"Hoy, ano na? Tumatakbo ang oras. Wala ka pa bang balak tawagan ang kamag-anak mo?" tanong ng dalaga kay Lazarus.
Bumuga siya ng hangin. Nasa sasakyan niya ang cellphone niya pati na ang pera niya. Kinapa niya ang kaniyang bulsa. Wala siyang pera doon. Mariin siyang napapikit.
"Ano? Pati cellphone mo nadale? Ngek! Paano ka ngayon niyan? Wala pa naman akong pera. Mahirap pa ako sa daga eh. Mayroon ako dito one hundred pesos. Kasya na ba sa iyo ito pamasahe pauwi? Bayaran mo na lang sa susunod."
Tiningnan niya ang dalaga. Nakasuot lang ito ng maikling short kung saan bakat ang katambukan nito pati na crop top na damit. Kitang-kita ang magandang kurba ng dalaga.
"Hoy tangina mo ka huwag mong titigan ng husto ang puday ko! Ano? Libog ka? Baka hampasin ko ng tubo iyang pagmumukha mo. Wala akong pakialam kahit guwapo ka pa," nanlalaki matang wika ng dalaga.
Nagulat naman si Lazarus doon at saka natawa. "Tangina mo rin. Alam mong may kasama kang lalaki dito tapos magsusuot ka ng ganyan. Bakat na bakat siyang pukí mo. Ano a tingin mo ang gagawin ko? Hindi ba't mapapatingin diyan dahil lalaki ako?"
Asar siyang tinawanan ng dalaga. "Wala kang pakialam kahit na mag-panty pa ako dito dahil bahay ko 'to. Ang sa akin lang, huwag mong masyadong titigan na parang kakainin mo na eh. Tanginang 'to!"
Napailing si Lazarus. Ngayon lang siya nakaka-encounter ng ganoong klaseng babae. Masyadong palamura at masyadong maangas na akala mo gangsta.
"Manahimik ka na nga! Ano ba ang kailangan mo? Isang daan lang ang pera ko dito. Kasya na ba ito para makauwi ka?"
"Tsk. Hindi ko kailangan ng isang daan mo. Marami ako niyan," mayabang na sabi ni Lazarus.
Malakas na tumawa ang dalaga sabay palakpak. "Wow! Ang yabang mo naman kaya ka naho- hold up eh!"
Tumikhim si Lazarus. "Hindi iyan hold up. Carnapping iyong ginawa nila dahil sasakyan ko ang kinuha sa akin."
Umirap naman ng dalaga. "Okay sige sabi mo eh. The best ka. Ano ba ang need mo nang makalayas ka na dito?"
"Pahiram ako ng cellphone mo May load ba 'yan? Data?"
"Mayroon pa naman pero mamaya expired na rin. Bilisan mo lang sa paggamit at huwag kang magbasa-basa ng message diyan ah," nakangusong sabi ng dalaga.
Nagsalubong ang kilay ni Lazarus. "At ano naman ang gagawin ko sa mga message mo? Wala akong pakialam diyan."
Nagkibit balikat na lang ang dalaga. Kaagad niyang in-open ang kanyang social media account bago nag-message sa kanyang kaibigan. Tinawanan pa nga siya nito sa chat kaya naman minura niya na ito.
"Ano? Tapos ka na ba mag-message? Kailangan ko na gamitin 'yan dahil walang kuryente dito. Nagtitipid ako sa battery ng cellphone," biglang sabi ng dalaga nang mainip ito.
Mabilis na ni-log out ni Lazarus ang kaniyang account sabay abot sa cellphone ng dalaga. "Dito ka talaga nakatira? Paano mo nakakayanang tumira dito? Mabaho na, wala pang kuryente."
"Mag-inarte pa ba ako eh wala naman akong pera? Iyong tiyahin ko kasi sira ulo. Hindi man lang naniwala sa akin na muntik na akong gahasain ang kinakasama niya."
Umarko ang kilay ni Lazarus. "Bakit naman kasi nandoon ka sa tiyahin mo? Wala ka bang magulang?"
"Wala. Matagal ng patay. Si mama namatay nang ipanganak ako. Iyong tatay ko naman, isang adik kaya ayon nabaril ng mga pulis nang manlaban. Wala naman akong kapatid. Kaya kinupkop ako ng tiyahin ko. Mabait naman siya. Wala naman akong problema sa kanya. Doon lang sa bago niyang kinakasama kasi yung dati niyang kinakasama, tatay ng dalawang anak niya ay namatay. Itong bago mukhang nag-aadik din kaya ayon, iba ang takbo ng isip. Ako pa ang naisipang pag-trip-an. Siguro nasa edad kinse ako noong muntik na niya kung gahasain. Tatlong beses yung muntik-muntikan. Noong una sinabi ko agad kay tita pero hindi siya naniwala sa akin hanggang sa naging pangatlo na lumayas na lang ako. At dito na nga ako napadpad."
Tumango-tango si Lazarus. "Ganoon ba. Kawawa ka naman pala."
Naningkit ang mga mata ng dalaga. "Tanginang 'to inasar pa ako! Umalis ka na nga dito! Naiirita na ako sa pagmumukha mo! Hindi ka pa aalis? Nabubuwisit na ako sa iyo! Baka sipain na kita!"
Bumuntong hininga si Lazarus. "Maghintay ka aalis din ako dito. Hinihintay ko lang ang sundo ko."
"Wow! Ang bongga mo naman pala may tagasundo ka pa!"
"Ang dami mong sinasabi manahimik ka na lang! Naiirita ako sa babaeng madaldal!" inis niyang sabi.
Pinandilatan siya ng mata ng dalaga bago ito lumapit sa kanya. Napaatras naman siya hanggang sa maramdaman ang kahoy mula sa kanyang likuran.
"Ikaw, naiirita na ako sa kayabangan mo, ha. Kung umasta ka akala mo kung sino ka. Pasalamat ka hinila pa kita eh. Kung hindi ko ginawa 'yun baka sabog na iyang utak mo sa kalsada."
Tumikhim Lazarus dahil malasyado ng malapit silang dalawa ng dalaga. "Oo na hwag ka na magsalita. Ang baho ng hininga mo."
Namilog ang mga mata ng dalaga bago inamoy ang sarili niyang hininga. Hindi naman talaga mabaho iyon. Gusto lang ni Lazarus na kanya ang dalaga dahil naiilang siya.
"Tanginang ito hindi naman mabaho! Napakaarte mo!"
"Aray!" daing ni Lazarus matapos siyang sapukin ng dalaga.
"Huwag kang maarte diyan dahil mahina pa 'yan. Bakla ka ba? Kapag mayayamang lalaki talaga mga bakla kung kumilos eh. Palibhasa panay ang utos lang sa mga tauhan hindi kumikilos kaya pagdating sa mga pisikalan, walang palag. Mga malalambot!"
Inayos ni Lazarus ng kanyang kwenyo. Medyo nakakaramdam na siya ng inis sa dalaga lalo na't hindi siya sanay ng ganoon. Hindi siya sanay na binabatok-batukan lang. At ang dalagang iyon lang ang unang babaeng bumatok sa kanya. Ang naglakas loob na saktan siya.
"Ano? Titingin ka pa ng masama diyan? Dukutin ko yang mata mo! Wala kang karapatang tingnan ako ng masama. Bakit? Gaganti ka? Babatukan mo rin ako? Subukan mo, sasaksakin talaga kita. Hindi mo alam kung anong kayang gawin sa iyo. Itatapon ko talaga yung katawan mo diyan sa ilog," pagbabanta ng dalaga.
Napailing na lamang si Lazarus sabay takip ng kanyang tainga. "Ang ingay mong babae ka?"
Lumabas na lang siya ng munting bahay na iyon. Hinintay niya na lamang sa labas ang kanyang kaibigan. Ilang minuto na ang lumilipas, wala pa rin ang kaibigan niya kaya naman pumasok na lamang siya loob ng bahay ng dalaga dahil nakaramdam siya ng pangangalay.
Nakita niyang mahimbing na natutulog sa kwarto ang dalaga. Napailing na lamang siya.
'Tingnan mo nga naman ang babaeng 'to, hindi niya ako kilala pero natutulog lang siya ng ganiyan. Paano kung masama pala akong tao? Kung maisipan kong gawan siya ng masama?'
Naglakad siya palapit sa dalaga. Tinitigan niya ng husto ang magandang mukha nito.
'Hindi naman siya maganda. Kagaya lang naman siya ng ibang babae. Marami pang mas maganda sa kanya. Normal lang ang itsura niya.'
Nadako ang tingin niya sa magandang katawan ng dalaga. Hindi niya napansin na dumilat na pala ang dalaga kaya naman nagulat siya nang bigla siya nitong hatakin. Pumatong sa kanyang dalaga at saka siya sinakal.
"Ano? Gagahasain mo rin ako?" Nanlalaki matang tanong nito sa kanya.
Hindi naman makahinga si Lazarus sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ng dalaga.
"H-Huwag mo akong s-sakalin dahil wala akong balak na g-gahasain ka. T-Tinitingnan lang kita," putol-putol niyang sabi habang naghahabol ng hininga.
"Hindi ako naniniwala sa iyo! Dapat pala hindi na lang kita tinulungan dahil masama ka pala! Manyak!" sigaw nang dalaga at maghihigpitan pa ang kanyang pagkakasakal kay Lazarus.
Nahihirapan ng huminga si Lazarus kaya naman ubod ng lakas niyang inalis ang kamay ng dalaga sa kanyang leeg at siya naman ang pumatong dito. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hinawakan niya ng mahigpit magkabilang pulsuhan nito at saka matalim na tinitigan.
"Hoy babae! Ang kapal ng mukha mo para isiping gagahasain kita! Para sabihin ko sa iyo, hindi ko tipo ang katulad mo. Hindi ka maganda at hindi ka rin sexy. At higit sa lahat ang baho ng hininga mo," asar niyang wika bago siya umalis sa ibabaw ng dalaga.