Chapter 2

1603 Words
***Niva POV*** SUMISINGHOT ako habang nakatingin sa mukha ni mommy na parang payapang natutulog lamang sa loob ng kulay brown na ataul. Tuluyan na akong iniwan ni mommy. Binawi nya ang sariling buhay. Pinunasan ko ng kamay ang luhang naglandas sa aking pisngi. Paano na ako ngayong wala na si mommy? Mag isa na lang ako. "Vina anak.." Natigilan ako ng marinig ang boses ni daddy. Lumingon ako at tumingin sa kanya pati kay Tita Claudia na kasama nya. Bumangon ang galit sa dibdib ko. "Anong ginagawa nyo dito ni Tita Claudia, daddy?" Galit na tanong ko at masamang tiningnan ang dalawa. Bumuntong hininga si daddy at akmang hahawakan ako sa balikat pero tinabig ko ang kanyang kamay. Si Tita Claudia naman ay humalukipkip at umirap pa sa akin. Tumabi naman sa akin si Manang Fely at tumingin kay daddy. "Good evening po, ser." Tumango lang si daddy habang nakatingin sa akin. "Anak, alam kong galit ka sa akin -- " "Talagang galit ako sa inyo! Sa inyong dalawa ni Tita Claudia! Nang dahil sa inyo kaya namatay si mommy!" Galit na sabi ko sa mataas na boses kaya napatingin sa amin ang mga bisita. "Lower your voice Vina. Nakakahiya sa mga bisita." Saway sa akin ni daddy. "Dapat lang talaga kayong mahiya, daddy. Kayong dalawa ni Tita Claudia." "Gosh Hernan, sawayin mo yang anak mo. Baka kung ano ang isipin ng mga bisita dito." Mahinang utos ni Tita Claudia kay daddy sa mariing boses at pinandilatan pa nya ako ng mata. Sinamaan ko sya lalo ng tingin. Napahimas naman si daddy sa noo at bumaling kay Manang Fely. "Ilayo mo muna dito si Vina, Fely." "Opo ser." Hinawakan ako ni Manang Fely sa balikat. "Halika ka muna Vina." "No, dito lang ako sa tabi ni mommy! Hindi ko iiwan si mommy, manang!" "Sige na Vina, sumama ka na muna sa akin bago pa magalit ang daddy mo." Pakiusap sa akin ni manang habang hinihila na ako palayo sa kabaong ni mommy. "No manang, dapat sila ang wala dito dahil galit si mommy sa kanila!" Sigaw ko. "I'm sorry everyone. Masyadong stress ang anak ko at hindi matanggap ang nangyari sa mommy nya. At maraming salamat sa pagdalaw nyo dito sa burol ng aking asawa.." Mga salitang huli kong narinig bago ako ipinasok ni Manang Fely sa isang silid. Tuluyan na akong umiyak. Halo halo na ang nararamdaman ko. Lungkot, pighati at galit sa ama. "Tahan na Vina." Alo sa akin ni Manang Fely at hinimas himas ang braso ko. "D-Dapat wala silang dalawa dito ni Tita Claudia, manang. Galit sa kanila si mommy. N-Nagpakamatay si mommy dahil sa kanila. I-Iniwan ako ni mommy dahil sa kanila.. Galit ako kay daddy. Ayoko syang makita.." Humihikbing sabi ko. "Daddy mo pa rin sya, Vina. Ano man ang nagawa nyang kasalanan sa mommy mo ay daddy mo pa rin sya. Mahal ka pa rin ng daddy mo." "Hindi nya ako mahal, manang. Mas pinili nya si Tita Claudia kesa sa amin ni mommy.." Bumuntong hininga si Manang Fely at pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Sana ay magkaayos kayo ng daddy mo ngayong wala na ang mommy mo." Makalipas ang tatlong araw na burol ay nilibing na si mommy. Marami ang nakilibing sa kanya. Mga kaibigan at kasama sa trabaho. Sa loob din ng tatlong araw na madalas kong makita si daddy ay lagi nyang kasama si Tita Claudia na may paiyak iyak pa sa harap ng mga bisita na akala mo ay isa talaga syang mabait na kapatid kay mommy. Tinangka din akong kausapin ni daddy pero di ko sya iniimik at hindi pinapansin. Sinabihan naman ako ni Manang Fely na huwag ko ng awayin si daddy sa burol ni mommy para maging tahimik ang pagpapahinga ni mommy. Tahimik akong lumuluha habang hinahaplos ko ang picture ni mommy na masayang nakangiti. Sobrang miss ko na sya. Araw araw ko syang mamimiss. Lalo na ang bonding naming dalawa. 'I love you mommy.' Niyakap ko ang picture ni mommy. Lumingon ako sa pinto ng bumukas yun. Malamig kong tiningnan si daddy na lumapit sa akin. "Vina anak, let's talk please.." Bumuntong hininga ako at hindi umimik. "You're still mad at me I know.. Sinisisi mo rin ako sa pagkawala ng mommy mo. Hindi kita masisisi dahil may kasalan ako." "Malaki ang kasalanan mo kay mommy, daddy. Niloko mo sya. Niloko nyo ni Tita Claudia." "I know anak, I know.. Pero hindi ko ginusto ang nangyari sa mommy mo." Lumunok ako at pinahid ang luha sa pisngi. "Ang sabi nyo ayaw nyo na kaming makita ni mommy. Hindi mo na kami mahal." Bumuntong hininga sya. "Nasabi ko lang na ayoko na kayong makita dahil sa bugso ng damdamin ko. Totoong hindi ko mahal ang mommy mo pero hindi ikaw, anak. Anak kita at mahal na mahal kita." Tumingin ako kay daddy. "Pero mas mahal mo si Tita Claudia." "Magkaiba kayo Vina. Mahal ko sya bilang babae at ikaw mahal kita dahil anak kita." Hinawakan ni daddy ang kamay ko. "Listen Vina anak, ngayong wala na ang mommy mo tayong dalawa na lang ang naiwan. Pwede tayong bumuo ulit ng pamilya kasama ang Tita Claudia mo." Binawi ko ang kamay. "No way, dad! Hindi ko kayang i-betray si mommy kahit patay na sya. Si Tita Claudia ang dahilan kung bakit nasira ang family natin at nagpakamatay si mommy. Kaya ayoko syang maging family. Kayong dalawa na lang ang magsama at kalimutan nyo na ako." Galit na sabi ko at humiga sa kama sabay talukbong ng kumot. Tahimik akong muling umiyak. Mula ng mamatay si mommy ay mag isa na lang akong namuhay sa malaking mansion kasama si Manang Fely na syang nag aalaga sa akin at ang mga kasambahay. Paminsan minsan ay dinadalaw ako ni daddy kasama si Tita Claudia. Kinukumbinsi pa rin ako rin ni daddy na sumama sa kanilang dalawa ni Tita Claudia pero tumatanggi pa rin ako. Sasama lang ako sa kanya kung makikipaghiwalay sya kay Tita Claudia. Ngunit isang masamang balita ang nakarating sa akin isang umaga. Naaksidente si daddy at hindi na inabutang buhay sa hospital.. "D-Daddy.. bakit pati ikaw iniwan ako. S-Sabi mo mahal mo ko.." Umiiyak na sabi ko habang nakayukyok sa salamin ng kabaong ni daddy. Dalawang buwan pa lang mula ng mamatay si mommy pagkatapos ay sya naman. Ang sabi nila mahal nila ako pero iniwan nila ako pareho. Ngayon ay totoong mag isa na lang ako. Natatakot ako. Paano na ako. "M-Mag isa na lang ako.. Iniwan nyo na ako.." "Hindi ka mag isa Vina. Nandito pa ako.." Lumingon ako ng marinig ang boses ni Tita Claudia. Pinunasan ko ang luha sa aking mata at pisngi. Gaya ko ay umiiyak din si Tita Claudia. Namumula ang kanyang mga mata at ilong. Hindi sya umaalis sa tabi ni daddy. Sinundan ko ng tingin ang kamay nya na humawak sa balikat ko at masuyong humaplos. "Alam kong galit ka sa akin Vina dahil sa ginawa namin ng daddy mo sa mommy mo. Pero mahal lang namin ng daddy mo ang isa't isa." Lumunok ako at tumingin kay Tita Claudia. "And.. I just want to say sorry sa mga nagawa ko sa mommy mo. At sa pagsira ko sa family nyo.." Tinuptop nya ang bibig at humikbi. "Oh god.. I'm so sorry.. I'm really really sorry Vina.. Sana patawarin mo ko please.. Pinagsisihan ko ang mga ginawa ko.." Hindi ako umimik at nakatingin lang kay Tita Claudia. Hindi ko alam kung sincere ba sya sa sinasabi nya pero umiiyak sya. Ilang araw na syang tahimik na umiiyak. Mukhang mahal na mahal nya talaga si daddy. Tumingin ako kay Manang Fely na nakaupo sa bench. Nakatingin sya sa akin at kay Tita Claudia. "M-Mahal na mahal ka ng daddy mo Vina. Noong huli kaming nag usap bago sya umalis at naaksidente, sinabi nya sa akin na kukumbinsihin ka nya ulit na sumama sa amin. Gusto nyang magsama tayo bilang isang pamilya. Yun ang pangarap nya." Sumisinghot na sabi nya. "Ayaw mo rin sa akin di ba?" "O-Of course not." "Liar." "I'm telling the truth Vina. Remember noong maliit ka pa, nag bo-bonding tayo kapag busy si Ate Alicia sa company. Ako nga ang nagturo sayo magswimming di ba? Natigil lang yung bonding natin noong lagi na akong inaaway ni Ate Alicia. Ayaw na nyang dumikit ka sa akin." "Dahil inaaway mo rin si mommy kaya inaaway ka nya." "Pero sya ang nauuna dahil madamot sya. Anyway, hindi na importante yun Vina. Hindi na ako galit sa mommy mo. Humingi na rin ako ng tawad sa puntod nya. Namimiss ko na nga sya eh." Dinampi dampian ni Tita Claudia ng tissue ang gilid ng mata. Naalala ko nga dati noong maliit pa ako. Naging close nga kami ni Tita Claudia. Marami syang bagay na tinuro sa akin gaya ng swimming at huwag magpapaapi sa umaaway sa akin. Sya ang nagturo sa akin na lumaban sa mga kalaro kong umaaway sa akin. Naging mabait din naman sya sa akin. Pero simula ng lagi silang nag aaway ni mommy ay hindi na ako pinapasama sa kanya. Bad influence daw sya. "Vina, ngayong wala na ang mommy at daddy mo dapat magkakampi na tayong dalawa. Tayong dalawa na lang ang magkamag anak. Tayong dalawa na lang ang pamilya." Nalilito ako sa sinasabi ni Tita Claudia. May galit pa rin ako sa kanya pero tama naman sya. Kaming dalawa na lang ang natitira. Kaming dalawa na lang ang pamilya. At natatakot din akong mag isa. Hanggang sa ilibing si daddy ay hindi umalis sa tabi ko si Tita Claudia. Magkasama kaming humaharap sa bisita at umiiyak. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD