bc

Ang Kababalaghan sa Red Jaguar

book_age18+
2.4K
FOLLOW
17.4K
READ
revenge
dark
HE
police
heir/heiress
bxg
detective
campus
office/work place
harem
friends with benefits
surrender
passionate
like
intro-logo
Blurb

WARNING ❗ R-18 ❗

Spank me Daddy, ohh yeah! Choke me please!

Yeah baby. That’s it!

Damn you, you filthy slùt! You deserve to die!

~~~~~~~~~

Palagi ko na lang napapaginipan ang mga salita na ‘yon. Hindi malinaw ang pinag-uusapan ng mga tao sa panaginip ko. Nagtatalo-talo sila at biglang may puputok ng baril at kasabay ng nakakabinging tunog ay siyang pag-gising ko.

~~~~~~~~~

Vincent Villegas, disguised as Kino Robles, is a 24-year-old young man who has a secret mission to find the culprit behind his mother’s controversial death. His investigation led him to a high-profile man named Pancho Villegas, well-known for having a huge collection of Jaguar cars. Pancho has a strikingly gorgeous 35-year-old daughter, Miss Roxy. Later on, she became Kino’s lady boss. As Kino strives to seek justice, he and Miss Roxy fall into a love-hate FORBIDDEN affair. Will Kino be able to withstand the truth as he gradually unearths the mystery that lies inside the red Jaguar?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue Someone’s PoV 2003 Spank me Daddy! Ohh yeah! Choke me please! Yeah baby. That’s it! Nasa tapat ako ng isang mamahaling kotse, isang vintage model ng pulang Jaguar Limited Edition. Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang alingawngaw ng dalawang boses na nilukuban na ng maka-mundong pagnanasa. Umaalog-alog pa ang sasakyan sa lakas at init na nagaganap na aksyon sa loob. Parang hydraulic. Halos hindi ako makatayo dahil sa nangangatog kong mga binti at mabigat na balikat na tila pasan ko ang daigdig Naririnig ko pa lang ang malalaswa nilang mga salita at nakakatindig-balahibong halinghing ay hindi ko na masikmura ang kanilang ginagawa. Nagdadalawang-isip kung kaya kong makita ang kababalaghan na nagaganap sa loob ng pulang Jaguar. Biglang bumalik sa alaala ko ang pait ng kahapon. Kung paano ako lokohin ng lalaking pinakamamahal ko. Ang masaklap pa, pinagpalit ako sa babaeng pinakamatalik kong kaibigan, sa babaeng pinagsasabihan ko ng problema, tinulungan noong panahong walang-wala siya. Pinatawad ko na ang babaeng ‘yon kahit pa sobrang sakit. Inulit-ulit pala niya ang pagkakasala sa akin. Hindi mapapirmi ang kipay at ang pinakamamahal ko pa talaga ang napiling akitin. Bakit sa mahal ko pa? Maganda naman siya at sariwa pa. Marami pa siyang matandang mayaman na madadagit. Kung hindi ko pa siya minanmanan ay hindi ko pa malalaman na inaahas na pala ako ng matalik kong kaibigan. Kaya pala bigla na lang akong tinapon na parang basahan ni Sugar Daddy. Hindi ko siya mabigyan ng anak na pinaka-aasam niya. Kaya nga nagpa-buntis ako sa iba. Baka sakaling bumalik siya sa akin. Pero sa nakikita ko, malabo nang balikan niya ako kahit pa sabihin kong nagdadalang-tao ako ngayon. Iba na ang kanyang binabayo. Iba na ang nagpapa-init sa kanyang kama. Iba na ang pangalan na kanyang sinasambit. Hindi na ako ang nagpapa-ungol sa kanya. Meron na siyang sweet sugar baby. May kahati na ako sa limpak-limpak niyang salapi. Wala na ang atensyon niya sa akin. Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaan na mapunta sa iba ang matagal kong inalagaan, pinagsilbihan, at matyagang hinintay. Binigay niya lahat sa akin noon. Pinadama niya sa marupok kong puso kung ano ang pakiramdam ng isang babaeng pinahahalagahan, minamahal, at pinapaligaya. Hindi ko sila mapapatawad! Husto na ang pagtitimpi ko. Masyado na akong wasak. Masakit na sa dibdib. Hindi ko na kayang magtiis. Bukod sa sarili ko, ay hinanda ko na rin ang baril na nakasilid sa aking bulsa. Mabuti at dito sila sa basement garage naka-pwesto. Hindi ko na kailangan ng silencer at wala naman makakakita sa akin. Walang makakarinig. Walang saksi kundi ang hile-hilerang Jaguar na koleksyon ni Sugar Daddy. Kinasa ko ang hawak kong baril pagkatapos ay binuksan ang pinto ng backseat kung nasaan naroon ang dalawang nagsasalo ng init ng pag-niig. “Damn you, you filthy slùt! You deserve to die!” sigaw ko kaya natigilan sila sa kanilang malaswang ginagawa. Kapwa sila nagulat at nanlaki ang mga mata nang binuksan ko ang pinto at tinutok sa higad ang baril ko. Hindi na nila magawa pang magbihis sa bilis ng pagdating ko. Nahuli ko silang magkapatong at naka-buka ang mga hita ng babaeng sarap na sarap sa pagkakahiga sa backseat. “Baby!” hiyaw ni Sugar Daddy. “Magpapaliwanag ako—” “Shut up! You bìtch!” sigaw ko naman sa babaeng umahas sa aking Sugar Daddy. Ano pa bang ipapaliwanag niya? Malinaw na ang kataksilan niya. Sapat ng pruweba ang nakalahad niyang hiyas na binabayo ni Sugar Daddy. Walang kakurap-kurap kong kinalabit ang gatilyo. Kasabay ng nakabibinging pagputok ay ang pag tulo ng luha sa kaliwa kong mata. Tumama ang bala sa kanyang puso at umagos na ang dugo. Pati ang kanyang bibig ay dumura na rin ng dugo. Napako ang buo kong katawan sa kinaroroonan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Oh bloody hell! Anong nagawa ko? Nakadilat siyang nakatingin sa akin at wala nang buhay. Napatay ko siya! Bumalik lang ako sa wisyo nang may batang umiiyak. Hinanap ko kung nasaan ang kinaroroonan ng tinig. Dumako ang tingin ko sa passenger’s seat, naroon ang batang umiiyak, naka-kabit ang seat belt sa kanyang katawan. Hindi niya makita ang eksena sa likuran. Walang kamalay-malay na patay na ang nanay niya. Isinisiksik ko ang baril sa aking bulsa at nanatiling tulala si Sugar Daddy. “Linisin mo ‘yan. Huwag kang magkakamaling ituro ako,” banta ko sa kanya at umalis na. Habang papalayo ang hakbang ko sa pulang Jaguar, at naririnig ang malakas na iyak ng batang ‘yon, tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Humihiwa sa puso ko ang bawat pag sambit niya ng ‘Mama’. Siguradong matatakasan ko ang krimen na nagawa ko dahil alam ni Sugar Daddy ang mga kaya kong gawin. Alam ko ang pasikot-sikot sa bahay at buhay niya. Kaya kong manipulahin at baliktarin ang mga pangyayari. Bukod pa ro’n, isa siyang prominenteng tao, alta sociedad, tinitingala. Hindi niya hahayaan madungisan ng isang gaya ko ang pangalang matagal na niyang pinaghirapan. Kapag lumabas ito sa publiko, malalaman ang lahat ng tinatago niyang katarantaduhan, sisingaw ang bulok niyang pagkatao, at masisira ang ‘mabuti at mabango’ niyang imahe sa mga tao. Kahit na alam kong hindi ako isusumbong ni Sugar Daddy sa kinauukulan, at magagawa niyang linisin ang iniwan kong kalat, hindi man ako mabulok sa bilangguan, at matatakasan ang batas, uusigin naman ako ng aking konsensiya sa krimen na nagawa ko. Iyon na siguro ang kaparusahang tatanggapin ko. Umuwi ako sa condo unit na tinitirhan ko. Pumasok sa pintuan na parang walang nangyari. Binuksan ang ref at nagbukas ng nagyeyelong beer. Habang gumuguhit ang alkohol sa lalamunan ko, unti-unti nang dumadaloy sa mga ugat ko patungong isip at puso ang pangyayari kanina. Hindi lang ako basta nagkasala, nakapatay ako! Inulila ko ang isang batang walang muang at hindi naman niya kasalanan ang magkaroon ng malandi at traydor na nanay. Dali-dali akong naghubad ng saplot at nagbabad sa bath tub. Nilublob ang nanginginig kong katawan dahil sa kaba, lungkot, takot, pagsisisi, at kunsensya. Dito ko na binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at gustong kumawala sa mga mata ko. I cried my heart out. Umiyak na parang wala ng bukas. Habambuhay kong itatago ang sikreto ko. Dadalhin ko hanggang hukay ang kababalaghan sa red Jaguar. ----------- TO BE CONTINUED…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
216.6K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
59.4K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.3K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
74.8K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
26.0K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
27.7K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
100.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook