“Really?!” Halos hindi makapaniwalang tili ni Faith, pagkatapos na ikuwento ni Scarlett ang nangyari kahapon sa kanila ni Brayden.
Inaasahan na niya na gan'on ang magiging reaksiyon ng kaibigan. Dahil kahit si Scarlett man, hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin.
“Are you sure na hindi ka nagha-hallucinate lang? O kaya nananaginip lang?” paninigurong muli ni Faith. Mukhang ayaw talagang maniwala.
Ikukuwento pa sana ulit ni Scarlett sa kaibigan nang mamataan niya si Brayden na papunta sa kanilang kinatatayuan.
“Just wait and see," pasimple pero nakangiti niyang bulong sa kaibigan. "Patutunayan ko sa'yo na nasa real world ako kahapon at wala sa ibang mundo," humagikhik si Scarlett habang hindi na halos makagalaw sa sobrang excitement. Inihanda pa niya ang pinakamatamis na ngiti.
“Hi, Scarlett!” nakangiti rin na bungad ni Brayden, na nagpalaglag yata ng panty niya.
She sexily flipped her hair. “Hello, Brayden!" ganting-bati naman ng dalaga. Hindi niya maalis ang mga tingin sa lalaki dahil napakaguwapo nito ngayon.
“Okay naman ba ‘yong pagkakabit ko ng gulong?”
“Yeah. And thank you again" kunwari ay kaswal niyang tugon kahit ang totoo ay gusto na niyang tumili sa sobrang kilig.
Mayamaya'y biglang tinawag si Brayden ng mga kaibigan. Pero bago ito umalis ay nag-iwan pa ito ng napakatamis na ngiti. “Well, that’s good. Akala ko nagkaproblema ka pa sa gulong mo. Anyway, nice meeting you again. Bye!”
Nakaalis na si Brayden pero nakanganga pa rin si Faith. Tinampal niya ito sa noo. “Hey! Are you okay? Bakit parang na-engkanto ka diyan?"
“Ako yata ang nananaginip,friend. Pakikurot nga ako," kunwa'y hindi kumikisap na saad ng kaibigan niya.
Pero sa halip na sundin si Faith, tumili ng malakas si Scarlett. Noon lang niya pinakawalan ang kilig na kanina pa niya gustong isigaw. Gulat namang napatakip sa tainga ang kaibigan niya. Buti na lang at walang dumadaang mga estudyante. Dahil kung hindi ay mapagkakamalan talaga siyang timang.
Ngunit maya-maya lamang ay si Scarlett naman ang nagulat nang tumili rin si Faith. Hindi hamak na mas malakas sa tili niya.
"O-M-G!" exaggerated nitong bulalas. Pumapadyak-padyak pa ito. "Naiintindihan ko ang pinaghuhugutan mo, Scarlett. Grabe! Hindi ako makapaniwalang magkakilala na nga kayo ni Brayden. At ang malala pa doon, talagang nilapitan ka pa niya para lang siguraduhin if okay ‘yong ginawa niya. Nakakakilig talaga 'yon ,girl!"
Hinila siya ni Faith papunta sa comfort room. Sumilip muna sila sa mga cubicles kung may tao at nang masigurong sila lang ang nandoon, para silang mga baliw na sabay na tumili nang malakas.
“Ang haba ng hair mo, ha?!” kinurot siya ni Faith sa tagiliran.
“I told you! Ayaw mo pa kasing maniwala, eh.” pagmamayabang naman ni Scarlett. Walang pagsidlan ang kilig at saya na nadarama niya sa mga oras na iyon.
“Kasi naman, 'di ba, pinag-uusapan lang natin kahapon kung paano ka niya mapapansin." Parang hindi pa rin makapaniwalang umiling-iling si Faith. "Then, out of the blue, magkakilala na kayo. Tadhana na mismo ang pumabor sa'yo, Scarlett. Ito na ang moment na pinakahinintay natin. Kaya huwag mong sayangin, ha? By hook or by crook, dapat magiging sa'yo si Fafa Brayden."
Nalungkot si Scarlett nang maalala si Lilian.“Kaso useless din kasi may girlfriend pa rin siya, eh.”
“At least, naka-first step ka na. If you really want him, you have to do something. Kung kailangan mo siyang agawin kay Lilian, then, do it.”
Ngumiwi si Scarlett. "Ang O.A. mo, ha. Para namang kontrabida ang labas ko n'on. Hindi ko nga alam kung nagsasabi ba siya ng totoo n'ong sabihin niyang maganda ako," alungkot niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ni Faith. “See? Siya na mismo ang nagparamdam sa’yo. At totoo namang maganda ka, ah. Wala nga lang sa uso ang fashion mo.”
Hindi siya nainsulto sa sinabi ni Faith dahil alam naman niyang iyon ang totoo.
“Alam ko. Kaya imposibleng magustuhan niya ako. Samantalang napaka-sophisticated ni Lilian. Laging nakapostura na parang model."
“Hey, problema ba 'yon? Mayaman ka rin 'tulad niya, kayang-kaya mo ring bilhin lahat ng kung anong meron siya sa katawan," pang-i-engganyo sa kaniya ni Faith. Halatang mas excited pa ito kaysa kay Scarlett. "At 'di hamak na mas maganda ka sa kaniya, 'no? Remember n'ong debut party mo? Maraming nagulat nang makita kang naka-gown at naka-make up. Para kang si Snow White.”
Lumabi si Scarlett. "Magkaibigan kasi tayo kaya panay puri mo sa'kin."
“Sabunutan kita diyan, eh," biro ni Faith. “Ako ang bahala sa makeover mo. Basta i-maintain mo lang ‘yang self-confidence mo para kay Brayden.”
“Ayoko nga! Ayokong magpalit ng lifestyle para lang sa isang guy. Ang gusto ko, magustuhan niya ang kung sino talaga ako," pinal na sagot ng dalaga.
“Pa-wholesome pa,” kunwa’y naiinis na tugon ni Faith. "Hindi ka nga talaga mananalo niyan kay Lilian."
Totoong gustong-gusto ni Scarlett si Brayden. Pero kung sakali mang magustuhan siya nito, gusto niya ‘yong totoong siya.
“By the way, tomorrow na nga pala ‘yong battle of the bands, di ba?” K
kapagkuwa’y untag sa kaniya ni Faith.
Nakaramdam ng excitement si Scarlett. "Oo nga, 'no? Samahan mo naman akong manood. Gusto kong suportahan ang Brayden ko."
“Kailan pa ba kita iniwan sa ere? Alam ko namang magmumukha kang baliw kapag mag-isa ka lang titili at magchi-cheer sa lalaking ‘yon.”
Tumawa siya. “Correct! Ire-reserve ko na ‘tong throat ko for tomorrow at magpapadala ulit ako ng love note d'on sa locker ni Brayden. Para may pampagana siya. Baka kasi nakasanayan na niya ‘yon tuwing may ganitong okasyon."
“Wow, ha! To the highest level talaga ang self-confidence mo, girl. That’s why we’re friends.” Nag-apir pa silang dalawa bago nagkatawan.
Nang gabi ring iyon ay inilabas ni Scarlett ang lahat ng collection niya ng mga stationary paper. Marami na rin siyamg naipon simula nang maging fan siya ni Brayden. Ito ang mga ginagamit niya para iparating sa binata ang admiration niya, kahit pa-sikreto lang.
Pinili ni Scarlet ang may pinakamagandang design, ‘yong may picture ng dalawang angels at may nakasulat na ‘hugs & kisses’.
Hi Brayden,
It’s me again. Letting you know how proud I am to be your number one fan. Kaya mo ‘yan! And for me, panalo ka na. I love you..."
Good luck!
Anonymous Girl
Napangiti si Scarlett pagkatapos na magsulat ng love note para kay Brayden. Matagal-tagal na rin niya itong ginagawa. At laging gan'on ang laman ng kaniyang sulat para kay Brayden sa tuwing sumasabak ito sa contest. Walang pakialam ang dalaga kung naumay na ito sa mga notes niya, ang mahalaga ay nasasabi niya rito ang kaniyang saloobin.
Hinalikan ni Scarlett ang papel bago iyon itiniklop ng pa-heart shape. Inipit niya sa isang libro ang tirang stationary. Inihanda na rin niya ang five-hundred pesos na ibibigay niya sa janitor para mag-abot ng sulat kay Brayden. Bago matulog ay ipinailalim pa niya sa unan ang letter. Kaya pakiramdam niya ay lalong napasarap ang kaniyang tulog.
Kinabukasan ay malapad ang ngiting bumaba si Scarlett ng hagdan para pumasok na. Hindi na rin niya gaanong ininda ang pangungutya ng kaniyang Ate Sofia at pandi-dedma ng kaniyang Kuya Jaxon. Gusto niyang magkaroon ng good vibes sa araw na iyon. Kahit ang Mommy Arianna niya ay nagtaka nang ngingiti-ngiti siyang nagpaalam rito.
“Mukhang maganda ang gising ng baby ko, ah.”
Kahit anong pilit ni Scarlett sa ina na huwag na siyang tawaging baby ay hindi pa rin ito tumitigil. Gusto naman niya ang paglalambing na iyon ng ina, kaso nga lang ay isa din ‘yon sa mga rason kung bakit lumalala ang selos ng mga kapatid niya.
“Ayoko lang po pumasok ng nakasimangot, ‘my," nakangiting katuwiran ni Scarlett kay Mommy Arianna.
Ngumiti ang ina. “Hindi na kita kukulitin. Pasasaan ba’t sasabihin mo rin sa’kin.”
Sanay ang mommy ni Scarlett na ito ang pinagsasabihan niya ng halos lahat ng bagay, puwera ang tungkol kay Brayden. Dahil siguradong papagalitan siya nito sa ginagawang kabaliwan.
Hindi mawala-wala ang kasiyahang naramdaman ni Scarlett. Pasipol-sipol pa siya habang nagmamaneho. Hanggang sa makarating ng school ay nanatili pa rin siyang nakangiti.
Masaya rin ang daga na nag-aboy ng sulat sa janitor. “Basta po dating gawi. Kahit anong pilit ni Brayden sa inyo, huwag n'yo hong sabihin na ako, hah?”
Napakamot sa ulo ang janitor nang iabot niya rito ang pera. “Pero Ma’am-”
“Sige po. Mauna na ako," putol niya sa sasabihin pa ng janitor. "Mag-uumpisa na kasi ang program, eh. Thank you po ulit.”
************
Pagdating ni Scarlett sa gymnasium ay kaagad niyang hinanap si Faith sa kanilang paboritong puwesto. Ngumiti siya nang sa wakas ay nakita niya itong kumakaway.
“Bakit ngayon ka lang?” nagtatakang bungad ng kaibigan.
“Inabot ko pa kasi sa janitor ‘yong letter ko para kay Brayden," sagot ni Scarlett habang umuupo sa tabi ni Faith.
Ilang minuto pa ay nag-umpisa nang magsalita ang emcee hanggang sa tawagin na ang unang band na kasali sa contest.
“Ang pangit naman ng tugtog at kanta nila. Masiyado ng gasgas," reklamo ni Scarlett sa unang contestant.
Para sa kaniya ay grupo lang ina Brayden ang pinakamagaling na banda. Ni hindi siya nakikipaghiyawan dahil talagang nire-reserve niya ang kaniyang boses para kina Brayden. Dalawang band pa ang sumunod hanggang sa tawagin ang grupo ng binata. Sabay silang tumayo ni Faith at pumalakpak.
Nakipagtilian na rin sila sa karamihan. “Ang guwapo mo, Brayden!” lakas-loob na sigaw ni Scarlett dahil alam niyang sa sobrang lakas ng sigawan ay walang makakapansin o makakarinig sa kaniya.
Lalong nagwala ang mga tao sa gymnasium nang kantahin na ni Brayden ang sikat na kanta ng local bands na Parokya ni Edgar na Boys Do Falling Love. Halos mamaos na si Scarlett sa kakasigaw hanggang sa malapit ng matapos ang kanta. Doon na niya itinodo ang pagsuporta sa binata.
Pumikit si Scarlett at bumuwelo sa pagsigaw. “Ang galing mo! I LOVE YOU, Brayden! Sobrang I love You talaga!”
Hindi niya namalayang natapos na pala ang tugtog, pati na rin ang musical background kaya biglang um-echo sa buong gymnasium ang kaniyang boses. Sabay-sabay na napalingon sa puwesto nila ni Faith ang mga tao, pati na rin sina Brayden. Parang nanghina at nanginig ang mga tuhod ni Scarlett nang mapagtanto ang ginawa. Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha. Kulang na lang ay matunaw siya sa hiya. Pasalamat na lang siya at medyo madilim sa kinaroroonan nila ni Faith kaya siguradong hindi siya namukhaan ni Brayden.
Hinila ni Scarlett ang kaibigan. Dahan-dahan silang bumaba habang pilit na ngumingiti sa mga taong nakatingin sa kanila. Nang makalayo sila sa gymnasium ay saka siya mabilis na hinila ni Faith papunta sa madilim na bahagi.
Kinurot siya nito sa tagiliran, pero halatang natatawa. “Nakakahiya ka, friend! Sobrang scandalous ‘yong ginawa mo.”
Napakamot siya sa ulo. Hanggang ngayon ay namumula pa rin siya sa pagkapahiya. “Sorry na. Malay ko bang tapos na pala ang tugtog.”
Humalakhak si Faith. Mukhang naaliw sa ginawa niya. "Pero okay din ‘yong ginawa mo, ha? At least ngayon alam na ni Brayden na ikaw ‘yong stalker niya."
“Ha? Sa palagay mo kaya nakilala niya ako? Eh, medyo madilim naman doon sa puwesto natin, ah," nababahalang sabi no Scarlett. Bigla tuloy siyang kinabahan.
“I’m not sure. Pero parang," kibit-balikat na tugon ni Faith. "Basta ihanda mo na lang ang sarili mo. Feel ko na ito na ang simula ng love story n'yo..."
Napakamot siya sa tainga. “Let’s go na nga. Nakakahiya talaga 'yong ginawa ko."
“Uuwi na tayo? Hindi na natin hihintayin ang awarding?”
Nalukot ang mukha ni Scarlett. “Sa palagay mo, may mukha pa kaya akong maihaharap sa mga tao kung babalik tayo ng gymnasium?”
Tinawanan siya ng kaibigan. “Iyan kasi. 'Di bale, makikibalita na lang tayo kung sino ang nanalo. Panalo ka naman ngayong gabi, eh. Naka-step two ka na," biro sa kaniya ni Faith.
Maaga nga silang umuwi ng gabing iyon. Nanghihinayang man si Scarlett na hindi niya napanood ang awarding, wala siyang nagawa. Sobrang nahiya talaga siya sa ginawa. At saka iss pa, sigurado naman na panalo na ang grupo nina Brayden. Pero sana lang talaga ay hindi siya namukhaan ni Brayden, o kahit ng mga kakilala nito.
Laking pasalamat ni Scarlett na Friday nangyari ‘yon dahil walang pasok kinabukasan. Inaasahan niyang siguro ay nakalimutan na ng mga taga- Collegio de St. Agnes ang "pagwawala" niya, bago pa man magpasukan ulit.