#TagalogWritingContest-Love Game with A multi-faceted Billionaire.
Mature Content❗❗ Read your own risk. ❗❗
Blurb:
Bata pa lang itinuring ng Prince Charming ni Marga ang kababatang si Jude Hesrael Medrano. Bukod doon ay lihim din niyang minahal ang binata. Ngunit naglaho ang lahat ng iyon nang tinanggap niya ang pagiging isang cam girl.
May mukha pa ba siyang maihaharap sa binata? Kung ito mismo ang humiling na naging kauna-unahan niyang costumer. Kapalit ng kanyang lihim.
Ano ang gagawin ni Marga? Tatanggapin ba niya ang alok ng kababata, na may lihim din pa lang pagtingin sa kanya. O tuluyang mapapariwara ang buhay niya?
Dahil sa isang pustahan, napangasawa ni Britney Jennifer Sandoval si Joel Patrick Medrano. Na buong akala niya isa lamang itong ordinaryong tao, na kumakayod para sa pamilya. Ngunit mali ang lahat nang inaakala nang dalaga. Dahil ang pinakasalan, niya ay isa pa lang tagapamana ng Medrano Empire sa Zamboanga at kilalang hasyendero. Masaya na sana ang kanilang pagasasama, kung hindi lang umeksena si Doña Emerald—mama ni Joel. Dahil sa pagtungtong pa lang ni Britney sa mansion ng pamilya, nakitaan na agad ang ginang ng hindi pagkakagusto sa dalaga.
Paano kung isang araw nalaman niyang may babae na pa lang itinakdang pakakasalan ang asawa? Ano’ng gagawin niya? Magpaparaya ba siya o ipaglalaban ang karapatan bilang asawa? Kahit batid niyang mismong ina ng asawa ang kalaban?
Never been touch. Never been kiss. No girlfriend since birth. Iyan si Drickson Mitch Soriano o mas kilala sa tawag na Dante. Dahil sa pangako niya sa magulang ni Bryan Mondragon, ay nawala sa isipan niya ang magkaroon ng lovelife. Ni hindi niya naranasang manligaw o tumingin man lang sa mga kalahi ni Eba. Pero dahil sa kapilyahan ni Kate, naging chatmate niya ang katrabaho nitong si Noby Rose Arcega, na isang nurse at nakabase sa London. Na noon ay nagdadalamhati ang dalaga dahil sa panloloko ng boyfriend nitong afam. Babaeng sawi sa pag-ibig at lalaking walang karanasan pagdating sa pag-ibig. Paano kung pagtagpuin sila ng kapalaran? Ano’ng kapalaran ang naghihintay sa kanilang lovelife? Mabubuo ba ni Dante ang wasak na puso ni Noby Rose?
Dahil sa nangyaring kaguluhan sa hanay ng mga Mafia sa bansa. Napilitang itago ni Hector del Blanco ang anak na si Joker del Blanco sa kanyang mga kalaban. Inihabilin niya ito sa kanyang matalik na kaibigan na si Antonio Vegas isang barangay captain. Bumalik siya sa El Shadow Organization upang sugpuin ang mga kalabang mafia. Ngunit sa kasiwiaang palad nahuli siya ng mga pulis at ikinulong sa sikretong hideout. Ngunit hindi pa rin natatapos ang pakikipaglaban niya sa mga ito. Dahil kahit sa loob ng kulungan ay hindi siya pinatatahimik ng mga mafia. Nais ng kanyang mga kalaban na makuha ang anak niya at gawing bagong lider ng organization. Nang mabalitaan iyon ni Joker walang pag-alinlangan niyang tinanggap ang pagiging lider ng El Shadow Organization. Dahil kapalit no’n ang kalayaan ng ama.
Maagapan ba ni Riana Jhane Vegas ang pagiging isang barumbado at masungit ni Joker? Paano kung alukin siya ni Joker maging secret lover nito? Kapalit ang pagbabago nang binata. Tatanggapin kaya niya?
Masamang karanasan noong siya’y bata pa ang nagtulak kay Paulo Borromeo na maging isang pulis. Nakatatak na sa murang isipan niya ang maling gawain ng mga tao sa kanilang lugar. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Maraming balakid nakaharang kay Paulo. Barkada at bisyo ang ilan lamang sa sumira sa pangarap ng binata.
Dahil sa inggit niya sa nakababatang kapatid at dahil na rin hindi niya naipasa ang board exam sa pagkapulis ay nagpasya siyang lumayas sa kanilang bahay.
Sa pagtungtong ni Paulo sa Mindoro kasama ang tiyuhin, makilala niya si Remedios Soriano na anak ng isang grupong nagmamalalasakit, may ipinaglalaban para sa bayan, at higit sa lahat ay tumutulong sa mga mahihirap at naaaping mamamayan. Dahil sa taglay na katangian ng dalaga ay napaibig nito ang binata.
Sa pagpasok ni Paulo sa grupo, nadiskubre niya ang maling gawain ng mga ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng masasamang gawain ay may sapat na rason ang mga ito kaya sila kumikitil ng buhay.
Hanggang saan dadalhin si Paulo ng pag-ibig niya kay Remedios. Kaya rin ba niyang pumatay gaya ng ginagawa ng dalaga? Kaya bang baguhin ng pag-ibig ni Paulo si Remedios? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan?
Sa edad na bente singko ganap nang successful sa negosyo si Klint Bryan Mondragon. Sanay siyang nasusunod ang gusto. Pero sa likod nang natatamasang kaginhawahan sa buhay. May lihim na tinatago ang negosyo ng angkan nila.
Hindi niya akalain na mai-in love siya sa anak nang babaeng naging sanhi nang pagkasira ng kanilang pamilya. Subalit sa kabila ng lahat nagawa pa rin niyang patawarin ang babaeng sumira sa kanilang pamilya alang-alang sa pagmamahal niya sa anak nito. Sa tuwing nakikita niya ang anak nito wala siyang magawa kun ’di mahalin ito at alagaan.
Catalina Rosemarie Perez, isang mabait at mabuting anak. Labis na dinamdam pagkawala ng ama at kasabay nito ang pagkawala nang kanilang negosyo.
Dahil na rin sa utang ng ina mapipilitan silang magtrabaho magkapatid. Sa una hirap siyang makisama sa lalaking kumuha sa kanila kasi lahat na lang pinakikialaman nito basta hindi nagugustuhan. Hindi niya akalain sa halip na pahirapan siya ng lalaki nagawa pa siyang mahalin nito. Sino ba naman ang hindi iibig sa kanya bukod sa gwapo na napakabait pa nito sa kanya at wala siyang hiniling na hindi binigay ng lalaki.
Paano niya ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan kung kalaban nila mismong pamilya nila? Sapat ba ang pagmamahal nila kung sa bandang huli sila mismo dalawa ang magkakasakitan ng damdamin.
Cristina Marie Sandoval. Dalawampu’t tatlong taong gulang. Maagang nawalan ng mga magulang kung kaya’t naging responsibilidad niya ang dalawang nakababatang kapatid. Basta usapang raket, wala siyang inaatrasan, maliban na lamang noong siya’y ipagkasundo ng kanyang tiyahin sa isang matandang-mayaman na naging dahilan ng kanyang pagtakas mula rito.
Sa pagtanggap niya sa bagong trabaho bilang katulong, makikilala niya guwapo, matikas, at ubod ng yabang na bodyguard ng kanyang amo na si Cris Michael dela Torre. Dalawampu’t anim na taong gulang at dating sundalo. Dahil sa kagagawan ng isang taong hindi niya kilala ay nawala sa kanya ang pinakaiingatang trabaho at pangarap. Nagsimula ang lahat sa isang tuksuhan hanggang nauwi sa mainit at totohanang relasyon. Kasabay niyon ang pagkakabunyag ni Michael sa totoong pagkatao ng dalaga na may koneksiyon sa pagkawala niya sa serbisyo—kasabwat ang dalaga sa pagframe-up sa kaniya.
Anong kapalarang ang naghihintay sa dalawa? Mapatatawad kaya ni Michael si Cristina? Pag-ibig o pangarap? Ano kaya ang handa nilang isakripisyo sa dalawa?
Mayabang pero mabait. Matapang pero may kinatatakutan. Ganito kung ilarawan ni Nathalie Borromeo si Steven del Prado. Nagsimula sila sa pagiging magkaibigan hanggang sa nagka-ibigan. Aso’t pusa sa tuwing magkikita ngunit masaya at tahimik naman ang naging takbo ng kanilang relasyon. Ngunit sa ’di-inaasahang pangyayari, napilitang iwan ni Nathalie si Steven upang hanapin ang kanyang nawawalang kapatid.
Subalit kung ang taong pinakamamahal, pinagkakatiwalaan, at higit sa lahat, ang pinaghandugan ng pinakaiingatang virginity ni Nathalie ay may lihim pala na magpapayanig sa kanyang buong pagkatao?
Paano nila maisasalba ang nasimulang pag-iibigan? Paano ang buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan? Maaatim kaya niyang pakisamahan si Steven kung alam niyang may mahal na rin itong iba? Mapapatawad pa kaya niya ang binata kung malalaman niya ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Steven at sa pagkawala ng kanyang kapatid.