bc

LOVE MISSIONARIES [Midnight Curse Series 1]

book_age16+
560
FOLLOW
1.1K
READ
forbidden
HE
bxg
lighthearted
mystery
self discover
superpower
witchcraft
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

[COMPLETED]

Bata pa lang ay alam na ni Zira Evangelista na may kakaiba sa kanya, kaya naman sa kanyang paglaki ay isa pa ring palaisipan ang tunay niyang pagkatao. Lalo na nang magsimulang magsilabasan ang kakayahan niyang hindi niya maipaliwanag, na maging sa pagbabago ng pisikal niyang anyo’y kanya ring pinagdududahan. Mula sa kakayahang magpagalaw ng mga bagay, ang makapagbasa ng isip, at ang pagbabagong anyo kapag sasapit ang alas dose ng madaling araw. Kaya naman nang malaman na hindi siya tunay na anak ng mga kinalakihang magulang, naging misyon na para kay Zira ang alamin ang tunay niyang pagkatao.

Si Archiebal Buenaobra, ang misteryosong lalaki na may misteryoso ring pagkatao. Isa lang ang alam niya sa buhay, at ‘yon ay ang gawin ang misyong inihinabilin sa kanya ng mga magulang.

Isa itong kuwento kung saan nagsimula’t nabuo lamang nang dahil sa kani-kanilang mga misyon—ang misyong alamin ang sariling pagkatao at ang misyong iniwan ng magulang para tapusin. Pero paano kung sa gitna ng misyon ay magkaroon ng pag-iibigang hindi inaasahan? Bubuksan ba nila ang mga puso o iignorahin ang mga nararamdaman at ipagpipilitan ang misyong nasimulan?

chap-preview
Free preview
Prolouge
MAGULO, maingay, at hindi magkamayaw ang lahat sa paligid. Maririnig ang pagsasalpukan ng mga armas, mga daing ng mga nasaktan at nasugatan, sigaw ng mga natatarantang takas, at ang sunod-sunod na tunog ng mga maliliit na pagsabog. Mga senyales lamang na may isang nagaganap na malaking labanan. Malayo sa pinangyayarihan ng gulo, sa isang nakahiwalay na mansyon sa dulo ng palasyo, isang armadong lalaki ang mabilis na pinasok ang mansyon kung saan mababakasan ang pagkabahala at kaba sa mukha. “Catherine! Odessa! Magmadali kayo! Nilulusob ang palasyo! Nasaan ang mga bata?” malakas na sigaw nito pagkapasok sa loob ng kuwarto. Bago pa man makapagtanong ang dalawang babae ay lumabas kaagad ng kuwarto ang lalaki. Nagtataka man ay inalalayan ng matandang babae ang isang babae patayo at magkasabay silang lumabas ng kuwarto. “Catherine, mahal ko. Halika, magmadali kayo bago pa man tayo abutan dito. Kailangang madala agad natin ang mga sanggol sa lagusan. Naghihintay na roon ang iyong ama at ang matandang salamangkera.” Naguguluhan man ay walang imik na sumunod ang babae sa asawa. Kahit na hinang-hina pa dahil sa tatlong araw pa lang siyang nakapagpahinga mula nang makapagsilang siya ng apat na sanggol. “A-Albert, maaari bang mahinto muna tayo kahit saglit? Hindi pa kasi lubos na nakababawi ang mahal na prinsesa ng lakas mula sa panganganak, baka kung mapa—” Bago pa man matapos ng matandang babae ang sasabihin ay mabilis niyang itinikom ang bibig nang matalim siyang titigan ng lalaki. “Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang bagay na ‘yan? Kung hindi lang tayo sinugod ng mga kalaban ay maaaring may oras pang makabawi ng lakas si Catherine. Ngunit sa lagay ngayon ay sa tingin mo ba, hahayaan na lang ng mga kalaban na makapagpahinga muna ang asawa ko bago nila tayo paslangin?” Hindi naman na nakasagot pa ang matanda nang tila nasa isang bahagi siya bigla ng pelikula dahil sa pagbabago ng paligid. Ang kaninang maayos na mansyon ay napalitan ng mas malawak na lugar kung saan isang mainit na labanan ang nangyayari. Mga nagliliparang mga palaso, bola ng apoy, malalaking buhos ng ulan, malakas na ihip ng hangin, at mga naglalakihang biyak ng bato ang siyang nagpapalitan sa ere. “Pigilan ang mga kalaban!” “Huwag silang hahayaang makalapit sa lagusan!” “Paslangin lahat ang sino mang pangahas na susuway!” Sa dulo ng mainit na labanang ito ay nagtitipon ang ilang importanteng mga tao sa harap ng isang lagusan. Maliban sa mga sigaw ng mga sundalo ay ang malalakas at nakabibinging iyak ng apat na sanggol. “Dahil sa sumpa na propesiya, ang apat na isisilang dahil sa sumpang pag-iibigan ay magiging kakaiba. Hindi lang sa mundo natin, kung ‘di sa mundong kabibilangan din nila. Sila’y paghihiwa-hiwalayin dahil iyon ang nakatadhanang dapat nilang sapitin. At pagkatapos sumapit ng apat na pulang kabilugan ng buwan ay kailangan silang ipunin. Para sa pagdating ng katapusan, silang apat lamang ang makapipigil. Propesiya’y kailangang sundin, tagalipon ay kailangang hasain upang sa pagdating ng nakatakdang araw, ang apat ay muling pagsasamahin. Kapangyariha’y kanila’y tataglayin upang kalaban at kasamaa’y madaling tapusin,” nakakikilabot na boses ang isinatinig ng matandang salamangkera. Matapos noon ay unti-unting bumalik ang itim sa mata ng matandang salamangkera na kanina ay naging puti lahat. Lalo namang bumakas ang takot at pangamba sa mukha ng mag-asawa habang karga ang dalawang kambal nila. “Maaaring hindi ako sang-ayon sa naging pagtataksil ninyo at maaaring tutol din ako noong una na buhayin ang mga apo ko, ngunit mahal kong anak, sana ay gaya ko’y magtiwala ka rin sa mga sinabi ni Ursula. Natitiyak kong mabuti ang hangad niya,” nangungusap na tinig ng mahal na hari. At sa pangatlong pagkakataon ay muling nagbago ang eksena. Makikitang hawak-hawak ng mag-asawa ang mga anak nila habang nakatayo naman sa harap nila ang matandang salamangkera, kung saan nakalutang sa ere sa ibabaw lang ng ulunan ng mga sanggol ang matutulis at mahahabang itim na kuko. “Guardián de la luz, maldición mágica ven y alinea. Desnuda a estos hijos de la profecía con maná de belleza, fuerza, poder y percepción. ¡Por la presente declare la fe de estos niños malditos!” Matapos ang mahinang usal na iyon ng matandang salamangkera, ay sabay-sabay na umilaw ang likod ng bawat sanggol. Ngunit sa kabila ng nakasisilaw na liwanag na iyon ay patuloy lang ang matandang salamangkera sa ginagawa. Isa-isa niyang sinuotan ng kuwintas sa leeg ang bawat sanggol na may hugis bala ng tingga bilang pendant. “Guardiana de la luz, maldición mágica, dispersa!” Matapos niyon ay biglang nagkaroon ng hugis ang mga liwanag na nagmumula sa likod ng mga sanggol kasabay ng pag-iiba din ng hugis ng mga pendant sa bawat kuwintas. At kung ano ang hugis ng liwanag ay siya ring hugis ng pendant ng bawat sanggol. “Guardián de la luz, maldición mágica, desintegrate en el cuerpo del maldito!” Parang ipo-ipong nagpaikot-ikot ang mga liwanag bago parang hinigop na pumasok ang nga liwanag na iyon sa loob ng mga kuwintas. Kasabay ng pagkawala ng liwanag ay ang pagkapigtas sa leeg ng mga sanggol ng mga kuwintas at lumutang ang mga iyon sa kamay ng salamangkera. Kumpara sa kaninang mabagal na pagbabago ng mga eksena ay parang naka-fast forward sa bilis na muling nagbago ang pangyayari. Mula sa kaharian ay napadpad ang apat na sanggol sa mundo ng mga mortal, kasama ang pamilyang inatasang maghiwa-hiwalay sa apat na sanggol. Karga-karga ang unang sanggol ay naglalakad ang isang lalaki palapit sa isang pinto nang hindi kalakihang bahay. Tahimik at dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang tahimik ding sanggol na para bang nakisasabay sa katahimikan ng lalaking may akay sa kanya. Matapos masigurong maayos ang pagkakahiga niya sa bata ay may dinukot ito sa bag. Tinitigan muna iyon ng lalaki na para bang kinakabisado ang hitsura ng kuwintas na may hugis raven bilang pendant. Nakangiting iniangat ng lalaki ang tingin sa sanggol na kuryoso ring nakatingin sa kanya. “Zira . . . Napakagandang pangalan para sa napakagandang prinsesa. Hangad ko ang maayos na paglaki mo, Prinsesa Zira. Sa muli nating pagkikita,” mahinang bulong ng lalaki bago maingat na isinuot ang kuwintas sa leeg ng sanggol. At katulad nga ng sinabi ng matandang salamangkera, sa oras na muling maisuot ang kwuintas sa leeg ng sanggol na may-ari nito, ay lalabas ang isang liwanag na maghuhugis katulad ng pendant ng kuwintas. Isang makintab na itim na liwanag ang lumabas mula roon na agad ring naghugis bilang isang itim na itim na uwak. Ipinagaspas nito ang nangingintab na itim na pakpak bago malakas na umuwak. “Uwa!” Marahil dahil sa uwak na iyon ay bigla na lang umiyak ang sanggol na nagpagulat sa lalaki. Nataranta tuloy ito at hindi malaman kung ano ang gagawin. “Simon! Halika na! Bumukas na ang susunod na lagusan!” Isang sulyap muli ang iniwan ng lalaki sa sanggol na umiiyak pa rin, bago mabilis na tumalikod at tumakbo papasok sa lagusang pinasukan ng asawa at anak, kasama ang tatlo pang sanggol. Kasabay nang paglaho ng lagusan ay siya rin namang pagbukas ng pinto ng tahanang pinag-iwanan nila ng sanggol. Isang singhap ang namutawi sa bibig ng babae sa gulat dahil sa sanggol na nasa harap ng pinto ng kanilang tahanan. Mabilis na kinuha ng babae ang sanggol mula sa lapag habang mabilis na lumabas naman ang asawa ng babae para tignan ang paligid. “Samuel . . .” nag-aalalang tawag ng babae sa asawa. Hindi naman tumugon ang lalaki at patuloy lang na naghanap ng kahit na isang tao sa paligid. At nang walang makitang tao na maaaring nag-iwan sa sanggol ay nagmamadali niyang pinapasok ang asawa karga ang sanggol at isinara ang pinto. “Samuel, isang bata! Bakit may bata sa harap ng pinto?” nag-aalala pa ring tanong agad ng babae sa asawa habang marahang inihehele ang sanggol na nasa braso. “Hindi ko rin alam, Laila. Gaya mo ay nakita ko lang ang bata sa harap ng pintuan natin, pero wala naman akong nakitang kahit isang anino na magsasabing nag-iwan ng bata sa may pinto,” nakakunot naman ang noong sagot ng lalaki. Hindi naman na kumibo ang babae at muling ibinaba ang tingin sa sanggol na tahimik nang natutulog sa mga braso niya. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapangiti nang pagkatamis-tamis habang pinanonood ang mahimbing na pagtulog ng sanggol. Mayamaya rin ay muling nag-angat ng tingin ang babae sa asawa nang hindi na ito makatiis. “Samuel, ano’ng gagawin natin sa bata? Kawawa naman siya. Napaka-cute pa naman.” Mula sa paglalaro sa bata ay iniangat ng babae ang tingin sa asawa. “Tutal naman ay iniwan lang siya sa harap ng bahay natin, baka ginawa iyon dahil pinakinggan na rin ng Diyos sa wakas ang hiling nating magka-baby!” masayang wika ng babae sa asawa. “Isang linggo, Laila. Maghintay tayo ng isang linggo. Kapag wala pa ring maghanap at bumawi sa bata ay pupunta agad tayo ng munisipyo para iparehistro sa pangalan natin ang bata,” nakangiting sagot naman ng lalaki. Dahil sa narinig ay masayang tinignan muli ng babae ang sanggol na agad tumigil sa pag-iyak matapos kargahin ng babae. Tulog na nilaro iyon ng babae hanggang sa mapansin nito ang isang kuwintas na nakasabit sa leeg ng sanggol. Dahan-dahan niyang tiningnan iyon hanggang sa mabasa niya ang isang pangalan na nakasulat sa raven pendant ng kuwintas. “Zira . . . “ nakangiting bigkas ng babae sa pangalan. Tuwang-tuwang nilingon niya ang asawa na kanina pa siya masuyong pinapanood. “Zira! Samuel, napakagandang pangalan, hindi ba? Zira Evangelista. Bagay na bagay!” Nakangiting napatango lang ang lalaki at hindi na sumagot pa sa asawa. Inalalayan na lang niya ang asawa papuntang kusina para hanapan ng makakain ang sanggol habang masayang ikinukwento ng babae ang mga plano nito para sa sanggol na magiging miyembro ng tahanan. Hindi nila alam na sa labas lamang ng bintana ay makikita ang isang itim na uwak na nakatingin sa kanila gamit ang pulang-pula nitong mga mata. Ilang segundo pa ay ibinuka nito ang mahaba at nangingintab na itim na mga pakpak bago ipinagaspas sa ere at malakas na umuwak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.5K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
109.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
145.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook