rin namang dahilan para ipagpatuloy pa nila ang relasyon na wala naman talagang patutunguhan.
Ramdam ni Cristely ang kakapusan ng hininga kaya napakapit na lamang siya sa batok ng lalaki upang kumuha ng dagdag na lakas.
"Uhmmm…" hindi mapigilang ungol ni Cristely ang bahagyang sipsipin ng binata ang kanyang dila na naghatid sa kanya ng nakakabaliw na pakiramdam.
Ahhh!
Ang lakas makawindang ng utak! Samantalang halik pa lang ang pinalalasap nito sa kanya!
"Let's go somewhere else,honey!" Paanas na bulong nito sa kanyang punong tenga niya nang binitawan nito ang kanyang labi. Naguguluhan siyang tumingin sa mukha nito. Bigla ay parang ice cream na natunaw ang matigas na pader na inihaharang niya sa pagitan nila ng lalaki. Namumungay ang mga mata nito at bakas ang matinding pagnanasa.
Nagtatalo man ang isip ay wala na ring nagawa pa si Cristely ng hawakan ng binata ang kanyang kamay at marahang hilahin palabas ng bar. Sa loob ng sasakyan ng binata ay tsaka lang naramdaman ni Cristely ang epekto ng alak na ininom niya. Isinandal na lamang niya ang kanyang ulo sa headboard ng sasakyan at mariing ipinikit ang mga mata upang mabawasan ang pagkahilo. Ngunit hindi akalain ni Cristely na tuluyan siyang makakatulog. Nagulat na lamang ito ng maramdaman ang pag angat niya sa hangin. Nang pangkuin siya ng binata na parang bagong kasal. Madilim ang palibot at tanging mga mapanglaw na ilaw lang ang nakikita niya sa paligid. Dahil bahagya pa rin siyang nahihilo ay hindi na rin siya tumutol pa. Ngunit nang maramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama ay bigla siyang naalerto. Akma na sanang babangon ang babae ngunit maagap itong pinigilan ng binata at agad dinaganan.
"Don't fight it anymore Ely! I know you like this too! I promise you will never forget this night…" anas nito sa tenga ni Cristely na naghatid ng libo libong di maipaliwanag na sensasyon sa kanyang katawan.
"G-Garrett…" sambit na lamang nito sa pangalan ng lalaking kaniig habang tuluyan na niyang isinuko ang lahat ng pag aalinlangan sa kanyang isip!
For once ay ang sariling kagustuhan naman niya ang gagawin niya! Nang tuluyan ng maalis ng binata ang kahuli hulihang saplot nila sa katawan ay alam na ni Cristely, what will happen next…