Dirty Nights With Lazarus

Dirty Nights With Lazarus

book_age18+
495
FOLLOW
5.7K
READ
billionaire
love-triangle
one-night stand
family
HE
escape while being pregnant
age gap
fated
opposites attract
dominant
heir/heiress
blue collar
drama
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Mature Content/Rated SPG

Lazarus Harris - Ang masungit at mainitin ang ulo na anak nina Lorna at Lucian. Walang ibang nais kun'di ang mag-focus sa kaniyang trabaho at negosyo. Hindi pa nagkakaroon ng nobya dahil wala siyang panahon sa mga babae. Ang gusto niya, kapag nagkaroon na siya ng nobya, iyon na rin ang magiging asawa niya. At alam niyang matatagalan pa iyon.

Ngunit makikilala niya ang palaban at pasaway na dalaga. Ang dalagang kaiinisan niya dahil sa pagiging madaldal nito ngunit hahanap-hanapin niya rin matapos niyang matikman kung gaano kasarap ang masikip nitong lagusan.

chap-preview
Free preview
1
"Umalis ka nga sa harapan ko," galit na sabi ni Lazarus sa kaniyang kapatid. Kumunot naman ang noo ni Lysander. "Bakit? Bakit nagagalit ka sa akin? Wala naman akong matandaang may ginawa akong masama sa iyo o mali?" Matalim siyang tinitigan ni Lazarus. "Wala? Iyong pinagagawa ko sa iyo? Iyong pinare-review ko sa iyo? Mga business proposal? Nagawa mo na ba? Puro babae lang ang inaatupag mo eh! Makakatulong ba ang mga babae mo sa kompanya natin?" Natameme si Lysander. Ayaw na ayaw kasi ni Lazarus na nagkaka-pending ng trabaho sa kaniya. Nawili na naman kasing umiyot nang umiyot si Lysander kaya maraming natambak na gawain sa kanya. "Sorry na. Bakit si Lovely hindi mo pinagagalitan?" "Gusto mong ako pa pagalitan ni daddy? Alam naman nating dalawa na hindi dapat asahan si Lovely. Nagsisipag lang naman iyon dahil sa secretary niyang gusto niya. Sa tingin ko nga, may relasyon na ang dalawang iyon ayaw lang magsabi. Huwag mo ng pakialaman pa si Lovely. Ang trabaho mo ang atupagin mo. Huwag mo akong hintaying mapikon sa iyo, Lysander," inis na wika ni Lazarus. Napangiwi si Lysander bago lumabas ng opisina ng kaniyang kapatid. Habang si Lazarus naman ay itinuon na lamang ang atensyon sa kaniyang trabaho. Gusto niya palaging maayos ang nagaganap sa kanilang kompanya. Sa kaniya na inasa ng kanilang magulang ang kompanya nila. Kaya ayaw na ayaw niyang nagkakamali. Gusto niya, palaging malaking pera ang pumapasok sa kanila. Mataas na sales. At mas makilala pa. " As usual, busy ka na naman. Hindi ba talaga kita puwedeng mayayaya? Let's have some fun naman! Tumira ka naman paminsan-minsan, Lazarus! Baka tuyo na ang katas mo iyan!" mapang asar na sabi ng kaibigan niyang kararating lang. "Parehas talaga kayong dalawa ng kapatid kong si Lysander. Puro séx lang ang nasa isip. Wala ba kayong plano sa buhay? Wala ba kayong balak na magseryoso?" nakataas ang kilay niyang sabi. Natawa lang si Zion. "Mayroon naman syempre pero hindi pa sa ngayon. Gusto kong ma-enjoy ang pagiging single ko. Ang pagiging binata ko. Ikaw kasi ayaw mong gawin iyon. Kaya hindi mo alam kung gaano kasarap sa pakiramdam!" Mahinang natawa si Lazarus. "Hindi na. Baka magka-aids pa ako. Tatawanan ko na lang kayo ng kapatid ko kapag nahawa kayo. Nakakadiri kayong dalawa." "Tsk. Palibhasa kasi virgin ka pa kaya ka ganiyan." Tumawa si Lazarus. "Hindi ako virgin. May ilan na rin akong natikman pero hanggang doon na lang iyon. Ang mahalaga, may experience na ako sa ganiyang bagay pero wala akong balak na gawing hobby iyan. Marami pa akong gagawin. Kung wala ka ng sasabihin, umalis ka na." "Napakasungit mo talaga at arte! Paalisin mo na naman ako porke wala akong masabing maganda, alis agad? Hindi ba puwedeng dito muna ako?" "Hindi. Ayokong makita ang pagmumukha mo. Alis na, Zion!" Napakamot na lamang ang binata. Balak sana niyang doon muna manatili dahil tinatamad siyang kumilos. Ngunit alam iyang magagalit lamang si Lazarus kung magpupumilit siya doon. Mabilis na sumapit ang maghapon. Kagaya ng palaging ginagawa ni Lazarus, pagkatapos ng trabaho, uwi. Ngunit hindi n'ya inaasahang maaabala ang kaniyang pag-uwi dahil sa kaniyang harapan, may nagbabarilan. Nakaramdam siya ng kaba matapos matuon ang tingin ng lalaking may hawak ng baril. Lumapit ito sa kaniya kaya ibinaba niya ang bintana. "Bumaba ka diyan kung ayaw mong pasabugin ang ulo mo!" sigaw ng lalaki. Mabilis na bumaba si Lazarus. Hindi niya alam ang gagawin dahil nakatutok pa rin sa kaniya ang baril ng lalaki. Kinakabahan siya ng sobra dahil sa takot. Ayaw pa niyang mamatay ng maaga. Marami pa siyang gustong gawin. "Tangina!" sigaw ng lalaki matapos batuhin ng kung sino. Biglang may humila kay Lazarus. Laking gulat niya nang hilahin siya nito sa masukal na daan. Nagtago sila sa malalaking damo. At dahil gabi na, wala ng makakakita pa sa kanila. "Huwag kang maingay baka makita nila tayo." Napagtanto ni Lazarus na babae pala ang humila sa kaniya. Madilim kasi sa kanilang puwesto at ang tataas pa ng talahib. Mayamaya pa, umalis na rin ang lalaking may baril kaya lumabas na sila sa kanilang pinagtataguan. "Sumama ka muna sa akin sa munti kong bahay. Pakalmahin mo muna ang sarili mo doon tapos tawagan mo ang kamag-anak mo para sunduin ka," wika ng babae. Hindi kaagad nagsalita si Lazarus pero sumunod siya sa babae. Madilim ang daan na kanilang tinatahak at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay daan sa kanila. Naaninag niya ang maliit na bahay sa 'di kalayuan. At napagtanto niyang nasa tabi pala sila ng ilog. Marami - raming bahay ang nakatayo sa tabi ng ilog. Mula sa kalsada, hindi agad makikita ang kabahayan doon dahil sa taas ng talahib. "Pagpasensyahan mo na ang bahay ko. Medyo bulok na. Ako lang ang nakatira dito." Nilibot ni Lazarus ang paningin sa maliit na bahay na iyon. Kalahati nito ay sementado at ang kalahati ay gawa na sa kahoy. Maliit ang bahay. Sementado lang din ang lapag. Ngunit kahit na ganoon, malinis naman ang bahay na iyon. At ang nagbibigay liwanag sa loob ng bahay na iyon ay ang ilaw na rechargeable pati na rin ang maliit na electric fan. "Nagugutom ka ba? Pasensya ka wala akong sinaing eh. Magsasaing pa lang. Ayos lang ba sa iyo na maghintay?" Namilog ang mata ni Lazarus nang makita ang itsura ng babae. Malalim ang mata nitong singkitin kung saan mahaba ang kaniyang pilikmata at matangos ang ilong. Manipis ang mapula niyang labi at makinis ang maputi niyang balat. "Hoy, lalaki tinatanong kita." Napailing si Lazarus. "Hindi ako nagugutom. Uuwi rin ako. Salamat pala kanina." Pumiksi ang babae. "Okay. Tamang-tama. Dalawang takal na lang din ang bigas ko. At kanina, wala iyon. Sanay na. Pang ilan ka na sa na-hold up dito. Ganiyan talaga sila dito. Malalakas ang loob gumawa ng masama dahil may baril. Nasanay na lang kami." Tumalikod na sa kaniya ang babae at saka pumasok na sa kaniyang kuwarto. Laking gulat niya nang bigla itong maghubad ng damit pang itaas kaya nakita niya kung gaano kalaki ang malaman nitong dibdib. 'Fúck!' Mabilis ma tumalikod si Lazarus. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ng dalaga mila sa kuwarto. "Sorry! Nakalimutan kong may kasama nga pala ako. Buti na lang, gentleman!" wika ng dalaga bago tumawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
681.8K
bc

The Pack's Doctor

read
446.0K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
279.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
438.9K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
227.2K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
200.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook