Chapter1: Magkababata
Chapter 1
Magkababata
[Rodel, bilisan mo baka mahuli tayo ni Lando.
Ngayon ka pa matatakot, ilang beses na natin ginawa ito, Betty. Sige na, hubad ka na!
Mabilis lang ha, Rodel. Aahnnm oohh Rodel ang laki talaga, ang saraaap.]
Nagkatinginan sina Lori at Ivan nang marinig nila ang mommy ni Ivan na kasama ang hardinero na naglalampungan sa loob ng kubo sa gitna ng kabukiran.
Napabahing si Lori ng malakas kaya napatakbo ang dalawang bata palayo sa kubo dahil paniguradong papagalitan sila ni Donya Betty sa paninilip nila.
Tumakbo sila ng matulin hanggang sa nadapa si Lori. Walang magawa si Ivan kundi buhatin ang kaibigan sa kanyang likuran. Hanggang sa nakarating sila sa puno ng Kalachuchi.
“Ivan, bakit gano'n?" tanong ni Lori habang pinagmamasdan nila ang kulay lila na kalangitan. Malapit na pala magtakip-silip.
“Ang alin?" tanong din ni Ivan na hingal na hingal.
"Bakit si Donya Betty at si Mang Rodel ay naroon sa kubo at naghahalikan at nagyayaka—"
"Mga taksil sila," maagap na sagot ni Ivan. Nakasalubong ang kilay niya na nag pipigil ng galit. Sa edad na walo ay matured na ang kanyang isip. Habang si Lori ay kaedad niya ngunit masyado pang inosente.
"Ano ibig sabihin no'n?" Hindi pa rin maunawaan ni Lori.
“Basta," tipid na sagot ni Ivan.
Hinawakan niya ang kamay ni Lori. Ngumiti lang ang batang babae dahil lagi naman nila 'yon ginagawa. Walang malisya dahil dalisay pa ang kanilang mga isipan. "Kapag laki ko, magiging tapat ako sa babaeng papakasalan ko. Siya ang magiging una at huli kong pag-ibig."
Lori! Senyorito Ivan! Lori! Senyorito Ivan!
Napatayo sina Lori at Ivan nang marinig nila si Manay Lorna na sumisigaw mula sa malayo. Madilim na. Hindi nila namalayan na gabi na pala. Masyado silang naging abala at nasiyahan sa paglalaro at pamamasyal buong maghapon.
"Naku si Inay! Hinahanap na tayo. Makukurot na naman ako sa singit."
"Lori! Uwi na! Ikaw talaga, idadamay mo pa si senyorito sa kalokohan mong bata ka!" hiyaw ni Manay Lorna na may matinis na boses.
Agad na tumalima si Lori sa utos ng kanyang nanay. Sumunod na rin si Ivan. Tumakbo sila na magkahawak-kamay. Kay sarap maging bata, walang aalalahanin sa buhay.
Si Manay Lorna ang kusinera sa Hacienda Montero, sikat na hacienda na matatagpuan sa Bulacan. Isang malawak na taniman ng saging ang kabuhayan ng mga Montero at sikat sila dahil sa pilantropong si Don Lando.
Matanda na ito, mabait, at mapagbigay. Kabaliktaran ng asawa nitong si Donya Betty - batang-bata, sariwa, ngunit masama ang ugali, at matapobre.
Mapagmataas, madamot, pinulot lang naman siya ni Don Lando sa kabaret.
Ito ang bulung-bulungan ng mga trabahador sa sakahan ng saging. Hanggang sa kasulok-sulukan sa bayan.
Hindi lingid sa batang kaalaman ni Ivan na ganoon ang tingin ng lahat sa kanyang nanay. Ganoon pa man, mahal na mahal niya ito. Labis din kasi ang pagmamahal sa kanya ng Donya bilang unico hijo.
Dahil nag-iisang anak si Ivan, batid niya na nag-aalala lang sa kanya ang ina kaya ganoon na lamang ito maghigpit sa kanya. Hangga't hinahayaan siyang makipag kaibigan kay Lori ay wala siyang reklamo.
Simula kasi ng nagkamalay siya, sila na ni Lori ang magkasama. Ito ang pinakamalapit na kaibigan niya. Kahit hanggang sa eskwelahan na pareho nilang pinapasukan, sila pa rin ang magkasama.
Madalas kasing wala ang Don at Donya sa hacienda. Si Don Lando ay abala sa pamamalakad ng negosyo, panay ang paroo't parito sa Bulacan, Maynila, at maging ibang bansa. Samantalang si Donya Betty naman ay abala sa pag waldas ng yaman ng mga Montero.
Palaging nasa bayan para bumili ng mga luho, makipag halobilo sa mga amiga na puro retokada at party ang inaatupag. Nagyayabangan at nagpa-plastikan kung sino ang mas maganda at pinaka-angat sa alta sociedad.
At dahil sa pangyayaring nasaksihan nila ni Lori kanina sa kubo, hari nawa ay payagan pa rin sila ng donya na magkasama at gumala-gala sa buong hacienda.
Nakasanayan na ni Ivan na kumain kasama ang mga kasambahay dahil palagi namang wala sa bahay ang kanyang mga magulang. Dahil kay Lori, naibsan kahit papaano ang lumbay at pangungulila na kanyang nararamdaman.
"Nagugutom na po ako, Manay Lorna," lambing ni Ivan habang nasa kusina.
"Maghahain na po, senyorito. Parating na rin si Donya Betty kaya kaunting hintay na lang," sabi ng kusinera.
Lumungkot ang mukha ni Ivan dahil bukod sa gutom na talaga siya, ay mas nais niya pang makasabay sa pag kain si Lori at mga kasambahay sa hapag kainan.
Manay Lorna!
Napatingin ang lahat kay Donya Betty nang tinawag niya si Manay Lorna.
Dumating na pala ang literal na donya.
"Yes po, Donya Betty, maghahain na. Luto na po ang pagkain—"
"Ah no no no. I am, I am alright. I am busog na eh. I was eaten na kanina so I will sleep na," sabi ng donyang naminilipit na ang dila mag-Ingles.
Tumingin siya sa anak na si Ivan na tahimik lang ngunit matiim ang titig sa kanya. Pagkatapos ay binaling ang tingin kay Lori na namimilog ang mga mata marahil sa takot dahil nga sa pangyayari sa kubo kanina.
"Ivan, kumain ka na riyan ha. Don't forget to drink your milk,” sabi ni Donya Betty at lumabas na ng kusina.
Napangiti na lang si Ivan kahit na lihim niyang kinasusuklaman ang ina dahil isa isa itong taksil.
“Kain na tayo Ivan. Tapos…” sabi ni Lori pagkatapos ay bumulong sa tenga ni Ivan.
“Hoy Lori! Ano na naman ‘yang kalokohang naiisip mo at idadamay mo pa ang senyorito. Hala na at kumain na,” saway ni Manay Lorna.
“Gusto ko lang naman po maglaro sa sementeryo bukas tutal wala namang pasok.”
“Hindi puwede! Magagalit ang Donya. Mag-aral ng leksyon niyo bukas.”
Wala nang magawa si Lori kundi ang sumunod sa ina.
“Hindi ako pwede bukas,” biglang sabi ni Ivan. Napatigil ng pag subo si Lori at napa tingin sa kanya.
“Bakit, may lakad ba kayo ni Donya?”
“Meron. Ano kasi, pupunta kami ng clinic sa bayan.”
“Hala may sakit ka ba?” nag aalalang tanong ni Lori.
“Wala naman…” bulong ni Ivan. Ngunit sadyang makulit si Lori at hindi niya tinantanan si Ivan hangga’t hindi nito sinasagot ang kanyang tanong.
“Sabi na kasing ano ‘yun? Hindi na tayo bati—”
“Mag papa- tuli ako!” napa-hiyaw tuloy si Ivan dahil makulit si Lori. Napa nganga na lang si Manay Lorna at Lori. Habang pulang-pula naman ang pisngi ni Ivan dahil sa hiya.
“Hala!” sigaw din ni Lori. “Ano ba ‘yung tuli? Kinakain ba ‘yun?” Inosente niyang tanong.
“Lori! Kumain ka na!” utos ni Manay Lorna kaya tahimik na lang sila hanggang matapos kumain.
KINABUKASAN ..
Alas nuwebe na ng umaga ngunit hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Ivan. Kahit walang pasok ay maaga itong nagigising at nasa kusina na agad para kumain.
Nakasanayan niya nang batiin sina Manay Lorna at kasabay kumain si Lori sa umaga.
Sa pagkakataong ito, tila hindi maganda ang pakiramdam ni Ivan. Nag-aalala si Lori dahil baka may sakit ang kaibigan.
Nalaman na kasi niya kung ano ang ibig sabihin ng tuli. Nang marinig niya ang proseso nito ay siya pa ang unang natakot. Kaya naisip niya na marahil sobrang kaba ang nararamdaman ni Ivan sa mga oras na ito.
Ngunit kahit ilang beses na siyang kumatok ay hindi pa rin siya pinag bubuksan. “Ivan, hindi ka pa kumakain. Kahit pag buksan ko lang ang pinto, dadalhan na kita ng pag kain,” sigaw ni Lori sa likod ng pinto.
“Ayoko kumain! Iwan mo na lang ako,” sagot naman ni Ivan .
“Edi sige! Nakaka inis ka. Nagugutom na ‘ko. Hindi pa ako kumakain kasi hinihintay kita.”
Si Manay Lorna na ang kumatok at nag bukas ng pinto gamit ang spare key. Alam kasi niya ang tunay na dahilan ni Ivan kung bakit ganoon ang inaasal nito. Bukod sa kinakabahan ito sa pag papa-tuli ay nag tatampo at masama ang loob. Wala na nga ang kanyang tatay na busy sa negosyo, pati pa ang kanyang nanay ay kinalimutan na rin ang araw na ito. Maaga pa ay umalis na kasama si hardinero Rodel. Pumunta sa kung saan para mag liwaliw. Kaawa-awang bata, sagana nga sa materyal na bagay, salat naman sa pagmamahal at atensyon ng magulang.
Si Manay Lorna na ang umaliw kay Ivan na nanatiling naka-higa sa kama at nakatalukbong ng kumot. Hinimas niya ang buhok ni Ivan. “Senyorito, bangon na at sabay na kayo ni Lori kumain. Hinihintay ka niya—”
“Sino po ba kasing nag sabi na hintayin niya ako,” sabi ni Ivan habang isinisiksik ang sarili sa unan.
Mabait at magalang na bata si Ivan kaya kahit na galit ay mahinahon pa rin. Mana sa amang si Don Lando. Mabuti at hindi sa ina niyang si Donya Betty na nuknukan ng sama ng ugali.
“Kami na ni Lori ang sasama sa’yo sa clinic.,” sabi ni Manay Lorna.
“Ayoko po.“
“Sige na Ivan. Tapos mag mall tayo. Pwede po ba ‘yon, “Nay?” paki-usap ni Lori.
“Sige, ako na bahala sa Donya “
Napa-palakpak si Lori sa tuwa. Bihira lang kasi sila maka-luwas ng bayan. Napapayag na rin si Ivan dahil minsan na lang makarating si Lori sa bayan at dahil sa kanya ay mau-udlot pa.
Bago sila pumunta ng clinic, dumaan muna sila sa mall at doon kumain sa isang sikat na fastfood na ngayon lang nakainan ni Lori. Nag laro din sila ng arcade dahil mamaya ay hindi na magagawa ito ni Ivan.
Hindi naman takot si Ivan sa tuli dahil clinic naman ‘yon ay hindi gaya sa mga batang lalaki sa hacienda at mga kamag aral nila na sa tradisyonal na pag tutuli ang ginagawa. May anesthesia at sterile ang mga gamit. Pati ang mga gamot ay hindi basta-basta dahon ng bayabas.
Habang nag hihintay sina Manay Lorna at Lori sa labas ng operating room, napa sandal si Lori sa upuan. Masama ang kanyang pakiramdam.
Maya maya ay lumabas na si Ivan at dahan- dahan na nag lakad. Napabalikwas si Lori sa upuan nang makita kung paano maglakad ang kaibigan. Hindi niya alam kung matatawa o maawa.
Pinaliwanag sa kanila kung paano ang tamang pangangalaga sa bagong tuli. Mabuti at huling linggo na ng pasukan at bakasyon na. Maaari nang lumiban sa klase. Kaya makapag pahinga si Ivan.
Nang tapos na ang bilin ng doktor at maaari na silang umuwi, napa-sigaw si Manay Lorna nang makita ang dugo sa palda ni Lori.
“Kay aga-aga may dalaw ka na.”
Natakot si Lori dahil akala niya siya ay may sugat. Inosente pa talaga siya. Ipinaliwanag sa kanila ng doktor ang kalagayan niya. Natural naman daw na may maagang nagkaka-buwanang dalaw.
Umuwi sila nang mabigat ang pakiramdaman. Kung ano’ng kina-gilas nila kanina sa mall ay kabaliktaran ng pag-uwi nila Ivan at Lori.
Pag-uwi nila ng Hacienda Montero, nasa bungad pa lang ay alam na nila na parang may kaka-iba.
Hanggang sa pag akyat nila ng ikalawang palapag, lalong tumindi ang tensyon ng paligid.
May nagkalat na mga basag na plorera, mga babasaging figurines na palamuti sa bahay. Naririnig na ang umaalingawngaw na boses ni Donya Betty. Galit na galit.
“Kahit kailangan hindi ko matatanggap ang bastardo mo!” sigaw niya pagkatapos ay muling nagbasag.
Napahawak-kamay sina Lori at Ivan.
“Anong bastrado?” bulong ni Lori kay Ivan.
Walang imik si Ivan habang naka titig sa isang batang lalaki na tahimik na naka-upo sa gilid at nakayuko. Sa itsura nito, magkasing edad siguro sila.
“Sinasabi ko sa’yo Bettina, binigay ko lahat sa’yo at sa anak natin. Higit sa lahat, pinalampas ko lahat ng kataksilan mo kahit na harap-harapan mo ‘kong ginagago! Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong tanggapin si Max. Dito titira ang anak ko.”
Nabigla ang lahat nang marinig ang sinabi ni Don Lando. Napakuyom ng kamao si Ivan dahil sa pagpipigil ng galit. Hindi na nga siya binibigyan ng sapat na atensyon ng mga magulang niya, may kapatid pa siya sa labas
na makikihati sa kanya.
Ano na ang mangyayari sa susunod niyang mga araw?
-------------------
TO BE CONTINUED.. .