bc

The Bodyguard Series 4: My Lucky Charm

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
arrogant
sweet
bxg
office/work place
childhood crush
musclebear
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Never been touch. Never been kiss. No girlfriend since birth. Iyan si Drickson Mitch Soriano o mas kilala sa tawag na Dante. Dahil sa pangako niya sa magulang ni Bryan Mondragon, ay nawala sa isipan niya ang magkaroon ng lovelife. Ni hindi niya naranasang manligaw o tumingin man lang sa mga kalahi ni Eba. Pero dahil sa kapilyahan ni Kate, naging chatmate niya ang katrabaho nitong si Noby Rose Arcega, na isang nurse at nakabase sa London. Na noon ay nagdadalamhati ang dalaga dahil sa panloloko ng boyfriend nitong afam. Babaeng sawi sa pag-ibig at lalaking walang karanasan pagdating sa pag-ibig. Paano kung pagtagpuin sila ng kapalaran? Ano’ng kapalaran ang naghihintay sa kanilang lovelife? Mabubuo ba ni Dante ang wasak na puso ni Noby Rose?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGISING ako sa kalabog na nagmula sa kusina. Dali-dali akong bumangon at hindi na nag-abalang tingnan ang sarili o ayusin man lang. Mas nanaig sa akin ang kalabog na iyon at takot. Paglabas ko ng aking kuwarto. Nakita ko si Nanay may hawak na kutsilyo. Dahil nakatalikod siya sa akin, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Agad ko siyang nilapitan at tiningnan ang ginagawa niya. “’Nay, huwag n’yo pong gawin ’yan. Please maawa naman kayo sa akin. Paano na lang ako kung pati kayo mawawala sa akin?” Pakiusap ko kay Nanay. Nakita ko kasi na hihiwain na naman niya ang kanyang pulsuhan. Magpapakamatay naman ito. Hindi ko na mabilang ko ilang beses na niya iyon ginawa. Sa tuwina lagi ko siyang naiisalba kay Kamatayan. Na-depress si Nanay no’ng iwan kami ng Tatay kong foriegner at kinuha pa ang kapatid kong babae. Hindi namin alam kung saan siya nakatira. Kuwento lang ni Nanay nagkilala lang sila ni Tatay sa pinapasukang kompanya. Secretary ang Nanay habang ang Tatay ay isang investor do’n. Tapos niligawan daw siya ni Tatay at nagsama sila sa isang bubong. Hanggang sa nabuo kami dalawa ng aking kapatid na si Shiena. Kinse anyos ako nang magsimulang mag-away ang magulang ko. Narinig ko noon na madalas nilang pag-awayan ang pera. Unti-unti kasing nalulong si Tatay sa pagka-casino at naubos ang in-invest nitong pera sa kompanya na pinagtrarabahohan ni Nanay. Halos si Nanay ang bumuhay sa aming lahat. Mabait si Nanay, masipag, mapagmahal, at higit sa lahat maunawain. Hanggang isang araw bigla na lang kaming nilayasan ni Tatay kasama si Aihenna. Kaya simula no’n naging depress si Nanay at napabayaan ang kanyang trabaho. Kaya sa murang edad ko. Ako na ang nag-trabaho. Kahit ano’ng trabaho basta marangal pinapasok ko. Para lang maka-survive kami ni Nanay sa buhay. “Anak, hindi ko na talaga kaya. Kapag nagpatuloy ako sa buhay ko. Pakiramdam ko mababaliw ako anak.” “Huwag n’yo pong sabihin ’yan. Nandito pa ako. Pangako, hahanapin ko si Aihenna. Magpapatulong ako kay Sir Francisco, ’nay.” Si Sir Francisco ay boss ni Nanay. No’ng nalaman niya ang nangyari kay Nanay, kinupkop niya kami at pinag-aral ako. Ngayon nakatira kami sa mansyon niya. May sarili kaming bahay ni Nanay, sa likod ng mansyon. “Nawawalan na ako ng pag-asa na makita muli si Aihenna. Sa tuwing naiisip ko ang kapatid mo. Pakiramdam ko wala akong kuwentang ina. Dahil pinabayaan ko siyang kunin sa akin ni Mitchell. Sana pumayag na lang ako na sumama tayo sa kanila.” Awang-awa talaga ako kay Nanay. Malaki ang epekto ng ginawa sa kanya ng Mitchell na iyon sa amin. Kaya ipinapangako ko sa aking sarili, hahanapini ko siya at kukunin sa kanya si Aihenna. Itinayo ko si Nanay at inakay papuntang sala. Pinaupo ko siya sa sofa at sandaling nagpaalam para kunan siya ng tubig. Bumalik ako sa aming kusina. Kumuha ako ng baso sa lalagyan at nilagyan iyon ng tubig. Dala ang basong may tubig, bumalik ako kay Nanay. “Maraming salamat, anak. Pasensya ka na kay Nanay. Pati ikaw nadadamay sa aking kadramahan. Siguro naiinis ka na sa akin? Kasi wala akong ginawa kung hindi bigyan ka ng problema.” Naupo ako sa tabi ni Nanay at niyakap ko ito. Wala akong naramdamang inis kay Nanay. Hanggat kaya ko aalagaan ko siya. Magtratrabaho ako para matupad ko ang gusto ni Nanay. “Huwag n’yong isipin ’yan. Hindi kayo pabigat sa akin. Mahal na mahal ko kayo. Mas masasaktan po ako kapag pinabayaan ninyo ang inyong sarili. Tayo na lang dalawa ang magkakami, ’nay. Kaya tatagan n’yo inyong loob.” No’ng naging maayos si Nanay at kalmado. Iniwan ko siya sa sala at bumalik ako sa kusina. Niligpit ko doon ang lahat na bagay na matatalim. Inilagay ko iyon sa isang lalagyan at dinala sa likod bahay. Kung saan naroon ang aming washing area. May isang cabinet doon na hindi na ginagamit. Doon ko inilagay at ini-lock iyon. Natatakot ako sa anomang mangyari kay Nanay. Siya na lang ang mayroon ako. Kaya mamahalin ko siya at iingatan. Bandang hapon lumabas ako ng bahay. Pinapapunta kasi ako ni Sir Francisco sa mansyon. Para samahan ang anak niyang si Bryan. Magka-edad lang kaming dalawa. Tulad ng kanyang ama mabait din si Bryan. Actually lahat ng anak ni Sir Francisco mababait pati si Ma’am Francia. “Samahan mo ako sa mall. May bibilhin lang akong project at saka mag-bar hopping naman tayo. Nabo-bored na ako dito sa bahay.” Pahayag ni Bryan sa akin. Agad nitong iniabot sa akin ang susi ng kanyang sports car. Sandali pa at palabas na kami sa subdivision nila. Kapag kasama ko si Bryan wala akong takot at pangamba sa aking sarili. Dahil sa pera kaya niyang gawin ang mga bagay na imposible at kaya nitong pasunudin ang isang tao. Iba talaga ang nagagawa kapag maraming pera ang isang tao. “Hindi ba tayo hahanapin ni Ma’am Francia? Baka madamay na naman ako sa kalokohan mo ha. Alam mo naman ang kalagayan ni Nanay.” Sabi ko kay Bryan. Huminto kami saglit dahil sa traffic. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang traffic. Parang gusto kong ihalintulad ang traffic sa buhay namin ni Nanay. Umuusad pero muling babagsak. Parang walang katapusang lakaran. Kung saan patungo hindi ko alam. “Wala sila Mama at Papa. May business meeting sila sa Singapore. Tatlong araw sila doon, kaya free tayong maglibang.” Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Bryan. Nakawala na naman ito sa manipulasyon ni Sir Francisco. Kapag nandiyan kasi ang magulang nito ay halos hindi ito makalabas. School at bahay lang talaga. Napakahigpit ni Sir Francisco at walang sumusuway sa kanya. Maging ako takot din sa kanya. Kaya talagang nag-aaral ako ng maayos, para kahit papaano magantihan ko ang kabutihan nila sa amin ni Nanay. Maya-maya pa at umusad na rin ang mga sasakyan. Miniobra ko na rin ang aming sasakyan at nagtuloy-tuloy sa aming pupuntahan. “Ano ba kasi ang bibilhin mo?” Nasa loob na kami ng isa sa mga sikat na mall dito Quezon City at kasalukuyang naglalakad sa hallway kasama si Bryan. Hindi ako sinagot nito. Kasi busy-ng-busy na naman ang kamay nito sa kanyang cellphone at palinga-linga rin sa paligid. Tila may hinahanap. Sandali pa at pumasok kami sa isang kilalang bookstore. “Mamili ka na ng gusto mong libro. Ako na ang bahalang magbayad.” “Huwag na. May binigay namang allowance sa akin ang Papa mo, para sa mga libro ko. ’Yon na lang ang gagamitin ko.” Ngumiti si Bryan sa akin at magaan akong tinapik sa balikat. Mabuti pa siya at walang kaproblema-problema pagdating sa pera. “Itago mo na lang ’yan. Para may panggastos ka kay Nanay Dolly. Teka nga pala. Hindi ba nag-alok si Dos, sa iyo na ipatingin sa pyschriatist si Nanay Dolly? Ano’ng nangyari? Ayaw ba niya?” Malungkot kong tiningnan si Bryan. Nang araw na iyon na sabihin ko kay Nanay ang balak ni Dos ay inaway niya ako. Katuwiran niya hindi daw siya baliw. Nagalit pa siya sa akin at sinabihan niya na ako ang baliw at hindi siya. Kahit ano’ng paliwanag ko sa kanya ay hindi siya nakinig. “Okay lang ’yan. Malay mo kapag nakita natin si Aihenna, bumalik ang sigla ni Nanay Dolly.” “Magdilang anghel ka sana, Boss. Kita mo naman kung gaano ako nahihirapan sa kanya. Ngunit hindi ko siya susukuan, hanggat hindi ko nakikita si Aihenna.” Isang magaang tapik muli sa balikat ang natanggap ko kay Bryan. Bago siya nagpaalam sa akin na may katatagpuing babae dito sa mall. Ibinigay pa niya sa akin ang isa sa mga atm niya. Sinabihan pa nga nito, na puwede kong ubusin ang laman no’n. Basta’t huwqg ko lang daw siya i-report kay Sir Francisco. Hindi kasi puwedeng umibig or makipag-date si Bryan sa mga babaeng walang pahintulot ng ama. Puwera lang kung mismong magulang nito ang magsabi at bukod doon ipinagkakasundo rin sila sa mga babaeng anak ng mga business partner ng mga ito. Nang makalabas si Bryan sa bookstore. Agad kong tinungo ang mga libro na may kaugnayan sa aking kurso, ang business ads. Kumuha ako ng dalawang libro, na alam kong makakatulong iyon sa akin. Hindi ko rin nakalimutan na dumaan sa section ng mga card. Kumuha ako ng isa at saglit kong binabasa. Nang magustuhan ko ang mensaheng nakapaloob do’n ay kinuha ko iyon at nagtungo sa counter. Habang nakapila ako sa counter. Biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Dinukot ko iyon sa aking bulsa at tiningnan. Mensahe mula kay Bryan ang nabungaran ko sa wallpaper. Boss Bryan ‘Mag-taxi ka na lang pauwi. Pasensya ka na at napasarap ang kuwentuhan namin ni Katrina. Hindi ka na namin nahintay, nauna na kaming lumabas.’ Ngumisi ako habang nag-ta-type ng aking sagot. Pambihira talaga itong si Bryan. Parang nagpapalit lang ng kanyang damit. Kung magpalit ng babae. Ako ‘Sige enjoy lang. Huwag kalimutang gumamit ng lobo. Baka mapaaga pagiging Tatay mo.’ Matapos kong i-send ang mensahe. Muli kong ibinalik ang cellphone sa aking bulsa at inilapag sa harap ng cashier ang aking pinamili. Hindi rin ako nagtagal sa mall na iyon at agad akong umuwi. Nami-miss ko si Nanay. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mansyon ng mga Mondragon. Nang makita ako ni Kuya Rolly agad niya akong pinagbuksan ng gate. Nagpasalamat ako dito at tumuloy na sa aming bahay. Naabutan ko pa si Nanay na nanonood ng kanyang paboritong teleserye sa tv. Binati ko siya at mabilis na nagmano. Kasabay no’n ibinigay ko sa kanya ang card. Nakangiti si Nanay habang binabasa ang mensahe sa card. Maya-maya lang niyakap ako ni Nanay. “Oh, ang aking Dante. Napaka-sweet naman.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.5K
bc

His Obsession

read
87.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook