Monday. Huminga muna nang malalim si Scarlett bago bumaba ng kotse. Habang naglalakad ay pinakiramdaman niya ang mga nadadaanan at nakakasalubong na mga estudyante. And thanks God! Mukhang hindi naman naaalala ng mga ito ang ginawa niya noong Friday. Or much better kung wala talagang nakakakilala sa kaniya.
Okay na sana ang lahat. Hanggang sa napadaan si Scarlett sa isang grupo ng mga estudyante nakaupo malapit sa kanilang building.
“Oy, di ba, siya ‘yong ‘I love You Girl’?” narinig niyang sabi ng isang bakla.
“Oo nga. Yuck, ha? Asa naman siya na magugustuhan siya ni Brayden sa look niyang ‘yan," pagsasang-ayon ng kasama nitong babae. Na kung makalait akala'y hindi mukhang siopao ang mukha.
“Nakakahiya!” dugtong pa ng isang babae na mukha namang goldfish.
Nilakihan na lang ni Scarlett ang mga hakbang para makaiwas. Hindi siya warfreak kaya ayaw niyang patulan ang mga ito. Sa kakamadali ng dalaga ay hindi niya napansin ang makakasalubong kaya nabunggo niya ito. Nalaglag ang mga bitbit niyang libro.
“Sorry, ha,” paghingin ni Scarlett ng sorry habang pinupulot ang mga nalaglag na gamit kaya hindi niya nakita ang mukha ng nakabanggaan.
Nagulat na lang siya nang tulungan siya nito sa pagdamot ng mga libro. Hindi sinasadyang nahawakan nito ang kaniyang kamay at doon na niya ito tinitigan. Gulat na gulat na nabitiwang muli ni Scarlett ang hawak na libro nang makilala ang kaharap.
"B-Brayden!"
Matamis na ngumiti ang binata habang nakatitig sa kaniya. "Hi. Sorry kung nabunggo kita."
Mabilis na tumayo si Scarlett at nag-ayos ng sarili, nang mapagtanto niyang nakanganga na siya sa harapan nito. “A-ako ang dapat na mag-sorry. Nagmamadali kasi ako, eh, kaya hindi kita napansin.”
“Okay lang. Nagti-text din kasi ako kaya hindi rin kita nakita.”
“S-sige. Maiwan na kita. Mali-late na kasi ako sa class," pagsisinungaling ni Scarlett, sabay talikod na halos lumipad palayo kay Brayden. Ni hindi niya ito nilingon nang tawagin siya.
Ang totoo niyan, may thirty minutes pa bago mag-start ang first subject ng dalaga. Gusto lang talaga niyang makaiwas kay Brayden. Natatakot kasi si Scarlett na baka bigla na lang siyang usisain ng binata tungkol sa nangyari noong ni Friday.
Kung nakaiwas man si Scarlett kay Brayden, hindi sa mga kaklase, at professor niya. Dahil pagpasok na lang ay tadtad na siya ng tukso.
“Okay lang ‘yon, class. Kasama talaga ‘yon sa pagdadalaga," pagtatanggol sa kaniya ng professor nila pagkatapos siya nitong tuksuhin. "And besides, hindi natin masisisi si Ms. De Asis kung mag-a-admire man siya sa kasing guwapo at hunk na 'tulad ni Brayden Navarro. Nakatulong din siguro ang pag-cheer ni Ms. De Asis kagabi kaya nanalo sila.”
Nang dahil sa sinabi ng professor ay lalo lang tuloy lumakas ang hiyawan sa klase nila. Mayroong natutuwa sa ginawa ni Scarlett, ang iba naman ay obvious na naiinis. Tumingin nal lang siya sa labas ng classroom para umiwas. Nasa first row siya kaya kitang-kita niya ang mga umakyat at bumababa sa hagdan ng building.
Biglang naumid ang dila ni Scarlett nang biglang sumulpot sa hagdanan sina Brayden at ang grupo nito. Pakiramdam niya ay biglang umikot ang kaniyang mundo nang kawayan at ngitian siya ng binata. Kumabog ang puso ni Scarlett nang sabayan pa iyon ng tuksuhan ng mga kasamahan ni Brayden. Pasimple siyang nagtakip ng notebook para itago ang pagba-blush.
Pero aminado si Scarlett na nakaramdam siya ng lungkot nang sa pagtingin niya ulit sa hagdanan ay wala na sina Brayden.
“Hoy!” muntik nang mahulog sa upuan si Scarlett sa pagkagulat nang sikuhin siya ni Faith. “Sinong sinisilip mo diyan?”
“W-wala," pagmamaang-maangan niya.
“Weh? Siguro inaabangan mong dumaan si Brayden, no?"
“Of course not!”
Pagkatapos ng klase nilang iyon ay nagpaalam sa kaniya si Faith na pumunta ng library. Hindi na ito sinamahan ni Scarlett dahil tapos na rin siyang gawin lahat ng assignments at projects nila.
Nagpasiya na lang ang dalaga na pumunta sa garden ng kanilang eskuwelahan. Subalit sadyang pinaglalaruan yata talaga siya ng tadhana. Dahil sa kakaiwas niya kay Brayden, heto at makakasalubong pa niya ang binata. Huli na para magtago siya dahil kinawayan na siya nito.
“Hi, Scarlett! Vacant time mo rin?” nakangiti na tanong nito habang sinusuklay ng mga daliri ang buhok.
Lalong nagwala ang puso ni Scarlett sa ginawang iyon ni Brayden. Feeling niya ay lalo itong naging hot sa paningin niya.
“Yap," hindi mapakaling tugon ni Scarlett pero pilit na maging normal ang boses. "Naghahanap lang ako ng puwedeng matambayan. May one hour pa kasi before ang next subject ko, eh.”
“Parehas pala tayo. Gusto mo bang mag-ice cream tayo diyan sa tapat ng school?”
Gusto niyang sunggaban ang offer ni Brayden. Chance na naman niya ito para makasama ang kaniyang loves. Pero paano kung ungkatin nito anf ginawa niya noobg Friday? Darn! Baka mag-collapse siya sa harapan ni Brayden.
“Thanks na lang, Brayden. Pero busog pa kasi ako eh," tanggi ng dalaga pero lihim siyang nanghihinayang.
“Hindi naman nakakabusog ‘yong ice cream, eh," giit ng binata. Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniyang mukha kaya lalo tuloy siyang nailang. "Masarap lang kasing magpalamig ngayon dahil sa sobrang init ng panahon.”
Parang gustong kurutin ni Scarlett ang sarili dahil sa pagkatuliro.
Umayos ka, Scarlett! Stalker ka lang pero hindi ka easy to get. Saway ng kaniyang isip.
“Kaso baka magalit ang girlfriend mo kapag nakita tayo." Nakagat niya ang ibabang labi nang marinig ang sarili. Hindi ba tunog nagseselos ang boses niya?
Pinisil ni Brayden ang kaniyang chin na ikinatalon ng puso niya.“Akong bahala.”
“Okay, sige.” Nagkunwari si Scarlett na napipilitan lang. Pero in fact, gusto na niyang hilahin papunta ng ice cream parlor si Brayden. Gusto niya itong makasalo sa pagkain ng ice cream, katulad ng pantasya niya.
Nagulat ang dalaga nang kunin ni Brayden ang kaniyang bag, at isinukbit sa balikat nito. Inagaw niya iyon pero nagmatigas ang binata kaya hindi na siya umalma pa.
Lalong nagwala ang puso ni Scarlett nang kindatan siya ni Brayden. Para siyang lumulutang sa hangin habang naglalakad sila palabas sa campus. Feeling niya ay prinsesa siya ng mga sandaling iyon. Ni hindi alintana ni Scarlett kung pinagtitinginan man sila ng bawat estudyanteng nakakasalubong nila. Na bakas sa mga mukha ang pagkainggit at pagtataka.
Paano ba siya hindi kaiinggitan kung kasama niya ngayon ang ultimate campus heartrob? Eh, isa lang naman siyang nerdy student na nakilala sa bago niyang campus title na "I Love You" girl.
Pero kiber.
Mas mahalaga kay Scarlett ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon dahil sa wakas ay natupad na ang isa sa mga pangarap niya: ang makasama si Brayden sa loob ng campus. At ayaw ni Scarlett na sirain ang moment nilang iyon.
“Naiilang ka ba?” tanong ni Brayden nang marahil ay napansing hindi siya mapakali.
“M-medyo. Kasi baka makita tayo ni Lilian.”
“Just ignore them. Inggit lang mga ‘yan kasi guwapo ang kasama mo. At maganda naman ang kasama ko.”
Uminit ang pisngi ni Scarlett dahil sa birong iyon ng binata.
Ang ipinagtataka ni Scarlett ay kung bakit parang hindi man lang nag-aalala si Brayden na baka makita sila ni Lilian. Eh, alam niyang selosa ang babaeng 'yon.
*************
“Ano nga pala ang course mo at anong year ka na?” tanong sa kaniya ni Brayden habang kumakain na sila ng ice cream. Cookies and cream ang inorder ni Scarlett at double dutch naman ang sa binata.
“Second year in Marketing. Ikaw?” Nagkunwari siyang hindi alam ang course nito para naman hindi masiyadong obvious.
“Graduating na ako sa kursong Business Administration. Mahilig ka din ba sa music?”
Tumango ang dalaga. “Kaso ayaw sa’kin ng music. Hindi maganda ang boses. Hindi rin ako marunong mag-play ng kahit anong musical instruments. Mahilig lang talaga akong makinig sa music."
“Gusto mo bang sumama minsan sa gig namin?”
Muntik nang mabulunan si Scarlett. Tumalbog yata ang puso niya, na ang bilis mag-"oo" sa tanong ni Brayden. Mabuti na lang at alerto ang isip ng dalaga. Nagpakipot muna. “Huwag na. Nakakahiya naman sa inyo at sa mga kagrupo mo."
Amused na ngumiti si Brayden
"Bakit ka naman mahihiya?”
“Ano kasi...” Sumandal siya sa upuan at nagkunwaring nag-iisip, “titingnan ko pa if may free time ako.”
Bahagyang nalungkot ang mukha ni Brayden. “Next Saturday kasi may gig kami sa Anonas. Gusto sana kitang yayain.”
Ayaw niyang makitang nalulungkot ang kaniyang loves kaya tama na ang pagpapakipot. "Are you sure na hindi nakakahiya sa mga ka-grupo mo? Hindi naman nila ako kilala, eh.”
Napansin niya ang pagguhit ng pilyong ngiti sa labi ng binata. “Kilala ka na nila. Simula nang sumigaw ka sa gymnasium, noong gabi ng battle of the bands."
Nanlaki ang mga mata ni Scarlett. Kinabahan siya. Ito na nga ba ang sinasabi niya, eh. “Hala?! Nakilala n'yo pala ako?!" Sa sinabi niyang iyon ay para na rin niyang ipinagkanulo ang sarili. Pero huli na para bawiin niya ang kaniyang sinabi.
Puno ng malisyang tumango si Brayden. Parang aliw na aliw ito sa reaksiyon niya.
“Shaks! Nakakahiya! Super!” Parang bata na tinakpan niya ang namumulang mukha.
Mas nailang si Scarlett nang marinig niya ang marahang pagtawa nu Brayden. “Bakit ka naman mahihiya? Sobrang thankful nga kami sa’yo, eh, kasi sinusupotahan mo ang band namin. Kaya bilang pasasalamat, ini-invite ka namin para maging special guest sa next show namin."
Pakiramdam ni Scarlett ay siya ang natutunaw sa hiya at hindi ang ice cream na hawak niya. Kung puwede nga lang na magtago siya sa ilalim ng lamesa para ikubli kay Brayden ang pamumula ng kaniyang pisngi, ginawa na niya kanina pa.
“Please? Kahit isang beses lang," pagsusumamo ni Brayden mang hindi pa rin siya umiimik.
Pumayag ka na! Pakipot ka pa, eh. Saka huwag ka ngang ilusyunada! Request ‘yon ng buong grupo, 'no? Hindi lang ni Brayden. kastigo sa kaniya ng isip niya.
“Sige, sama na ako," pagpayag sa wakas ni Scarlett.
Nangislap sa tuwa ang mga mata ni Brayden. Parang kulang na lang ay yakapin siya nito. “Thank you, Scarlett! Akala ko ay mabibigo akong mapasama ka.”
Basta ikaw, Brayden, hinding-hindi ka mabibigo sa'kin. Panalo ka kaya sa puso ko.
“Saan tayo magkikita n'on?" tanong ni Scarlett kapagkuwan.
“Susunduin kita sa inyo para hindi ka na magdala ng sasakyan.”
Siyempre, kinilig na naman si Scarlett. Kaya ang bilis niyang sumang-ayon. Mabilis pa sa pagpatak ng alas kuwatro na ibinigay niya kay Brayden ang address ng bahay nila sa Makati.
Nakakabinging sandali ang namayani sa pagitan nilang dalawa na animo’y pinapakiramdaman ang isa’t-isa. Hanggang sa kusa nang bumuka ang bibig ng binata.
"Bakit mo nga pala ako nagustuhan?" Nasamid si Scarlett nang diretsahan siya nitong tinanong. Kulang na lang ay mabugahan niya ito ng ice cream sa pagkagulat. Inabutan siya nito ng tubig. "Sorry... I mean bakit mo nagustuhan ang banda namin?"
Lumuwag ng kaunti ang dibdib ni Scarlett nang baguhin ni Brayden ang tanong. "G-gusto mo ba talagang malaman kung bakit?"
"Hmm... Sana." Nagkibit ito ng balikat. Walang kakurap-kurap na nakatitig sa kaniya. "Curious lang kasi ako kung bakit kami ang napili mong suportahan. Sa dami ng mga boy bands sa school natin, 'di ba?"
Kasi ikaw ang vocalist! Mabilis na sigaw ng kaniyang utak.
"Kasi bukod sa magagaling kayo, wala pa kayong bad record. Hindi katulad ng iba diyan," sa halip ay tugon ni Scarlett.
Napansin niyang natahimik si Brayden matapos marinig ang kaniyang sinabi. Para itong nadismaya. "Akala ko dahil ako ang vocalist."
Napalunok ng laway si Scarlett. Paano nito nahulaan ang iniisip niya? Obvious na ba siyamasiyado?
Iningusan niya kunwari ang lalaki. "Ikaw talaga..."
"Joke lang 'yon, ha? Baka ma-preskuhan ka na sa'kin," kaagad nitong depensa na hindi pa rin ngumingiti.
"Malapit na," biro ni Scarlett.
"Wew! I should zip my mouth na pala, bago ka pa umurong sa usapan natin."
Tumawa ang dalaga. "Mabuti pa nga," sakay niya sa biro nito. "Let's go? Baka kasi ma-late tayo sa class."
Naunang tumayo si Brayden at saka siya inalalayan sa pagtayo, na lalong nagpataba sa kaniyang puso. Hindi na rin siya tumanggi nang bitbitin nito ulit ang kaniyang bag at mga libro.
Sa mga mata ng hindi nakakilala sa kanila, ay iisiping mag-boyfriend sina Scarlett at Brayden. Nakahawak din kasi ito sa siko niya habang tumatawid sila sa kalsada. Pero nang mag-prisinta itong ihatid siya sa classroom ay tumanggi na na si Scarlett. Sobrang napapaso na siya sa presensiya nito. Para na siyang hihimatayin sa matinding kilig.
Baka lagnatin si Scarlett.
Pakiramdam niya kasi ay tumataas ang kaniyang temperature kapag magkadikit sila ni Brayden. Nahihirapan siyang i-resist ang kaguwapuhan nito.
"Kung ayaw mong magpahatid sa classroom, okay lang ba na hingin ko ang cellphone number mo?" tanong ni Brayden bago sila tuluyang naghiwalay.
Natural, nagwala na naman ang puso niya. Namalayan na lang ni Scarlett na ibinibigay kay Brayden ang mobile number niya. Nanginginig pa ang mga kamay niya.
"S-sige mauna na ako, ha," paalam niya kapagkuwan.
"Bye, Scarlett! Thanks for your time."
Ngumiti lang ang dalaga at tumalikod na. Thanks for making me kilig today, Brayden.
Hindi pa man nakakalayo ay narinig niyang tinawag siya ulit ng binata.
Pigil ang ngiting nilingon ito ni Scarlett. "Yes?"
May kinuha itong papel mula sa hawak na notebook at iniabot sa kaniya. "Naiwan mo kanina sa hallway nang magkabanggaan tayo. Nahulog yata sa book mo."
Biglang nanginig ang kaniyang mga kamay nang makita ang papel na iyon kaya nabitawan niya. Iyon ang kasama ng stationary paper na ginamit niya sa letter na pinadala niya noon sa binata.
Hindi siya puwedeng mabuko ni Brayden, lalo pa ngayon at medyo okay na sila. Kailangan niyang makaisip ng palusot.
Kumamot siya kunwari sa mukha. "Ah... Eh. Hindi kasi sa'kin 'yan, eh."
Nahihiyang napapikit si Scarlett nang mapansin niya na parang gustong matawa ni Brayden sa reaksiyon niya. "Gan'on ba? Akala ko kasi sa'yo 'yan. Sige itabi ko na lang," anito sabay pulot ng nahulog na papel.
Tumango-tango na lang si Scarlett. "Sige. Bye."
Pagkawika ay malalaki ang mga hakbang na tinalikuran niya ang binata. Hindi na niya kayang tumagal sa harapan ni Brayden. Hiyang-hiya na siya.
**********
Pagdating ni Scarlett ng classroom ay kaagad niyang binulungan si Faith. "Ang hirap pala talagang mag-pretend sa harap ng crush mo, 'no?"
"What?!" Namimilog ang mga matang bulalas ng kaibigan niya. "Don't tell me magkasama kayo kanina?"
"Exactly! Niyaya niya akong mag-ice cream. Ang tagal naming magkasama, friend."
Pabiro siyang kinurot ni Faith sa tagiliran. "Alam mo? Ikaw na! Ikaw na talaga ang pinakamasuwerteng tao sa balat ng lupa. Dahil nakuha mo ang atensiyon ng crush mo sa walang kahirap-hirap na paraan."
"Excuse me. Anong walang kahirap-hirap? Nakalimutan mo na bang reputation ko ang isinugal ko sa kaniya? Remember noong Friday?"
Siniko siya nito. "Bakit? Hindi naman niya alam na ikaw 'yon, ah."
"Alam na alam niya, friend. At ang buong grupo niya." Saka niya ikinuwento ang sinabi ni Brayden.
"OMG! This is it! This is really it! Chance mo na talaga, bruha, para mapa-sa'yo siya." Mabilis na tinakpan ni Scarlett ang bibig ni Faith.
Tumaas ang isa niyang kilay, habang malungkot ang mukha. "May girlfriend 'yong tao, eh. Ayaw ko namang maging kabit, 'no?" Ikinuwento din ni Scarlett ang pag-invite sa kaniya ni Brayden.
Tuwang-tuwa at kilig na kilig naman sa kanila si Faith. "See? Malay mo break na sila ni Lilian kaya siya nagpapapansin sa'yo. Matagal na rin kasi natin silang hindi nakikitang magkasama, di ba?"
"Oo nga, 'no? Sana nga!" At para silang mga sira na humagalpak ng tawa at sabay pang nag-apir.