***Niva POV***
"MANANG Fely, nakita ko po ang kotse ni Tita Claudia sa labas. Dumating na po sya?" Tanong ko kay manang pagpasok ko sa kusina. Kauuwi ko lang galing school.
"Oo, nandun sya sa office kausap si attorney."
"Sige po, pupuntahan ko po sila."
"Teka lang Vina, hindi ka ba mag me-meryenda muna?"
"Mamaya na lang po."
"O sya, bahala ka."
Tumalikod na ako at lumabas ng kusina.
Mula ng mamatay si daddy ay naging close na kami ulit ni Tita Claudia. Minsan hinahatid nya ako sa school o kaya susunduin tapos mag ma-mall kami. Lagi kaming nag sho-shopping. Binibilhan nya ako ng magaganda at mamahaling damit, sapatos, latest gadget at mga make up. Tinuturuan na nga nya akong mag make up eh. Dalaga na raw ako kaya dapat marunong na akong mag make up at magbihis ng pandalaga. Marami pa syang bagay na tinuturo sa akin. Pinatikim na nga rin nya ako ng alak. Isa pa sa tinuro nya sa akin ay kung paano mag flirt ng boys. May crush kasi ako sa school pero di nya ako pinapansin. Pero ngayon ay pinapansin na nya ako dahil sinusunod ko ang mga turo ni Tita Claudia.
Hinawakan ko ang doorknob at dahan dahang binuksan ang pinto. Pero natigilan ako ng marinig ang usapan ni Tita Claudia at attorney.
"Are you sure, attorney? Wala ni singkong duling ang mapupunta sa akin? Legal na akong anak ni Don Martin. At ngayong wala na si Alicia ay wala ng ibang mag mamana ng mga ari arian ng mga Deogracia kundi ako lang. Di ba?"
"Well sad to say Miss Claudia, pero di ka pa legal na Deogracia."
"What?? What the hell are you talking about attorney?"
Napapitlag ako sa galit na boses ni Tita Claudia. Tumayo pa sya pero agad ding umupo. Kahit nakatalikod sya ay parang nakikita ko rin ang galit nyang mukha. Ang nakaarko nyang kilay na perpekto ang guhit at ang mga mata nyang matalim kung tumingin.
"What happened, attorney? Ang alam ko ay maaaprubahan na ang adoption paper. Huli kaming nag usap ni papa ay yun ang sabi nya sa akin." Mahinahon na ang boses ni Tita Claudia.
"Yes, pero dahil namatay na si Don Martin ay nabinbin yun. Pagkaraan ay tinutulan pa ni Miss Alicia."
Malutong na nagmura si Tita Claudia. Galit na naman sya. Nag alangan tuloy akong pumasok.
"I'm sorry, attorney. I'm just disappointed lang sa nangyayari. All this time I thought.. legal na akong Deogracia."
"It's okay Miss Claudia. Valid naman ang nararamdaman mo."
"Kung ganun, ano na ang mangyayari sa mga ari arian ng mga Deogracia. Sino na ang tagapagmana?"
"Sino pa ba? Kundi ang legal at totoong may dugong Deogracia. Si Miss Vina. Dahil patay na si Don Martin at ang nag iisa nyang anak na si Miss Alicia, technically sa kanya mapupuntahan ang lahat ng ari arian ng mga Deogracia."
"Oo nga pala, nandyan pa nga pala ang batang yun.." Sambit ni Tita Claudia at tumayo. Lumapit sya kay attorney.
Sinarado ko na ng tahimik ang pinto. Mukhang mahaba haba pa ang pag uusap ni Tita Claudia at ni attorney. Mamaya ko na lang kakausapin si Tita Claudia..
"Vina anak, parang masyado naman yatang maiksi yang suot mong palda. Halos kita na ang kuyukot mo o." Puna ni Manang Fely.
Napatigil ako sa paglalagay ng liptint at lumingon kay Manang Fely. "Bakit po manang, hindi po ba bagay?"
Tiningnan ko ang sarili sa life sized mirror. Halter crop top na kulay baby blue at mini skirt na maong ang suot ko. May gala kami ngayong gabi ni Tita Claudia kaya ganito ang suot ko. Dadalhin daw nya ako sa pinaka masayang lugar kapag gabi.
"Hindi naman sa ganun, Vina. Pero di angkop sa edad mo ang suot mo. Dose anyos ka pa lang na parang pilit na nagdadalaga."
"Manang, ang sabi po ni Tita Claudia dalaga na ako. Sya nga po ang pumili nitong suot ko." Sabi ko at kinuskos na ng daliri ang labi.
Bumuntong hininga si Manang Fely. "Alam mo, simula ng maging malapit kayo ng Tita Claudia mo ang laki na ng pinagbago mo. Mula sa suotan mo at sa kilos mo."
"Eh kasi nga po dalaga na ako, manang."
Umiling iling si Manang Fely at hindi na umimik. Niligpit na lang nya ang mga damit na pinaghubaran ko.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Tita Claudia na nakabihis na. Ang ganda ganda nya at ang sexy nya. Nakalabas ang kanyang malusog na cleavage.
"Vina dear, ready ka na? Naghihintay na sa atin ang mga friends ko."
"Yes tita, I'm ready na." Excited na sabi ko at nilagay ko na sa sling bag ko ang liptint at sinukbit na yun sa balikat.
"You're so pretty like me Vina." Ani Tita Claudia.
"You too tita. Ang sexy mo rin po." Puri ko rin sa kanya.
"Of course, para maka-akit ng maraming boys."
Sabay kaming humagikgik ni Tita Claudia.
"Let's go Vina."
Lumabas na kami ni Tita Claudia sa kwarto ko. Excited na ako kung saan man kami pupunta. Siguradong masaya yun at mag e-enjoy ako..
"Tita Claudia, what are you doing here?" Namimilog ang matang tanong ko sa tiyahin. Kalalabas ko ng gate ng school namin at hindi ko inaasahan na makita sya. Ang alam ko kasi ay busy sya.
Eleganteng tinanggal ni Tita Claudia ang suot nyang mamahaling shades at ngumiti sa akin. Napansin ko pa ang suot nyang itim na gwantes. Ngayon ko lang syang nakitang nagsuot ng ganun. Siguro ay bagong uso ng fashion yun.
"I missed you my dear pamangkin kaya ako ang susundo sayo ngayon."
Ngumiti ako at yumakap sa tiyahin. "I missed you too, tita."
Niyakap din nya ako at hinaplos haplos pa ang aking mahabang buhok.
"Let's go. Gagala muna tayo bago umuwi."
"Yehey!" Tuwang sabi ko at kumalas na ng yakap sa tiyahin.
Pumunta na kami sa sasakyan. Ngunit napanganga ako ng makita ang hindi pamilyar na kotse. Lumang model yun na bakbak pa ang pintura.
"Kaninong kotse ito, tita? Parang bulok na. Umaandar pa ba yan?"
Tumawa si Tita Claudia. "Oo naman dear, umaandar pa yan at malamig pa naman ang buga ng aircon. Sa friend ko yan hiniram ko dahil nasa pagawaan pa ang kotse ko. Hop in."
"Okay."
Sunakay na ako sa front passenger seat. Si Tita Claudia naman ay sumakay sa driver seat.
Gumala nga muna kami ni Tita Claudia. Dinala nya ako sa amusement park at mall. Gabi na kami umuwi. Ngunit habang nasa daan kami ay hindi naman pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Mahigit isang oras na kaming bumibyahe ay di pa rin kami nakakarating sa bahay.
"Tita Claudia, saan pa po ba tayo pupunta? Parang malayo na tayo sa atin." Tanong ko at nagpalinga linga sa labas ng sasakyan.
Madilim sa labas at puro matataas na talahib ang nakikita ko. Wala ni isang bahay akong nakikita.
"Malayo na talaga tayo sa bahay."
Lumingon ako kay Tita Claudia. May matamis syang ngiti sa labi pero kakaiba ang kislap ng kanyang mga mata na parang nag a-apoy.
"May iba pa po ba tayong pupuntahan, tita?"
"Meron. Pero ikaw lang ang pupunta doon."
Kumunot ang noo ko. "Saan po ako pupunta, tita?"
Ngumisi si Tita Claudia at biglang kinabig ang sasakyan papasok sa mataas na talahiban.
"Sa impyerno."
"Po?"
"Gusto mo bang makasama ang mommy at daddy mo hmm?"
"Anong ibig nyo pong sabihin tita? Patay na si mommy at daddy kaya paano ko po sila makakasama?"
"May iba pang paraan para makasama mo sila, Vina."
"Paraan? Ano pong paraan?" Naguguluhan na ako sa mga sinasabi ni Tita Claudia. Idagdag pa na natatakot na ako dahil nasa loob na kami ng nagtataasang talahiban.
Hindi sumagot si Tita Claudia at hininto nya ang sasakayan sabay patay ng makina. Lumingon sya sa akin. Bigla akong natakot sa klase ng kanyang ngiti.
"Paraan? Ang tanging paraan ay mamatay ka rin, gaga!"
Pumaling ang mukha ko ng bigla nya akong sampalin ng malakas sa mukha.
"T-Tita, why -- acck!" Namilog ang mata ko ng bigla nya akong sakalin. Humawak ako sa braso nya dahil hindi na ako makahinga.
Binitawan ako ni Tita Claudia. Habol ko naman ang hininga at napaubo ako.
"T-Tita, why did you do that?"
Ngumisi sya. "Dahil gusto kong mamatay ka gaya ng mommy at daddy mo!"
Nagimbal ako sa sinabi nya.
"Ugh!" Daing ko ng muli nya akong sampalin ng malakas. Lumapit pa sya sa akin at ilang beses pa akong pinagsasampal. Halos mamanhid na ang mukha ko sa hapdi at naiiyak na rin ako. Sinusubukan kong salagin ang kamay nya pero lalo lang nya akong sinasaktan.
"A-Ahh! T-Tita tama na po! T-Tama na po!" Umiiyak na pagmamakaawa ko habang sinasalag ang sampal nya.
"Anong tama na! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Dapat ka na ring mawala gaya ng mommy at daddy mo para makuha ko na ang gusto ko!"
Mariing hinawakan ni Tita Claudia ang buhok ko sa likuran at hinila yun. Hinawakan din nya ng mariin ang dalawang pisngi ko at halos bumaon na ang kanyang mahahabang kuko. Matalim ang tingin nya sa akin na nakakahiwa.
"May sasabihin ako sayong sikreto. Tutal naman ay mamamatay ka rin, i-shi-share ko na sayo dahil ikaw ang paborito kong pamangkin." Tumawa sya na parang baliw.
"T-Tita please.." Umiiyak na pagmamakaawa ko at humawak sa braso nya. Pilit ko yung inaalis pero lalo lang nyang dinidiinan ang pisil sa aking pisngi.
"Ako ang pumatay sa daddy mo."
Namilog ang mata ko sa sinabi nya. "A-Anong ibig mong sabihin tita?"
Ngumisi sya at tumawa. "Pinatanggal ko ang break ng sasakyan nya. Ayun, naaksidente sya. Sumalpak sa truck. Patay."
"N-No no.." Bumalong ang luha ko sa aking mga mata.
"Yes, my dear pamangkin. Ako ang pumatay sa daddy mo. Dapat ang mommy mo ang una kong papatayin, kaya lang nauna na syang nagpakamatay. Thanks to her. Nagkusa na sya at hindi na ako mahihirapan. Ngayon ikaw naman. I'm sorry my dear pamangkin. Pero kailangan mo ng mategi eh. Para makuha ko ang lahat ng yaman mo."
Namilog ang mata ko ng makita kong may hawak na baril si Tita Claudia sabay pukpok nya ng malakas sa ulo ko. Nagdilim ang paningin ako..
*****