bc

Ang Sikreto ni Golden Eggs

book_age18+
528
FOLLOW
6.5K
READ
HE
heir/heiress
blue collar
sweet
bxg
bold
detective
campus
highschool
poor to rich
naive
like
intro-logo
Blurb

Paano kung isa kang rich kid na crush ng bayan, Miss Popular na feeling Disney Princess at tinutukso ka sa kaklase mong nerd? Pero aba! Hindi ka niya type. Kaya binansagan mo siyang "Golden Eggs". Sa sobrang inis mo, naging stalker ka niya at natuklasan mo ang pinaka tago-tago niyang sikreto:

--------

Si Valentino Valderama, binansagang "Golden Eggs" dahil sa mala " Ate Chona" niyang attitude. Isang role model nerd student sa umaga, isang hottie stripper naman sa gabi. Kaya naman pala choosy dahil may MAIPAGMAMALAKI.

Si Mariz Princess Ayala, dahil sa kagustuhang gumanti kay Valentino, naging stalker at nahumaling nang mapanood niya itong gumiling.

"Mapapa sa akin din ang golden eggs mo, Valentino!”

chap-preview
Free preview
Chapter 1
[Enchanted Series 4] Ang Sikreto ni Golden Eggs Paano kung isa kang rich kid na crush ng bayan, Miss Popular na feeling Disney Princess at tinutukso ka sa kaklase mong nerd? Pero aba! Hindi ka niya type. Kaya binansagan mo siyang "Golden Eggs". Sa sobrang inis mo, naging stalker ka niya at natuklasan mo ang pinaka tago-tago niyang sikreto: -------- Si Valentino Valderama, binansagang "Golden Eggs" dahil sa mala " Ate Chona" niyang attitude. Isang role model nerd student sa umaga, isang hottie stripper naman sa gabi. Kaya naman pala choosy dahil may MAIPAGMAMALAKI. Si Mariz Princess Ayala, dahil sa kagustuhang gumanti kay Valentino, naging stalker at nahumaling nang mapanood niya itong gumiling. "Mapapa sa akin din ang golden eggs mo, Valentino!” - - - - - Chapter 1 Mariz PoV "My gosh, Mariz, classmate pala natin si Valentino. May makokopyahan ka na," sabi ng classmate at bestfriend ko na si Fiona. Napatingin ako sa sinasabi niyang Valentino. Napataas ang kilay ko nang makita ang isang lalaking tahimik na naka upo sa tapat ng bintana doon sa sulok at tabi ng basurahan. Kulot ang kanyang buhok na parang noodles. Naka salamin ng makapal at naka-brace. Yes, sobrang nerdy niya. In fairness, mukha siyang naliligo at nag hihilod. Maganda ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, kissable lips, matangkad at maputi. Mukhang alaga sa baby powder at baby cologne. Mukhang mama's boy. But there's something in him na ikakahiya mo siya talaga. He's such a nerd, laging nakayuko at naka-jacket na para bang lamig na lamig sa winter ng Pilipens. "Hays kairita! bakit ba natin naging classmate 'yan?" sabi ko kay Fiona. "Ayaw mo no'n, konting landi-landi mo lang diyan, may instant kodigo ka na. Taga gawa ng assignments at projects mo.” Napa-isip ako sa sinabi ni Fiona. Oo nga noh. Maganda lang ako pero sa totoo lang hirap talaga ako sa mga projects ngayon. Lalo pa't graduating na kami. I'm taking up Bachelor of Science in Secondary Education. Yes, gusto ko maging teacher dahil gusto ko mang-hataw sa pwet ng estudyante. Nah, I'm just kidding. Gusto ko maging teacher kasi it's a noble profession. Sabi nila I was born with a golden spoon on my mouth kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang mahirap. Hindi ko nga siguro naranasan ang maging mahirap but I know in my heart, mahirap maging isang mahirap.My family has foundations and do charitable works, medical missions, and such a like. Nakita ko kung gaano umiiyak ang mga naghihikahos dahil walang pambayad sa hospital bills or simply kumakalam ang tiyan dahil walang makain. Ngunit ang dami talagang judgemental na tao. Iniisip nila na I'm a brat, mean girl, at matapobre. Basta kilala ko naman ang sarili ko. Ako si Mariz Princess Ayala, nagmula sa angkan ng mga sikat na magtutuba, haciendero, at haciendera. I am what I am, I say what I want to say. What Mariz wants, Mariz gets. No pain, no gain. No ID, no entry. Tatayo na sana ako para lapitan si Valentino at makipag kilala sa kanya nang bigla namang dumating na si Prof. “Good morning students, I'm Miss Beauty Kinantoto, your class adviser.” “Good morning Miss Kinantot--ooo” sabay-sabay na bati ng mga kaklase ko na para bang mga grade 1 na nang-aasar. “KinantotO!” sigaw ni Miss Beauty. Emphasizing the letter 'O' sa dulo ng kanyang surname. “Kinantoto! Nasa 3rd syllable ang stress. Mag-aral kasi kayo! Kaka-cellphone niyo 'yan. Puro kayo t****k!” Grabe si Ma'am, hindi pa nag uumpisa ang klase may lecture agad. Kinuha niya ang mahaba niyang patpat at hinampas hampas sa whiteboard. Kaya natahimik ang lahat. Pero hindi ko mapigilan ang chuckle ko, (I'm sorry, I don't know what's chuckle in Tagalog). Kaya napatingin si Miss Beauty sa akin at sinamaan ako ng tingin. Oh no, masama agad ang first impression niya sa akin, unang araw pa naman ng klase at graduating pa ako. Baka pag initan niya ako, lagi niya akong tatawagin sa mahihirap na tanong, at bigyan ng failing grades, overthink malala. Pagtapos niya akong titigan, napatingin siya sa bandang basurahan, at napangiti siya. “Uy nandito pala si ano... Ang outstanding student ng Villamayor de Villamayora University. Very nice,” sabi ni Miss Beauty nang makita si Valentino. Mukhang sikat si Nerdy sa mga instructors. “Mabuti at nandito si Mr. Outstanding Student. O siya, may we start off with the attendance,” sabi ni Miss Beauty at nakalma na siya. I rolled my eyes. Masyadong obvious ang favoritism ni Ma'am. Dahil arranged in alphabetical order ang aming surname, ako ang una sa list: Mariz Princess Ayala Sumigaw ako ng Present. Napatingin si Ma'am sa akin. Napalunok ako ng saliva. Iyan na, alam kong pag-iinitan niya na ako. “Ayala? Yayamanin. Kaano-ano mo 'yung mga sikat na Ayala?” “Ang lolo ko po ay apo sa tuhod ng lola ng tiyahin ng inanakan na pamangkin ng mga Ayala,” sabi ko. Medyo nahirapan akong mag-explain. “So, in short apo ka ng mga Ayala?” “Hindi po. Wala kaming connect,” I replied. How I wish 'di ba. Nagsitawanan sila. Hindi naman ako nagbibiro, totoo naman ang sinabi ko. Kainis, ayoko ng pinagtatawanan. I'm not a laughing stock, just so you know. Buti naman at mabilis na ang roll call ng pangalan namin, at huling-huling tinawag si Valentino. Valderrama pala kasi ang last name niya. “Valentino Valderama” Tumango lang si Valentino pagkatapos ay yumuko. Hindi siya sanay na siya ang center of attraction. Such a nerd. "Ano ba namang pangalan 'yan, Mr. Valentino. Pangalan ba 'yan o apelyido?” Nagsitawanan ang lahat. Wow naman si Miss Kinantoto, kung maka-asar ng apelyido ng iba, akala mo pam-virgin ang last name. Natapos din ang attendance, mabuti at walang introduce yourself eme, at higit sa lahat 'yung talent portion pa pag first day of school. Mabuti at ayaw din ni Miss Beauty 'yon dahil boring at pampatagal lang ng oras. Mabilis din natapos ang klase dahil may faculty meeting ang mga instructors. Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Nagsilabasan na ang lahat pero nanatili lang si Valentino sa sulok, nakatanaw sa bintana. “Hey girl, sinasabi ko sa'yo, hangga't maaga pa at walapang nakakalapit diyan para gawing kodigo, unahan mo na.” Grabe talaga si Fiona parang masama kong kunsensya na bumubulong-bulong. Dahil uto-uto ako, sinunod ko naman siya. Nilapitan ko si Valentino doon sa sulok. "Hi there, Valentine. I'm Mariz. My name is Mariz. I'm yours. I mean, what's yours?” Sabay flip ng aking golden brown hair na wavy at mahaba. I know he can't resist me. Tumingin lang siya sa akin pagkatapos ay nagpangalumbaba. Tumingin sa bintana, mukhang mas interesado pa siya doon sa mga nag lalampungang pusa sa bubong ng kabilang building. "I'm sorry, Miss. I don't talk to strangers.” Nanlaki ang mga mata ko. I clenched my fists in anger. Grabe ang yabang nito. Awwww Narinig ko pa ang mala Sexbomb na tili ni Fiona sa background. "I'm no ordinary stranger. Ka-aplyido ko mga Ayala kahit 'di ko sila kaano-ano. How dare you talk to me like that. I'm the most popular girl in the entire campus—” Nagpupuyos na 'ko sa galit nang napatigil ako. Muli kasi niyang binaling ang tingin niya sa akin at nag kibit-balikat. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. The nerve! Tumayo siya at napatingala na lang ako dahil ang tangkad pala talaga niya sa malapitan. “Gan'un ba? Then you gave me a lot of reasons to turn you down. Ayoko sa sikat. Ayoko ng may kaagaw. I want my girl, only mine.” bulong niya sa tenga ko at umalis na. Natuod ako sa kinatatayuan ko when I heard what he said. Para akong nagayuma ng kanyang bulong. Ang bango ng kanyang hininga amoy Listerine na pinaghalong baby powder. Parang gusto ko siyang maging baby. "Hey girl! wake up!” sabi ni Fiona kaya nabalik ako sa aking ulirat. Hindi naman Easter Sunday ngayon pero nakahanap ako ng Golden Eggs. - - - - - - - TO BE CONTINUED. . . permission to post po ang inyong mga comments. censored ko naman ño ang identity niyo. thank you.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook