Inulan ng kamalasan si Mira, namatay sa car accident ang kaniyang mga magulang at iniwanan siya ng maraming utang. Isa pang dagdag sa kaniyang pasanin ay ang malaking peklat sa kaniyang mukha na natamo niya mula sa aksidente. Halos tumira siya sa lansangan at magpalaboy, walang gustong tumanggap at magtiwala sa kaniya dahil sa kaniyang itsura. Ngunit, dumating ang isang lalake, kinupkop siya at inaruga. Binago nito ang buhay at buong pagkatao niya, hanggang sa hindi na niya makilala ang kaniyang sarili.
Si Dr.Damon Elizalde, ang kaniyang knight in shining armor.
Totoo nga bang ito ang tagapagligtas niya o ang kaniyang matinding kalaban? Paano kung ang lalaking pinakamamahal ay may nagawa pala sa kaniyang malaking kasalanan? Ano ang mas mananaig kay Mira, ang pagmamahal ba o pagkamuhi?
When Millie discovers she’s seriously ill, she asks her twin sister, Holy, to step into her life while she seeks a cure, keeping her condition a secret from her devoted husband, Gordon.
At first, Holy is against her sisters decision
but Millie is so eagered in trying to change her mind until she had no choice but to comply. She soon realized she was in California, stepping into Millie's world—a life she knows nothing about.
As she tries to keep up the act, Holy gets caught in a mix of secrets, love, and heartbreak.
Can she keep her sister's promise while dealing with her own feelings? And how long can she keep the truth hidden before it all falls apart?
Nang takasan ni Selena ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kaniya ay napadpad siya sa mansion ng masungit na biyudo na si Marcus McGregor. Sa kaniyang pagpapalit anyo ay napagkamalan siya na bagong yaya ng makulit at pilyo nitong anak na si Liam McGregor. Dahil walang ibang mapupuntahan ay pinangatawanan ni Selena na maging yaya ng anak ng bilyonaryong CEO. Wala siyang alam tungkol sa mga bata, at hindi niya gusto ang mga bata dahil naiirita siya sa kakulitan ng mga ito. Magawa ba niya ng maayos ang kaniyang trabaho bilang yaya? Makayanan ba niya ang kasungitan at kaarogantehan ng kaniyang biyudong amo? Matatakasan ba niya ng tuluyan ang nakatakda niyang kasal sa anak ng kaibigan ng kaniyang ama na si Hugo? Hanggang kailan kayang ipaglaban ni Selena ang kaniyang kalayaan na umibig at maikasal sa lalaking tunay niyang mahal? Magkakaroon na nga ba ng bagong ina si Liam?
Lumaking ulila si Mikaela Castro, noon pa man ay pinangarap na niyang magkaroon ng isang malaki at masayang pamilya. Ang pangarap niya ay unti-unti nang natutupad ng maikasal siya sa batang congressman na galing sa angkan ng mga politiko na si Blaine Montreal.
Si Blaine ang kaniyang first boyfriend ang kaniyang una sa lahat. Mahal na mahal niya ito at mataas ang respeto niya rito. Mahal na mahal din siya ni Blaine at gagawin nito ang lahat para maibigay lamang ang makapagpapaligaya sa kaniya. Ngunit, hindi niya inaasahan na ang labis na pagmamahal pala nito sa kaniya ay magdudulot ng isang malaking kasinungalingan.
Lingid kay Mikaela si Blaine ay walang kakayahang magka-anak. Ngunit, paanong nabuntis siya ng kaniyang asawa kung isa pala itong baog?
Ibinigay ni Jada ang buong buhay at pagmamahal niya sa asawang si Jacob, ngunit nagawa pa rin siya nitong lokohin ng paulit-ulit. Alang-alang sa kanilang anak ay pinagtiisan niya ang kalupitan nito, ngunit hanggang kailan ba siya magtitiis?
Dapat pa nga ba siyang manatili sa piling ng kaniyang asawa kung mayroon namang binatang lalaki na handang mag-alay ng tapat na pag-ibig sa kaniya sa katauhan ni Caleb?
Ano ang pipiliin ni Jada, ang pangarap na masaya at buong pamilya o ang lalaking ibibigay ang lahat ng makapagpapasaya sa kaniya?
Nasisante sa trabaho at nakipag-break sa boyfriend dahil nahuli niya ito sa akto na gumagawa ng milagro kasama ang ibang babae. Nangyari ang lahat ng kamalasan na iyon sa buhay ng 32 years old na si Alexandra Clemente sa loob lamang ng isang araw. Dahil sa labis na frustration ay naghanap siya ng makakusap at mahihingahan ng sama ng loob, dinala siya ng kaniyang mga paa sa bahay ng kaniyang wirdong pinsan na si Stella.
Sa pag aakalang tubig, aksidenteng nainom ni Alexa, ang kallos water na imbensiyon ng wirdong pinsan.
Ang kaniyang buhay ay nagbago nang isang iglap. Nang dahil sa mahiwagang tubig na iyon ay bumalik siya sa pagiging teenager. Mula sa pagiging dalagang lumagpas na ang edad sa kalendaryo, si Alexandra ngayon ay isa nang disinuebe anyos, na namumukadkad pa lamang bilang isang ganap na dalaga.
Noong una akala niya ay nagbibiro lang ang kaniyang pinsan ng sabihin nito na hindi totoong tubig ang nainom niya kung hindi isang kallos water. Ngunit, nagbago ang lahat pagmulat ng kaniyang mga mata.
Sa kaniyang paggising ay bumata siya ng labing tatlong taon at sa kaniyang pagiging bata ay aksidenteng nanalo siya sa isang contest. Dahil sa contest na 'yon ay nakikilala niya ang bente uno anyos at sikat na movie star na si Keith Almonte. Sa unang kita pa lang niya sa binata ay nabighani na siya sa kagwapuhan nito, ngunit, hindi niya magawang ibigin ito dahil masyado itong bata para sa kaniya at isa pa ay hindi maganda ang ugali ng sikat na movie star, masyado itong arogante at mayabang.
Kung kailan naman nagugustuhan na ni Alexa ang buhay teenager ay may malaking problema naman, dahil ang kallos water at ang pagiging bata niya ay may expiration.
"Tandaan mo Alexa, 60 days lang ang bisa ng kallos water na nainom mo. Pagkatapos ng 60 days ay babalik na ang lahat sa dati." Iyon ang mahigpit na bilin ng kaniyang pinsan.
Magagawa ba ni Alexa na mapanatiling bata ang kaniyang sarili at baguhin ang takbo ng kaniyang love life?
Social climber, goldigger, malandi, mang-aagaw, home wrecker. Ilan lang 'yan sa mga salitang natatanggap ng isang kabit na kagaya ni Eunice, ngunit wala siyang pakialam, manhid na siya sa mga ganuong klaseng katawagan.
It's true that she's only up for money, it's her way para matustusan ang mga luho niya. Ang pinakamadaling paraan na alam niya para magkaroon ng mga bagay na gusto niya ng walang kahirap-hirap ay ang makipagrelasyon sa matatandang mayaman. Wala sa kaniya kung may asawa man ito at maging kabit siya. Ang totoo ay mas gusto niyang nakikipagrelasyon sa mga lalaking mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya at may asawa na, kaysa sa binata pa. Para sa kaniya ay mas challenging iyon at mas nakakapagpapataas ng kompiyansya niya sa kaniyang sarili.Ngunit tila ba dumating ang karma ni Eunice. Nang makarelasyon niya ang business tycoon na si Emmanuel Montoya, ang dating magulo niyang buhay ay mas lalo pang gumulo. Galit na galit sa kaniya ang asawa at anak ni Emmanuel, dahil sa pagwasak niya sa masayang pamilya nito.
Si Joaquin ang nag-iisang anak ni Emmanuel, gagawin nito ang lahat para pasakitan si Eunice. Manaig pa kaya ang galit ni Joaquin kung unti-unti naman siyang nadadala sa mapang-akit na si Eunice? Magawa pa kaya niya ang maghiganti o kagaya ng kaniyang ama ay mahuhulog din siya sa karisma nito?
Hindi inakala ni Dani na mapapasok siya sa isang sitwasyon na mahirap takasan. Ang akala niyang magandang buhay na naghihintay sa kaniya sa Prague ay isa palang bangungot.
Niloko siya ng kaniyang recruiter at tinangay ang lahat ng kaniyang pera. Para maka survive ay tinggap niya ang alok ng bilyonaryong negosyante na si Lucas Lagdameo na tutulungan siya nitong makabalik ng bansa sa kondisyong magiging tagapag alaga siya ng anak nito. Alok na napakahirap tanggihan dahil ang katumbas nito ay malaking halaga ng salapi.
Kayanin kaya ni Dani na tumayong ina-inahan sa isang kapapanganak pa lamang na sanggol, sa kabila ng katotohanan na sa edad niyang bente singko ay ni hindi pa nga niya naranasan ang magkaroon ng boyfriend, dahil siya ay isang certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)?
Hanggang saan siya dadalhin ng kasunduang ito? Pera nga lang ba ang dahilan kung bakit siya nagtatagal sa buhay ng mag ama o dahil ba nagsusumigaw ang katotohanang mahal na niya ang mga ito at pinapangarap niya na sana ay maging tunay na lang silang pamilya?
Napangasawa ni Hannah ang mayamang negosyante na si Daxton Guillebeaux. Hindi maganda ang buhay niya sa piling nito dahil malupit si Daxton. Pinagmamalupitan siya nito. Isa siyang trophy wife kung ituring ng kaniyang asawa. Wala siyang kalayaan, lahat ng kilos at galaw niya ay naayon lamang sa kagustuhan nito.
Ang tanging nais lamang ni Hannah ay magmahal at mahalin, ngunit hindi niya maramdaman ang pagmamahal na iyon sa kaniyang asawa.
Mula sa siyam na taong paninirahan sa Espanya ay napagpasiyahan ni Cayden Frio na umuwi na ng bansa para makapiling ang kaniyang pamilya. Sa pagbalik niya ay hindi niya inaasahan na muli niyang makikita ang unang babae na kaniyang minahal. Si Hannah ang una niyang pag-ibig, ngunit hindi na malaya si Hannah.
Pareho nilang mahal ang isa't-isa, ngunit pinipigilan nila ang kanilang mga damdamin. Paano nila mapagtatagumpayan ang pag ibig na inaasam kung sa una pa lang ay mali na? Manaig kaya ang kanilang pagmamahalan kung marami ang hadlang?
Si Archer Lorenzo, bata pa lang ay sanay na sa hirap. Batak sa trabaho, lahat ng pwedeng pagkakitaan ay kaniyang pinapasok. Mabait at mapagmahal na anak at kapatid. Nagsusumikap para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang inang may sakit at mga nakakababatang kapatid. May prinsipyo at pagpapahalaga sa kapwa, lumalaban ng patas para mabuhay.
Si Tiffany "Tiffa" Valencia, ipinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig. Ang nag iisang tagapagmana ng Valencia Corporation. Happy go lucky, maldita, gastadora at walang pakialam sa damdamin ng iba. Lumaking nasusunod ang lahat ng gusto at luho. Kung magpalit ng boyfriend ay para lang nagpapalit ng damit.
Dahil sa isang aksidente ay napilitan si Archer na magtrabaho sa pamilya Valencia upang maging bodyguard/driver ni Tiffa. Sa unang pagkikita pa lang ay hindi na magkasundo ang dalawa dahil sa magkaiba nilang prinsipyo at pananaw sa buhay.
Dahil inis si Tiffa sa atribido niyang driver/bodyguard na si Archer ay pumayag siya sa isang kasunduan sa pagitan niya at ng kaniyang mga kaibigan. Kasunduang paiibigin niya si Archer at kapag hulog na hulog na sa kaniya ang binata ay saka niya iiwan at ipagtatapat na hindi naman niya talaga ito minahal at ang sa kanila ay isang katuwaan lamang.
Sanay si Tiffa sa laro ng pag-ibig, samantalang si Archer ay hindi pa naranasan na magkaroon ng nobya. Umibig siya ng husto kay Tiffa dahil akala niya ay totoo ito sa kaniya. Ngunit, ang pagmamahal na iyon ay napalitan ng pagkasuklam ng ipamukha nito sa kaniya ang kaniyang kahirapan at kung gaano kalayo ang agwat nila sa buhay.
Umalis si Archer at nagpakalayo-layo ng dahil sa matinding pagkabigo sa una niyang pag-ibig. Simula noon ay wala ng naging balita si Tiffa rito.
Makalipas ang apat na taon, bumalik si Archer, ngunit ibang-iba na ito sa dating Archer na kilala ni Tiffa.
Bumalik ang binata upang maghiganti at pasakitan ang babaeng kaniyang kinamumuhian.
A seventeen-year-old Ponyang grew up in hardship. Since their father left them, she has been her mother's helper, she works hard for her family.
It's always been a dream for her to go to university and pursue her study, but due to lack of money, her mother could not afford to support her studies.
One day, an unexpected accident happened to Ponyang, the bike she was riding collided with a garbage truck. She fell inside the truck and there she find a glowing shiny necklace from the piles of garbage. Little did she know, that necklace would change her life completely.
Because of that necklace, she was married to Clark Vander, the handsome heir coming from a prestigious family.
Knowing that her marriage to Clark is just a contract and arranged marriage, she still accepts it to save her family from difficulty.
She already prepared herself for the fact that after two years of being married, she and Clark will be separated. But, she did not expect that the admiration she felt for her husband would turn into deep love.
Before they parted she gave herself up on him and she didn’t foresee that from that one-night stand she will be pregnant.
She left without Clark knowing that she was carrying his child. She raised her son without the help of his father. She thought they would never need Clark in their lives but destiny tested her. Her son became seriously ill and the only one who could save him was his father.
Without assurance, she returned to the country to ask for help from the man she thought she would no longer need.
"HINDI KO KAGUSTUHAN ANG MAIKASAL SA LALAKING TATLUMPU'T LIMANG TAON ANG TANDA SA AKIN, PERO PAANO KO NGA BA MAPIPIGILAN ANG SARILI KONG KASAL?"
Si Cassandra Marie Montero o Cassie sa malalapit niyang kaibigan ay isang anak mayaman, tinitingala ang kanilang pamilya sa bayan ng San Manuel. Ang kaniyang ama ay ang Gobernador ng kanilang lalawigan. Isa siyang mapagmahal at masunuring anak. Ngunit, nagbago ang lahat nang iyon ng pilit siyang ipinakakasal ng kaniyang ama sa mayamang negosyante nitong kaibigan na tatlumpu\'t limang taon ang tanda sa kaniya. Bukod sa malaki ang agwat ng edad nila ng lalaking kaniyang mapapangasawa ay wala siyang pagtingin dito. Hindi niya maatim na makasal sa taong wala siyang pagmamahal kaya naman ng gabi bago ang kaniyang kasal ay tumakas siya sa kanila at tumulak patungong California at nakitira sa isang kaibigan.
Binago niya ang kaniyang katauhan para hindi siya makilala at mahanap ng kaniyang mga magulang.
Sa lugar ding iyon ay pagtatagpuin sila ng isang mayamang arkitekto na nagngangalang Luther Dillon Frio.
Hindi man sang-ayon ang kaibigan ni Cassie na si Lily sa desisyon nito ay napilitan siyang pagbigyan ang kahilingan ni Cassie na hanapan siya nito ng lalake na papayag na kaniyang maging baby maker. Ang planong magpabuntis sa ibang lalake ang tanging naisip na paraan ni Cassie para hindi na siya pilitin ng kaniyang ama na ipakasal sa kaibigan nito.
Sa hotel kung saan naka-check in ang binayarang lalake ni Lily ay nagkataong doon din naka-check in ang arkitekto na si Luther Frio.
Walang kaalam-alam si Cassie na namali pala siya ng kuwarto na pinasukan. Huli na ng mapagtanto niya na ang lalaking nakaniig niya ng buong magdamag ay hindi pala ang binayaran ng kaniyang kaibigan kung hindi ang mayamang arkitekto at natupad ang kaniyang inaasahan. Nagbunga ang pakikipagniig niya rito.
Hindi mapakali si Luther dahil sa matinding kalasingan ang akala niyang panaginip lamang ay totoo palang nangyari na mayroon siyang nakasamang babae sa buong magdamag. Ang ikinabahala pa niya ay ng may makita siyang mantsa ng dugo sa sapin ng kaniyang higaan. Simula noon ay binagabag na ng husto ng estrangherong babaeng iyon ang kaniyang isipan. Gusto niyang hanapin ito ngunit ni hindi niya maalala ang mukha ng babae ang tanging naaalala lamang niya ay ang tatoo nitong pinagsamang hugis puso at infinty sign sa batok.
Makita nga kaya niya ang babaeng hinahanap dahil sa tatoo nito?
Lumaki sa bundok ang dalagang si Maria sa pangangalaga ng kaniyang Apo Ibyang. Hindi na niya nakagisnan ang kanyang ama, ang kanyang ina naman ay namatay sa sakit noong siya ay bata pa. Payak man ang kanilang pamumuhay ay kuntento na siya. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang Apo Ibyang. Bago ito mamatay ay may ibinilin ito sa kaniya, na lumuwas siya ng Maynila at hanapin ang tunay niyang mga magulang.
Sa pamamagitan ng isang gintong kwintas na iniwan nito sa kanya bago ito pumanaw, lumuwas ng siyudad ang inosenteng dalaga upang tuparin ang huling habilin ng kaniyang lola. Doon ay makikilala niya ang lalaking hindi niya alam ay nabighani na sa kanya sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang mayamang abogado, modelo at hotelier na si Brix Vander.
Ang kanyang inosenteng damdamin ay bigla nalang naguluhan ng dahil sa lalaking ito na kumupkop at nagpaaral sa kanya. Ang simpleng paghanga niya rito ay lumalim hanggang sa nauwi sa pag ibig. Umiibig na siya sa binata ngunit alam naman niyang imposibleng ibigin din siya nito dahil sa magkaibang estado nila sa buhay at higit sa lahat ay may nobya na si Brix, buntis ito at malapit na silang ikasal.
Hanggang kailan niya itatago ang damdamin para sa binata? Tama bang pumayag siya na itago na lamang siya nito? Kailan ba nagiging tama ang mali?
Makikita pa kaya niya ang hinahanap na mga magulang?
WARNING: SUPER SPG, 18+, MATURE CONTENT, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.
Dala ng kabataan at sulsol ng mga kaibigan ay pumayag ang bente kuwatro anyos at sikat na artista na si Grey Ilustre sa isang dare. Ang hamon ay kailangan niyang makipag make out sa unang babaeng masisilayan ng kaniyang mga mata. Isang kasunduan na naganap sa isang malayong probinsiya noong sila ay mag-adventure trip.
Habang naglalakad ay walang kamalay-malay ang tatlumpu't limang taong gulang na mananahing si Zaida Flores sa magaganap na pagbabago sa kaniyang buhay.
Nang dumating na ang oras para tanggalin ang piring ni Grey ay nagkataong napadaan siya sa harapan ng binata at siya ang unang nasilayan ng mga mata nito.
Noong una ay nag alinlangan si Grey at naisip na huwag na lang gawin ang hamon dahil masyadong matanda ang tingin niya kay Zaida. Ngunit, sa kapipilit ng mga kaibigan nagawa niyang ipinagpatuloy ang dare. Napagtanto niya na ang babae sa likod ng manang na itsura at pananamit ay isa palang napaka-sexy na dalaga.
Si Zaida na lumagpas na ang edad sa kalendaryo at hindi na umaasa na may darating pang lalake sa kaniyang buhay. Ngunit, isang gabi ay bigla na lang sumulpot sa kaniyang patahian ang gwapong si Grey. Nagawa siyang akitin ng binata at halos maibigay niya ang sarili rito gayong hindi naman niya ito kilala. Ang nangyaring iyon sa kanilang dalawa ay isang karanasan na hindi niya malimut-limutan. Bumalik na sa Maynila ang grupo ni Grey at wala silang napag usapan ng binata tungkol sa nangyari, para lang itong isang magnanakaw na kinuha ang kaniyang kainosentehan.
Pareho nilang hindi inakala na masusundan pa palang muli ang pagtatagpong iyon. Nang inalok si Zaida ng kaniyang pinsan ng isang trabaho sa Maynila ay lumuwas siya ng siyudad para maging assistant ng isang sikat na fashion designer na si Miss Florie. Ginawa siya nitong stylist ni Grey Ilustre. Nagulat siya ng malaman na ang lalaki pala na nakaniig niya ng gabing iyon ay isang sikat na artista.
Hindi niya alam kung dahil lang ba sa kabataan kaya naging mapusok ang binata. Sa tuwing humihiling ito ay hindi niya matanggihan. Hindi siya umasa na magugustuhan siya nito dahil sa laki ng agwat ng edad nila at estado sa buhay. Nabuntis siya ni Grey ng hindi nito nalalaman. Nagpakalayo-layo siya at itinago ang kaniyang pagbubuntis dahil alam niyang hindi naman aakuin ng binata ang anak nito at lalong hindi magugustuhan ng mga fans nito kung malalaman na nagkaroon ng affair si Grey sa babaeng higit na mas matanda sa kaniya.
Makalipas ang apat na taon sa kaniyang pagbabalik kasama ang kanilang anak. Nag-mature na si Grey, nag-mature na rin kaya ang pananaw nito sa buhay?
WARNING: SPG, 18+, MATURE CONTENT, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.
There is a man named Draco who is feared by all the people who live on the island of San Vicencio. For more than four years, he has lived alone in a palace-like house situated near the sea. One night in an unexpected turn of events, a beautiful young woman
drifted in front of his house, wounded and unconscious. He helps her without hesitation.
The girl was a twenty-one-year-old Lara Salvacion, who came from a nearby island and escaped their home when her mother\'s new lover tried to molest her. Fearing that his stepfather might find her again, she moved away and found herself in Draco\'s creepy house. The man is untouchable, he does not smile and rarely speaks. He is often angry and hot-headed. Lara doesn\'t know why he behaves like that as if he is angry with the world but she wonders despite his bad behavior why she still remains in his house? She wants to know who Draco is and what is his true identity? While searching for the answer to her question, she discovered something to herself that it\'s not just curiosity why she want to know more about Draco. The truth of the matter is, she\'s starting to fallen in love with that man deeply but Draco is not yet over with his past. He refused the love that Lara offers. Lara left Draco and started to live her life without him. Unexpected things happened and their path will meet again. Will love prevail this time?
(English Fantasy Novel)
What would you do if one day your parents told you that you're a half-human and a half-witch and you have this so-called "White Magic"
Would you freak out?
A story of Yuri and her twin sister Suri together with the rest of the white witches that you will surely love...
Let us follow their journey as they discover the world of magic.
Family, love, friendship, and magic all rolled into one.
Warning: SPG, 18+, MATURE CONTENT, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS
Dahil sa matinding trauma at mga masamang pinagdaanan ay nangarap si Athena ng isang perpektong buhay. Hindi niya akalain na sa kagustuhan niyang matakasan ang kaniyang nakaraan ay nakalikha siya ng isa pang siya sa katauhan ni Katsumi.
Panandaliang nawala si Athena at namuhay ng marangya at masaya si Katsumi sa piling ng mabait na mag asawang kumupkop sa kaniya.
Nang bumalik si Athena ay wala siyang kaalam-alam na may dalawa pala siyang personalidad.
Sa lahat ng nangyayari sa kaniya na pagpapalit ng katauhan ay may isang lalake ang lihim na nakakasaksi nito. Isang lalake ang nakakaalam ng kaniyang sekreto. Siya si Rafa Ilustre na sa una palang nilang pagkikita ni Katsumi ay nabighani na agad sa ganda ng dalaga. Nang makuha niya ang pagkab*bae nito ay nagising ang s*xual desire ni Katsumi dahilan para maging agresibo ito at maghangad ng higit pa.
Handang magpaalipin sa kaniya sa kama si Rafa huwag lang itong sum*ping sa iba. Ginagawa niya iyon upang iligtas si Athena at huwag masira ang buhay nito. Mas inibig niya si Athena kaysa kay Katsumi dahil sa magaganda nitong katangian at busilak na puso.
Kinamumuhian ni Katsumi si Athena dahil inagaw nito ang lahat nang para sa kaniya. Gagawin niya ang lahat para sirain ito at maging miserable ang buhay nito.
Pilit kinumbinsi ni Rafa na magpagamot si Athena sa isang psychiatrist, iyon lang ang tanging paraan para mawala si Katsumi sa isip niya.
Magtagumpay kaya si Athena?
Manaig kaya ang pagmamahalan nila ni Rafa kahit marami ang humahadlang sa kanila?
Na-bankrupt ang negosyo ng pamilya ni Stacey. Nahahati ang puso niya sa kung sino ang kanyang pipiliin. Ang mga magulang ba o ang lalaking labis na nagmamahal sa kanya?
Sa huli ay nanaig sa dalaga ang kagustuhan na maisalba ang kanyang mga magulang sa kahirapan. Pikit mata siyang nagpakasal sa bilyonaryong negosyante na si Calvin Adecer upang maibalik sa kanila ang lahat ng nawala nilang yaman. Kahit masakit sa kanyang kalooban ay iniwan niya ang kasintahang si Fritz.
Si Calvin Adecer ay may itinatagong lihim at ang tanging solusyon upang manatiling lihim ito ay ang pagkakaroon niya ng asawa. Asawa na magsisilbing kanyang tropeo. Pumayag siyang maikasal sa babaeng hindi naman niya lubusang kilala upang mapagtakpan ang kaniyang sekreto.
Si Calvin at Stacey ay pinagtagpo sa maling pagkakataon. Mapapangatawanan ba nila ang pagiging mag-asawa kung sila ay kapwa may iniibig na iba?
Nang makipag-date si Mandy sa school mate niyang si Harry hindi niya alam na pinagpupustahan lang pala siya nito at ng mga kaibigan nito. Nagkataon naroon si Dylan sa restaurant na pag aari nila kung saan nagde-date ang dalawa. Narinig niya kung paano maliitin ng binata ang dalaga kaya naman kahit hindi niya gawain ang makisali sa problema ng iba ay tinulungan niya ang dalaga upang hindi ito tuluyang mapahiya sa mga taong naroroon. Simula ng insidenteng iyon, sa tuwing napupunta si Mandy sa alanganing sitwasyon ay laging dumarating si Dylan para iligtas siya.
Dumating ang isang matinding pagsubok sa buhay ni Mandy nang aksidenteng mahulog ang kanyang ina sa hagdan at kailanganin niya ng malaking pera para sa operasyon nito.Pikit mata siyang sumali sa isang auction. Ito lang ang tanging paraan para makakuha siya ng malaking salapi ng mabilisan. Itinago niya ang sarili sa isang maskara, hindi niya akalain na darating si Dylan sa lugar na iyon at sa muling pagkakataon ay iligtas na naman siya. Ibinigay niya ang sarili sa binata hindi dahil sa malaking halaga na ibinayad nito sa kanya kung hindi dahil sa pag ibig na nadarama niya para rito. Ang isang gabing iyon ay nagbunga, itinago niya ang pagbubuntis dahil ang binata ay nakatakda ng ikasal sa kaniyang long time girlfriend. Nagpakalayo-layo siya at hindi na nagpakita rito ngunit ng bumalik siya ng Pilipinas hindi niya inaasahan na pagtatagpuin ng tadhana ang anak niya at si Dylan.
Maitatago pa kaya niya rito ang tunay na pagkatao ng anak nila gayung walang kaalam-alam ang binata na may nangyari sa kanila at nabuntis siya nito?
THIS IS A ROMANTIC COMEDY NOVEL
Ang lalaking mahilig sa magagandang babae ay posible nga bang umibig sa isang pangit na babae?
Hindi inakala ni Andrea Montecillo na ang pagtakas niya sa sana'y kasal niya sa kaniyang nobyo na si Dylan Monteclaro ang magiging daan upang makilala niya ang International Playboy na si Ferdz Lemsworth.
Nang dahil sa nahulas na make up ay napagkamalan siyang pangit ng hambog na piloto. Dahil sa walang matutuluyan ay napilitan siyang pumayag sa isang kasunduan na magpanggap na girlfriend nito at doon magsisimulang gumulo ang dati na niyang magulong buhay.
Si Andrea na nga ba ang karma ni Ferdz?
Magbago kaya ang pamantayan niya pagdating sa pag ibig ng dahil kay Andrea?
Subaybayan po natin ang makulit, masaya, nakakakilig at minsan ay nakakaiyak ding buhay pag ibig nina Andrea at Ferdz.
Si Stacey Anne Del Castillo ay lumaki sa karangyaan, lahat ng luho at gusto ay kaniyang nakukuha, lumaking spoiled at maldita, wala siyang pakialam sa damdamin ng ibang tao.
Ngunit, dumating ang isang hindi inaasahang pangyayari. Nang siya ay maglayas ay napadpad siya sa mansion ng mga Saavedra at doon ay napagkamalan siyang si Ana Marasigan, ang bagong kasambahay na hinihintay ng mga ito na galing sa ibang probinsiya, na nagkataon naman na hindi dumating dahil ito ay nakipagtanan sa kaniyang nobyo.
Dahil walang matitirahan niyakap ni Stacey ang katauhan ni Ana at nagpanggap na kasambahay. Dito ay makikilala niya ang iba pang kwela at makukulit na kasambahay, lalo't higit ay makikilala niya ang taong magpapatibok ng kaniyang puso, ang anak ng kaniyang amo na si Fritz Saavedra. Sa unang pagkikita palang ay may kakaibang espesyal at hindi maipaliwanag na pakiramdam na ang nabuo sa kanilang dalawa.
Mapagbabago nga kaya ang isang self centered brat ng dahil sa pag-ibig?
Alekzander High (Vander Series) Iñigo Vander
(Under Major Editing)
The story happens at Alekzander High in were a transfer student Jilliane Rose Sandiego met the most popular students in school, the triplets named Iñigo, Clark and Brix Vander also known as the T-Dragons. She became an apple of the eye of these three handsome guys. At first, she's an anti-T-Dragons but after meeting Clark Vander at her young age, she fell in love in him.
Then there is Brix Vander the cutie one who always give positive energy to Jilliane, they became good friends opposite with Iñigo Vander the big bully and his goal in life is to annoy her but things unexpectedly happened with these two innocent people teasing, quarrelling like cats and dogs but fell in love with each other at the end.
They thought happiness is forever until one-day Jilliane's father got sick and needed to be treated and there's an offer coming from Sebastian Vander the father of T-Dragons, an offer that Jilliane cannot refuse. It's a matter of life and death, she has to save her father so she accepted a tempting offer to live a luxury life in America, her father's medication to the best doctors in town, a shelter to live, her brother and sister's schooling and a business to start with, all-expense paid, but in one condition- Jilliane have to leave Iñigo for life.
The day Jilliane left, Iñigo started to change and after searching for her for so many years, he surrenders in defeat.
He hates her so much for living him that he wants revenge. Sweet revenge that Jilliane cannot endure.
"You're just my clone! Everything you have right now are all mine, my money, my son and most especially my husband.You can never be me and you will never be me!"
Isang aksidente ang nagpabago sa buhay ni Celestina. Aksidenteng naging dahilan kung bakit kinailangan niyang magpalit ng katauhan.
Nang mapagkamalang siya ang nawawalang asawa ng bilyonaryong negosyante na si Migs Solano niyakap niya ang katauhan ni Georgina Monteclaro Solano.
Tama nga ba ang ginawa niya na magpanggap na asawa nito?
Ngunit, paano kung bumalik na ang totoong Georgina ngayong nagugustuhan na niya ang kanyang bagong buhay sa katauhan nito?
Magagawa ba niyang isuko si Migs at ang anak nitong si Kyle kung alam naman niyang magdurusa lang ang mga ito sa poder ng walang pusong si Georgina?
Paano siya lalaban kung higit itong may karapatan kaysa sa kanya lalo pa at nagsusumigaw ang katotohanan na siya ay isang pekeng asawa lamang?
NAGMAHAL, NASAKATAN, NAGPAKAPANGIT.
Iyan ang nangyari sa Diyosa at pamantayan ng kagandahan ng Furukawa University na si Maxine Lee, matapos mag mahal, masaktan at paasahin ng apat na Campus Personalities na kaniyang naging boyfriend. Simula ng mabigo sa pag ibig sa ikaapat na pagkakataon sa kaniyang Teenage Superstar na boyfriend na si Jeff Escarlon ay nag simula na siyang maging Man Hater at nagtago sa katauhan ng isang Geek Student at nangakong hindi na iibig pang muli. Ngunit paano kung makilala niya ang makulit at playboy na step brother na si Lucas Lagdameo muli niya bang bubuksan ang kaniyang puso para dito? At sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli siyang susuyuin ng artistang si Jeff Escarlon at ang tatlo pang Campus Personalities ay sabay-sabay na magsisipagbalik para makuhang muli ang kaniyang puso. Sino nga ba ang pipiliin ni Maxine?