bc

SAFE HAVEN [Billionaire Series 2]

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
HE
powerful
mafia
heir/heiress
bxg
kicking
mystery
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Lumaking may Paranoid Personality Disorder si Alexia Richafort mula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Dahil sa pagtatangka sa kanyang buhay, kinakailangan niyang maging asawa si Lourde De Silva—mafia na magbibigay proteksyon sa kanya.

Paano kung maging dahilan pa ito ng kapahamakan ni Alexia? Ipipilit pa rin ba nila ang pagmamahalang unti-unting nabuo, o mas pipiliin nilang sirain ang samahan, para sa kanilang kaligtasan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HINDI MAGKAMAYAW ang mga reporter na nakaabang ngayon sa labas ng airport. Halos palibutan ng mga ito ang bawat entrance at exit ng Mercado Airlines. Dahil dito ay nagkaroon ng maliit na aberya ang mga lalabas o papasok ng airport. Pero hindi alintana iyon ng mga pasahero na sasakay o kaya nama’y papalabas na ng airport. Maging ang mga ito kasi’y napapaisip kung sino ba ang malaking tao ang kanilang hinihintay. Kanya-kanyang hinuha sila sa kanilang mga kasama kung sinong artista ba, o isang sikat na personalidad ang hinihintay ng mga reporters mula pa sa iba’t ibang entertainment media. Pati tuloy ang mga pasaherong naghihintay sa kanilang flight ay patingin-tingin sa arrival area kung saan bawat lalabas na pasahero galing man sa baggage claim o kaya naman sa carousel ay isa-isang titingnan ng mga ito. Kapag may kahina-hinalang pasahero ay tititigan nila na para bang kinikilatis kung makikilala nila o hindi. At sapat na iyon para magdala ng pagkabalisa sa mga arrival passengers. Dahil nga sa isang kilalang pribadong airport ang Mercado Airlines kung saan karamihan sa mga pasahero ay mga malalaking personalidad. Ilang beses na ring nakapagreklamo ang ilang kabababang pasahero pero hindi nagpatinag ang mga ususerong pasahero. Sa huli ay hinayaan na lang nila ang mga ito basta huwag lang silang lalapit o mamumwersa ng iba pang mga pasahero. “This is bad, Sittie! Once Alex came and was welcome by these crowd, she’ll f*****g k*ll me!” a lady in a chiffon red shirt dress hysterically exclaimed while looking back and forth from the arrivals’ exit and the waiting crowd behind them. Her pointed eyes shrunk, as she wait nervously in her seat, while ignoring the crowd behind them to lessen her anxiousness. Kagat na rin niya ang ibaba ng kanyang labi habang hindi mapakali sa pagkakaupo. At nang hindi marinig ang sagot ng kasama ay wala sa sarili niya itong nilingon. Saglit na nawala tuloy ang kaba niya nang makitang hindi man lang ito kinakabahan katulad niya. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya habang nakatulala at parang malalim ang iniisip. Pero dahil kilala na niya ang kaibigan, alam niyang hindi ito nag-iisip. Sa halip ay nakatulala lang talaga ito habang nakikinig ng music sa suot na ear pod na palaging nakakabit sa magkabila nitong tainga. Paniguradong hindi siya nito narinig kanina pa kahit na ilang minuto na rin siyang nagbubunganga. “Hoy! Cinthia Ramsey! Nakikinig ka ba?” may kalakasang tawag niya na sinabayan pa ng marahang pag-alog nito sa balikat ng kaibigan. Sapat na iyon para pagtuunan siya nito ng pansin. “Bakit?” tanong ni Cinthia. The lady groaned in annoyance. Kung hindi lang dahil sa kaibigan niya ang babae ay baka kanina niya pa ito nabatukan. Hindi na lang niya ito pinansin at pagkatapos irapan ang kaibigan ay muli niyang ibinaling ang tingin sa carousel kung saan unang makikita ang mga arrival passengers na kagagaling lang sa kanilang flight dala ang kanilang mga bagahe. Hindi na rin nagtanong pa si Cinthia at bumalik ulit sa pagkakatulala niya. Kumpara sa kaibigan, hindi siya ganoon kinakabahan. Mercado Airlines is the number one airlines in the country, at hindi lang sa pangalan iyon nangunguna. Matindi kasi ang security ng airport lalo na para sa kapakanan ng mga pasahero. Kaya naman hindi na kailangang mag-alala ni Cinthia dahil alam niyang hindi naman makakapasok ng airport ang mga reporters at lalong hindi ganoon kaeskandalosa ang mga pasaherong nakayanang makapag-reserve ng isang flight sa nasabing Airport. She was about to increase the volume of her music when Cinthia felt a tug in her corporal suit. Muling binalingan niya ng tingin ang kaibigan na nakatingin na naman sa kanya. “Sigurado ka bang nasabihan mo si Alex na nandito na tayo? Her plane should have already arrived. Baka hindi niya pa nababasa ang email mo. Bakit naman kasi hinayaan mong bumiyahe mag-isa si Alex?” sunod-sunod na tanong ng babae. “Don’t worry, Kristine, I already warned her about that. Bago pa man siya bumiyahe ay napaalalahanan ko na siya tungkol sa posibilidad na dumugin siya ng media sa pag-uwi niya. Plus, she had a group of hired professional personal bodyguards with her, and I also prepared another group of guards waiting in the car in advance,” kalmadong sagot ni Cinthia. Hindi siya naiinis o kaya nama’y na-oa-yan sa reaksyong ipinapakita ni Kristine. Bilang isa ring sikat na personalidad, sanay na si Kristine sa mga ganoong eksena. Iyong dinudumog ng mga media at reporters, o kaya naman ay inaabangan ng mga fans sa airport. Lahat ng iyon ay naranasan na ng kaibigan. Kaya naman kumpara sa kanilang dalawa, mas may alam at experience na si Kristine kaysa kay Cinthia sa ganoon eksena. As a well-known supermodel, para na ring isang artista kung tutuusin si Kristine. With billions of fans, kahit pa nga madalas lang na makita si Kristine sa magazines, billboards, at advertisements, daig pa niya ang ilang local artists pagdating sa kasikatan. Unlike Cinthia who was only a lowkey personal assistant and an executive assistant. Maliban sa hindi siya humaharap sa publiko, tanging ang ilang malalaking tao lang yata na nasa business world ang nakakakilala sa kanya. Pero iba pa rin kapag ang usapan na ay ang kaibigan nila na siyang pinag-uusapan nila. Kung si Kristine ay kilala lang sa entertainment world, samantalang si Cinthia naman ay hanggang business lang ang popularity, their other friend’s popularity is the mixture of the two. Kaya hindi na talaga masisisi ni Cinthia kung ganoon na lang kung mag-alala si Kristine sa kaibigan nila. Dahil maging siya ay nag-aalala rin sa kapakanan ng kaibigan nila. But unlike her, Cinthia made sure to prepare everything for her friend so that she can have a relaxing flight while it would also help her have a calm mind while waiting for the plane to arrive. As their friend’s personal and executive assistant, it was her job to prioritize the safety of this friend of theirs. At bilang isang perfect assistant, hindi hahayaan ni Cinthia na magkaroon ng problema ang pagdating ng kaibigan at boss. Lalo na nga dahil sa siya ang mas malapit dito, kilalang-kilala na niya ang ugali ng kaibigan nila sl*sh boss niya. Maaaring mahirap nga iyon para sa boss niya lalo na sa ugali nito, pero dahil sa ginusto rin naman nito ang mag-solo flight ay sino ba naman si Cinthia para hindi ito pagbigyan. Ang kailangan na lang namang gawin ni Cinthia ay ang siguraduhin na nakahanda ang lahat at walang problema ang mangyayari. Now all she and Kristine needs to do is to patiently wait for the arrival of this said friend. Gustuhin man nilang maghintay sa mismong puwerta kung saan lalabas ang mga pasahero na kagagaling lang sa flight ay hindi naman sila pinayagan. Hindi naman kasi nila sariling airlines ang lugar kaya kahit gustuhin man nilang magkaroon ng special treatment ay hindi nila magawa. Ang tanging magagawa na lang ng dalawa ay humiling na sana ay hindi atakihin ng sakit na pagka-paranoid ang kaibigan pagkababa ng eroplano. “Speaking of the devil!” Kristine suddenly exclaimed. Napaangat ng tingin si Cinthia sa mga paparating na arrivals samantalang diretsong napatayo na si Kristine. Sa kabilang banda naman ay ang kaibigang kanina pa nila hinihintay. Hindi na nagtaka pa si Cinthia kung paanong agad na nakilala ni Kristine ang kaibigan dahil sa napakahalata nitong presensya. Katulad nga ng sinabi niya rito kanina, may isang pasahero na napaka-obvious ang datingan ng entrance sa arrivals’ lodge ang nakita nilang papalabas ng arrival area. It’s not because of how the person looks, or how she was dress like. Kapansin-pansin ang pagdating ng kaibigan nila dahil sa napalilibutan lang naman ito ng limang naglalakihang bodyguards na kung maaari lang ay magdikit-dikit na para tuluyan nang maitago sa gitna nila ang kaibigan. “You finally came, Alex!” masayang bati ni Kristine na agad pinapasok sa safety circle na binubuo ng mga bodyguards. Pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng puting coat dress na abot hanggang ibaba ng kanyang tuhod ang haba. Isang pares naman ng itim na high heel boots ang nakasapin sa kanyang paa. Maliban sa istrikto nitong security ay todo tago rin sa mukha ang babae dahil sa suot nitong sunglasses na animo’y nasa beach at hindi sa loob ng airport. Aside from that, there was even an inconspicuous black fedora hat covering her head. Kung hindi lang dahil sa taas-noo itong naglalakad, at sa mukha nitong parang natural lang ang lahat ay aakalain ng sinumang makakita sa postura niya ay isa siyang artista na nahatulang guilty sa isa nitong scandal. “Where’s Sittie?” seryoso ang mukhang tanong nito kay Kristine. Bago pa man makapagreklamo si Kristine ay sunod na pumasok sa munting safety zone nila si Cinthia na agad na hinarap ng babae. “Now tell me the details of what happened. How the heck did a problem suddenly appear in the company?” she asked as they continued walking like they were just inside a mall strolling, while the things that she wanted to discuss were only some 'chismis' around. Maliit na napangiti tuloy si Cinthia seeing how her friend reacted. Kapag talaga pagdating sa kapakanan ng business nito ay nagagawang kalimutan lahat ni Alex including her personal worries. “We can talk about it later in the car, Alex. And don’t ignore me!” inis na singit ni Kristine dahil sa hindi na talaga siya binigyang pansin ng kaibigan. “I agree. We should go to the car and then I will report everything. By the way, should we go home first or go directly to the company?” tanong ni Cinthia. Hindi naman napasagot agad si Alexia dahil biglang nakaramdam ng pagkahilo si Alexia nang parang kidlat na sunod-sunod kumislap ang mga camera. Maliban sa tunog ng mga shutter ay parang mga bubuyog na nagsipagtanungan ang mga reporter ng kanilang mga nakahandang tanong paglabas na paglabas nila sa airport. “Ms. Richafort! Is it true that the reason of your immediate return in the country is to saved the subsidiary business which is the Gomez Enterprise?” “Ms. Richafort! As the youngest billionairess, what can you say about younger people who also dreamed to become as successful as you are?” “Ms. Richafort! Everyone’s really curious about your life as the heiress of the two wealthy people and becoming the wealthiest billionairess in the world. Can you share some of your experiences?” “Ms. Richafort! Tungkol po sa hawak ninyong yaman. Hanggang ngayon ay kumakalat pa rin ang tungkol sa sadya mong pagp*tay sa mga magulang mo para lang makuha ang anumang yaman mo ngayon. Paano po ninyo lilinawin ang tungkol roon?” “Ms. Richafort! Ms. Richafort!” Mukha yatang sa sobrang lulong nila sa pag-uusap ay hindi na nila napansin na narating na pala nila ang terminal lounge kung saan tuluyan nang nakapasok ang halos singkuwentang reporter kasama na ang kani-kanilang mga cameraman galing sa iba’t ibang channel network. Mabuti na lang at katulad ng sinabi ni Cinthia ay nagawa niyang makapaghanda. Bago pa man sila tuluyang madumog ng mga reporters ay agad na umalalay ang mga dinalang guards ni Cinthia para bigyan sila ng daan. Agad na nabura naman ang mga ngiti nina Kristine at Cinthia ng marinig nila ang mga personal na tanong ng mga reporter. At hindi nahiyang ipakita ni Kristine ang pagkainis niya sa mga reporter ng parang bata na pinagtaasan niya ang mga ito ng kanyang kamay na parehong naka-dirty finger. Kung hindi lang dahil sa suot niyang disguised at ang naglalakihang katawan ng private guards ni Alexia na parang naglalakihang dingding na itinago talaga sila mula sa mga reporter ay baka maliban sa headline tungkol sa kaibigan ay mayroon ding headline tungkol sa kanya. Nagmamadali na lang na pumasok sila sa nakaabang na itim na BMW High Security car na kasabayang bumyahe ni Cinthia papuntang Pilipinas. Isa lang naman ito sa halos isang-daang collection ni Alexia ng iba’t ibang brand at type ng kotse na pinasadya niya pa talaga para gawing isang personalized security car. Dahil nga sa mahigit limang taon din na walang uwi-uwi sa Pilipinas si Alexia kaya iyon ang unang beses na makakaapak ulit siya sa bansa. Tanging ang kanyang kaibigan sl*sh assistant na si Cinthia na ang halos naging clone niya para asikasuhin ang mga kompanya at business niya na nasa bansa. Kung hindi nga yata dahil nasa Pilipinas ang root branch ng dalawang subsidiary company na siya ring family business niya ay baka mula nang mamatay ang mga magulang sa bansang ito ay wala ng balak pang tumuntong ni Alexia sa Pilipinas. Mabuti na lang at matapos din ng sampung taon ay nagawa niya ring mai-transfer ang bawat main business nila sa Spain. And since then, she never stepped foot in this cursed country ever again, until this day. Nawala lang ang matinding pagkakakunot ng noo niya ng tuluyang maisara ang pinto ng sasakyan niya at maputol na rin ang nakaririnding ingay ng mga reporter at nakasisilaw na flash ng mga camera sa labas. Malakas na napabuntonghininga naman si Kristine at kasabay ng pagtanggal niya ng suot na salamin ay ang pag-alis din ni Alexia ng suot niyang sunglasses. “I’m telling you, ngayon pa lang Sittie. Once this so-called big problem of yours is actually not that big for you not to solve it alone, I won’t hesitate to make you my personal slave instead!” nakakatakot na banta ni Alexia kay Cinthia na hindi naman nagpasindak. “With how I became your personal nanny, you can no longer threaten me with that, Boss,” puno ng kasarkastikuhang sagot ni Cinthia, habang walang pinagbago ang hilatsa ng mukha. Malakas na napaingos na lang si Alexia at napanguso. Bagsak ang katawan niyang napahiga sa malambot na convertible sofa ng kanyang sasakyan. “Bakit itong maliit na BMW pa ang naisipan mong dalhin, Sittie? Why not the nanny car, or the limo? I don’t even have a small kitchen here,” parang batang reklamo ni Alexia kahit pa nga solong-solo na niya ang isang upuan. Binato ni Kristine sa mukha gamit ang throw pillow na naroon si Alexia dahil nayayamot siya sa pagrereklamo nito. Alam naman niyang hindi ito sinasadya ng kaibigan pero sa tuwing nagrereklamo talaga si Alexia kung saan nababanggit kung gaano na lang kayaman ang kaibigan ay parang pakiramdam ni Kristine ay pinamumukha nito sa kanyang langit si Alexia samantalang isang hamak lang silang magandang taga-lupa. “Maaaring ito nga ang pinakamaliit mong security car sa mga koleksyon mo, pero kumpara sa mga iyon ay ito ang pinaka nababagay dito. The rest were so eye-catching that I wouldn’t be even shocked if you got an ambush head on,” sagot naman ni Cinthia sabay bukas ng isang pinto sa gilid niya na isa palang mini fridge. “What drinks do you like?” “Any cold drinks without alcohol?” tanong ni Kristine. “Water.” Hindi nalingon na inabutan ni Cinthia si Kristine ng isang bottled water. Inabot kaagad iyon ni Kristine at tinungga. Mukha yatang nauhaw ito kahihintay kahit pa nga wala namang kalahating oras ang paghihintay nila. Marahil dahil sa kadadada niya habang naghihintay ay natuyuan na siya ng laway. “Here’s your requested mango-graham shake.” Sa kamay ni Cinthia ay isang cute na medium sized pink insulated tumbler kung saan may design na mga sweets katulad ng candy, slice ng iba’t ibang flavor ng cake, at kung anu-ano pang matatamis na pagkain. Mabilis na napaupo ulit si Alexia at halos kuminang ang mga matang kinuha kay Cinthia ang tumbler pati na ang maliit at pahabang kahon kung saan nakalagay ang straw ng tumbler. Inilabas niya ang kulay pink din na straw mula sa lagayan nito at agad na itinusok iyon sa nakabukas ng butas ng tumbler. Parang bata na nagsimulang sumipsip si Alexia at kulang na lang ay magkaroon ng refreshing effect sa paligid niya nang tuwang-tuwa itong napaungol habang hindi tinigilan ang pagsipsip sa straw. Walang ekspresyon na pinanood ni Cinthia ang kaibigan samantalang bakas naman sa mukha ni Kristine na hindi siya natutuwa sa biglang inakto ni Alexia. Parang kanina lang kasi, kung maka-asta ito ay parang pagmamay-ari nito ang mundo. Pero heto nga at parang naging bata bigla si Alexia dahil lang sa pagkain. Mga nagagawa nga naman ng pagkain sa isang foodie na gaya ni Alexia. Naiiling na pinagpatuloy na lang ni Kristine, ang pag-inom niya ng tubig. Bilang assistant naman ay hindi na bago ang ganoong sitwasyon kay Cinthia. Sa halos araw-araw na kasa-kasama niya si Alexia mula sa trabaho hanggang sa bahay nito ay na-immune na ang mga mata niya sa ganoong mga sandali. At least, kahit papaano ay gamit ang kahinaan ni Alexia pagdating sa masarap na pagkain, hindi naman ganoon naging mahirap ang trabaho niya bilang assistant sl*sh yaya. “By the way, let’s go directly to the company. I wanna see the problem so that I can think of an immediate action. I don’t want to stay here longer,” Alexia seriously said after the long silence between the them. “Okay,” mabilis na sagot ni Cinthia. Hindi naman maiwasang mapailing ni Krsitine sa dalawa. “Geez. What a workaholics. Pwede bang kumain muna tayo bago kayo magpaka-busy sa mga trabaho niyo?” “Don’t worry. This won’t take an hour. After hearing and seeing everything, we’ll go home to eat. I’ll cook.” Tuwang-tuwang napapalakpak si Kristine sa narinig. “Lucky! Halos isang taon na rin mula nang huli kong matikman luto mo, Alex! Finally, I can taste your exquisite food!” Alexia scoffed but a proud smile appeared in her lips. Hindi na siya nagsalita pa at pinagpatuloy ang pag-enjoy sa pagsipsip ng iniinom na mango graham shake.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
287.5K
bc

The Real About My Husband

read
26.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.9K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
65.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
92.7K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook