LUMIPAD nang mabilis si Cijay papunta sa itaas habang ababalot ng itim na aura at kuryente ang katawan nito. Dahil naman doon kaya naalerto kaagad si Venus. Agad nga niyang ikinumpas sa hangin ang kanyang kamay, sa direksyon na pagmumulan ng kalaban. Binigyan nga ng Water Princess ng utos ang kanyang tubig na dragon! Nagliwanag ng asul ang dambuhalang elemental dragon ng dalaga at pagkatapos ay bigla itong bumuga ng isang malaki at maraming tubig. "Wala iyan!" bulalas naman ni Cijay. Bumulwak naman ang itim nitong aura at nabalot din ng napakaraming kuryente ang kanang palad niya. Humulma iyon hanggang sa maging isang bola ng kuryente. Nagliwanag din ng pula ang mga mata nito at pagkatapos ay buong lakas itong ibinato papunta sa atake ng dragon. Isang malakas na pagyanig sa