3

1109 Words
"Oh? Bakit ganiyan ang itsura mo? May nakaaway ka ba?" tanong ni Zion nang sunduin niya si Lazarus. "Wala. Nainis lang ako. Pero ayos lang naman ako." "Talaga bang ayos ka lang? Eh bakit galit na galit iyang mukha mo? Parang hindi ka naman okay." Bumuga ng hangin si Lazarus. Iniisip niya ang dalaga pati na ang kalagayan nito. Kahit na ganoon ito kung umasta, tinulungan pa rin siya nitong makalayo sa masasamang lalaking yon. "Hanapin mo ang sasakyan ko at ikaw na ang bahalang bumugbog sa mga gagong iyon. I-send ko na lang ang pera sa bank account mo," mahinahong sabi. Ngumisi si Zion. "Yes, boss! Uubusin ko ang mga ngipin no'n!" Nang makauwi si Lazarus sa kaniyang sariling bahay, agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Dinama niya ang malamig na tubig na dumadaloy sa kaniyang katawan. Mariin siyang pumikit. Ngunit agad din niyang naidilat ang kaniyang mga mata nang maalala niya ang dalaga. Naiisip niya ang maganda nitong mukha pati na ang maganda nitong katawan. "Fúck..." mahinang mura niya bago umiling. Ayaw na ayaw niyang ginugulo ng babae ang kaniyang isipan. At wala pa namang nakagagawa no'n. Inalis niya sa isipan ang dalaga at saka sinabon na ang kaniyang katawan. Kumain muna siya saglit habang nagpapatuyo ng buhok bago siya sumampa sa kama at natulog. Bawat oras sa kaniya ay mahalaga at dapat, magagawa niya ang mga dapat niyang gawin. Bihira din siyang magpuyat. Kapag may kailangan lang asikasuhin sa kanilang kompanya. Ilang minuto lang ang lumipas, nakatulog na kaagad si Lazarus. Mabilis lang naman siyang makatulog. Ngunit tila hindi maganda ang kaniyang panaginip sa gabing iyon. Dahil sa kaniyang panaginip, nakapatong sa kaniya ang dalaga habang sinasakal siya nito. Mayamaya pa, bigla na lamang siyang hinubuan at saka kinagat ang kaniyang pagkalalakí! "Ahhh!" malakas niyang sigaw nang mapabalikwas siya. Pawisan at hinihingal si Lazarus. Mariin siyang napakit sabay hawak sa kaniyang sintido. Ngayon lamang siya nanaginip ng ganoon. Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang noo at saka tumayo. Bumaba siya patungo sa kusina at saka uminom ng malamig na tubig. 'Tangínang babaeng iyon pati sa panaginip papatayín pa ako!' Kinabukasan, dumating sa kaniyang opisina ang kaibigan niyang si Zion. Nahanap kaagad nito ang kaniyang sasakyan. Ngunit marami na itong gasgas. Mahal niya ang sasakyan niyang iyon dahil regalo sa kaniya iyon ng mommy Lorna niya. Kaya naman inutusan niya si Zion na ipaayos na lang ito. "Anong nangyari sa mga lalaki?" tanong niya sa kaibigan. "Ano pa ba? Eh 'di pinarusahan ko. Pinagtatanggal ko ang mga ngipin nila. Wala ka ng problema sa kanila dahil nakakulong na. Nasaan na pala ang bayad ko doon?" nakangising wika ni Zion. "Tsk. Maghintay ka. Mukha ka talagang pera kahit may pera ka na," ani Lazarus bago kinuha ang kaniyang cellphone upang makapag-send ng pera. Humahalakhak si Zion. "Ganoon talaga! Pera is life! Paki-send na lang dahil aalis pa ako. May lakad ako ngayon." "Mabuti naman kung ganoon para hindi ka na manatili pa dito at guluhin ako." "Tangina mo talaga! Parang ginugulo kita palagi eh ang bait-bait ko nga sa iyo!" bulyaw ni Zion. Napailing na lamang si Lazarus. Nakapag-send na siya ng pera sa kaniyang kaibigan. "Huwag na huwag mong sasabihin ito kay mommy. Mag-aalala pa iyon." "Syempre naman. Mahal na mahal pa naman kayong tatlo ng mommy niyo. Oh siya, sibat na ako. Magpakasipag ka na diyan!" ani Zion bago tuluyang umalis. HINDI NAMALAYAN NI LAZARUS ANG ORAS. Hapon na naman. Niligpit na niya ang kalat sa kaniyang table bago lumabas ng kaniyang opisina. At habang naglalakad siya patungo sa parking lot, naalala na naman niya ang dalaga. Humugot siya ng malalim na paghinga. 'Fúck.... bakit naiisip ko pa ang sira ulong babae na iyon!' Napailing na lamang siya habang nagpatuloy sa paglalakad. Nang paandarin niya ang kaniyang sasakyan, muli niyang naisip ang dalaga. Naalala niya ang dalawang takal na bigas na mayroon ito. Tumiim ang kaniyang bagang bago naisipang mag-grocery muna. Namili siya ng mga pagkain, delata at kung anu-ano pang essentials para sa dalaga. Mabilis ang pagmamaneho niyang nagtungo sa kinaroroonan nito. Buhat ang dalawang box na kaniyang pinamili, naglakad siya sa gitna ng mga naglalakihang talahib doon. Naabutan niyang nagtatanggal ng sinampay ang dalaga. "Oh? Anong ginagawa mo dito?" Hindi nagsalita si Lazarus. Sa halip, dumiretso siya sa loob ng bahay ng dalaga at saka inilapag ang dalawang malaking box na dala niya. Hinihingal siyang naupo sa monoblock doon sabay kuha ng panyo sa kaniyang bulsa. Pinunasan niya ang pawis niya sa noo. "Ano iyan? Para sa akin ba iyan?" Walang emosyon siyang tumingin sa dalaga. "Para kanino pa ba?! May iba pa bang nakatira dito? Patanga-tanga." "Tsk! Ang sungit mo naman!" Kumuha ng gunting ang dalaga at saka binuksan ang box. Nanlaki ang mata niya nang makita ang laman ng box. Binuksan din niya ang isa bago tumingin kay Lazarus. Nanlaki ang mga mata ng binata matapos siyang ngitian ng dalaga. Pati ang mga mata nito ay ngumingiti rin. Makailang ulit na lumunok ng laway si Lazarus bago ibinaling sa iba ang kaniyang paningin. "Maraming salamat dito, ha? May stock na akong pagkain. Aabot din ito ng isa o dalawang buwan. May mga sabon at shampoo pa! Salamat, pogi!" sambit ng dalaga bago humagikhik. Pinagmasdan niya lang ang dalagang abala sa pagsasalansan ng mga pinamili niya. Napailing na lang siya at saka tumingin sa labas. Hindi niya alam kung bakit naisipan niya pang suklian ang ginawa ng dalaga sa kaniya. Hindi naman siya ganoon. Wala nga siyang pakialam sa mga tao sa kaniyang paligid. "Salamat ulit ano! Tsk! Ano ba kasi ang pangalan mo? Ako si Laureen. Ikaw ba?" Nilingon niya ang dalaga. "Lazarus." "Wow! Ang angas ng name mo. Ilang taon ka na pala? Ako kasi kaka-eighteen ko lang noong January. Ikaw ba? Kasing edad lang ba kita?" Nanlaki ang mata ni Lazarus. Hindi niya akalaing bata pa pala si Laureen. Akala niya, kasing edad niya lang ito. "Ahm... thirty two na ako," alanganin niyang sagot. Napanganga si Laureen. "Oh? Hindi halata sa iyo! Matanda ka na pala! Eh 'di kuya Lazarus pala ang dapat kong itawag sa iyo?" Kumunot ang noo ni Lazarus sabay tayo. "No fúcking way. Hindi kita kapatid kaya huwag mo akong tawaging kuya. Alis na ako." Naiwan namang nagkangiwi ang dalagang si Laureen sabay kibit balikat. "Tsk. Bobo naman ng lalaking iyon. Sayang guwapo pa naman. Hindi naman lahat ng tinatawag na kuya, kapatid dapat." Mariing napapikit si Lazarus habang nasa loob siya ng kaniyang sasakyan. Hindi niya talaga inaasahan na edad dise otso pa lang si Laureen. Dahil ang ganda ng katawan nito ay masyadong matured na at talaga namang masarap kung tingnan at nakakapaglaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD