"Ibig sabihin iyong tinulungan mong babae, teenager pa lang?"
"Oo. Nagulat nga ako. Akala ko kasing edad ko lang o bata ng kaunti. Iyon pala, batang-bata," tugon ni Lazarus.
Pilyong ngumisi si Zion. "Aba! Alam na! Mas masarap iyan dahil sariwang - sariwa!"
"Gago. Anong tingin mo sa akin? Papatulan ang batang iyon? At isa pa, hindi natin sigurado kung malinis ba siya. Nakita mo naman kung saan siya nakatira. Kung anong klaseng tao ang mga nakakasalamuha niya. Mag-isa lang siya sa bahay niyang iyon. Puwedeng - puwede silang gumawa ng milagro doon."
Humawak sa kanyang baba si Zion. "Tama ka. Kapag ganiyang babae pa naman... kapag lumaki sa ganiyang lugar eh mga hindi na iyan virgin. Mga hindi kasi nagabayan ang mga yan at naturuan ang tama. Kaya hindi imposible ang sinasabi mo."
Tumikhim si Lazarus. "Iyong bunganga pa naman ng babaeng iyon, ibang klase. Kahit ako nagulat sa mga sinasabi niya. Halatang walang manners."
Humalakhak si Zion bago tiningnan ng maigi ang larawang kuha ni Lazarus kay Laureen. Pasimple niya kasi itong kinuhaan ng litrato.
"Pero ang ganda niya 'no? Ang sexy. Solid iyong katawan. Kapag mga ganito, malimit may sugar daddy ito."
Hinablot niya ang cellphone niya mula kay Zion. "Tama na nga iyan. Tinitigasan ka ng gago ka eh. Malibog ka talagang hayop ka. Pati bata pinag-iinteresan mo."
"Tanga! Hindi naman sa ganoon! Iyang mga babaeng iyan, mga ganiyan mapupusok iyan! Syempre, ganda lang ang mayroon sila. Ginagawa nilang puhunan ang katawan nila. At normal na lang iyan ngayon. Ang dami-daming mga babaeng ganiyan diyan."
Hindi na lang nagsalita pa si Lazarus. Muli niyang tiningnan ang picture ni Laureen bago pinatay ang kaniyang cellphone.
Kinagabihan, naisipan ni Lazarus na bisitahin ang bar ang kaibigan niyang si Melissa. May kaibigan kasi siyang babae. At mas matanda ito sa kaniya. Parang ate niya ito at bunso siyang kapatid kung ituring.
"Bakit napadaan ka yata dito? May problema ka ba bunso?" nakangising wika ni Melissa.
"Wala po, ate. Naisipan ko lang magpunta dito. Na-miss lang kita."
Tumawa si Melissa. "Sus! Naku, Lazarus.. ano? May problema ka ba o ano? Sigurado ako na hindi naman tungkol sa babae iyan dahil wala ka namang pakialam sa kanila. Pasensya ka na kung hindi kita nakakamusta. Medyo busy kasi ako ngayon dito sa bar ko. Tapos sa anak ko naman. Alam mo naman ang buhay nanay. Ikaw ba, wala ka bang balak mag-asawa? Thirty two years old ka na, 'di ba?"
"Yes. Pero masyado pa akong bata para diyan."
Malakas na tumawa ang babae. "Bata? Hindi ako sigurado kung bata ka pang talaga. Dapat kapag ganiyang edad, may anak ka na. Pero nasa sa iyo pa rin naman iyan kung ayaw mo pa. Teka, padadalhan kita ng maiinom dito."
"Laureen! Magdala ka nga ng beer dito sa table number four!" sigaw ni Melissa.
Kumunot ang noo ni Lazarus nang marinig ang pangalang iyon. Napalunok siya ng laway. Hanggang sa dumating na nga ang dalagang may dalang beer para sa kaniya.
"Uy! Nandito ka pala!" biglang sabi ni Laureen.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Melissa na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Sumeryoso ang mukha ni Lazarus. "Hindi ko siya kilalang talaga. Siya lang iyong.... sabihin na nating nagligtas sa akin noong na-carnap ako. Iyon lang naman. Eh bakit pala nandito ang babaeng iyan?"
"Iniligtas niya rin kasi ako! Binugbog niya iyong lalaking gustong humoldap sa akin. Ang galing nga niya at nalaman kong naghahanap pala siya ng trabaho. Tamang-tama na kailangan ko ng waitress dito."
Ngumisi si Laureen. "Sino ba siya, ate? Kung umasta parang boss na ayaw akong waitress dito. Medyo mahangin, ha."
Tumawa naman si Melissa. "Siya lang naman ang sikat na businessman na si Lazarus. Magkaibigan kaming dalawa matagal na. Pero dahil mas matanda ako sa kaniya, kapatid ang turing ko sa kaniya. Bunso-bunsuan ko kasi wala akong kapatid na lalaki."
Tumango-tango si Laureen. "Ah ganoon po ba. Sige, ate. Pero wala s'yang karapatang utus-utusan ako na parang boss ah? Kasi kayo po ang boss ko. Baka mamaya kung anu-ano na lang ang iuutos sa akin ng lalaking ito."
Napailing naman si Lazarus. "Tsk. Kapal ng pagmumukha."
Tumaas ang kilay ni Laureen. "May sinasabi ka ba diyan? Puwedeng pakilakasan? Hindi iyong para kang bubuyog na bubulong-bulong diyan?"
Natawa si Melissa sa pananalita ni Laureen dahil iyon ang unang beses na may babaeng ganoon magsalita kay Lazarus. Kalimitan kasi papansin ang mga babae at pa-sweet sa binata.
"Maiwan ko muna kayo dito, ha. Sisilipin ko lang iyong anak ko sandali," sambit ni Melissa sabay alis.
Nagkatinginan ang dalawa. Humalukipkip si Laureen habang si Lazarus naman ay napailing na lang bago asar na tumawa.
"Bakit may pailing-iling pa diyang nalalaman? May kailangan ka pa ba? Aalis na ako dahil marami pang customer dito."
"Wala na. Maigi pa ngang umalis ka na sa harapan ko. Nasusuka lang ako sa pagmumukha mo," walang ganang wika ni Lazarus sabay inom ng beer.
Humugot ng malalim na paghinga si Laureen bago umalis sa harapan ni Lazarus. Nakasunod naman ng tingin ang binata sa kaniya. Inasikaso na ni Laureen ang ibang customers na dumadating doon. Habang si Lazarus, nakatingin lang.
"Ang sexy mo naman, miss. Puwede ka ba ngayon? Magkano ba ang isang gabi mo? Ako ang bahala," wika ng lalaki doon na lasing na.
Mataray na tumingin sa kaniya si Laureen. "Hoy, kalbong masamang tao! Hindi ako bayarang babae at isa pa, bata pa ako! Kadiri ka!"
Malakas na tumawa ang lalaki. "Huwag ka ng magkaila pa miss. Halata naman sa itsura mong katulad ka lang din ng mga kabataang natitikman ko. Ano? Magkano ka ba? Kahit isang gabi lang. Pambaon mo rin ito sa school."
Humigpit ang hawak ni Lazarus sa baso habang nakatingin kay Laureen na nanggigigil na..
"Bastos kang lalaki ka. Hindi porke customer ka dito, may karapatan ka ng bastusin ako!"
Kinuha ni Laureen ang isang bote ng alak at saka hinampas sa ulo ng lalaki. Nagsigawan ang mga tao doon at saka napatayo. May umawat pa kay Laureen ngunit sinasadya siyang hawakan sa kanyang dibdib kaya napatayo na si Lazarus sabay lapit sa kanila. Hinatak niya ang lalaking gustong hawakan sa dibdib si Laureen.
"Tangina mo ka gusto mong basagin ko ang pagmumukha mong pangit?!" nanlilisik ang matang sabi niya.