Chapter 1
Chapter 1
Sa lipunan na ginagalawan ng isang tao ay mayroong dalawang uri ang antas ng pamumuhay, isang mayaman at isang mahirap. Isa ang pamilya del Prado sa antas ng pagiging mahirap, nagmula sa malayong probinsya ng Davao. Tanging maliit na lupain ang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay sa araw-araw.
Dahil sa hirap ng buhay nagpasya ang mag-anak na tumungo ng Manila, nagbabakasakali dito nila matatagpuan ang kaginhawaan na inaasam. Dala ang pangarap at pag-asa na makaahon sa kanila sa kahirapan. May mga ngiti sa labi ang mag-anak ng dumaong ang sinasakyang barko sa pier.
"Inay, ang ganda-ganda po pala rito sa Manila. Tingnan n'yo po ang tataas ng bahay," masayang saad ng nakababatang kapatid ni Steven.
"Lirah, h'wag kang masyadong maingay. Nakakahiya sa mga tao," saway ni Aling Elena sa anak.
"Oh, halina na kayo baka naghihintay na sa 'tin, si Goryo sa labas," yaya ni Mang Mario sa pamilya. At saka binuhat ang may kalakihan na bag palabas ng pier.
Habang palabas ng pier 'di rin mapigilang mamangha ni Steven sa bagong kapaligiran na nakikita. Kung sa probinsya tanging mga punong-kahoy at mga kalabaw ang tanging nasisilayan. Dito sa Manila halos lumuwa ang mata ng binata.
Mayamaya pa lulan na sila ng isang taxi na maghahatid sa bahay ng kanyang pinsan sa Tondo. Nagulat na lang ang lahat ng magsalita ang isa sa kambal. Si Mario Jr. Dahil sa trapik nakahinto sila sa gilid ng daan.
"Tingnan nyo! Ano 'yon napakalaking oud?" tanong nito sa mga kapatid. Halos 'di mapigilan ang kasiyahan nito ng makita ang tren.
"Tren ang tawag d'yan anak, hayaan mo kapag nagkaroon na tayo ng pera sasakay tayo riyan," tutan ni Mang Mario sa anak.
"Ayaw ko po baka mahulog ako riyan," sagot ng isng kambal si Mar.
"Hindi ka mahuhulog riyan kasi hahawakan ka ni itay," wika naman ni Monalisa. Pangalawa sa magkapatid.
"Oh, siya kapag marami na tayong pera 'di tayo sasakay riyan. Bibili si kuya, ng sarili nating sasakyan," masayang wika ni Steven sa mga kapatid.
"Talaga kuya, wow," saad ni Lirah ang bunso.
Sabay-sabay na nagtatawanan sa loob ng taxi ang pamilya 'di alintana ang hirap ng buhay, mahalaga sa kanila sama-sama sila harapin at simulan ang bagong buhay sa Manila.
Kinabukasan maaga pa lang kumilos na si Mang Mario, para maghanap ng trabaho kasama ang kapitbahay na nakilala kagabi. Pagod at init ang dinanas nito habang naglalakad sa kahabaan ng Divisoria. Halos lahat ng napag tanungan tungkol sa trabaho iisa lang ang naging sagot sa kanila.
"Pasensya na po talaga, walang bakante," turan sa kanila ng boy.
"Salamat," wika ni Mang Mario.
Laglag balikat lumakad ang dalawa palayo sa building na 'yon, naglakad na naglakad sa gitna ng initan. Hanggang sa tumambad sa kanila ang maraming kalalakihan na nakapila sa isang gusali. Agad nila iyong tinungo at nakiusyoso.
"Boss, ano'ng meron dito?" tanong ni Mang Mario sa isang lalaki.
"Tanggapan ng trabahador sa bubuksan na mall sa susunod na linggo. Kung gusto n'yo mag-aplay pumila kayo ng maayos," paliwanag ng lalaki sa kanila at saka pumila na rin.
"Subukan natin baka sakaling matanggap tayo," sabi ni Mang Mario sa kasama.
"Tara!"
Gaya ng inaasahan natanggap ang dalawa kahit walang ano'ng pinasang papel. Sinabihan lang sila ng nag-interview sa kanila na bumalik bukas para magsimula ng trabaho.
"Talaga itay, tanggap na po kayo sa trabaho. Makapag-aral na po kami rito sa Manila ng mga kapatid ko," wika ni Monalisa sa ama.
Masaya ito dahil may trabaho na ang ama, naiinggit siya sa tuwing nakikita ang mga anak ng kapitbahay na nagsisipag-aral. Samantalang sila tumutulong sa ina paglalaba.
"Oo, anak kaya mag-aral kayong mabuti," sagot ni Mang Mario rito.
"Opo, itay makakaasa po kayo." turan nito sa ama.
Naging matulin ang paglipas ng mga araw sa mag-anak, halos lahat ay naging abala sa mga gawain. Nagbalik na rin sa pag-aaral ang mga kapatid ni Steven, habang ang ama patuloy ang naging trabaho nito sa konstruksyon at ang ina naman paunti-unti tumatanggap ng labada sa kapitbahay.
"Steven, hatid mo na itong mga damit ni Aling Corazon, tiyak na naghihintay na 'yon. Bumalik ka agad h'wag ka ng tumambay sa pinsan mo." wika ni Aling Elena sa anak.
"Opo nay." turan nito sa ina na nakangiti. Habang buhat ang basket na may lamang damit.
Habang naglalakad si Steven sa makipot na eskinita malayo pa lamang napansin agad niya ang pinsan, na nakatambay sa isang tindahan kasama ang mga barkada nito.
"Pinsan, shot ka muna," alok nito kay Steven.
"Isa lang pinsan, pinababalik agad ako ni inay." turan niya rito sabay kuha ng basong may alak. At saka tinungga 'yon.
"Sige umalis ka na masyado kang mabait sa magulang mo!" bulyaw nito kay Steven.
"Hindi naman sa gano'n pinsan, may inuutos lang sa 'kin si inay. At saka nahihiya ako wala man lang akong ambag sa inuman n'yo." pahayag nitong wika sa pinsan.
"H'wag ka nang magpaliwanag umalis ka na!" sigaw nito.
Na kinatatakutan ni Steven kaya mabilis umalis sa lugar na 'yon, rinig pa niya ang tawanan mga barkada ng pinsan. Pagkarating sa bahay ni Aling Corazon agad nitong inabot ang basket at kinuha ang bayad. Pag-uwi niya umiba siya ng daan, kahit papaano natutunan na rin nito ang mga pasikot-sikot roon.
Kinagabihan masayang nanonood ng tv ang mag-anak habang hinihintay ang ama na galing sa trabaho. Mayamaya pa sunod-sunod na ang katok sa kanilang pintuan, agad nag-unahan ang kambal sa pagbukas.
"Mano po, itay." saad ni Mar. Siya ang nauna sa pagbukas ng pintuan para sa ama. At saka sumunod na rin ang ibang anak sa pagmano ama.
"Kaawaan kayo ng Diyos mga anak." Sabay abot nito ng dalawang plastic na bitbit sa mga anak.
"Wow, dunkin donut at saka letchon manok!" sigaw ng kambal.
Nakangiting inabot ni Mar ang isang plastic na naglalaman ng lechon manok sa ina. Halos 'di mabura ang ngiti at saya sa mukha ng mga kambal.
"Oh, mamaya n'yo na kainin 'yan. Kumain muna kayo, Steven ayusin mo na itong dalang ulam ng tatay mo at kakain na tayo." wika ni Aling Elena kay Steven.
"Opo, nay." turan nito sa ina.
Tahimik at masayang kumain ang mag-anak basta't araw ng sahod ng ama, nakakatikim ang mga ito ng masasarap na pagkain.
"Bakit parang malungkot ka 'ata? May dinadaramdam ka ba?" tanong ni Aling Elena sa asawa. Magkatabi silang nakahiga sa semento na may saping karton at banig.
"Natanggal ako sa trabaho, nagbawas ng tao ang kumpanya. Isa na ako roon," malungkot nitong saad.
"H'wag mo ng isipin 'yon makakahanap ka ulit ng trabaho. May sideline naman ako, kahit konti lang 'yon makakaraos rin tayo." masayang turan ni Aling Elena. Kahit nalungkot sa pagkawala ng trabaho ng asawa 'di niya ipinakita rito, sa halip binigyan niya ng pag-asa.
Lingid sa dalawa kanina pa nakikinig si Steven sa usapan nila, isa rin ito sa nalungkot ng marinig na wala ng trabaho ang ama. Aminado ito sa sarili na naging pabigat siya sa pamilya. Ipinikit nito ang mga mata kailangan na niyang makahanap ng mapapasukan bago pa mamatay sa gutom ang pamilya.
"Kung wala kayong pambayad ng upa, pwede ba magsilayas na kayo sa bahay ko. H'wag n'yo nang hintayin na ipapapulis ko kayo!" sigaw ng may-ari ng bahay sa mag-anak.
"Aling Corazon magbabayad naman po kami. Pasensya na po, talagang gipit lang kami ngayon," wika ni Aling Elena.
"Aba! Elena ang kapal ng mukha mo limang buwan na kayong 'di nakakabayad ng upa, tapos 'yong damit na sinira mo hanggang ngayon 'di mo pa rin nababayaran!" bulyaw nito.
"Pasensya na po, pangako magbabayad po kami."
"Sige hanggang bukas kapag 'di kayo nagbayad. Kukunin ko ang anak mong dalaga pambayad utang," nakangiti nitong saad. Habang nakatingin kay Monalisa. Para bang may naglalaro sa isipan nito.
Sa takot naman ni Monalisa kay Aling Corazon napatago ito sa likod ni Steven. Sino ba naman ang 'di matatakot sa mukha nito? Para itong isang lider ng mga nangingidnap.
Matapos ang palabas sa bakuran nila Steven kanya-kanya ring layas ang mga tao, daig pa ang may sinehan sa kanila. Hindi naman nakakatulong bagkus nakikitsismis lang sa buhay ng may buhay.
Agaw-dilim nagpaalam si Steven sa magulang na may bibilhin sa tindahan ngunit alibay lamang niya 'yon. Ang totoo talaga pupunta siya sa kanyang pinsan, na kapag desisyon na siya na sasama sa mga raket nito. Wala naman silang ibang malalapitan, halos sumasideline na lang ang ama para may makain sila. Pagkarating niya sa bahay nito masaya siyang sinalubong at pinakain pa siya nito.
"Kung handa ka na sa bago mong trabaho. Ngayon rin may iiutos ako sa 'yo," mariing sabi nito.
"Sabihin mo lang handa kung sundin ang mga iuutos mo." nakangiting saad nito sa pinsan. Walang kaalam-alam sa gawain ng lalaki.
Agad pumasok ang pinsan niya sa isang kuwarto halos kalahating oras ang itinagal roon bago lumabas. Paglabas nito may bitbit na itong isang makulay na paper bag, kung mamasdan maiigi para itong regalo sa may kaarawan.
"Here, dalhin mo sa kanto sa labasan may kukuha niyan sa 'yo. H'wag mong kalimutan 'yong ibibigay niya sa 'yo, ingatan mo." mariin niyang utos kay Steven.
"Sige aalis na ako." masayang sabi nito.
Ngumiti lang ang pinsan nito. "Ingatan mo 'yang dala mo."
Habang naglalakad 'di maiwasang titigan ni Steven ang dala-dala, iniisip nito napaka-special naman ang taong pagbibigyan niya ng bag na 'yon. Bukod sa magandang sisidlan may maayos rin itong laso na nakabuhol sa gitna. Ang pinagtataka niya kung bakit may kapalit ito.
Pagkarating ni Steven sa labasan agad tinungo ang poste ng meralco, nagmasid siya sa lugar bagamat maraming tao 'di niya alam kung naroon na ang taong tinutukoy ng pinsan. Mayamaya pa may lumapit sa kanya na lalaki nakajacket ito ng maong saka halos nakatakip ang mukha ng sumbrero.
"Dala mo ba 'yong regalo na pinabibigay ni Goryo," usisa nito kay Steven.
"Dala mo rin ba 'yong kapalit?" tanong ni Steven.
"Oo, heto akina 'yang regalo," sagot nito sa kanya.
Agad kinuha ni Steven ang bag at saka ibinigay ang regalong dala. Pagkuha ng lalaki halos 'di man lang niya namalayan ang pag-alis nito sa kanyang tabi. Kaya mabilis rin ang ang naging hakbang niya pabalik sa looban. Ang 'di niya alam kanina pa may isang pares ng mata ang nakatingin sa gawi nila, binabantayan ang bawat galaw nila.
Nang makarating sa bahay ng pinsan, tuwang-tuwa ito ng iabot niya ang bag rito.
"Good job, Steven. Maaasahan na kita kahit bago ka pa lang," masayang sambit nito.
"Ginagawa ko lang ang inuutos mo, pinsan. Ano ba ang mga 'yan?" usisa niya sa bag na dala.
Sa halip na sagutin siya ng pinsan binuksan nito ang bag, halos nanlaki ang mata ni Steven sa nakita. Bugkos-bugkos na pera ang laman nito.
"Oh, shod mo dahil maayos ka magtrabaho," saad ng pinsan niya.
Dala ng pangangailangan tinanggap 'yon ni Steven, para pambayad kay Aling Corazon. Natatakot itong mapahamak ang kapatid sa kamay ng matanda. Pagkakuha sa pera agad itong nagpaalam sa pinsan.
"Oh, bata shot muna. Pampatibay ng loob," wika ng lalaki kay Steven. Isa sa barkada ng pinsan nadaanan niya ang mga ito na nag-iinuman sa terrace.
Agad nagpaunlak si Steven tinanggap ang baso. Hindi dahil takot siya sa mga ito, kun 'di respeto niya para sa pinsan.
"Mauna na ako sa inyo. Baka hinahanap na ako sa amin," nakangiting paalam niya sa mga ito.
"Sige umuwi ka na baka mapalo ka pa ng ina mo."
"Ingat ka riyan, tingin sa paligid baka may kalaban,"
Hindi na pinansin ni Steven ang mga lalaki agad lumabas ng gate at walang lingon-lingon nilisan ang bahay ng pinsan. Pagkarating sa bahay agad ibinigay sa ina ang pera.
"Saan galing ang pera na ito, Steven?" tanong ni Aling Elena.
"Hiniram ko po kay Goryo." mahina nitong sagot sa ina.
"Tapatin mo nga ako Steven. Kanino nanggaling itong pera, 'di ka basta-basta pahihiramin ng pinsan mo. Kung wala siyang pakinabang sa 'yo!" bulyaw nito sa anak.
"Nagtrabaho po ako kay Goryo, sahod ko po iyan," turan niya sa ina habang umiinom ng tubig. Bigla itong nauhaw ng bulyawan ng ina.
"Ano'ng klaseng trabaho? Magbinta ng ipinagbabawal na gamot. Gano'n ba Steven?" usisa ng ina sa anak.
"Inay naman gusto n'yo bang mapahamak si Monalisa sa matandang 'yon," saad ni Steven sa ina.
"Paano kung ikaw ang mapahamak?" tanong ng ina niya. Nag-unahan na ang mga luha sa pagtulo, kung may magagawa lamang sana siya sa kanilang problema 'di sana gumawa ng hakbang ang anak na ikakapahamak nito.
Ipanatag n'yo ang inyong kalooban walang masamang mangyayari sa 'kin. Isa pa hindi ko na po ulit 'yon gagawin. Pangako po," nakangiting saad nito sa ina at saka niyakap.
Kinabukasan maaga pa lang hinatid na agad ni Aling Elena ang bayad sa bahay, para sa kanya ayaw na niyang patagalin ang bagay na 'yon sa kanilang bahay. Samantala abot hanggang tainga ang mga ngiti ni Corazon ng mahawakan ang pera, halos sambahin niya ito. Agad itong nagpasalamat at umalis, 'di na hinintay ang sagot ng matanda total naman abala ito sa pabibilang.
Lumipas ang maghapon tahimik lang ang mag-anak sa loob ng bahay kuntinto na sila kung ano ang meron sa kanila. Habang nanonood ng tv, biglang may kumatok sa kanilang pintuan. Agad tinungo ito ni Steven.
"Bakit?" tanong niya.
"Pinapatawag ka ni Goryo." mahina nitong sagot.
Nagulat naman si Steven. "Bakit raw?"
"Hindi ko alam, aalis na ako. Sumunod ka na lang,"
"Sige,"
Pagkaalis ng lalaki agad pumasok si Steven sa loob para magpaalam sa magulang. Sangkatutak na paliwanag ang ginawa nito para payagan ng ina. Bitbit ang jacket lumabas ito ng bahay at saka tinungo ang bahay ng pinsan.
"Pinapatawag mo raw ako. May kailangan ka?" tanong nito sa pinsan.
"Isasama kita sa Montalban may shipment kami roon. H'wag kang tumanggi parte ka na ng grupo ko," mariin nitong sambit kay Steven sabay pakita ng baril na nakasabit sa bewang.
Wala namang nagawa si Steven kun 'di ang pumayag sa gusto ng pinsan, kaysa mapahamak siya.
"Maghanda ka at aalis na tayo. Kung may alaga kang daga, diyan sa dibdib mo. Ngayon pa lang patayin mo na 'di makakatulong 'yan sa 'yo," mariing wika ni Goryo.
"First time boss, kaya dinadaga ang dibdib," saad na biro ng kasamahan nila.
"Hayaan n'yo baka sa susunod marunong na akong pumatay ng daga," gigil nitong saad habang ang kamay nakakuyom na para bang handang manakit.
"Tama na 'yan. Let's go!" sigaw ni Goryo sa mga ito.