bc

Fainaru Honoo

book_age16+
729
ติดตาม
4.6K
อ่าน
adventure
เดินทางข้ามเวลา
องค์ชาย
ซูเปอร์ฮีโร
ชายจีบหญิง
เน้นพระเอก
มังกร
ดิสโทเปีย
slice of life
friends
like
intro-logo
คำนิยม

GENRE: Fantasy/Action/Adventure

Kokoro no Honoo Last Book

Mars will forget everything after he defeated Lucifer. Many of his friends would assume that he died in that battle, but, a unexepected event happened. When he woke up, he was in a place called Gomi, or the placed where trash was found and buried. He would seen the terrible situation in that village. Due to his curiousity and willingness to help the people who saved him, he will enter the kingdom inside the wall that divided the slaves and the people who lived with wealth and power. By destroying that place and freeing all the slaves, his adventure will continue till he came back again in his real world, Elementalika.

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Apoy 1
MATAPOS maitayo ng babaeng may espada sa tagiliran ang basura na hinugis niyang tao ay kanya na ngang nilapitan ang kasamang binata na mas bata sa kanya. May dala naman ang binata na espada. Kung titingnan, mukhang nasa isa silang pagsasanay nang oras na iyon. Sa kabilang bahagi naman ng lugar na hindi malayo sa kanila, isang lalaki namang may mga benda pa ang katawan ang nakaupo sa isang malaking tumpok ng basura. Mukhang nanonood ito sa ginagawa ng dalawa.   "Ngayon Ezel, hiwain mo nga iyon gamit ang iyong espada," sabi ng dalaga. Napalunok naman ng laway ang binatang sinabihan nito.   "K-kaya ko kaya ito Ate Erza?" napapangiting tanong naman ng binata sa ate nito. Magkapatid ang dalawa at tinuturuan ng nakatatanda sa paggamit ng espada ang kapatid.   "Kaya mo 'yan! Tabi nga! Ako muna!" Hinugot ni Erza ang espada niya na nasa tagiliran. Napasulyap din ang dalaga sa binatang nanonood sa hindi kalayuan at nginitian niya iyon.   "Manood ka Ezel!"   Huminga nang malalim ang dalaga. Ang mahigpit niyang kapit sa hawakan ng kanyang espada ay lumuwag nang bahagya. Tiningnan niya rin ang direksyon ng kanyang target. Gumawa siya ng isang mabilis na hakbang pauna na sinundan ng pagtakbo nang mabilis. Nahawi nga kaagad ang mga alikabok sa paligid dahil doon. Kumawala na nga rin ang hindi kalakasang hangin mula sa talim ng espada niya at kanyang nilampasan ito.   Isang buntong-hininga ang ginawa ni Erza matapos iyon, kasunod din noon ay nahati sa dalawa ang target. Napanganga naman si Ezel sa kanyang nakita. Ang binata namang nakaupo at nanonood sa kanila ay napatayo sa nasaksihan niya.   "Sa wakas... Kaya ko na!" sabi pa ni Erza sa sarili. Nakapaywang niyang hinarap ang kapatid at nakangiting inilagay sa lalagyanang nasa tagiliran ang kanyang espada.   "Ang galing mo ate!" papuri agad ni Ezel sa paglapit dito.   Isang mahinang palakpakan naman ang narinig ng magkapatid matapos iyon. Hindi na lang pala sila ang tao sa lugar na iyon. Tumambad nga sa harapan nila ang isang grupo ng mga lalaki. Nilapitan nga rin agad ng lalaking may asul na buhok ang dalagang si Erza.   "Aba... Mukhang gumagaling na ang Erza ko." Hahawakan na sana ng binata sa pisngi ang dalaga pero isang mabilis na atras ang ginawa ni Erza. Mabilis nitong hinugot ang espada niya at itinutok sa noo ng binata nais siyang hawakan.   "Ano'ng ginagawa mo rito Marco? 'Di ba sabi ko, 'wag ka nang lalapit sa akin?" gigil na sabi ni Erza habang nanginginig ang kamay na humahawak sa kanyang espada. Si Ezel naman ay hinugot na rin ang kanyang espada dahil alam niyang parang inaargabyado na naman ng grupo ni Marco ang ate niya.   Tumawa naman sina Marco. "Gusto mo ba akong labanan Erza?" wika ng binata na sinabayan ng paghugot sa espada nitong nasa tagiliran. Nangingintab pa ang talim nito kumpara sa kalawangin namang espada ng dalaga.   "Kailan mo ba ako titigilan?" galit na tanong ni Erza na medyo kinakabahan sa posibleng mangyari. Alam kasi niyang wala siyang panama kay Marco pagdating sa pakikipaglaban.   Napangisi naman ang binata. "Kapag naging asawa na kita! Isipin mo... Ang isang mayamang tulad ko ay ang mapapangasawa mo. Sa loob ka na ng bayan titira at hindi rito sa Gomi na tirahan ng mga patay-gutom. Magpasalamat ka pa nga sa akin dahil natipuhan kita!" Sinundan pa iyon ng binata ng isang nakakaasar na tawa.   Napahikbi naman si Erza at nagdilim kaagad ang kanyang mga mata matapos marinig iyon. Mas pipiliin pa raw niyang mamatay kaysa ang mapangasawa ang tulad ni Marco na alam naman niyang iba lang ang nais nito. Ang siya ay gawing alipin. Isang mabilis na galaw ang ginawa niya. Iniunday niya nang mabilis ang espada niya papunta kay Marco. Isang mabilis na pag-abante iyon at walang takot niyang iniwasiwas ang talim ng sandata niya sa leeg ng binatang nasa kanyang harapan.   Isang malakas na tunog ng nagsalpukang espada ang biglang narinig sa buong paligid. Mabilis na nasalag ni Marco ang atake ni Erza gamit ang kanyang espada. Itinulak niya ang dalaga dahilan para mapaupo ito.   "Kaya gusto kita... May tapang ka," nakangisi pang sabi ni Marco habang pinagmamasdan si Erza.   "Humanda ka Marco! Hindi kita mapapatawad!" sabi naman ni Ezel na hindi na napigilan ang sarili at gamit ang kanyang espada ay sinugod niya ang binata.   "E-ezel! Huwag!" sigaw naman ni Erza na medyo nasaktan sa pagkakatumba. Pero hindi na rin niya napigilan ang kapatid.   Nahati sa dalawa ang talim ng espada ni Ezel nang salagin ni Marco ang atake nito. Naglaho si Marco sa harapan ng kapatid ni Erza. Kinabahan ang binata hanggang sa makaramdam ito ng sakit sa dibdib. Bumulwak kaagad ang maraming dugo mula roon dahil tinamaan siya ni Marco.   Marahang ibinalik ni Marco ang espada niya sa lalagyanan nito at nginisian si Erza. Si Ezel naman ay padapang bumagsak. Umaagos kaagad ang dugo nito at humihiyaw dahil sa sakit.   "H-hayop ka Marco!" Napatayo sa galit si Erza. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kanyang espada.   "Magpasalamat ka pa nga kasi binuhay ko pa ang kapatid mo. Wala naman kasi akong pakialam sa kanya... Sa iyo lang..." Nilapitan ni Marco si Erza at mabilis na hinawakan ang kamay para mabitawan ang espada na hawak nito.   "Parang gusto na kitang iuwi ngayon ah..." sabi ni Marco sa tapat ng tainga ni Erza. Kinilabutan naman ang dalaga nang marinig iyon.   "H-hayop ka..." nanginginig na sabi ni Erza na sinubukang magpumiglas. Subalit nahawakan na siya ni Marco at hindi na makagalaw pa.   "Aanakan lang naman kita..." pulong pa ni Marco at masuyong hinawakan sa balikat ang dalaga. Napapikit na lang si Erza habang lumalabas ang luha sa mata nito. Pero bago pa man marating ng binata ang ibang parte ng katawan ng dalaga ay isang balat ng saging ang biglang tumama sa ulo nito.   "S-sino ang gumawa noon!?" Napalingon agad si Marco nang makuha mula sa kanyang ulo ang basurang iyon. Binitawan nito si Erza na napaupo na lang dahil sa kaba at takot.   "Ako!"   Napalingon din ang kasamahan nito sa lalaking nagsalita. Ito ay ang binatang kanina pang nanonood kina Erza. Isa-isa na nga nitong tinanggal ang mga benda nito sa braso.   "Sino ka namang pangahas ka?" galit na tanong ni Marco at hinugot nito kaagad ang sariling espada.   "Hindi ko naaalala kung sino o saan ako galing pero ang nakita kong ginawa mo sa kanila... Hinding-hindi ko iyon mapapalampas..." lakas-loob na winika ng binata habang nakatingin sa lalaking may asul na buhok. Sa isip pa ng binata ay pakiramdam niyang mas malakas siya kumpara rito. Kaso, hindi niya alam kung tama tama ito hangga’t hindi niya nasusubukan.   "Kung gano'n, dapat ko na sigurong kitilin ang buhay mong pangahas ka!" Isang mabilis na pagsugod ang kaagad ginawa ni Marco. Nakaturo ang dulo ng espada nito sa binatang kaharap.   "A-ang bilis niya..." Sa isip-isip naman ng binata pero nagtaka siya kung bakit parang ang gaan ng mga binti at paa niya. Ibinaba niya nang bahagya ang tuhod niya. Naipon ang p'wersa niya sa mga binti at nabigla siya nang siya ay umabante nang higit sa normal na bilis. Naiwasan niya ang talim ng espada ni Marco. Hindi nga siya makapaniwala pero ginamit niya ang pagkakataong iyon upang pabagsakin ito. Ikinuyom niya ang palad niya at sinuntok niya ang hambog na lalaking may asul na buhok.   Napanganga na lang ang mga kasama ni Marco sa kanilang nakita. Tumalsik nang ilang metro ang kanilang pinuno dahil sa suntok na tumama sa mukha nito. Basag ang panga nito at duguan na nang bumulagta sa mga basura. Walang malay na itong nakahiga roon.   "P-paano ko nagawa iyon?" pagtataka pa ng binata. Natigilan naman si Erza sa nakita. Alam niyang malakas si Marco pero hindi niya akalaing mapapabagsak ito ng binatang iniligtas niya mula sa sunog kamakailan lang.   "S-sino ka ba talaga?" tanong ni Erza.   Napatakbo naman papunta sa malayo ang mga kasama ni Marco. Akay-akay na nila ang walang-malay nilang pinuno.   "Dalhin na natin sa bahay ninyo ang kapatid mo... Marami nang dugo ang nawala sa kanya!" sabi ng binata at agad niyang binuhat si Ezel.   "B-bilisan natin..." kinakabahan namang sabi ni Erza at agad pinulot ang espada niya. Tumakbo sila nang mabilis at maingat habang buhat-buhat si Ezel.   "T-teka! Magaling na ba ang mga sugat mo?" tanong pa ni Erza sa binata. Medyo nagtaka rin siya nang makita niya ang bisig ng binata. Wala na roon ang mga paso nitong nakita niya dati.   "M-magaling na siguro ako," sagot naman ng binata na iniisip pa rin ang bilis at lakas na mayroon siya. Pinilit niyang alalahanin kung sino at kung saan siya galing pero wala talaga lumilitaw sa kanyang alaala. Ang tanging naaalala niya ay ang mukha ni Erza nang magkamalay siya, ilang araw na ang nakakaraan.   "Sino ba ako?" Ito ang paulit-ulit na tanong ng binata sa sarili nang mga sandaling iyon.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.4K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.8K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.1K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.3K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.2K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook