bc

The Mafia Secret Lover

book_age18+
41
FOLLOW
1K
READ
HE
badboy
goodgirl
powerful
mafia
sweet
bxg
childhood crush
musclebear
civilian
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa nangyaring kaguluhan sa hanay ng mga Mafia sa bansa. Napilitang itago ni Hector del Blanco ang anak na si Joker del Blanco sa kanyang mga kalaban. Inihabilin niya ito sa kanyang matalik na kaibigan na si Antonio Vegas isang barangay captain. Bumalik siya sa El Shadow Organization upang sugpuin ang mga kalabang mafia. Ngunit sa kasiwiaang palad nahuli siya ng mga pulis at ikinulong sa sikretong hideout. Ngunit hindi pa rin natatapos ang pakikipaglaban niya sa mga ito. Dahil kahit sa loob ng kulungan ay hindi siya pinatatahimik ng mga mafia. Nais ng kanyang mga kalaban na makuha ang anak niya at gawing bagong lider ng organization. Nang mabalitaan iyon ni Joker walang pag-alinlangan niyang tinanggap ang pagiging lider ng El Shadow Organization. Dahil kapalit no’n ang kalayaan ng ama.

Maagapan ba ni Riana Jhane Vegas ang pagiging isang barumbado at masungit ni Joker? Paano kung alukin siya ni Joker maging secret lover nito? Kapalit ang pagbabago nang binata. Tatanggapin kaya niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MAINGAY, mausok, at halos napuno ng mga maiimpluwensya at kilalang tao ang buong ground nang El Shadow Organization. Halos wala ring pahinga ang mga waiter sa pagse-serve ng alak, pagkain, at kung ano-ano pa sa mga bisita. Nagkalat din sa boung lugar ang mga men in black na hawak ang di kalibreng baril at mataman na nakabantay sa paligid. Hindi lang ’yon nagkalat din ang mga seksing babae na kung tawagin nila ay escort girl. Ilang sandali pa at magkasabay na lumapag sa malawak na ground ang limang helicopter. Maya-maya pa lumabas ang sakay no’n at tinungo ang kasiyahan. “Maligayang pagdating kumpadre,” bati ni Hector sa bagong dating na si Mr. Jonathan Gahablii na siyang namumuno sa organization nila sa buong kamaynilaan. Ngumiti ang lalaki at inikot ang paningin sa paligid. “Mukhang na-late ’ata ang dating namin?” “Hindi, kumpadre. Nagkakasayahan lang ang ating mga bisita. Alam mo namang importante sa ating lahat ang pagtitipong ito. Kaya hanggat wala ka hindi ito masisimulan.” Tumawa ng pagak si Jonathan saka inakbayan si Hector at naglakad sila papuntang bulwagan. “‘Yan ang gusto ko sa iyo kumpadre, hanggang ngayon kapakanan pa rin nang iba ang iyong inaalala. Saludo ako sa iyo.” Nagpatianod na lamang si Hector kay Jonathan. Batid niya kung gaano karumi maglaro ang kaibigan. Ngunit magkagano’n pa man wala pa naman silang pinag-awayan nito. Bago nila sinimulan ang kasiyahamg iyon. Tinungo muna nila ang bagong tayong building sa pinakagitna ng ground. Kasama ang mga maiimpluwensyang tao at pari. Inikot at pina-blessing-an nila ang buong pasilidad ng gusali. Matapos ’yon pinalabas nila ang kasamang pari at tinungo nila ang ikalawang palapag. Halos malaglag ang panga ni Jonathan nang makita ang mga naka-display na baril. Hindi lang basta-basta iyon baril kung hindi halos ang matataas na uri ng armas ay naroon at nanggaling pa mismo sa bansang Russia. Hindi lang ’yon naroon din halos ang mga kagamitan tungkol sa pakikipaglaban o pakikipagdigmaan. Tulad nang katana na nakalagay pa sa isang cabinet na gawa sa salamin. “Ito ba ’yong pinadala ni Barouxx, na galing sa Japan?” tanong ni Jonathan habang hinihimas ang cabinet. Mariin din niya itong tinitigan na para bang gustong-gusto niyang makuha iyon. Lumapit si Hector sa kinaroroonan ni Jonathan. “Oo. Nakuha niya iyan sa bidding at pagkakaalam ko may istorya ang katanang ’yan. Ginamit daw ’yan ng isang hapon sa world war two st kung sino man ang gumamit nito ay magkakaroon ng pambihirang lakas sa labanan.” Isang ngising demonyo ang pinakawalan ni Jonathan sa kanyang mga labi at muling hinimas ang cabinet. “Tiyak magagapi natin ang ating kalaban, kapag nagamit natin aito. Ngayon pa lang nae-excited na akong gamitin ang katanang ito.” “Hindi ko rin tiyak kung papanig sa atin ang katanang ito.” Makalipas ang ilang sandali. Lumabas na sila sa gusaling iyon na pare-parehong masaya at hindi mabura-bura ang mga ngiti sa labi habang panaka-nakang nag-uusap patungong bulwagan. “Boss, dumating na po si Mr. Khan, hinihintay po kayo sa vip ...” maagap na bulong nang isang tauhan ni Jonathan sa kanya. Hinarap ni Jonathan si Hector at ang ibang kasapi ng organization. “Maiiwan ko muna kayo at kakauspin ko si Mr. Khan. Kumadre, ikaw muna ang bahala sa ating mga bisita,” paalam ni Hector. Hindi na hinintay ang sagot ng mga kasama at agad tumalikod para puntahan si Mr. Khan. Niyaya naman ni Hector ang mga kasama na tumungo sa isang lamesa. Pagkaupo nang pagkaupo nila agad silang pinutakte ng mga seksing babae at waiter na may dalang inumin saka pulutan. “Sure ka na ba Hector, sa plano mong pag-resign sa grupo? Alam mo naman ang patakaran ng organization, oras na tumiwalag ka kailangang may taong sasalo sa iyo. Sa bagay nandiyan naman ang anak mo at nasa tamang edad na si Joker,” sabi pa ng isang kasamahan nila. Si Leon Buenavista siya ang humahawak sa ilang lugar sa Mindanao. “Tama ka kumpadre. Kunting pratice lang at turo kay Joker, tiyak mas hihigitan ka pa niya at tingin ko rin nasa kanya ang potential na maging lider ng organization,” sagot naman ng isa pang lalaki. Si Thomas Crus naka-assign ito sa buong kabisayaan. Ngumiti ang katabing lalaki ni Hector na tila sinasang-ayunan ang mga sinasabi nang kasamahan sabay hithit sa tabako at nilagok ang alak na nasa baso. “Bueno, wala akong tutol kong si Joker, ang susunod na hihiranging lider ng El Shadow Organization. Mapapanatag ang loob ko kung ang papalit kay Hector ay nagmula sa angkan niya,” dagdag pa ni Zacharias Montreal siya ang hawak ng organization sa Thailand. Umiling-iling si Hector sa harap ng mga kasama at saka tinungga ang sariling alak. Balak na niyang mag-resign sa pagiging lider ng organization at mamuhay ng tahimik kasama ang pamilya sa malayong lugar. Buong buhay niya halos ginugol sa pagiging mafia pati sariling pamilya ay nakalimutan na niya. Kung hindi pa naghain ng divorce ang asawa sa korte ay ’di pa niya maaalala na may pamilyang naghhintay sa kanya. Ibinaba ni Hector ang baso ng alak at saka mataman niyang pinagmasdan ang mga bisitang nagkakasiyahan sa gitna ng bulwagan. “Alam na alam n’yo naman na ayaw kong madamay ang aking pamilya. Tama na ako na lamang ang masama, ayaw kong ipasa sa mga anak ko ang pagiging mafia. Kung kinakailangang ilayo ko sila sa lugar na ito gagawin ko, kahit pa magbuwis ako nang aking buhay,” matapang at seryoso niyang sagot sa mga kasamahan. Alam naman niya kung gaano ka-loyal ang mga ito sa kanya. Kaya hindi siya natatakot magbitaw ng salita. Naging tahimik naman ang mga kalalakihan sa kani-kanilang upuan. Mukhang nakikisimpatya sila sa magiging disesyon ni Hector ngayong gabi. Maya-maya pa ay may lumapit na men in black kay Hector binulungan nito ang lalaki. Matapos ’yon halos hindi maipinta ang mukha ni Hector sa galit. Napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan at hinarap ang men in balack. “f*****g s**t! Nasaan siya? Saan n’yo dinala?” galit niyang tanong dito. Halos gusto niya itong paulanan ng bala. “Nasa ikalawang palapag boss, nang bagong tayong building. Doon siya tumuloy kanina pagdating niya,” nakayukong sagot ng lalaki. Pagkarinig ni Hector agad niyang tinungo ang bagong tayong gusali. Hindi na rin niya nakuhang magpaalam sa mga kasamahan, mas mahalaga kanya ang kapakanan nang anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
178.3K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.1K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.5K
bc

Dangerous Spy

read
309.6K
bc

YOU'RE MINE

read
900.8K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook