PROLOGUE pt.1
BLURB
Sa gitna ng kaliwa’t kanang putukan ng baril sa pista ng Buhay na Bato, naglipana ang mga bala sa kalagitnaan ng gabing dapat sana’y masaya lang at tahimik.
“Ah damn it!” anas ko sa aking isip nang mapagtantong papalpak ang misyon namin. Paniguradong may traydor sa grupo.
Hawak ko ang duguan kong tagiliran at pilit na inilalaban ang aking buhay. Napuruhan ng saksak ang tagiliran ko. Mabuti at matagumpay kong naprotektahan ang mag-inang De Rama- isa ito sa misyon ko. Pagkatapos makahingi ng backup, nawalan ako ng malay habang dinadala sa ospital. Epekto ng pampatulog na tinarak sa akin na spear knife. Marami na ring dugo ang nawala sa akin.
"Kapit lang, Nette, malapit na tayo sa ospital," narinig kong sabi ni Ken habang ako'y nagdedeliryo.
Hindi ko na yata kaya, malapit na akong bumigay. Paano ba ako kakapit? Nadarama ko na ang katapusan ko. Para na akong sinusundo ng liwanag. Nag-flashback ang mga alaala ko sa aking isipan—ang mukha ng aking mga magulang, ang pagkamatay ni Verena, ang mga araw ng pagsasanay at mga misyon namin ni Ken, at ang... magaganda't malalim na mga mata ni Doc Enzo. Bakit? Bakit pati ang tinig niya ay naririnig ko? Nananaginip ba ako?
"Bumangon ka, Marianette. Bangon na. Hindi mo pa nakakamit ang hustisya."
Oo, babangon na ako, at dudurugin ko sila!
Author's note:
Hi Wettys & Talabibis! Dark romance po ito, so expect a lot of SPGs (bed scenes, violence, foul words, etc) This is our bromate collab ni Maginoong Manunulat. Ang title po ng kanya ay “Dudurugin Kita”. More on PoV po iyon ng male lead namin. Ang akin ay kay Marianette na female lead. Please expect loopholes, discrepancies, inconsistencies sa timelines, names, at events, at kung ano ano pang flaws. Mahirap po ang coordination namin, hindi magkatugma ang aming time.
PROLOGUE
Marianette’s PoV
[Verena! Verena!]
Napahawak ako ng mahigpit sa valve ng shower, pinihit ito para patigilin ang daloy ng tubig mula sa shower head. Napayuko ako at hingal na hingal. Pilit na hinahabol ang hininga na tila nagising ako sa masamang panaginip.
Napasandal na lang ako sa malamig na tiles. Pinikit ang mga mata. Hindi alintana kung malamigan man ang aking likod. Isa na namang bangungot. Bangungot na ayaw akong tantanan kahit pa sa katirikan ng araw.
“Anyare?”
Napamulat ako nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang malaking bulto ni Ken, ang kababata ko at isa ring assassin na gaya ko. Humugot na lang ako ng malalim na paghinga at kinuha ang towel sa sabitan.
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Ken. Alam naman niyang sinusumpong na naman ako ng panic attack. Akala ko ay limot ko na. Bagkus ay napapadalas pa yata ang pagsumpong. Alam ni Ken ang lahat ng tungkol sa akin. Simula ulo hanggang paa, kilalang-kilala niya ako. Alam niya ang nakaraan ko, ang lahat ng pinagdaanan ko.
“Taena naman, Nette. Magsara ka nga ng pinto ‘pag naliligo,” pagalit ni Ken sa akin.
Ngumisi na lang ako at nagpunas ng basa kong katawan. “Bakit? Tinitigasan ka ba?”
Hinagis niya sa mukha ko ang bathrobe. ‘Tss. ‘Kala mo talaga may alam sa tt. Bilisan mo na, kaya ka binabangungot, kung ano ano iniisip mo.”
Pinagalitan na naman ako. Alam kong nag-aalala siya sa akin, hindi lang niya tuwirang masabi. He is always this overprotective na kuya sa akin. “Try mo kayang kumatok muna. Alam mo na ngang may naliligo eh.”
Hindi na siya nag-rebut pa. Hindi niya sasayangin ang laway niya sa pakikipagtalo sa akin. Nakita ko na lang siyang naka-upo sa kama ko. Naghihintay sa paglabas ko ng banyo. Naka suot siya ng puting long sleeves na nakalabas ang laylayan at gusot gusot na. Mukhang kakagaling niya lang sa isang pormal na event.
May sobreng nakalagay sa kama doon sa kanyang tabi. Ooh makapal. Paniguradong pera ang laman. Baka big time ang susunod naming client o sadyang challenging ang ipapagawang misyon sa akin. Kukunin ko na sana ang sobre sa tabi ni Ken nang hinawakan niya ang kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.
“B-bakit?” nauutal kong tanong.
“Huwag mong tanggapin ‘yung misyon.”
“B-bakit?”
‘Bakit’ lang ang kaya kong itanong. Bakit ang higpit ng kapit niya sa kamay ko? Iyon sana ang tanong ko. Nadagdagan tuloy ng bakit ang katanungan ko.
“Magbihis ka nga muna. Bold star ka ba?” naiirita niyang utos sa akin.
“P*rn kasi ’yon. Panahon pa ng lola mo ‘yang bold. Palibhasa matanda ka na talaga,” sabi ko kay Ken na may kasamang irap. Kanina pa niya ako inaasar. Papatalo ba ‘ko? Hindi naman nagkakalayo ang edad namin pero sobrang matured niya na at seryoso sa buhay. Bihira ngumiti, hindi nakikipag biruan, at strikto. Ako lang ang may kakayahan at lakas ng loob na asarin siya.
Pero kapag nagsalubong na ang mga kilay niya, oras na rin para mag seryoso. Kaya agad kong binuksan ang cabinet ko at nag hanap ng damit. Napa-hinto ako nang ma-realize na wala nga pala akong suot na panty. Bakit bigla akong na-ilang sa kumag na ‘to. Nakita niya na ako kaninang walang saplot. Siya ang unang lalaking nakakita ng hubad kong katawan. Hindi naman niya sinasadya pero ngayon... Mag bibihis ba ako habang naka-tingin si Ken? O sipain ko palabas?
Humarap ako sa kanya at nag kibit-balikat. “Can you please, give me some privacy? Magbibihis kasi ako eh.”
“Exactly,” sabi niya.
Ang layo naman yata ng sagot niya. Napa ’huh’ na lang ako as if asking him ‘what the heck?’.
“Kung hindi mo kayang mag bihis sa harap ko, a hundred percent, you will fail your mission."
Napatigagal ako sa sinabi niya. Mukhang may hint na ako kung ano ang magiging misyon ko. Siguro gagawin akong pain para maka-penetrate sa isang notorious na sx trafficking o prostitution syndicate. O pwede rin na may ipapatumba sa’king politikong manyak. Kahit ano pa do’n, handa na akong tumanggap ng gano’ng misyon.
Matagal na akong pinipigilan ni Ken sa mga ganitong misyon. But I am already 24 years old. Hindi na ako gano’n ka-inosente. Kahit isa akong birhen, marami na akong napanood sa p*rn sites, may live pa nga. Kaya ko na siguro sumabak sa mga ganitong uri ng misyon. Isa akong hired assassin, binabayaran para kumitil. As long as nagawa kong patumbahin ang target ko, ‘yun ang mahalaga. Kaya kong gawin ‘yon without sacrificing my virginity. Bakit hindi ko subukan?
Kaya isinara ko ang cabinet matapos kumuha ng damit na susuotin ko. BIglang tumahimik ang paligid. Nakaka-kaba pala, lalo na at si Ken ang pagpa-praktisan ko. Nanginginig ang mga daliri ko habang dahan-dahang tinatanggal ang pagkaka-suksok ng towel sa aking dibdib at matiim siyang nakatitig sa akin. Natanggal ko na rin at handa nang maladlad ang hubad kong katawan nang maagap na tumayo si Ken at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nasa aking dibdib na nakakapit sa towel. He leaned toward me.
“No. Hindi ako papayag. Turn down the offer,” seryosong sabi ni Ken sa akin.
“B-bakit? Bakit ka ba nangingialam? Stop bossing me around, Ken. Hindi ikaw ang Boss ko. Hindi ikaw ang nagpapasahod sa’kin–”
“Magkano ba? Magkano ang gusto mo? Tatapatan ko ang offer sa’yo. Doble? Triple?”
Napa-ngisi na lang ako at napa-irap. Sinubukan ko ring itulak siya palayo dahil nate-tense talaga ako sa sobrang lapit niya sa akin.
“Bakit ba?” tanong ko ulit.
Hindi ko alam kung bakit siya ganito sa akin nitong mga nakaraang araw. Masyado na siyang protective kulang na lang maging controlling at aggressive.
“It’s too dangerous–”
“Ah ayon... wala ka talagang tiwala sa akin? Tingin mo pa rin sa akin mahina?”
Isinandal niya ako at piniid ang kamay ko sa cabinet para hindi ako makawala.
“Hindi. Hindi gano’n–”
Ang kilay ko naman ang nagsalubong at tinulak siya ng malakas para makawala sa kanyang bisig. Naiinis ako. Ayoko nang makipag-talo. Hindi ko na gusto kung ano man ang susunod niyang sasabihin. Hinablot niya ang pulsuhan ko pero nanatili akong nakatinding sa kinakatayuan ko.
“I’m warning you, Nette... Turn down the offer... Please.”
Haharapin ko sana siya pero natiglian ako. Masyado siyang dominante at ma-pride kahit kailan hindi ko pa siya narinig na naki-usap. ‘Please’ was never in his vocabulary. Ano ba talagang meron sa susunod kong misyon at ganyan siya umakto ngayon?
Naninibago talaga ako. Binawi ko ang pulsuhan ko mula sa kanyang pagka kahawak.
“Ken, buo na ang loob ko. No one can stop me.”
Tahimik lang siyang tao, kalmado, at antipatiko but I can see the frustration in his eyes. Umupo ako sa harap ng aking vanity table para sa daily routine ng aking disguise. Naglalagay ako ng maliliit na kunwaring pimples sa aking mukha at nagsusuot ako ng malaking salamin para maitago ang tunay kong itsura. Pagkatapos kong ayusin ang pangkaraniwan kong pag-disguise, tuluyan ko na siyang iniwan sa kwarto ko. Tanging buntong-hininga na lang ang narinig ko mula sa kanya.
- - -
Agad akong nagpunta sa office ni Mr. Bantug, ang Boss ng aming grupo na kung tawagin ay Rabidkill. Sa kanya muna dumadaan ang lahat ng clients kung approve ba ang misyon o tatanggihan. Madalas si Boss ang nagdi-distribute ng misyon kung kanino babagay at magliligpit ng malinis. At kung inaprubahan ni Boss ang misyon ko, ibig sabihin ay tiwala siya sa akin.
Pinihit ko basta basta ang seradura ng pinto ng office ni Boss. Hindi na ako nag abala na kumatok pa. Masyadong mataas ang emosyon ko ngayon. Maski man ako ay nagugulat dahil pabigla-bigla ang desisyon ko. Kasalanan ‘to ni Ken.
“Boss!” hiyaw ko nang buksan ang pinto.
Napahinto ako nang makita ang dalawang pares ng mga mata na nakatingin sa akin. Dalawang ginoo ang naka-upo sa sofa. Nag-uusap sina Mr. Bantug at ang isang lalaking kasing edad niya at natigilan din sila sa pag uusap nang bigla na lang akong pumasok ng office nang wala man lang paalam, ni kumatok man lang. Tatadtarin ko sana si Boss Bantug ng katanungan at reklamo.
“Foxy, may problema ba?” kalmadong tanong ni Boss. Foxy ang codename ko kaya iyon ang madalas na tawag niya sa akin.
Napatingin ako sa lalaking kausap niya. Namumukhaan ko siya. Naaalala ko na kung sino siya. Si Retired General Magtibay, ang secretary ng National Defense. Napatuwid ako ng tayo, may importanteng bisita pala si Boss. Siya kaya ang nag hire sa akin? May national threat ba? Ganito ba kalala ang problema ng bansa? Kaya gano’n na lang ako pigilan ni Ken? Kaya pala ang kapal ng sobre. Ugh, ang dami ko nang katanungan, dumagdag pa si Retired General Magtibay.
Wala akong pakialam kung Secretary of Defense siya o kahit presidente pa. Isa akong propesyonal—isang hired killer, spy, at secret agent. Propesyonal ang bawat transaksyon ng grupo namin. We act with professionalism.
Kaya bahagya akong yumukod upang batiin siya. Muli kong binaling ang atensyon kay Mister Bantug. "Boss, we have to talk," sabi ko.
"Umupo ka muna," sagot naman ni Boss, kalmado pa rin. Itinuro ng mga mata niya ang bakanteng sofa sa tapat ni General Magtibay.
Ayoko sana, pero marami akong gustong itanong at mukhang tungkol din naman sa misyon ko ang pinag-uusapan nila, kaya sumunod na lang ako.
“Siya nga pala, Foxy, ipinakikilala ko ang kagalang-galang nating kliyente, si Retired General Raffy Matibay, ang Secretary ng National Defense.”
Nilahad ni Retired General ang kanyang palad upang makipagkamay sa akin. Magiliw ko naman siyang kinamayan bago ako umupo.
"Secretary Matibay, allow me to introduce Foxy, one of the most skilled members of our team," ani Boss.
Nahiya naman ako sa papuri ni Boss. He seldom compliments anyone; si Ken lang ang hayagan niyang pinupuri kaya marami ang lihim na naiinggit kay Ken.
"It's my pleasure to meet you, Foxy. I've heard things about your combat proficiency," sabi ni Secretary Magtibay.
Masyado namang pormal ang mga kaharap ko ngayon. Hindi ako sanay.
"The pleasure is mine, Secretary Magtibay."
"Foxy has demonstrated exceptional skills in operations. I commend her strategic thinking and execution. Isa siyang human killing machine," dagdag pa ni Mr. Bantug.
Dahil hindi ako sanay sa mga ganitong usapan, diretsahan ko nang sinabi kung ano ang sadya ko kaya pinutol ko na ang sasabihin pa ni Boss. Namumula na ang mukha ko sa mga papuri niya. Hindi naman ako ganito dati. The hell I care about recognitions.
“Boss, tanggihan ko raw ang susunod kong misyon. Bakit? Bakit ayaw ni Wolf na tanggapin ko ang next mission ko?” Wolf ang code name ni Ken. Para kasi siyang werewolf, lalo na sa mga close-range at hand-to-hand combat na kanyang expertise.
Napangisi na lang si boss at bahagyang humalakhak nang biglang hindi niya sineryoso ang sinabi ko.
"It wasn’t the first time, baby. Ilang offer na rin sa’yo na hinarang ni Wolf," sabi niya, walang bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha.
Nanlaki ang mga mata ko. Naintindihan na ni boss kung bakit tila gulat na gulat ako sa aking narinig.
"Ohhh, hindi yata pinapaalam ni Wolf ang mga hinarang niyang projects mo," sagot niya. "Mukhang ayaw ka niyang ma-involve sa mga partikular na misyon."
"Gaya ng ano, Mr. Bantug?" tanong ko, sabik malaman ang buong katotohanan.
“Ahm...” Napa kibit-balikat si Boss, inaalala kung ano ano ang mga misyon na ‘yon. “Ahmm… marami-rami na rin. Hindi ko na nga maalala ang iba. Unang-una na yung cyber s*x campaign.”
Cyber s*x campaign? Si Mia ang nag-execute ng operasyon na ‘yon. Nakipag-ugnayan ang FBI sa NBI dahil sa lumalaganap na cyber s*x crime sa bansa. Isang malaking organisasyon ng mga foreigner ang nasa likod nito, sumisilat ng mga menor de edad at mga mahihirap na kapit sa patalim. Nasa national news pa iyon dati. Alright, mapapalampas ko ang pagharang ni Ken dahil menor de edad pa ako ng mga panahong iyon, maybe I was 16.
"Ano pa, boss? Gusto kong malaman kung ano pa ang mga hinarang ni Wolf at kung bakit siya patuloy na nakikialam sa mga proyekto ko," tanong ko, may halong inis sa aking boses.
Ang mga bagay na ito ay dapat naming pribado na pinag-uusapan ni Mr. Bantug, hindi sa harapan ni Secretary Magtibay. Pero bihira lang maka-usap ng masinsinan si boss, kaya sinusulit ko na ang pagkakataon, kahit na may iba pang nakakarinig. Gusto ko lang talagang malaman kung bakit pati ba naman ako ay tataluhin ni Ken sa ambisyon niya na maging pinakamagaling na assassin sa bansa. Hindi gano’n si Ken. Pero bakit?
"Foxy, marami siyang hinarang, gaya ng assassination kay Ambassador Grekenki at ang pag penetrate sa s*x den sa Laoag, just to name a few," tugon ni Mr. Bantug.
"Assassination kay Ambassador Grekenki? Ang manyakis at traydor na diplomat? At yung s*x den sa Laoag? Ang cyber s*x operation?" tanong ko, naghahanap ng kumpirmasyon, habang naglalaro ang mga implikasyon sa isip ko.
Parang lahat ng hinarang niya ay may kinalaman sa s****l activities. Tahimik kong ina-analisa kung ano ang pagkakatulad ng mga projects na ’yon. Iyon lang ang naiisip ko at mas katanggap-tanggap ang dahilan na ‘yon. Ken doesn’t want me to get involved sa mga s****l predators.
“Huwag ka nang magtaka, Foxy…”
Napatingin ako kay Secretary Magtibay nang maki-sali siya sa usapan.
“Kahit na mag-disguise ka pa, you’re still pretty. I’m sure, nakita ka na niya without your disguise, you without makeup trying to cover up your real pretty bare face.”
Hindi ko masyadong maunawaan kung anong gustong iparating ni Secretary Magtibay. Bago pa ako makapag-tanong ay tumayo na siya at nagpaalam na aalis na.
Tumayo na rin si Boss at nagkamayan sila kaya tumayo na rin ako at nagpa-alam na rin. I guess I have to go back to Ken. Mas mainam siguro kung sa kanya ko mismo malalaman ang sagot sa katanungan ko. Pumunta ako sa kwarto ni Ken para kompontahin siya regarding sa panghaharang niya sa mga projects ko.
But Ken wasn’t there in his room kaya hinanap ko siya sa buong barracks. Madalas lang naman siya sa kwarto niya o sa indoor firing range tumatambay. Pero wala rin siya doon. Wala naman siyang misyon ngayon. Bumalik ako sa kwarto ko. I doubt kung naroon pa rin siya. Pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay natagpuan ko siyang naka-upo pa rin sa kama ko. Parang hinihintay talaga niya ang pagbabalik ko. Wala na rin ang envelope sa tabi niya.
“Nasaan ang pera ko?”
“I told you, turn down the offer. Tatapatan ko ng triple ang bayad sa’yo, just reject it.”
I heaved a sigh. Hindi ko na talaga siya maintindihan. “Bakit ka ba nangingialam sa buhay ko?”
“Palagi naman. Hindi ka pa ba sanay?”
Napamewang na lang ako. I can’t believe kung gaano ka-casual ang pagkaka-sabi niya as if hindi big deal sa kanya ang concern ko. Napatayo ako ng tuwid nang tumayo na siya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Si Ken lang naman ‘yan. Si Ken na childhood best friend ko. Sabay kaming lumaki, hinasa at pinagtibay ng Rabidkill- samahan ng pinakamatitinding assassins.
Kinakatakutan si Ken ng mga ka-uri namin dahil isa siya sa pinakamagaling. Hindi ko akalain na darating ang sandaling ito na pati ako ay mangingilag sa kanya.
Napa-atras ako ng hakbang habang siya ay papalapit sa akin. Napasandal ako sa cabinet nang wala na akong ma-atrasan.
Dumagundong ang kalabog sa aking dibdib. “W-what? You want me... You want me d-dead?” nauutal kong tanong nang binakuran niya na ako sa kanyang mga bisig.
He leaned towards me and looked intently into my eyes as if he wanted to devour me alive.
“Hinalikan ka lang ni Vincenzo feeling mo wild ka na?” seryosong sabi ni Ken.
Nanlaki ang mga mata ko. Ginulat na naman ako ng lalaking unpredictable na ‘to. Paano niya nalaman ang tungkol sa first kiss ko kay Doc Enzo? Parang naramdaman ko ang pamumula ng buo kong mukha.
“Yes, I want you. I want to make love with you.”
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Parang humiwalay ang puso’t kaluluwa ko sa aking katawan. Never in my wildest dreams na sasabihin ‘yon ni Ken. Sa sobra kong pagka bigla, hindi na ‘ko nakapalag nang binuhat niya ako at bago pa ako makawala sa kanyang ‘magic spell’, I found myself lying in bed. He was already on top of me, pinning both my wrists against the bed with one hand.
Tinanggal niya ang salamin ko, sobrang aggressive. Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin niya ‘to sa’kin. Wala na akong nagawa nang dumampi ang mga labi niya sa aking leeg. Nakatitig na lang ako sa kisame habang naaalala ang isang bahagi ng aking nakaraan. Noong gabi nang naging saksi ako sa isang entrapment operation sa human trafficking syndicate. Napanood ko kung paano halinhinang hinahalay ang isang babae. Pati na rin ang isang gabi ng nagsasanay pa lang kami, isa sa pinaka traumatic experience bilang apprentice assassin. Si Ken ang dahilan kung bakit ko nalampasan ang mga pagsubok na ‘yon. Hindi ko akalain na siya rin pala ang mag huhukay ng matagal ko ng inilibing na masamang alaala bilang baguhang assassin.
Sa dami ko ng pinaslang,wala ng puwang ang awa o kahit ano mang emosyon na makakahadlang sa mga misyon ko. Pero bakit . . . at paano hinugot ni Ken ang lahat ng sinupil kong damdamin mula sa bato ko nang puso?
Naramdaman ko na lang ang pag tulo ng luha ko... after so many years...
Sinubok na ako ng panahon, hindi ko dapat ito nararamdaman. Pinilit kong bumalik sa wisyo. Kumawala ako sa pagkaka-hawak niya sa pulsuhan ko at mariing hinawakan ang kamay niyang handa nang hubarin ang towel ko.
“Ken, huwag...” pakiusap ko sa kanya. Natigilan siya nang makita ang luha ko. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay na hawak- hawak ko ng mahigpit.
Umalis na siya sa ibabaw ko. He was so frustrated. Akala ko tapos na siya sa akin pinapakawalan na niya ako, ngunit muli niyang piniid ang mga kamay ko ng ubod ng diin sa kama. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin.
"See? Paano mo tatrabahuin ang misyon mo kung sa akin pa lang bagsak ka na? Just quit it. Hayaan mo na'ng iba ang tumapos niyan.”
Hinablot ko ang laylayan ng kanyang long sleeves para siya pahintuin. “Huwag mo na ’kong pakialaman. Tigilan mo na kakamanman sa’kin.”
Huminto naman siya pero nanatiling nakatalikod sa akin. “Bakit? Dahil sa doktor na ‘yon?”
Binitiwan ko na ang kapirasong tela ng damit niya na kinapitan ko. Bakit ba pilit niyang sinisingit si Doc Enzo sa usapan namin?
Bago pa ‘ko maka-react, tuluyan na niya akong iniwan sa kwarto ko. Nag-iwan pa siya ng isang malaking katanungan sa isip ko. Bakit? Bakit, Ken? Ano bang plano mo?
Ilang araw din na iniwasan ko si Ken. Palagi rin naman siyang wala sa Barracks. May niluluto yata silang plano ni Boss. Napag-alaman kong may kinalaman sa piyesta ng Buhay na Bato ang susunod naming misyon.
Simula ng komprontasyon na ‘yon, parang may malaking bakod na ang humarang sa pagitan namin ni Ken. Hindi ko na siya matignan sa mga mata, gano’n din siya sa akin. Sa tuwing magkakasalubong kami ay para akong hangin na hindi niya nakikita.
Ilang gabi na rin sumisilip sa aking isipan ang halik ni Doc Enzo. First kiss ko kasi ‘yon. Si Dr.Vincenzo ang kapatid ng malapit kong kaklase at kaibigan na si Verena. Pilit kong inaaalis sa alaala ko ang mukha ni Doc Enzo lalo na ang halik na ‘yon.
Sa kaka-pilit kong iwaksi si Doc Enzo sa isip ko ay bumalik na naman ang masasamang alaala. Fifteen years old lang yata ako no’n nang sinuway ko ang orihinal na plano at tumakas para lang sundan si Ken sa misyon niya. Ayaw niya kasi akong isama. Hindi raw ako para doon. Si Mia ulit ang kasamang babae sa team nila. Bukod sa maganda ay bihasa na siya. Matanda siya sa akin ng sampung taon. She’s a real badass assassin. Siguro isa na namang manyak na Boss ng sindikato ang target nila.
FLASHBACK
Pumili ako ng pinaka sexy kong damit- yung maikli para kita ang maputi at makinis kong hita na alam kong gustong gusto ng mga parokyano ng prostitusyon. Isang red dress ang napili ko na hapit sa aking katawan. Hindi naman mahalaga kung hindi ako kasing curvy ni Mia, bata pa kasi ako kaya tanggap ko na mas sexy siya kaysa sa akin. Pero kung mukha lang naman ay palag palag na rin. Mabenta panigurado sa mga pedo. Hindi na ako nag makeup pa, mas gusto kasi nila ang fresh, ‘yung bubot pa.
Hindi nga ako nagkamali. Pasimple akong naki-sabay sa mga babaeng papasok sa isang L300 na van. Pumwesto ako sa pinakadulo duon sa malapit sa driver. Habang sa magkabilang dulo naman ay may bantay na armadong mga lalaki. Ayon sa files na nakita ko surveillance nila Ken, gamit ang isang puting L300 van, dito sinasakay ang mga biktima papunta sa target area. Dahil top confidential ang misyon na 'yon at mahigpit ang security sa command center kaya mabilisan ko lang nabasa ang mga detalye sa Black Box, ito ang sistema para sa pag-iimbak at pagpapalitan ng sensitibong impormasyon. Dahil nag mamadali ako at kaunting oras lang ang natitira sa akin, hindi ko nabasa ng buo ang plano.
Kaya nang nakasakay na ako ng puting L300 van, hindi ko na rin alam kung ano ang susunod kong gagawin ni hindi ko alam kung saan ang exact target zone. Bahala na. Alam ko naman na well-coordinated ang team ni Ken at paniguradong magiging successful hit ang mission nila. Nandito lang naman ako para mag-observe, kumuha ng idea, at experience. Oo, mahirap ang training namin pero mas lalakas pa ako kung first hand ay maexperience ko ang actual operation sa hit location lalo na at critical assignment itong mission nila Ken.
Habang nasa loob ako ng van at pinagmamasdan ang mga babaeng kasama ko, hindi ko maiwasan ang maging malungkot, lalo na sa babaeng umiyak na nasa tapat ko naka-upo. Kasing edad ko lang yata siya. Sabi ni Master, kailangan tanggalin ko kung ano man ang emosyon na nararamdaman ko. Pero paano? Kung alam ko na kung ano ang kasasadlakan ng mga babaeng kasama ko.
"Bago ka ba?"
Napa-igtad ako nang bumulong ang babaeng katabi ko at hinaplos niya ang aking kamay.
"Ngayon lang kita nakita. Naliligaw ka yata ineng."
Tahimik lang ako para huwag niyang mahalata na hindi ako kasama sa grupo nila. Matagal na siguro siya. Parang alam niya ang galawan at ruta ng aming pupuntahan. Siya rin siguro ang pinaka matanda sa amin. Puro menor de edad ang mga babaeng pinapadala sa mga lalaking hayok sa laman.
"Hindi ka dapat dito."
Napatingin ako sa babaeng kausap ko. Marami siyang nalalaman.
"Hindi ko alam kung paano ka napunta dito. Ako nga pala si Lenlen."
Ngumiti ako ng tipid. Kumportable na agad ako sa kanya. "Maria," tugon ko at muling nanahimik.
Masyadong tinted ang bintana ng van, wala akong makita sa labas. Mahirap makatakas. Imposible. Kaya walang magtatangkang tumakas. Ilang sandali pa at huminto na ang van. Lumakas ang iyak ng babaeng katapat ko. Narating na namin ang patutunguhan.
Tangina! Tumigil ka nga. Babarilin kita. Pa-virgin ang pota.
Sigaw ng armadong lalaki na mukhang goons. Itinaas niya ang armalite niya at sabay-sabay na nag sigawan at yumuko ang mga kasama ko upang protektahan ang sarili. Ramdam ng lahat ang tensyon, sagad hanggang buto. Bagamat tumahimik ang lahat, rinig ko ang hikbi at ang nanginginig nilang katawan.
Binuksan na ng lalaki ang pinto ng L300 at nanatili pa ring nakayuko ang mga kasama ko sa takot.
"Labas! Bilis!" utos ng isang lalaking bantay at armado rin. Agad na tumalima ang mga kasama ko sa takot na barilin sila. Mukhang walang awang papatay ang mga goons na ito.
“Ay anak ng... Ang bagal... Hoy wala ka sa Luneta, bilisan mo!”
Napabilis ang kilos ko nang sigawan ako ng lalaki. Nasa dulo kasi ako. Natigilan siya nang magtagpo ang aming tingin. Napapa isip yata siya kung kasama talaga ako sa grupo na 'to.
Nang makababa na ako ng sasakyan, hinablot ng lalaki ang braso ko. Pipilipitin ko sana ang braso niya, mabuti at hindi lang mabilis ang kilos ko kundi pati na rin ang cognitive reflexes ko. Kailangan kong maging maingat, ayokong mapurnada ang planong pag atake ng grupo ni Ken dahil sa akin. Alam kong matigas ang ulo ko pero kailangan ko itong gawin, baka sakaling matagpuan ko na ang taong hinahanap ko.
Pinigilan ko ang sarili ko na patulan ang bantay at tiniis na hawakan ng nakakadiri niyang kamay ang manipis kong braso.
"Tama na, sir. Virgin pa 'yan," sabi ng babaeng katabi ko sa van kanina na si Lenlen.
Binitawan ng lalaki ang braso ko at tinapunan ako ng matalim na titig. Napatingala ako sa taas ng bahay na pinagdalhan sa amin. Napatingin ako sa paligid, napapaligiran ng nagtataasan ding mga puno. Napakagandang bahay. Mansyon sa isang liblib na lugar.
Sinukbit ni Lenlen ang kamay niya sa braso ko at sinimulan na niyang sundan ang lalaki. Sumunod na rin ang mga kasama namin. Hindi pa rin magtigil ang isang babae sa pag iyak. Naririnig ko ang nakaka-awa niyang hikbi hanggang sa pagpasok namin sa isang napakagandang pasilyo ng napakalaking bahay. Bumungad ang engrandeng chandelier at staircase na may dalawang hagdan sa magkabilang panig at nagtatagpo sa gitna, parang hagdan sa Beauty and the Beast. Dito na nahati ang grupo namin sa dalawa. Ang lalaking humablot ng braso ko, si Lenlen, ang babaeng iyak nang iyak at ako ay magkasama. Habang 'yung isang bantay at ang natitirang sampu ay sa kaliwang parte ng hagdan ang tungo. Bakit kaya tatlo lang kami na pinagsama?
Huminto kaming apat sa tapat ng pinto. Nilabas na ng bantay ang kanyang two-way radio at sinabing buksan na ang pinto. Wala pang limang segundo at bumukas na ang pinto. Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Lenlen nang bumungad sa amin ang isang matandang lalaki na mataba mukhang European. Nakahiga sa kama, nakahubad ng pang itaas at naka brief lang. Hinihintay na ang pagdating namin. Ngayon ko naramdaman ang kaba lalo na nang sinara na ng bantay ang pinto. Wala ng labasan ito.
"Oooh ang ganda ng bago," sabi ng matanda habang nakangiti siya sa akin.
Sinimulan na ni Lenlen ang maghubad. "Tama na Tinay. Hubad ka na. Pang ilang beses mo na 'to," bulong ni Lenlen.
Dahan-dahan na ring hinubad ni Tinay ang bistida niyang maikli habang umiiyak. Tumayo na ang matanda at napa atras ako dahil sa akin siya lalapit. Hinarangan siya ni Lenlen. "Sir, never been touch pa 'yan kaya papakitaan ko muna."
Kumunot ang noo ng matanda, halata ang pagka-irita sa kanyang mukha kaya hinila niya si Tinay at binalibag sa kama at doon walang awa niyang hinalay.
Ang bilis ng pangyayari, natulala ako at napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Hindi pala ako handa na makasaksi ng ganito mismo sa harapan ko. Kaya pala ayaw akong isama ni Ken. Sigaw nang sigaw si Tinay habang nakapatong sa kanya ang matanda. Tumulo ang luha ko habang nakatingin si Tinay sa akin na tila nag mamaka-awa na tulungan ko siya. Napansin ng hayup na matanda na nakatingin si Tinay sa akin matapos niyang magpakasasa sa murang katawan nito. Tumayo na ang hinayupak at sa laki ng tyan niya ay natatabunan ang alaga niya.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Isusunod niya na ako!
TO BE CONTINUED...