Babangon Ako [R18]Updated at Oct 21, 2024, 23:26
BLURB
Sa gitna ng kaliwa’t kanang putukan ng baril sa pista ng Buhay na Bato, naglipana ang mga bala sa kalagitnaan ng gabing dapat sana’y masaya lang at tahimik.
“Ah damn it!” anas ko sa aking isip nang mapagtantong papalpak ang misyon namin. Paniguradong may traydor sa grupo.
Hawak ko ang duguan kong tagiliran at pilit na inilalaban ang aking buhay. Napuruhan ng saksak ang tagiliran ko. Mabuti at matagumpay kong naprotektahan ang mag-inang De Rama- isa ito sa misyon ko. Pagkatapos makahingi ng backup, nawalan ako ng malay habang dinadala sa ospital. Epekto ng pampatulog na tinarak sa akin na spear knife. Marami na ring dugo ang nawala sa akin.
"Kapit lang, Nette, malapit na tayo sa ospital," narinig kong sabi ni Ken habang ako'y nagdedeliryo.
Hindi ko na yata kaya, malapit na akong bumigay. Paano ba ako kakapit? Nadarama ko na ang katapusan ko. Para na akong sinusundo ng liwanag. Nag-flashback ang mga alaala ko sa aking isipan—ang mukha ng aking mga magulang, ang pagkamatay ni Verena, ang mga araw ng pagsasanay at mga misyon namin ni Ken, at ang... magaganda't malalim na mga mata ni Doc Enzo. Bakit? Bakit pati ang tinig niya ay naririnig ko? Nananaginip ba ako?
"Bumangon ka, Marianette. Bangon na. Hindi mo pa nakakamit ang hustisya."
Oo, babangon na ako, at dudurugin ko sila!
Author note:
Hi Wettys & Talabibis! Dark romance po ito, so expect a lot of SPGs (bed scenes, violence, foul words, etc) This is our bromate collab ni Maginoong Manunulat. Ang title po ng kanya ay “Dudurugin Kita”.