Chapter 4

1961 Words
***Niva POV*** IDINILAT ko ang mga mata. Puti ang naaaninag ko sa nanlalabo kong mga mata. Pero may lumitaw na isang pigura ng mukha ng isang babae. "Vina. Vina anak, gising ka na. Jusko! Salamat sa Diyos at gising ka na." Unti unting luminaw ang paningin ko at nakita ko ang mukha ni Manang Fely na umiiyak. "M-Manang.." "Oo! Ako nga ito Vina. Ang alaga ko gising na.. Sandali. Tatawagin ko ang doctor.." Nawala sa paningin ko si Manang Fely. Pumikit ako ulit at muling dumilat. Sinubukan kong bumangon pero napangiwi ako ng sumigit ang kirot sa aking tagiliran at ulo. Bigla akong nahilo kaya pumikit ako. Hinang hina din ang pakiramdam ko at wala akong lakas. "Vina, susmaryosep! Huwag ka munang gumalaw anak at baka dumugo ang sugat mo." Dumilat ako at tumingin kay Manang Fely. "Manang.. ang sakit ng ulo ko at tagiliran ko.." "Kaya nga huwag ka munang gumalaw. Hayan na ang doctor na titingin sayo." Bumukas ang pinto at pumasok ang may edad na lalaking doctor at isang nurse. Lumapit sila sa akin. Tumabi naman si Manang Fely. "Kamusta ang pakiramdam mo, iha?" Tanong ng doctor. "N-Nahihilo po ako at m-masakit ang tagiliran ko.." Tumango ang doctor at tiningnan ang mga mata ko. Ang nurse naman ay kinuhanan ako ng blood pressure. "Naaalala mo ba ang pangalan mo?" Tanong ng doctor. Tumango ako. "Ano ang pangalan mo?" "V-Vina po.." "Apelido mo?" "P-Palencia po.." "Ilang taon ka na?" "T-Twelve po.." Kung ano ano pa ang tinanong sa akin ng doctor na sinasagot ko naman. Tiningnan din nya ang mga sugat ko. Pagkatapos ay kinausap nya si Manang Fely.. "Mamatay ka na! Mamatay ka na!" "H-Huwag po! Huwag po Tita Claudia! Huwag po!" Dinilat ko ang mata at nagpalinga linga. Wala si Tita Claudia na may hawak na matalim na kutsilyo at sinasaksak ako. "Vina, nananaginip ka anak." Tumingin ako kay Manang Fely at humawak sa braso nya. "M-Manang.. s-si Tita Claudia papatayin nya po ako. P-Papatayin nya po ako manang! T-Tulungan nyo po ako.." "Shh.. kumalma ka Vina, anak. Wala dito si Claudia. Ligtas ka na." Niyakap ako ni Manang Fely at tuluyan naman akong umiyak. Bumalik ang lahat sa alaala ko. Ang mga huli kong natandaan. Si Tita Claudia ang kasama ko. Sinundo nya ako sa school. Ipinasyal nya ako sa amusement park at mall bago daw kami uuwi. Pero hindi kami umuwi. Dinala nya ako sa malayong lugar na may matataas na talahib. Pagkatapos ay sinaktan nya ako. Gusto nya akong patayin. Para syang baliw. Ang huli kong natatandaan ay may hawak syang baril. Siguro ay binaril nya ako kaya ako may mga sugat at narito sa hospital.. "Isang linggo kang walang malay at tulog. Sobra na nga akong nag aalala sayo. Pero buti na lang at dininig ang panalangin ko. Nagising ka na at ngayon ay stable na ang kalagayan mo." "Nasaang hospital po ba ako, manang? Nasaan po si Tita Claudia? Baka.. balikan nya po ako." Nanlamig ako sa takot ng maisip ang tiyahin. "Huwag kang mag alala Vina. Malayo ka na sa kanya. Hindi ka nya makikita. Nandito ka sa malayong probinsya. Sa probinsya namin ng kapatid ko." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Manang Fely. Pero may takot pa rin sa dibdib ko lalo na kapag naiisip si Tita Claudia. "M-Manang.. natatakot po akong umuwi. B-Baka.. nasa bahay si Tita Claudia. Gusto nya akong patayin." Bumuntong hininga si Manang Fely na titig na titig sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil. "Hindi ka na makakauwi sa mansion Vina, anak." "Bakit po?" Naguguluhang tanong ko. "Dahil.. patay ka na." "Po? What do you mean manang? Anong patay na ako? I'm still alive. Hindi ako napatay ni Tita Claudia." "Oo. Hindi ka pa totoong patay. Pero ang alam ng lahat ng tao ay patay ka na. Yun ang pinalabas ni Claudia at yun ang alam nya. Inari na nya ang lahat ng yaman ng pamilya mo pati na ang mansion. Pinalayas na rin nya ang lahat ng mga tauhan sa mansion kabilang na ako. Pero kahit di naman nya ako palayasin ay lalayas din naman ako para alagaan ka dahil sa akin ka binilin ng mommy mo." Kinuyom ko ang kamao. May bumabangong galit sa dibdib ko para kay Tita Claudia. "A-Ang sama sama ni Tita Claudia, manang. Inamin nya sa akin na sya ang pumatay kay daddy. Sya ang nagtanggal ng break ng sasakyan ni daddy kaya sya naaksidente. Plano din nyang patayin si mommy kung hindi lang ito nagpakamatay at isusunod nya ako. A-Ang sama sama nya. Akala ko mabait sya.." Suminghot ako at pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi. "Jusko! Ganun pala kasama ang bruha na yun. Isa syang demonyo na nagkatawang tao. Tama nga ang lahat ng sinabi sa akin noon ng mommy mo." Hinawakan ni Manang Fely ang dalawang braso ko at matiim na tumingin sa akin. "Makinig ka sa akin Vina." Tumingin ako kay manang. "Delikado ang buhay mo lalo na kapag nalaman ni Claudia na buhay ka pa. Hindi nya dapat malaman na buhay ka dahil tiyak na papatayin ka nya ulit." Lumunok ako. "A-Ano pong gagawin ko manang? M-Mag isa na lang po ako." "Hindi ka nag iisa, nandito ako. Bago magpakamatay ang mommy mo ay binilin ka nya sa akin. Ako ang mag aalaga sayo. Pero kailangan natin palitan ang pangalan mo para hindi ka nya mahanap kung sakaling malaman nyang buhay ka pa." "Papalitan ang pangalan ko?" "Oo anak. Mula ngayon, ikaw na si Niva. Niva Rosal. Pangalan yun ng yumao kong pamangkin." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Manang Fely.. . . **present day..** "HAH!" Bumalikwas ako ng bangon at bahagya kong habol ang hininga. Pinahid ko ng kamay ang namumuo kong pawis sa noo at leeg. Bukas naman ang electric fan pero pawis na pawis ako at init na init. Tumayo ako at umalis sa maliit kong kama. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitsel na may lamang malamig na tubig. Dinala ko yun sa mesa at kumuha ng isang basong nakataob at nagsalin. Diniretsong inom ko ang malamig na tubig. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Sampung taon na ang nakakaraan pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang madilim at masakit na kahapon ng aking buhay. Hanggang sa panaginip ko ay dinadalaw ako nito na para bang nagpapaalala na hindi ako dapat makalimot. Hinding hindi talaga ako makakalimot. Habang buhay ng nakatatak sa isip at puso ko ang masalimuot kong nakaraan. Muli akong nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Binalik ko na ang pitsel sa ref at hinugasan ang baso. Bumalik na ako sa kwarto para matulog ulit. Ngunit hindi na ako dinalaw muli ng antok.. "Niva anak, nakahanda na ang almusal mo. Kumain ka muna bago umalis para may laman ang sikmura mo." Tiningnan ko sa salamin ng vanity table si Nanay Fely na nasa pinto. Ngumiti ako sa kanya. "Opo nay, tapusin ko lang po ito." "Sige anak." Sinirado na ni Nanay Fely ang pinto. Binalik ko naman ang tingin sa sarili sa salamin at tinuloy ang paglalagay ng maskara. Nang makuntento ay tinitigan ko ang mukha at sinuklay ang mahabang buhok na bagong gupit at kulay. Marami ang nagsasabi na maganda ako at papasa akong artista o kaya modelo. May taas akong 5'5, maputi at makinis na balat at mahubog na katawan na kinaiinggitan ng lahat. Ang sabi ni Nanay Fely ay kamukha ko si daddy noong bata pa ako. Pero ngayong dalaga na ako ay si mommy naman daw ang kamukha ko. Maganda talaga si mommy dahil mestisa sya at malakas ang dugong espanyol. Sayang lang at maaga nya akong iniwan. Sila ni daddy. Mariing naglapat ang labi ko habang nakatitig ako sa sarili sa salamin. Biglang bumigat ang dibdib ko ng maalala si mommy at daddy. Parehas silang maagang nawala sa akin at kagagawan yun ng isang taong kailanman ay hindi ko mapapatawad. Bumuntong hininga ako at tumayo na. Lipstick na lang ang kulang. Pero mamaya na lang ako maglalagay pagkatapos kumain. Sinipat ko ang sarili sa life sized mirror. Naka corporate suit ako ngayon. Dark blue na pencil cut skirt na above the knee at white long sleeve polo shirt na naka tuck in. Ngayong araw ang unang araw ko bilang trainee sa Romero Investment Corporation. Matagal ko ng pinakahinihintay ang araw na ito. Ito na ang simula ng pagbawi ko sa lahat ng akin na inagaw ni Tita Claudia. Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas na ng kwarto.. Bumuntong hininga si Nanay Fely habang nakatingin sa akin. Bakas ang pag aalala sa kanyang mukha. Malaki na rin ang pinagbago ng kanyang mukha na puro wrinkles na at halos puro puti na rin ang buhok. "Sa totoo lang nag dadalawang isip ako na iwan ka dito sa Manila, anak. Nag aalala ako sayo. Pero wala naman akong magagawa kung ito ang gusto mo." Hinawakan ko ang kamay ni Nanay Fely. "Huwag na po kayong mag alala, nay. Wala pong mangyayaring masama sa akin dito sa Manila." "Hindi mo masasabi yan Niva anak. Iba ang Manila sa Pangasinan. Narito ang lahat ng krimen. Bukod pa doon ay narito si Claudia." Bumuntong hininga ako. May bumangong galit sa dibdib ko sa pagkabanggit ni Nanay Fely kay Tita Claudia. Ganito lagi ang nararamdaman ko sa tuwing maiisip o mababanggit ang pangalan ng demonyong tiyahin. "Sampung taon na ang lumipas, nay. Ang alam ng lahat lalo na ni Tita Claudia ay patay na ako." "Eh paano kung magkrus ang landas nyo? Maliit lang itong Manila, Niva. Paano kung makilala ka nya?" "Eh di mag ha-hi ako sa kanya." Nakangising biro ko. Suminghap si Nanay Fely at namilog ang mga mata. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Niva at ako'y ninenerbyos na. Ayoko lang na mapahamak ka ulit sa kamay ni Claudia. Iba ang takbo ng utak ng kriminal na yun." Inakbayan ko si Nanay Fely. "Alam ko po yun, nay. At hindi ko naman po hahayaan na mapahamak ako ulit. Mag do-doble ingat po ako." "Hay, kung bakit ba naman kasi ay dito mo pa sa Manila gustong magtrabaho. May mga mapapasukan namang mga kumpanya sa Pangasinan." "Syempre ate, iba naman dito sa Manila. Isa pa sa Romero Investment Corporation sya mag wo-work. Aba! Napakalaking opportunity nun. Marami ang nangangarap na makapasok at makapagwork sa Romero Investment Corporation. At doble ang kikitain ni Niva doon kesa sa mga kumpanyang mapapasukan sa Pangasinan." Singit ni Ante Val. Ang binabae at beautician na bunsong kapatid ni Nanay Fely. "Alam ko. Inaalala ko lang sya lalo pa at napakaliit ng Manila. Malaki ang tyansa na magkita sila ni Claudia." "Sa tingin ko di na makikilala ng bruhang yun si Niva kung sakaling magkita sila. Sampung taon na ang nakakalipas at nag iba na rin ang mukha ni Niva. Mas lalo syang gumanda." Tumingin sa akin si Ante Val at tinaas taasan ako ng kilay. Natawa naman ako. "O sya, wala naman akong magagawa. Gusto ko rin sanang manatili dito sa Manila para samahan ka. Pero walang mag aasikaso ng mga palaisdaan natin doon." "Huwag kang mag alala, ate. Ako ang bahala kay Niva." "Siguraduhin mo lang Val, ha." Bumaling sa akin si Nanay Fely at matiim na tumingin. Bakas pa rin ang pag aalala sa kanyang mukha. Tutol na tutol sya sa pagbabalik ko dito sa Manila dahil natatakot sya na makita at makilala ako ni Tita Claudia. Pero ito na ang tamang panahon. Hinatid muna namin ni Ante Val si Nanay Fely sa terminal ng bus. Katakot takot na bilin pa ang iniwan nya sa akin bago sya sumakay. Saka naman ako sumakay ng taxi papunta sa kumpanya na papasukan ko. Ito ang umpisa ng pagpasok ko sa balwarte ng kalaban. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD