bc

His Perfect Mistake

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
HE
dominant
doctor
sweet
bxg
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

Inulan ng kamalasan si Mira, namatay sa car accident ang kaniyang mga magulang at iniwanan siya ng maraming utang. Isa pang dagdag sa kaniyang pasanin ay ang malaking peklat sa kaniyang mukha na natamo niya mula sa aksidente. Halos tumira siya sa lansangan at magpalaboy, walang gustong tumanggap at magtiwala sa kaniya dahil sa kaniyang itsura. Ngunit, dumating ang isang lalake, kinupkop siya at inaruga. Binago nito ang buhay at buong pagkatao niya, hanggang sa hindi na niya makilala ang kaniyang sarili.

Si Dr.Damon Elizalde, ang kaniyang knight in shining armor.

Totoo nga bang ito ang tagapagligtas niya o ang kaniyang matinding kalaban? Paano kung ang lalaking pinakamamahal ay may nagawa pala sa kaniyang malaking kasalanan? Ano ang mas mananaig kay Mira, ang pagmamahal ba o pagkamuhi?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Dr. Elizalde, please proceed to emergency room. Dr. Elizalde to emergency room please!" Iyon ang paulit-ulit na panawagan na dumadagundong sa kabuuan ng hospital. "Nurse Sarah, ikaw na muna ang bahala rito, kailangan ako sa emergency room. Stable na ang vitals ng pasyente, ipatawag mo na lang ako kung may problema," may pagmamadaling sabi ni Dr. Elizalde. "Yes, Doc, ako na po ang bahala," tugon naman ng nurse na si Sarah. Nagmamadali si Dr. Elizalde, lakad takbo ang ginawa niya para lang marating ang emergency room, bago pa siya nakapunta roon ay may dumaan nang dalawang stretcher sa harapan niya na may sakay na pasyente. Nagkakagulo ang mga staff, ang isa sa pasyente ay pina-pump na at pilit nire-revive. "Ano'ng nangyari?" agad na tanong niya sa attending nurse na naroon. "Doc, car accident, malubha po ang mga pasyente. Mag-asawa po at may kasamang dalagita, sa tingin ko po ay anak nila. Dead on arrival na po ang lalaki ng madala rito, nasa morgue na po ang bangkay niya ngayon. Agaw buhay po ang babae at bigla na lang nag-cardiac arrest ng maibaba sa ambulansiya, at ang dalagita naman ay unconscious." "Ganu'n ba? O sige ipasok niyo na sa ER, huwag tigilan ang chest compressions hanggang hindi bumabalik ang heartbeat!" halos pasigaw na utos ni Dr. Elizalde para marinig ng emergency team na gumagawa ng pag-survive. Mabibilis ang mga kilos ng mga ito, lalo na ang magaling na doktor, ginawa niya lahat ng makakaya niya para mabuhay ang babae, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na rin ito nagtagal at sumunod na sa kaniyang asawa sa kabilang buhay. Samantalang, ang dalagita ay nagkaroon na ng malay, mahinang-mahina pa ito at nagpapahinga. Isinagawa ang standard procedure ng hospital para sa mga taong dumaan sa car accident. Sumailalim sa CT scan ang dalagita at iba pang test. Maayos ang naging resulta sa mga test nito, walang nabaling buto sa katawan, hindi rin na-damage ang utak nito, walang nakitang pamumuo ng dugo. Himalang mga galos lang ang tinamo ng dalagita at ilang sugat dahil sa mga bubog na tumama sa katawan nito sanhi ng mga nabasag na salamin. Ngunit, napinsala ang mukha nito, tumama iyon sa basag na salamin at nagdulot ng mahaba at malalim na sugat. Ang dalagita ay nakita ng mga rescue sa likod ng sasakyan, samantalang ang mag-asawa ay nasa harapan naman. Napuruhan ng husto ang harapan ng sasakyan at nawasak iyon, kaya naman ang pinsalang tinamo ng mag-asawa ay malubha at imposible na talagang mabuhay ang mga ito. Nalaman na ang pagkakakilanlan ng mag-asawa dahil sa mga ID na nakuha sa gamit ng mga ito, ngunit walang kamag-anak na pumunta sa ospital para i-claim ang bangkay ng mag-asawa at gayundin ang daluhan ang dalagita. Habang siya ay nag-iisa at nagpapahinga ay biglang napaangat ang ulo niyang nakayukyok sa lamesa, ng marinig ang boses ng kaniyang anak. “Da-Dad!” tawag nito. Hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa kaniyang opisina. “Damon, anak! Ano’ng ginagawa mo rito?” takang tanong niya sa nag-iisang anak. Bente anyos na ito at katulad niya ay nag-aaral ito para maging isang doktor. “Dad, I’m sorry!” umiiyak na sabi nito. Hindi niya alam kung bakit umiiyak ang anak. Agad siyang tumayo at nilapitan ito. Ang una niyang ginawa ay niyakap ito. Kung ano man ang problema o kasalanang nagawa ng kaniyang anak ay gusto niyang iparamdam dito na mananatili siyang nakasuporta. _ Ilang araw na ang lumipas ay wala pa ring dumarating na kamag-anak ng mag-asawang nasawi sa car accident. Ang mga contacts sa cellphone ng mga ito ay nagsasabing walang malalapit na kamag-anak ang pamilya. Ang dalagita ay maya't-maya kinakausap ni Dr. Elizalde, para makakuha siya ng impormasyon kung ano ang pangalan nito at kung saan ito pwedeng ihatid. Ngunit, hindi ito nagsasalita, marahil ay masyado itong na-trauma dahil sa aksidente. Lumipas ang isang buwan at wala pa ring kamag-anak na dumarating. Ipinasya na ni Dr. Elizalde na ipalibing na lamang ang mag-asawa sa maayos na libingan. Siya ang gumastos ng lahat. Ang dalagita na pinangalanan ng mga nurse sa ospital na Emily, ay maayos na ang kalagayan, malakas na ito at naging malusog ang pangangatwan dahil alaga sa pagkain at vitamins. Ang sugat nito sa mukha ay tuluyan na ring naghilom ngunit nagdulot ng malaking marka. Walang ibang maisip si Dr. Elizalde kung hindi ang ipadala sa bahay ampunan na kaniyang sinusuportahan ang bata para maalagaan. Hindi na ito maaaring magtagal pa sa ospital, para na rin sa kalusugan nito. Ang trese anyos na bata na kinilala na rin sa ampunan bilang si Emily ay tampulan ng tukso ng mga kapwa niya bata sa orphanage. Lagi lang siyang walang imik at umiiyak sa gilid. Makalipas ang halos isang buwan na pamamalagi niya sa ampunan ay nagising na lang siya isang gabi na naaalala na ang lahat ng nangyari sa kaniya at sa kaniyang mga magulang. Tumakas siya sa bahay ampunan para bumalik sa kanilang dating tirahan. Nanumbalik sa kaniya ang magandang alaala niya noon kasama ang kaniyang ina at ama. Ngunit ang lahat ay mga alaala na lamang. Nagdalamhati siya ng husto sa pagkawala ng kaniyang mga magulang, ang bukod tanging pamilya na meron siya. Bata pa siya at hindi niya alam kung paano bubuhayin ang kaniyang sarili. - Nakatanggap ng tawag sa ospital si Dr. Damian Elizalde, galing sa bahay ampunan. "Doc!" sabi ng nasa kabilang linya. "Bakit napatawag ka, Ms. Joaquin?" tanong niya sa head ng orphanage. "Si Emily, Doc… nawawala si Emily. Tumakas siya kagabi." "Huh! Pa'nong nangyari na nakatakas si Emily?" Napatayo siya sa swivel chair na kaniyang kinauupuan. "Umalis siya nang tulog na ang lahat. Masyadong mailap ang batang iyon, hindi nagsasalita at walang kinakausap na kahit na sino rito sa amin sa bahay ampunan. Hindi namin namalayan ang pag-alis niya. Hindi rin namin inaasahan na gagawin niya ang tumakas." Natutop ni Damian ang kaniyang noo dahil sa labis na pagkadismaya. Balak pa naman sana niyang sponsoran ang pag-aaral ni Emily hanggang sa kolehiyo. "Hanapin ninyo ang bata, baka hindi pa nakakalayo iyon. Kapag nakita na ninyo ay ipaalam ninyo agad sa akin." "Sige po, Doc. Hindi naman po kami tumitigil sa paghahanap sa kaniya. Nag-aalala rin po kami na baka mapa'no siya sa labas." "Maraming salamat, Ms. Joaquin. Kung sakaling bumalik man si Emily ay tanggapin ninyo at huwag pagagalitan." "Opo, Doc. Ang iniisip nga namin ay baka bumalik na ang alaala niya at binalikan niya ang dati nilang bahay." "Huh! Ganu'n ba? Sige mag-uutos ako ng mga tao para ipahanap siya." Matapos nilang mag-usap ni Ms. Joaquin ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Damian. Tinawagan niya ang ilan sa kaniyang mga tauhan at inutusan ang mga ito na hanapin si Emily. Hinanap niya sa record ng ospital ang address ng dating tirahan nito. Umaasa siyang makikita pa ang kawawang bata. Marami sana siyang plano para rito. Naaawa siya sa naging kalagayan nito at sa sinapit ng mga magulang nito. Alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang dahil halos ka-edad rin niya si Emily noon nang mawala ang kaniyang ama at ina. Mabuti siya at may mababait na kamag-anak na kumupkop sa kaniya at hindi sinamantala ang malaking kayamanan na iniwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Napatayo niya ang Elizalde Medical Hospital at iba pang mga negosyo na may kinalaman sa medisina nang dahil na rin sa kaniyang minanang pera.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook