bc

The Bodyguard Series 2: The Soldier Arms

book_age18+
1.6K
FOLLOW
14.2K
READ
family
arrogant
goodgirl
sweet
bxg
office/work place
small town
friendship
punishment
like
intro-logo
Blurb

Cristina Marie Sandoval. Dalawampu’t tatlong taong gulang. Maagang nawalan ng mga magulang kung kaya’t naging responsibilidad niya ang dalawang nakababatang kapatid. Basta usapang raket, wala siyang inaatrasan, maliban na lamang noong siya’y ipagkasundo ng kanyang tiyahin sa isang matandang-mayaman na naging dahilan ng kanyang pagtakas mula rito.

Sa pagtanggap niya sa bagong trabaho bilang katulong, makikilala niya guwapo, matikas, at ubod ng yabang na bodyguard ng kanyang amo na si Cris Michael dela Torre. Dalawampu’t anim na taong gulang at dating sundalo. Dahil sa kagagawan ng isang taong hindi niya kilala ay nawala sa kanya ang pinakaiingatang trabaho at pangarap. Nagsimula ang lahat sa isang tuksuhan hanggang nauwi sa mainit at totohanang relasyon. Kasabay niyon ang pagkakabunyag ni Michael sa totoong pagkatao ng dalaga na may koneksiyon sa pagkawala niya sa serbisyo—kasabwat ang dalaga sa pagframe-up sa kaniya.

Anong kapalarang ang naghihintay sa dalawa? Mapatatawad kaya ni Michael si Cristina? Pag-ibig o pangarap? Ano kaya ang handa nilang isakripisyo sa dalawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue  Mamburao, Occidental Mindoro. DAHIL sa nalalapit ng eleksyon sa lugar, nagsanib puwersa ang mga kapulisan at sundalo upang bantayan ang mga daan sa bayan ng Poblacion upang masigurong ligtas sa kapahamakan ang mga mamayan. Bente-kuwatro oras ang pagbabantay sa mga sasakyang lalabas at papasok sa siyudad. Naglabas din ng memo ang munisipyo na walang gagamit ng baril o gun ban kung tawagin maliban sa mga kapulisan at mga sundalo. Pansamantla ring ipinatigil ang pagbebenta ng mga alak at mga inuming nakakalasing sa mga tindahan at maging sa malalaking grocery. Alas singko ng hapon nang iparada ni Michael ang isang military vihecle sa gilid ng highway kasama ang mga kaibigan at tatlong kasamahan sa army. Sila ang naatasan magbantay ngayong gabi sa pinakabungad na daan ng Poblacion. Nang masigurong maayos niyang nai-park ang owner ay agad silang bumaba at na nakasukbit sa mga katawan nila ang kanilang mga baril. Kunting usap at check sa logbook saka agad ring umalis ang limang sundalo na pang-umaga. Agad pumuwesto ang tatlong magkakaibigan sa harapan habang ang tatlo ay nasa likod na magkahiwalay. “Pare, kinakabahan ako. Mukhang may mangyayaring hindi maganda ngayong gabi,” pahayag ni Calixto habang yakap ang baril na nakasukbit sa balikat. Ngumisi si Romano habang nakatanaw sa paparating na bus. “Bakit, p’re nagbaon ka ba ng daga?” “Tarant*do!” sigaw ni Calixto. Mabilis nilang nilapitan ang bus at nakipag-usap ng maayos sa driver. “Magandang gabi po sa inyong lahat. Pasensya na po sa abala, kunting check lang po. Palabas na lang po ng mga ID,” pahayag ni Romano sa mga pasahero habang si Calixto nama’y nakikipag-usap sa driver at konduktor, ipinapaliwanag niya ang bagong kautusan sa lugar. Nang makita ni Calixto na busy ang mga pasahero sa pagkuha ng mga ID naghintay siya ng ilang sandali. Limang minuto ang nakalipas agad niyang inisa-isa ang mga tao sa bus. Sa kabilang side naman ay si Romano ang tumingin. Maya-maya pa ay masayang nagpaalam ang dalawa. “Pasensya na po sa abala. Maraming salamat po.” Si Calixto. Pagkababa ng dalawa agad pinaandar ng driver ang bus at  agad silang bumalik sa kanilang mga puwesto. “Kumusta, p’re?” tanong ni Romano kay Michael na abala sa pag-takenote sa kanilang logbook. Iniangat ni Michael ang paningin. “Okay lang. Hindi ako kampante sa sagot ng driver ng dyip kanina kaya kinuha ko ang plate number, upang aksyunan kaagad kung sakali.” “Bakit p’re? Ano’ng sagot?” singit ni Calixto. “Tinanong ko kasi kung ano ang karga niya. Sinagot ako ng pabalang at saka may takot siya nang nilapitan ko. Tiningnan ko ang loob, mga gulay ang karga pero malaki ang hinala ko roon,” seryosong pahayag ni Michael sa mga kasamahan at saka muling binalikan ang ginagawa. Samantala, galit na galit si Timoteo sa loob ng isang van na ’di kalayuan sa tropa ng mga sundalo. Nang makita niyang may check point na naman nagalit siya dahil mas’yado nang na abala ang oras niya gawa ng mga inspeksyon. Simula kanina nang tumuntong siya sa Mindoro, ilang check point na ang hinintuan nila kaya nag-iinit ang kanyang ulo. Himas ang sentido habang nag-iisip. Paano kung ma-late ako sa kanyang katransaksyon ko? Nakaligtas nga siya sa tatlong bantay sa unahan ng siyudad. Baka sa pang-apat ’di na niya kayang ilusot ang mga dalang kargamento. Lalong sumasakit ang ulo niya sa isiping ’yon. “Buwisit! Check point na naman!” mariin niyang pahayag sa mga tauhan. “Magsihanda kayo! Dating gawi, kapag pumalag barilin n’yo agad. Maliwanag?” “Yes, boss!” sabay-sabay na sagot ng mga lalaki. Dahan-dahang itinabi ng driver ni Timoteo ang kanilang van sa gilid para ’di makaabala sa ibang sasakyan. Agad lumapit magkakaibigang sundalo at bumati. “Magandang gabi, mga bossing,” bati ni Michael. “Check point lang boss.” Ibinaba ni Timoteo ang salamin ng bintana at saka ngumiti sa tropa. “Magandang gabi rin. Sige lang.” “Bossing, pabukas na lang ng pintuan sa likod,” mahinahong utos ni Calixto. Himas ang baril na nakasukbit sa balikat, talagang handa siya sa ano mang mangyari dahil kanina pa siya kinakabahan. “Buksan mo!” mariin niyang utos sa kanyang driver. “Salamat, bossing.” Sumaludo pa si Calixto na tila nakikipaglaro kay Timoteo. Agad pinuntahan ni Michael at Calixto ang likod ng van at maingat na itinaas ang pintuan. Bumungad sa kanila ang mga karton na naka-sealed ng packing tape ang palibot nito. Bahagyang nilapitan ng binata ang mga karton at saka sinimulang tingnan ang mga ito. Ininpeksyon rin niya ang mga gilid ng van nang walang makita. Sabay nilang isinara ang pintuan at tinungo ang harapan. “Boss, ID. Pwedeng makita?” tanong ni Michael. Kitang-kita nila ang pagpalit ng awra ni Timoteo matalim silang tiningnan na para bang nagbabanta. Ngunit ’di nagpakita ng takot ang dalawa, bagkus mas lalo nilang pinursige ang lalaki na magpakita ng ID. “Nakaaabala na kayo ng tao, alam n’yo ba ’yon!” galit niyang sabi. Hindi niya napigilang magtaas ng boses. Ngumiti si Michael pilit na pinapakalma si Timoteo. “Pasesya, na boss. Ginagawa lang namin ang aming tungkulin.” Isang mapang- insultong ngisi ang ibinigay ni Timoteo sa dalawa at tumawa. “Tungkulin ba kamo? Eh, pera lang ang katapat ng tungkulin ninyo!” Nagpanting ang tainga ng magkaibigan sa naging pahayag  ni Timoteo agad itinaas ni Calixto ang baril. “G*go ka pala, eh. Ibahin mo kami sa nakilala mo!” “Ano babarilin mo ako? Sige, putok mo!” Mabilis na bumaba ng van si Timoteo at itinaas pa ang dalawang kamay na tila hinahamon si Calixto. “Huwag mo akong demonyohin! Baka bukas pagpiyestahan ka ng mga kapwa mo oud sa lupa na pilit sumisira sa reputasyon ng mga sundalo!” matapang na sabi ni Calixto. Hindi ito nag-abalang ibaba ang baril. Muling tumawa si Timoteo. “Duwag ka naman pala, eh! Hindi mo kayang iputok ’yan, matatapang lang kayo dahil sa uniform n’yo. Pero ang totoo takot rin kayong pumatay!” ”Oo, hindi namin kayang pumatay ng walang sapat na rason. Pero heto kaya kung gawin.” sabay suntok nito sa panga niya. Sa lakas niyon ay napabaling pa ang ulo nito. Gaganti sana ito ngunit mas mabilis si Michael na kaagad  itinutok ang kanyang baril. “Umalis na kayo! Baka ’di ako makapagpigil at mapatay pa kita!” bulyaw ni Michael. “May araw din kayo sa ’kin!” Bago sumakay ng van isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa dalawa at saka pinaharurot ’yon palayo sa lugar. Pagkaalis ng van agad bumalik ang magkaibigan sa kanilang puwesto. “Ano’ng nangyari, mukhang may shooting kayo kanina roon ah?” kantiyaw ni Romano sa dalawa habang hawak ang flaslight dahil papagabi na kaya inihanda na niya ang mga gamit nila. Uminom ng tubig si Michael sa dala nilang water jug. Napaupo naman si Calixto. Pakiramdam niya napagod siya sa pakikipag-agrumento kay Timoteo. Bago uminom inabutan muna niya ang kaibigan ng tubig. Matapos ’yon ay agad silang bumalik sa kanilang trabaho. Hanggang sumapit ang umaga at nakauwi sa mga kani-kanilang bahay ay walang masamang nangyari sa magkakaibigan. Pagsapit ng hapon kinabukasan muling nag-report ang tatlo sa kanilang hepe bago pumunta sa kanilang duty. “Come in!” mahinang sigaw ng kanilang hepe. Nang makarinig siya ng katok sa pintuan. Pagbukas ng pintuan agad sumaludo ang tatlo sa kanilang hepe. “Sir, report on duty, Sir!” Gumanti si Chief Torralba ng saludo sa magkakaibigan. “Upo kayo,” alok ni Chief Torralba sa tatlo. “Salamat po, sir,” magalang na turan ni Michael. May kinuhang folder si Chief Toralba sa kanyang drawer at ibinigay sa tatlo. “Bueno, ’di na ako magpaligoy-ligoy pa. Nakatanggap ako kanina ng tawag mula sa taong ’di nagpakilala. Mamayang alas-dyes raw ay may magaganap na transakyon sa lumang bodega sa Santa Catalina. Kayong tatlo ang inatasan kong magbantay sa lugar. Kapag totoo nga ang report, tumawag agad kayo para sa back-up,” paliwanag ni Chief Toralba. Umiling si Michael. “Paano po ang trabaho namin?” “May ipinadala na akong ibang magbabantay roon.” “Kung gano’n, Sir ay aalis na kami.” Tumayo ang tatlo at nagsaludo. “Sige, mag-iingat kayo.” Ginantihan niya ng saludo ang tatlo. Sakay ng isang military vihecle agad umalis ang tatlo dahil kung ’di sila aalis ng maaga sa Poblacion ay baka wala na silang abutan. Mahigit kumulang apat na oras din ang lalakbayin nila bago marating ang Santa Catalina. SA KABILANG BANDA nagmamadali ang bawat kilos ng  apat na tao sa loob ng isang lumang bodega, kasama sa apat na iyon si Cristina. Halos ayaw nilang makalikha ng anumang ingay sa nila. Kung titingnan ang paligid, perpekto at makatotohanan ang pagkakagawa nila. Ngunit sa isang sulok halos ’di magkandaugaga ang kasama nila. Nanginginig ang katawan niya at dagdagan pa ng kanyang puso na dumadagundong sa kaba na parang isang bulkan na anumang oras ay sasabog. Kung ’di lang sana niya kailangang na kailangan ang pera hindi niya tatanggapin ang trabahong ito. Isa pa sa kinatatakutan niya ay ang kanyang Tiyahin, dahil katakot-takot na namang sermon ang aabutin niya kapag wala siyang maibigay na pera dito. Pangalawa naman ang kanyang kapatid, pasukan naman at kailangan niya ng pambili ng mga gamit sa eskuwela ng mga ito. “Ano ba? Hanggang ngayon hindi pa rin kayo tapos sa trabaho ninyo! Bilisan n’yo naman, sayang ang ibabayad ko sa inyo!” bulyaw ng lalaki sa  kanila halos sakupin ng boses nito ang bawat sulok ng bodega. Mas lalo siyang nataranta ng marinig ang bulyaw ng lalaki na nag-utos kanila. Minadali niya ang ginagaw saka mabilis lumabas ng bodega, ngunit nagtaka siya naiwan ang sa loob ang isa nilang kasama. “Kuya Salome, halika ka na!” sigaw niya sa kasama. “Sige mauna na kayo. Susunod ako!” sigaw ni Salome. Ngunit nagtaka siya ng pumasok ang lalaki sa loob ng bodega at lumapit kay Salome sabay hampas ng baril sa batok nito. “Kuya Salome!” malakas niyang sigaw. Nang makitang bumulagta sa semento ang katawan ni Salome. “Magsialis na kayo. Alis na!” galit na sigaw ng lalaki. Agad siyang hinila ng mga kasamahan patungo sa likod ng bodega. SAMANTALA, sila Michael naman ay nakarating na sa lumang bodega na nasa Santa Catalina makaraan ang apat na oras. Nagtaka si Michael kung bakit napakatahimik ng paligid. Agad nilang inihanda ang sarili para pasukin ang loob nito. Dahan-dahang binuksan ni Romano ang may kalakihang gate na yari sa bakal. Naging maingat at alisto habang naglalakad sa loob ng compound ang tatlo. Nang marating ang unang pintuan ng bodega, mabilis nilang inihanda ang kanilang mga baril. Nagbilang ng hanggang tatlo si Calixto sabay tadyak sa pintuan. Mas lalong nagtaka ang tatlo dahil wala namang kakaibang naganap roon. Sa pangunguna ni Michael pinasok nila ang loob ng bodega. Muntik pang sumigaw si Romano ng tamaan ng kanyang lazer, na nakakabit sa kanyang Assault Rifles, ang bangkay na nakabulagta sa isang sulok. Mabilis niya itong nilapitan at saka sinuri. “Pare, frame-up ’to!!” malakas na sigaw ni Michael. Halos magkagulo silang tatlo ng masilayan ang bungkos na salapi, mga nagkalat na ipinagbabawal na gamot at ang mga ’di kalibreng baril. “F*cking sh*t! Na- frime-up tayo!” malakas na sigaw ni Calixto halos magwala siya sa loob ng bodega. “Tara na! Sibat na tayo!” yaya ni Romano sa mga kaibigan. Hindi pa man sila nakakahakbang nang biglang may nahulog na isang mula sa ikalawang palapag ng bodega. Kasabay no’n naging puro usok ang paligid nito. SA hindi kalayuan, isang anino ang masayang-masaya habang pinagmamasdan ang buong paligid ng lumang bodega. “Nagkamali kayo ng binangga,” aabay tawa niya na parang isang demonyo at saka nilisan ang lugar na ’yon na parang walang nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
309.7K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.5K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.1K
bc

EASY MONEY

read
178.3K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

YOU'RE MINE

read
900.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook