Story By Saith Kalen
author-avatar

Saith Kalen

ABOUTquote
Hi, I\'m Saith Kalen from Taguig, Philippines. I love reading, and that\'s why I decided to be a writer. Reading other works pleases me, but reading my own works encourages me to go on and keep writing . . . "A good writer were once and always a reader." —MrsKimLeeMinPark— Visit my social media accounts: Facebook : Saith Kalen WP Facebook Page : Saith Kalen WP Wattpad : Saith Kalen (@MrsKimLeeMinPark) a writer | a believer | a dreamer
bc
ENCROACHING WHAT’S MINE [Billionaire Series 1]
Updated at Apr 14, 2024, 20:54
Claudette’s only dream is to have a family of her own—her, as the mother, and Claudio as the son—and nothing follows. Kaya naman nang bigla na lang sumulpot sa harapan nilang mag-ina si Raphael, claiming Claudio as his son, she became conflicted. Alam niyang gusto rin ng anak niya ng isang buong pamilya— with a mother, a father, and him. So as to make her son happy, she agreed to marry him. Not knowing that everything is just a scheme of Raphael. Who does not only want to fight for his rights over his son but also to make the mother fall into his hands.
like
bc
THE DOMINANT OMEGA [ABO She-Wolf Series 1]
Updated at Apr 1, 2024, 04:45
“I am not JUST an Omega. Believe me, Arnoux. This Omega can make an Alpha like you, submit. Puwedeng dahil sa Alpha instincts, or it can be with my charm. Either way, I’ll make you want me until you go crazy. So you will never belittle a dominant Omega like me.” Lumaki si Nurie na naiiba sa normal na Omega. Sakit man kung ituring ng iba ang kawalan niya ng reaksyon sa pheromones, pero iyon din ang nagsilbing "cover" ni Nurie sa itinatago niyang kahinaan. At iyon ay ang ma-reject ng kanyang future mate. Kaya bago pa man mangyari ang kinatatakutan niya ay ginawa ni Nurie ang lahat para makuha ang loob ni Arnoux. Even if she needed to show him, how DOMINANT of an OMEGA she is.
like
bc
Protecting the Mafia Boss' Son
Updated at Mar 25, 2024, 04:28
Agad naman akong nagising mula sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang malakas na kalabog mula sa simple naming pintuan. Agad kong kinapa ang baril na laging nakatago sa ilalim ng kutson na sapin ng kama ko. Pagkakuha ko ay agad akong tumayo nang dahan-dahan mula sa kamang hinihigaan ko. "Oh shit! Cypher!" singhal ko ng maalala ang anak ko na nasa kabilang kwarto. Ang kaninang maingat at dahan-dahan kong paglalakad ay naging nagmamadaling mga takbo na papunta sa kwarto ng anak ko. "Cypher? Cypher anak?" mahina ngunit may diing tawag ko sa pangalan ng anak ko. "I'm here mom." Agad naman akong napalingon sa bahagyang nakabukas na kabinet at agad akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ng makita ang anak kong nakasilip na sa pintuan. Dali-dali ko namang tinakbo ang pagitan ko at ng anak ko at walang anu-ano\'y niyapos iyon. "Are you okay, baby? Are you hurt? Are you awakened by the sound? Hmm?" masuyong tanong ko dito habang masuyong hinahawakan ang kaniyang mukha at braso dahil baka may mga pasa ito sa katawan o kung ano. "I'm fine, Mom. I didn't get hurt. And I was already awake when I heard the banging at the door. I was planning to wake you up since I'm hungry na," sunod-sunod namang sagot ng anak ko kaya hindi ko maiwasang mapanguso lalo na at sobrang cute niya kapag nakanguso. Manang-mana sa mommy. Este sa daddy pala. Kasunod ng malakas na kalabog na iyon ay mga yabag ng mga paa na mukhang paakyat na ng hagdan. Doon lang muling rumehistro sa akin na kasalukuyan kaming pinasok ng sa tingin ko'y mga tao ng Saga mafia. Na kadalasan namang pangahas dahil laging ako at ng anak ko ang puntirya. At dahil doon, sa mga oras na ito ay kailangan ko ng mailabas ang anak ko sa bahay na ito. "Baby, listen to mommy okay? Go get the black bag under your bed and go back inside that closet. Dumaan ka na sa secret passage na 'yon, remember? And then wait for me in the car you'll be stopping. Understand, Baby?" seryosong utos ko sa anak ko and he immediately nodded eagerly. "Copy, Mom. Promise me you'll be careful? And I'll wait for you in the taxi," he tried negotiating. Napailing naman ako sa kanya habang bahagyang nakangiti at palarong ginulo ang buhok niyang magulo naman na talaga. "I promise, Sir!" I said playfully, even saluting him with my hand. "Now go ahead young man! Faster!" nakangiting bulong ko na agad din niyang sinunod. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa kabinet na pinagtataguan niya kanina at binuksan ang ibabang bahagi nito. Bago siya tumalon pababa ay nilingon niya muna ako as he wave his hand and mouthed me an 'I love you' before finally closing the lid and disappearing completely. Hindi ko tuloy napigilan pa ang mapaluha nang tuluyan na nga siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal dahil sa batang iyon. Though Cypher is not my legitimate child, and he knows the truth about it, he still treats me like I am his real mother. And it made me so emotionally happy since I don't have anything in this world, family, friends, lover, and even memories to remember. All I have is only Cypher, even though he wasn't mine to begin with. Having this amnesia for years now, not knowing the truth about my past and what really happened to me, what can I do if I want to own something, someone who's the only reason now why I am still striving alive and kicking? Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko habang kinakasa ang hawak na baril at kinuha ang isa pang bagay na nasa ilalim lang ng kama na hinihigaan ni Cypher. I look at the door as if my enemy is out there as I waited someone to came in. Nakataas ang dalawang kamay hawak ang dalawang baril na nakatutok sa harap ng pintuan. This time, I vowed to myself and to God, especially to the one who asked me to take care of the child, that I'll put my life in danger just to protect Cypher from anyone who wants to harm him. Not in my watch will Cypher be harmed, kahit pa nga sarili ko ang nakataya. As I said, he's the only one I could call my own, my family, so I would do anything to protect this only treasure I have. And I, Lexine Eerah Galvez, the legendary Hippies, tracker and hacker and the famous reaper of Shelton Mafia, vowed to shield my life just to protect Cypher Elevic Shelton, the son and the future Shelton mafia boss at all cost.
like
bc
Ms. Stand-In's Revenge
Updated at Mar 11, 2024, 21:29
Dying without even giving a fair fight was Alana Brielle Cara Domingo’s regret. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang magising siyang muli tatlong taon bago magsimula ang kalbaryong magdudulot ng kanyang kamatayan. Ngayong binigyan siya ng Panginoon ng pangalawang pagkakataon para pigilang mangyari ang masalimuot na hinaharap, napagdesisyunan ni Alana na baguhin ang lahat. Since it all started with her engagement with Kaede Esguerra—her ‘fiance’ who used her as a stand-in for her twin sister, Riley Elora Maceda—Alana decided to remove herself from being related to these two. Bilang cover, naghanap din si Alana ng sarili niyang stand-in. Na nahanap niya sa katauhan naman ng kanyang dating tiyuhin na si Kiero Esguerra. Makapaghiganti pa kaya si Alana kung ang stand-in na nahanap niya ay walang ibang ginawa kung ‘di kuhanin at sarilinin ang buong atensyon niya? “Stop dividing your attention on other things aside from me, Alana. Iba akong magselos. Kung gusto mong malaman kung paano, lumapit ka pa kay Kaede. I won’t hesitate to show you how.”
like
bc
SAFE HAVEN [Billionaire Series 2]
Updated at Oct 9, 2023, 22:34
Lumaking may Paranoid Personality Disorder si Alexia Richafort mula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Dahil sa pagtatangka sa kanyang buhay, kinakailangan niyang maging asawa si Lourde De Silva—mafia na magbibigay proteksyon sa kanya. Paano kung maging dahilan pa ito ng kapahamakan ni Alexia? Ipipilit pa rin ba nila ang pagmamahalang unti-unting nabuo, o mas pipiliin nilang sirain ang samahan, para sa kanilang kaligtasan?
like
bc
Getaway Romance
Updated at Apr 14, 2023, 23:48
“I’m a con artist, kaya kong magpanggap kahit sino at magsinungaling without batting an eye. But when I say that I love you, wala iyong halong pagpapanggap at lalong hindi iyon isang scam.” Bilang isang "professional con artist", normal na kay Jianne ang manggaya ng ibang tao o magpanggap. Kaya naman kinuha niya ang role para sa susunod nilang target mission. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang mabiktima rin ng kapwa niya con artist. Dahil sa paggamit nito ng kaparehong mukha niya’y nadamay si Jianne at nagkaroon ng cat-and-mouse-scene sa Boss na si Demetrius na siyang may ari ng private cruise na kinalalagyan niya. Desperate to escape, she stumbles with the on-mission-agent Ralph. Doon nagsimula ang kanilang "exchange help" para makatakas mula sa kamay ni Demetrius. Na mukha yatang mauuwi pa sa "exchange feelings".
like
bc
Her Extraordinary Revenge
Updated at Jun 23, 2022, 11:06
Mula sa biglaang pagkamatay ay muling mabubuhay si Lunez Faye De Castro sa nakaraan sa parehong oras, araw, at buwan ng kanya ring pagkamatay. Ang dapat sana’y mala-anghel na dalagita ay mapapalitan ng isang tuso at mapaghiganting bida. Dahil sa pangalawang pagkakataong ibinigay sa kanya para baguhin ang mga nangyari sa hinaharap, gagawin ni Lunez Faye ang lahat para baguhin ang kinabukasan at maghiganti sa mga taong nagdulot sa kanya ng hirap. Si Daven Kirth Villareal, gwapo, mayaman, misteryoso, at ang lalaking kinababaliwan ng lahat. Literal din siyang kinabaliwan ni Amara Lumierre Davins, ang babaeng hindi niya alam na hahadlang sa pagmamahal niya at sisira sa imahe niya para kay Lunez Faye. Sa muling pagbabalik ni Lunez Faye sa nakaraan, pilit niyang gawin ang lahat para lang mapalitan ang mga mangyari, kahit pa kasama na roon ang pag-ibig niya para sa lalaking sa tingin niya ay dahilan ng miserable niyang katapusan. Pag-ibig na para kay Lunez Faye ay nagtulak sa buhay na pilit niyang iniiwasan. Hahayaan ba ulit niya ang sariling mahulog para sa lalaki kung ang kapalit ay maaaring pagkaulit ng pangyayaring pilit niyang pinipigilang muling maganap?
like
bc
LOVE MISSIONARIES [Midnight Curse Series 1]
Updated at Apr 1, 2022, 04:41
[COMPLETED] Bata pa lang ay alam na ni Zira Evangelista na may kakaiba sa kanya, kaya naman sa kanyang paglaki ay isa pa ring palaisipan ang tunay niyang pagkatao. Lalo na nang magsimulang magsilabasan ang kakayahan niyang hindi niya maipaliwanag, na maging sa pagbabago ng pisikal niyang anyo’y kanya ring pinagdududahan. Mula sa kakayahang magpagalaw ng mga bagay, ang makapagbasa ng isip, at ang pagbabagong anyo kapag sasapit ang alas dose ng madaling araw. Kaya naman nang malaman na hindi siya tunay na anak ng mga kinalakihang magulang, naging misyon na para kay Zira ang alamin ang tunay niyang pagkatao. Si Archiebal Buenaobra, ang misteryosong lalaki na may misteryoso ring pagkatao. Isa lang ang alam niya sa buhay, at ‘yon ay ang gawin ang misyong inihinabilin sa kanya ng mga magulang. Isa itong kuwento kung saan nagsimula’t nabuo lamang nang dahil sa kani-kanilang mga misyon—ang misyong alamin ang sariling pagkatao at ang misyong iniwan ng magulang para tapusin. Pero paano kung sa gitna ng misyon ay magkaroon ng pag-iibigang hindi inaasahan? Bubuksan ba nila ang mga puso o iignorahin ang mga nararamdaman at ipagpipilitan ang misyong nasimulan?
like
bc
Our Long Distance Love Affair
Updated at Feb 5, 2022, 06:20
[COMPLETED | PTR] Hindi madali para kay Yvette Nicole Saavedra ang palakihin ang nag-iisa niyang anak pagkatapos mabiyuda. Naging dagok sa kanya ang pagkakasakit nito at paghahanap ng pera sa ibang bansa upang ito’y mapaoperahan. Dahil kulang sa pera, tinanggap ni Yvette ang alok ng tiyuhin kung saan kailangan niyang bumalik sa Pilipinas at muling harapin ang lalaking matagal na niyang kinalimutan. Ang lalaking una niyang inibig at ang lalaking kailangan niyang tanggapin ang alok na kontrata upang magkaroon ng sapat na pambayad sa operasyon ng mahal na anak. Pinapantasya ng mga kababaihan si Nickolai Hernandez. Maliban sa kaguwapuhang taglay at kakaibang karisma, isa rin itong business tycoon at milyonaryong bachelor. Ngunit sa kabila ng lahat ng yamang mayroon ito, ang pag-ibig pa rin ni Yvette ang hindi nito makamit kahit na kailan. Sa muling pagbabalik ni Yvette sa buhay ni Nickolai, gagawa ng paraan ang lalaki upang mapaibig siyang muli. Sa kabila ng milyang layo nilang dalawa, babalik muli sa piling ni Nickolai ang babaeng pinapangarap niyang makuha. Isang kasunduan ang maglalapit muli sa dalawa. Hayaan kaya ni Yvette ang sariling mahulog muli kay Nickolai o paninindigan pa rin niya ang paniniwalang nagbalik lamang siya upang iligtas ang buhay ng anak?
like