bc

Getaway Romance

book_age18+
215
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
HE
opposites attract
kickass heroine
bxg
bold
crime
sassy
love at the first sight
seductive
like
intro-logo
Blurb

“I’m a con artist, kaya kong magpanggap kahit sino at magsinungaling without batting an eye. But when I say that I love you, wala iyong halong pagpapanggap at lalong hindi iyon isang scam.”

Bilang isang "professional con artist", normal na kay Jianne ang manggaya ng ibang tao o magpanggap. Kaya naman kinuha niya ang role para sa susunod nilang target mission. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang mabiktima rin ng kapwa niya con artist.

Dahil sa paggamit nito ng kaparehong mukha niya’y nadamay si Jianne at nagkaroon ng cat-and-mouse-scene sa Boss na si Demetrius na siyang may ari ng private cruise na kinalalagyan niya. Desperate to escape, she stumbles with the on-mission-agent Ralph.

Doon nagsimula ang kanilang "exchange help" para makatakas mula sa kamay ni Demetrius. Na mukha yatang mauuwi pa sa "exchange feelings".

chap-preview
Free preview
001: Location, Locked
SILENT MURMURS can be heard early in the evening in the largest port in Manila. Although it was a bustling night compared to the normal night it was before, it was still less populated than usual. Marahil dahil sa naka-pribado ang buong port nang gabing iyon, at tanging ang isang malaki at magarang private cruise lang ang nakaparada sa gilid ng port. It was open for embarkation of the passengers of the cruise ship. Anyone who could see the flashing lights inside and outside of the private ship would immediately appreciate how grandiose it looks, which undeniably would not be different from how the interior would look. The golden lights illuminating the hull of the ship are already enough to make one feel envious of how wealthy the owner could be. Katulad sa kung gaano kagara at mukhang mamahalin ang malaking cruise ship ay mukha ring mayayaman at hindi basta-basta ang mga pangalan ng mga sumasakay sa ship. Just by staring at the fabulous dresses and specially tailored suits, paired with shiny accessories, would make one wonder what the occasion would be that these Madame and Masters would suddenly meet on a cruise. Hindi lang iyon dahil sa makikita rin ang iba’t ibang lahi ng mga attendees na may mga kanya-kanya pang bodyguards. Nagpapatunay na hindi dapat maliitin ang mga ito. Tanging tingin na may halong inggit na lang ang ipinupukol ng mga nakakikita sa bawat babaeng dala ng ilan sa mga mayayamang unknown businessmen. Mahahalata kasi sa ibang babae na kung hindi binayaran lang bilang plus one ng kapareha nila mula sa kakaibang pag-akto ng mga ito ay aakalain ng iba na talagang mayaman ang mga babaeng 'companion' ng ilang nadalo. Mabuti na lang dahil kahit pa nga 'nirentahan' lang si Jianne para sa buong linggo na iyon ay hindi naman nagmumukhang 'escort' lang ang babae. Maliban sa mamahaling suot at mga alahas na binili pa talaga ng may edad nang businessman para sa kanya ay makikitaan din ng poise at elegance ang bawat ngiti at kilos ni Jianne. And it made her more likeable to her partner. Kaya naman agad na tinapos nito ang pakikipag-usap sa mga nakasalubong na kakilala at inaya si Jianne para pumasok na sa loob ng cruise. “Chris is really right for choosing you. You’re not only a beauty, but you’re also brainy and witty. If it were not for me, who picked your profile on my own from the lists of suggestions from Chris, I would think that you’re really from a well-known family,” malalim ang boses na wika ng lalaki na may maliit na ngiti habang diretso pa rin sa dinadaanan ang tingin. Mahinhing natawa naman si Jianne. “Mas’yado niyo naman po akong pinupuri, Mr. Dueño. Maybe because it’s part of my job that I became used to this graceful manner. Magaling po yatang teacher si Mr. Chris,” nahihiyang tangi naman ni Jianne na nakangiting inabot ang kamay na inalok sa kanya ni Mr. Dueño. Hindi naman sumagot si Mr. Dueño at tumango lang habang pinulupot naman niya ang makinis at maputing kamay ni Jianne sa kanyang braso. At dahil sa napahinto sila sa hagdan papasok sa entrada ng private cruise, doon lang napatingin si Jianne sa harapan kung saan may dalawang crew at dalawang bodyguard ang nakaabang. Nakayukong lumapit sa kanila ang assistant na lalaki ni Mr. Dueño at iniabot ang isang itim na invitation card, na napalilibutan ng golden printed fonts. Sa cover pa lang ay masasabi ng pang mayaman lang talaga ang makadadalo roon. With an imposing manner, Mr. Dueño took the invitation from his assistant’s hand and gave it to one of the crew. The man checked the card first before he nodded to the guards, who stepped aside to give way to them. Nakataas ang noo na naglakad si Mr. Dueño sa pulang carpet, habang kasabayan naman niyang naglalakad din si Jianne na hindi nabubura ang magandang ngiti. Dahil sa may kahabaan ang suot niyang white lace dress, na may ilang korte ng designs na kulay gold, isama pa ang suot niyang three-inch-killer-heels ay medyo nahirapan si Jianne sa pag-akyat sa hagdan. “I’m sorry for inconveniencing you with the dress I chose. I just want to showcase your beauty and pair it with a beautiful dress. Don’t worry, after we find our suite, I’ll let you change for a more comfortable dress.” Matamis na napangiti naman si Jianne ng tulungan siya ni Mr. Dueño sa pagbitbit ng dress niya para makaakyat lang siya ng maayos at ligtas. “Thank you, Mr. Dueño. You’re really a gentleman,” pasasalamat ni Jianne matapos nilang makapasok ng tuluyan sa cruise ship. “But I’m okay, Mr. Dueño. I can still parade my beauty in front of your comrades, so you won’t be looked down upon.” Malakas na natawa naman si Mr. Dueño sa sinabi ni Jianne sa kanya. Halata na natuwa ito sa sinabi niya. With a gentler and kinder look, Mr. Dueño once again wrapped Jianne’s arms around his as they walked deeper inside the cruise ship. “Location, locked in. Entering the target domain, successful. That’s Jianne for you, everyone!” pasimpleng napangiwi si Jianne ng marinig ang pasigaw na wika na iyon ng pinsang si Keith mula sa earpiece na nagpanggap na earrings ni Jianne. “Shh! No need to shout, you idi*t!” suway naman ng girlfriend ni Keith na si Janna. “By the way, congrats Ji! Kapag talaga pagdating sa gan’yang stunt ay ikaw talaga ang the best!” dagdag na papuri pa nito. Ngumiti lang naman si Jianne, at saktong napatingin sa kanya si Mr. Dueño. Mas nilawakan niya tuloy ang pagkakangiti pero naroon pa rin ang poise na ilang araw niya ring pinag-aralan bago niya na perpekto. “Nga pala, speaking of stunt, kumusta naman ang escort house na inagawan natin ng customer? Sana naman ay nagawa mo ang lahat, Harper. Delikado na kung malaman nila ang ginawa nating pang-hack sa system nila.” “No worries. Kahit malaman nila, hindi nila tayo mati-trace. Tsaka huli na kapag nagkataon, kasi nakapasok na si Jianne.” “Cheeky,” komento naman ni Janna at narinig na lang niya ang pagdaing ni Harper na halatang nakurot na naman ni Janna sa magkabilang pisngi. “Mabuti naman kung ganoon. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may ganoon pa lang klaseng escorting business sa Pilipinas. At mukhang legal pa dahil sa ilang politicians din ang minsan nang naging customer ng Escort House na ’yon,” tinig ni Keith na hindi pinansin ang ginagawang pangungulit ng girlfriend kay Harper. “Hmm. Mukhang under protection din naman kasi iyon ng gobyerno. Kung sa bagay ay hindi naman masama ang ginagawa nila. First, the escorts were not forced, pangalawa ay malinis na trabaho naman ang ginagawa nilang escorting,” singit naman ni Janna na tinigilan na si Harper. Harper snorted. Sa maiksing katahimikan na iyon ay alam ni Jianne na napatingin ang dalawa kay Harper. Then a series of clicking sounds from the keyboard echoed from the earpiece. “What clean business. That’s just plain cover. Sa ngayon ay wala nang business na maunlad na malinis sa loob man o sa labas. Hmp!” halata ang pagkainis na saad ni Harper. Napataas naman ang kilay ni Jianne at tahimik na nakinig. Mukhang batay sa tono ni Harper ay mayroon itong nahalungkat na 'dumi' ng Escort House na iyon. Gumana na naman siguro ang pagiging makulit na kamay ni Harper at maging ang impormasyong hindi naman nila dapat malaman ay hinalungkat ng walang kahirap-hirap nito. Si Harper kasi ang nag-hack sa system ng nasabing Escort House kung saan pinalitan nito ng pekeng impormasyon ni Jianne ang isang personal profile ng Escort na dapat sana’y makukuha ni Mr. Dueño para sa event na iyon. “Oh! Kaya naman pala! Akala ko ay umaatake na naman ang pagiging childish ni Harper. Iyon naman pala’y may dahilan ang biglang pagiging moody niya,” Keith exclaimed, na mas nakuha pa ang i-analyzed si Harper kaysa ang i-share sa kanya ang natuklasan nila. “Well, nga naman. A shady business will always be a shady one. Wala na rin itong pinagkaiba sa illegal auction house kung saan binibenta ang ilang kababaihan. Pinagkaibahan lang nito ay puro willing ang naka-auction sa kanila,” dagdag naman ni Janna. At dahil hindi naman makasagot si Jianne sa usapan nila ay nakangiting nakinig lang siya sa mga pinag-uusapan nina Janna mula sa earpiece. Samantalang sa banda naman niya ay tuluyan na ngang nakarating sa kung saan ang sentro ng ship o ang atrium ng cruise. Hindi maiwasan ni Jianne ang mamangha sa kung gaano kagarbo ang buong sentro ng ship. Kung titingnan sa labas ay aakalain mong hindi naman ganoon kalaki ang ship pero ngayong nakikita na mismo ni Jianne ang looban ng cruise ay talagang namangha na siya sa sobrang laki niyon. Mabuti na lang at kahit papaano’y napigilan niya ang sariling mapanganga at napanatili niya ang matamis na ngiti. Bahagya lang siyang napanganga pero agad naman niyang naisara ang bibig. “Mr. Dueño! It’s nice to see you here!” bati ng isang businessman na unang sumalubong sa kanila. A curt nod was the only response of Mr. Dueño to the man, which he did not find rude as the man kindly smiled. Agad na sumunod ang ilan pang mga naka-business attire sa kanila na sigurado si Jianne ay hindi nalalayo ang yaman mula kay Mr. Dueño. “I didn’t expect that Mr. Dueño would attend this type of gathering,” saad naman ng isang medyo bata-bata pang lalaki na may maliit na ngiti sabay tingin kay Jianne. “And you also brought a beautiful woman with you,” mas lalo namang lumaki ang ngiting dagdag nito habang nakatingin pa rin sa kanya. Jianne retained her warm smile as she ignored the man and looked at Mr. Dueño who only held her at her waist as he pulled her close to him. “I can’t let this chance escape. Afterall, it is Mr. Aquinas who hosted this event. Having a chance to exchange pleasantries with him is a high privilege for me.” Although Mr. Dueño looked high-and-mighty, he still sounded modest, especially when he spoke the name of Mr. Aquinas. Nagpapasalamat na kahit papaano ay matino naman ang nakuhang bait ni Harper this time. Dahil mukhang escort lang talaga ang habol nito sa kanya. Hindi katulad ng mga naunang nakuha ni Harper na balak talagang gapangin pa siya kahit na may mga asawa na ang mga ito, o kaya naman ay halos kasing edad na niya ang mga anak. While Mr. Dueño who, according to the information gathered by Harper is an old bachelor, nasa kwarenta na ito pero wala pa ring asawa. Wala ring anak ang lalaki na maaaring magmana ng kompanya. Kaya naman marami talaga ang balak kumapit sa kanya at baka maipagpala. Fortunately, isa sa mga nalaman ni Harper na sikreto ng lalaki ang pagiging imp*tent nito. Dahilan siguro kaya hindi rin ito nagbabalak mag-asawa. Ang ipinagtataka lang nila ay kung bakit pilit pa rin itong nagpapayaman kung wala naman itong mapagpapamanahan. “Nga pala Jianne, anong oras ba aalis ’yang cruise palaot? Sa oras kasi na makalayo na ng isang kilometro ang ship mula sa port ay awtomatik na mapuputol na ang koneksyon ng earpiece sa’yo,” tanong bigla ni Keith mula sa nananahimik na earpiece. “T*nga! Mukha bang masasagot ka niyang si Jianne ha?” inis na asik ni Janna sa nobyo na sinegundahan naman ni Jianne sa isip. “Ang mabuti pa’y ipaalam na natin lahat kay Jianne at ’wag nang hintayin na makapag-isa pa si Jianne at baka hindi pa tayo umabot.” Napatango naman sa isip si Jianne habang tumatango-tango at panaka-nakang nasagot sa tuwing mababaling sa kanya ang tanong ng mga kausap ni Mr. Dueño. This made Mr. Dueño more satisfied with her. “Gaya ng napag-usapan, Jianne. Mayroon ka lang anim na araw para makolekta ang mga cards at alahas na kaya mong kulektahin. Then we will follow with the speed boat that we rented,” panimula ni Janna na pinakinggan maigi ni Jianne. “We will try to contact you if that time comes. Safety first. Kung alam mong delikado na, light the flare we put in your bag. We will come as soon as we can, okay?” seryoso namang paalala ni Keith sa nag-iisang pinsan. “Collect cards as many as you can, Jianne! Akong bahala sa pagbukas ng mga ’yan. Baka matapos nito ay ang huli na nating panggagantso,” tuwang wika naman ni Harper na halos magpatawa kay Jianne. Tahimik na napatango na lang siya habang itinatanim naman sa isip ang mga paalala ng mga kaibigan at pinsan. Kahit naman hindi nila ipaalala ay iyon naman talaga ang gagawin ni Jianne. Pero s’yempre, ayaw naman niyang masayang ang effort ng lahat. Kaya kahit alam niyang mapanganib na ay susubukan niya munang makakuha ng marami-rami bago umalis. Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ni Jianne ang paggalaw ng ship. Mahina man iyon pero sapat na para mapahinto sa mga ginagawa ang lahat. Napatingin si Jianne kay Mr. Dueño na nakangiti naman siyang tinitigan. “Seems like we’ll be sailing now,” wika ni Jianne kay Mr. Dueño pero ang totoo ay sinasabi niya iyon kina Janna. “Yes. I know you’re excited. But you don’t need to accompany me for this night. Go to our suite, change your clothes, and then take a rest. I still have a business to make.” This time, Jianne didn’t carelessly deny the elder. She just showed some hesitation in her eyes before slightly nodding her head. “Then, I hope you’ll have a successful business, Mr. Dueño,” ang tanging nasabi ni Jianne bilang paalam bago sumunod sa isang bodyguard na may hawak ng bag na naglalaman ng mga gamit at damit niya, pati na ng card key sa suite na para sa kanila. “Okay, so goodluck on this mission of yours, Ji! Basta, safety first, okay?” paalala ulit ni Janna. “We will just cut off the communication now, Jianne. We don’t want to be traced afterward. So good luck!” tinig naman ni Harper. “Don’t do anything st*pid, Ji. We’ll wait for your signals. Mag-ingat ka, kung ayaw mong tamaan sa’kin pagbalik!” Napangiti naman si Jianne sa sinabi ng pinsan. Hindi na hinintay pa ng tatlo na makapag-isa pa siya dahil tuluyan na ngang pumalaot ang cruise. Naputol na rin ang koneksyon ng earpiece niya kaya nawala na ang ngiti sa mukha niya habang naglalakad sila sa itaas na deck kung saan hile-hilera ang mga suite. The walk didn’t take long as they soon stopped in front of a door. The bodyguard silently swiped the card on the sensor. They heard a click, and the door opened. Nauna nang pumasok sa loob ang bodyguard, dala-dala ang bag ni Jianne. Tahimik lang na sumunod papasok si Jianne. After putting the bag on the bed, the bodyguard walked away, closing the door behind him. Nang masiguro ni Jianne na tuluyan na ngang umalis ang lalaki ay mabilis na kumilos si Jianne. Hablot ang bag ay pumasok siya sa loob ng bathroom para magpalit. Dahil sa siniguro muna ni Jianne na ang mga damit na inihanda para sa kanya ni Mr. Dueño ay napalitan ng mga damit na inihanda naman niya, kaya simple lang pero magagandang damit naman ang laman ng bag. Jianne changed into an above the knee tube dress, and a flat shoe. Sunod ay inalis niya ang make-up sa mukha at inayos ang pagkakatali ng kanyang buhok. Nang masigurong ayos na ang mga gamit niya ay agad siyang lumabas ng bathroom dala ang bag kung saan naglalaman pa ng iba niyang gamit maliban sa mga pamalit niyang damit. When she planned to go out, she stopped and found some paper and a pen, which were fortunately there on the bedside table. She beautifully wrote a leaving letter for Mr. Dueño, hinting at who she really is. Then she thanked him for being kind before signing off with her real name. And thereafter, she finally left.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.5K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
109.0K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
82.5K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.3K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.4K
bc

Dangerous Spy

read
312.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook